Dianne's POVILANG beses na akong nakatulog at nagising, pero nasa loob pa rin ng kuwarto si Eros. Nakaupo ito sa malaking sofa na nasa tabi ng valcony at natutulog.Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. He's really here. Nakabantay ba talaga siya sa akin? Akala ko kasi, kahit takutin pa siya ni Daddy, aalis pa rin siya for work.Gusto ko sanang tumayo para lapitan siya. Gusto kong maramdaman ang pisngi niya sa palad ko. Sinubukan kong bumangon, pero nanghihina pa rin ang katawan ko. Nagkasya na lang tuloy ako sa pagtitig sa kaniya.Sa pangalawang araw na nagising ako, paulit-ulit na pinagtatapik ni Eros ang pisngi ko. Wala man lang pag-ingat. Pero natuwa ako nang makitang nakahanda na ang tray ng mga pagkain sa harap ko."I-ikaw ba ang nagluto nito?"Nakangiti kong tiningnan isa-isa ang mga niluto niya. Bacon, toast bread with butter, pancakes and blueberries. "Bakit may nakikita ka bang katulong sa pamamahay na ito? Ang hina ng utak."Sumimangot ako sa narinig. Parang
Dianne's POVNAGISING ako dahil sa maingay na pagtatalo na naririnig ko sa paligid ko. Marahan kong minulat ang mga mata ko. Nabungaran ko si Daddy na sinisermunan si Eros habang pinipigilan naman siya ni Mama."Why don't you answer me? Anong nangyari sa anak ko at nandito na naman siya sa hospital!"Nakita kong diretsong nakatingin si Eros kay daddy pero wala itong imik. Ni wala rin yatang balak sumagot."It was an accidente, daddy. Walang kasalanan si Eros."Nabaling sa akin ang paningin nilang tatlo nang marinig akong magsalita."Anak, gising ka na?" Agad akong nilapitan ni Mama at hinagod sa buhok."Ano ba talagang nangyari? Anong aksidente ang sinasabi mo at bakit namamaga iyang kabilang pisngi mo!""I fell to the ground, daddy. Tumama ang pisngi ko sa gilid ng hagdan."Nilapitan ako ni Daddy nang may nagdududang tingin. "Are you lying to me, Dianne? Nagsisinungaling ka na naman para ipagtanggol iyang lalaking iyan!""No," mabilis kong sagot.Gustong pumatak ng luha mula sa mga m
Dianne's POV NAGPUNAS ako ng pawis sa noo matapos magluto nang masarap na hapunan. Nakakapagod ang gawaing bahay, pero ngayong buntis na ako, kahit anong pagod ay masaya pa rin ako.Ganito pala ang pakiramdam nang buntis. I'm not yet sure but I can feel a life growing inside my belly. Ibang klaseng saya ang nararamdaman ko. Sana ganito rin kasaya si Eros kapag nalaman na niya ang tungkol dito."Welcome home, mahal! Nagluto ako nang maraming ulam!" Kinuha ko ang briefcase na dala niya.Didiretso sana siya sa itaas, pero naglalambing ko siyang hinila papasok sa kusina. Mukhang tatanggi pa nga siya pero nang makita ang mga pagkaing nakahanda, hindi na siya umimik.Amoy pa lang, mabubusog na siya! Ganito kasarap ang mga luto ko ngayon!Excited akong naupo sa silya at pinaghandaan siya ng pagkain. And as usual, kunot-noo na naman niya akong tiningnan. Lagi na lang magkasalubong ang mga kilay!"Anong nginingiti-ngiti mo? Mukha kang tanga."Bumusangot ako sa sinabi nito. Mabuti na lang dahi
Eros' POVThe door to my office opened and the worried face of Suzette was the first thing I saw. She bit her lower lip and glanced behind her."Sir, may naghahanap sa inyo.""Sino raw?""Iyong babae kagabi, sir. Si Mariedel."Nagtaka ako sa nakikitang reaction sa mukha niya kaya kahit abala ako ay hinayaan ko nang makapasok ang tinutukoy niyang babae."Puwede na kayong pumasok, ma'am.""Sabi ko sa iyo, e! Papapasukin ako ni Eros!" Pumasok ang isang babae at walang pakialam nitong binangga sa balikat ang secretary ko.Bumaba ang paningin ko sa kabuuan niya. She's wearing a pink skirt and white tube top. Marami siyang suot na palamuti sa katawan at burgundy ang kulay ng kaniyang buhok."Hi, Eros!" She has a wide smile on face as she walked closer to my desk."Do I know you?""Hindi mo na ba ako natatandaan? Ikaw naman. I'm Thalia's best friend!""Best friend?" ulit ko habang nakatingin nang mataman sa mukha niya.She doesn't look familiar. And I'm sure that Thalia would never befriend
