Dianne's POVNAGISING ako dahil sa maingay na pagtatalo na naririnig ko sa paligid ko. Marahan kong minulat ang mga mata ko. Nabungaran ko si Daddy na sinisermunan si Eros habang pinipigilan naman siya ni Mama."Why don't you answer me? Anong nangyari sa anak ko at nandito na naman siya sa hospital!"Nakita kong diretsong nakatingin si Eros kay daddy pero wala itong imik. Ni wala rin yatang balak sumagot."It was an accidente, daddy. Walang kasalanan si Eros."Nabaling sa akin ang paningin nilang tatlo nang marinig akong magsalita."Anak, gising ka na?" Agad akong nilapitan ni Mama at hinagod sa buhok."Ano ba talagang nangyari? Anong aksidente ang sinasabi mo at bakit namamaga iyang kabilang pisngi mo!""I fell to the ground, daddy. Tumama ang pisngi ko sa gilid ng hagdan."Nilapitan ako ni Daddy nang may nagdududang tingin. "Are you lying to me, Dianne? Nagsisinungaling ka na naman para ipagtanggol iyang lalaking iyan!""No," mabilis kong sagot.Gustong pumatak ng luha mula sa mga m
Dianne's POV NAGPUNAS ako ng pawis sa noo matapos magluto nang masarap na hapunan. Nakakapagod ang gawaing bahay, pero ngayong buntis na ako, kahit anong pagod ay masaya pa rin ako.Ganito pala ang pakiramdam nang buntis. I'm not yet sure but I can feel a life growing inside my belly. Ibang klaseng saya ang nararamdaman ko. Sana ganito rin kasaya si Eros kapag nalaman na niya ang tungkol dito."Welcome home, mahal! Nagluto ako nang maraming ulam!" Kinuha ko ang briefcase na dala niya.Didiretso sana siya sa itaas, pero naglalambing ko siyang hinila papasok sa kusina. Mukhang tatanggi pa nga siya pero nang makita ang mga pagkaing nakahanda, hindi na siya umimik.Amoy pa lang, mabubusog na siya! Ganito kasarap ang mga luto ko ngayon!Excited akong naupo sa silya at pinaghandaan siya ng pagkain. And as usual, kunot-noo na naman niya akong tiningnan. Lagi na lang magkasalubong ang mga kilay!"Anong nginingiti-ngiti mo? Mukha kang tanga."Bumusangot ako sa sinabi nito. Mabuti na lang dahi
Eros' POVThe door to my office opened and the worried face of Suzette was the first thing I saw. She bit her lower lip and glanced behind her."Sir, may naghahanap sa inyo.""Sino raw?""Iyong babae kagabi, sir. Si Mariedel."Nagtaka ako sa nakikitang reaction sa mukha niya kaya kahit abala ako ay hinayaan ko nang makapasok ang tinutukoy niyang babae."Puwede na kayong pumasok, ma'am.""Sabi ko sa iyo, e! Papapasukin ako ni Eros!" Pumasok ang isang babae at walang pakialam nitong binangga sa balikat ang secretary ko.Bumaba ang paningin ko sa kabuuan niya. She's wearing a pink skirt and white tube top. Marami siyang suot na palamuti sa katawan at burgundy ang kulay ng kaniyang buhok."Hi, Eros!" She has a wide smile on face as she walked closer to my desk."Do I know you?""Hindi mo na ba ako natatandaan? Ikaw naman. I'm Thalia's best friend!""Best friend?" ulit ko habang nakatingin nang mataman sa mukha niya.She doesn't look familiar. And I'm sure that Thalia would never befriend
Dianne's POVNAPASANDAL ako sa likod ng pinto ng aming bahay matapos ko itong maisara. Kararating ko lang mula kina Tita Elena. I went there to visit her and try to get her trust, but it was hopeless.Pagod na pagod akong pumasok sa kitchen at naupo sa silyang nakaharap sa kitchen island. Kahit anong gawin kong effort, mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa akin ng mommy ni Eros. Noon, nagagawa pa niya akong kausapin kahit isang salita lang ang sinasabi niya. Pero ngayon, ni pansinin ako ay hindi nito magawa.Pumatak ang isang luha sa pisngi ko nang hindi ko namamalayan. Why does it have to be this hard? Galit na nga sa akin si Eros, pati ba naman ang mommy niya, ayaw rin sa akin?Is this my karma? Sa dami ng maling nangyari sa buhay ko, ni hindi ko na alam kung aling kasalanan ang karma kong ito. Sa kasalanang nagawa ko kay Thalia, o sa kasalanang ginawa ni Mommy kay mama?Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at pinilit kong kalimutan ang lahat. I shouldn't be thinking about that
Dianne's POVNAKANGITI ako habang pinapanood mag-usap sina Tita Elena at ang guest niya na kaklase raw niya noong highschool. Nandito uli ako dahil hindi pa rin ako sumusuko sa pagsubok na kunin ang loob niya.Lahat ng dinadala ng maid, ako ang naglalagay sa ibabaw ng coffee table nila sa malawak na garden kung nasaan kami. Kahit papaano, masaya ako dahil ipinakilala ako ni Tita Elena na asawa ni Eros sa dati niyang kaklase."Oh, paano, Elena? I'll go ahead, okay?""Sure. Take care of yourself, Lilia! It was nice talking to you.""Basta kung nandito ka sa Pilipinas, tawagan mo ako. We need to catch up. Nami-miss ka na ng batch natin!"Nagtawanan ang mga ito bago nakipagbeso sa isa't isa. Tumayo na rin ako matapos tawagin ni Tita ang katulong para ihatid ang guest nito."Ingat po kayo," nakangiti kong paalam."Thank you, hija."Tumingin ako kay Tita Elena nang maiwan kaming dalawa. Napansin kong tatawagin sana nito ang katulong para magligpit ng mga tasa, kaya nagpresinta agad ako."Ak
Dianne's POVMABILIS kong tinuyo ang mga luha sa pisngi ko at galit na pumasok sa loob ng kuwarto. Wala akong inaksayang oras. Bumulusok ang dugo ko sa ulo kaya marahas kong hinila sa buhok si Mariedel."Hayop kang kabit ka! Walang hiya ka! Puta!" Buong lakas ko siyang kinaladkad pababa ng kama kahit nakahubo't hubad pa rin siya. "Halika rito!"Malakas siyang tumitili dahilan para magising si Eros. Natigilan ito nang makita ang eksena."Aray! Bitiwan mo ako! Eros, help!"Dalawang kamay ko ang nakasabunot ngayon sa buhok niya. Nagdilim na ang paningin ko kaya wala na akong pakialam kahit nakahubad pa rin siya."Dianne, stop it!" sigaw ni Eros habang nagsusuot ito ng damit.Sinusubukan kumawala ni Mariedel sa mahigpit na sabunot ko sa kaniya. Nagawa na niyang kalmutin ang mga kamay ko pero ako bumitiw at mas lalo pang pinanggigilan ang buhok nito."Aray! Masakit! Idedemanda kita! Ipakukulong—ahh!""Malandi kang hayop ka! Makati ka!" buong lakas kong sigaw sa tainga nito.Nang makalabas
Dianne's POVNARINIG ko ang mga yapak ni Eros paakyat sa hagdan. Dumating na pala ang magaling kong asawa. Ilang segundo lang ay nakapasok na siya sa kuwarto namin at naabutan akong nagsisilid ng mga damit sa bag."What are you doing? Bakit nag-iimpake ka?" Nahimigan ko ng pagtataka ang boses niya."Huwag kang magsaya. Lilipat lang ako sa kabilang kuwarto.""Lilipat?" ulit niya sa sinabi ko.Nag-angat ako ng paningin at nakita siyang salubong ang mga kilay."You don't actually expect me to sleep here after what happened, don't you?"Nagpakawala siya ng hangin na parang nauubusan ng pasensya. Dito siya magaling, e. Ang maggalit-galitan para baliktarin ang sitwasyon. Siya na ang may nagawang kasalanan, pero parang ako pa ang nakagawa ng pagkakamali."Hindi n'yo ba puwedeng gawin ang kababuyan n'yo sa kusina? O kaya sa living room? O sa garden? Bakit kailangan sa kuwarto pa natin!""I was drunk!" galit niyang tugon na ikinatawa ko."Drunk? Kahit naman hindi ka lasing, ginagawa mo pa rin
Dianne's POV "Honey, s-saan ka pupunta? Honey, come back! Eros!"Rinig na rinig ko pa rin ang mga sigaw ni Mariedel mula sa loob ng resort, hanggang sa makapunta kami sa parking lot kung nasaan ang kotse ko."Ibaba mo ako," utos ko kay Eros na hindi niya pinansin.Nagpumiglas ako pero lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Binalingan ko siya gamit ang matatalim na mga mata."Sabing ibaba mo ako! Wala nang nakakanood kaya puwede ka nang tumigil sa pagpapanggap mo!"Sandali niya akong sinulyapan pero ibinalik din ang paningin sa daan. Binuksan niya ang passenger's seat nang makalapit kami sa sasakyan ko, saka ako maingat na ipinasok sa loob.Pumasok naman siya sa driver's seat at naupo. He took out his cellphone and called someone. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig."Mariedel is at Green Nature Resort. Sunduin mo at ihatid pauwi."Mahina akong tumawa na parang hindi makapaniwala. The nerve of this man. Harap-harapan pa talaga kung saan naririnig ko ang lahat."What are