Dianne's POVNAPASANDAL ako sa likod ng pinto ng aming bahay matapos ko itong maisara. Kararating ko lang mula kina Tita Elena. I went there to visit her and try to get her trust, but it was hopeless.Pagod na pagod akong pumasok sa kitchen at naupo sa silyang nakaharap sa kitchen island. Kahit anong gawin kong effort, mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa akin ng mommy ni Eros. Noon, nagagawa pa niya akong kausapin kahit isang salita lang ang sinasabi niya. Pero ngayon, ni pansinin ako ay hindi nito magawa.Pumatak ang isang luha sa pisngi ko nang hindi ko namamalayan. Why does it have to be this hard? Galit na nga sa akin si Eros, pati ba naman ang mommy niya, ayaw rin sa akin?Is this my karma? Sa dami ng maling nangyari sa buhay ko, ni hindi ko na alam kung aling kasalanan ang karma kong ito. Sa kasalanang nagawa ko kay Thalia, o sa kasalanang ginawa ni Mommy kay mama?Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at pinilit kong kalimutan ang lahat. I shouldn't be thinking about that
Dianne's POVNAKANGITI ako habang pinapanood mag-usap sina Tita Elena at ang guest niya na kaklase raw niya noong highschool. Nandito uli ako dahil hindi pa rin ako sumusuko sa pagsubok na kunin ang loob niya.Lahat ng dinadala ng maid, ako ang naglalagay sa ibabaw ng coffee table nila sa malawak na garden kung nasaan kami. Kahit papaano, masaya ako dahil ipinakilala ako ni Tita Elena na asawa ni Eros sa dati niyang kaklase."Oh, paano, Elena? I'll go ahead, okay?""Sure. Take care of yourself, Lilia! It was nice talking to you.""Basta kung nandito ka sa Pilipinas, tawagan mo ako. We need to catch up. Nami-miss ka na ng batch natin!"Nagtawanan ang mga ito bago nakipagbeso sa isa't isa. Tumayo na rin ako matapos tawagin ni Tita ang katulong para ihatid ang guest nito."Ingat po kayo," nakangiti kong paalam."Thank you, hija."Tumingin ako kay Tita Elena nang maiwan kaming dalawa. Napansin kong tatawagin sana nito ang katulong para magligpit ng mga tasa, kaya nagpresinta agad ako."Ak
Dianne's POVMABILIS kong tinuyo ang mga luha sa pisngi ko at galit na pumasok sa loob ng kuwarto. Wala akong inaksayang oras. Bumulusok ang dugo ko sa ulo kaya marahas kong hinila sa buhok si Mariedel."Hayop kang kabit ka! Walang hiya ka! Puta!" Buong lakas ko siyang kinaladkad pababa ng kama kahit nakahubo't hubad pa rin siya. "Halika rito!"Malakas siyang tumitili dahilan para magising si Eros. Natigilan ito nang makita ang eksena."Aray! Bitiwan mo ako! Eros, help!"Dalawang kamay ko ang nakasabunot ngayon sa buhok niya. Nagdilim na ang paningin ko kaya wala na akong pakialam kahit nakahubad pa rin siya."Dianne, stop it!" sigaw ni Eros habang nagsusuot ito ng damit.Sinusubukan kumawala ni Mariedel sa mahigpit na sabunot ko sa kaniya. Nagawa na niyang kalmutin ang mga kamay ko pero ako bumitiw at mas lalo pang pinanggigilan ang buhok nito."Aray! Masakit! Idedemanda kita! Ipakukulong—ahh!""Malandi kang hayop ka! Makati ka!" buong lakas kong sigaw sa tainga nito.Nang makalabas
Dianne's POVNARINIG ko ang mga yapak ni Eros paakyat sa hagdan. Dumating na pala ang magaling kong asawa. Ilang segundo lang ay nakapasok na siya sa kuwarto namin at naabutan akong nagsisilid ng mga damit sa bag."What are you doing? Bakit nag-iimpake ka?" Nahimigan ko ng pagtataka ang boses niya."Huwag kang magsaya. Lilipat lang ako sa kabilang kuwarto.""Lilipat?" ulit niya sa sinabi ko.Nag-angat ako ng paningin at nakita siyang salubong ang mga kilay."You don't actually expect me to sleep here after what happened, don't you?"Nagpakawala siya ng hangin na parang nauubusan ng pasensya. Dito siya magaling, e. Ang maggalit-galitan para baliktarin ang sitwasyon. Siya na ang may nagawang kasalanan, pero parang ako pa ang nakagawa ng pagkakamali."Hindi n'yo ba puwedeng gawin ang kababuyan n'yo sa kusina? O kaya sa living room? O sa garden? Bakit kailangan sa kuwarto pa natin!""I was drunk!" galit niyang tugon na ikinatawa ko."Drunk? Kahit naman hindi ka lasing, ginagawa mo pa rin
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin