Dianne's POVHINDI ko maimulat ang mga mata ko habang nakahiga sa sahig ng kuwarto ni Matthias. Agad siyang lumabas matapos akong paulit-ulit na suntukin sa mukha.Nananakit ang buong katawan ko—lalo na ang aking mukha. Ni hindi ko na maramdaman ang magkabila kong pisngi. Kahit ang imulat ang mga mata ay nahihirapan akong gawin.Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko sa kamay, pero hirap na hirap na rin ako. Parang naparalismo ang katawan ko dahil sa pagkakabugbog sa akin.Ang pagkahulog at pagkabasag ng mga plato sa sahig at maging ang matinis na sigaw ni Linda ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.***Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang namamanhid o nananakit ang buong mukha ko, basta ang alam ko lang, ilang araw akong nawalan ng malay."Ma'am Dianne! Salamat naman sa Diyos at gising ka na, ma'am!" Mabilis akong nilapitan ni Linda kaya marahan akong napatingin sa kan
Dianne's POVNAGPAIWAN si Linda sa hospital habang ako ay dinala ni Eros sa condo kung saan kami madalas magkita. Pagdating doon ay nanghihina siyang napaupo sa tabi ko. Hawak niya nang mahigpit ang aking kamay."What happened?"Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso. Nahihiya ako sa mukha ko ngayon. Siguradong napakapangit ko. Kahit anong pilit ko kanina, hindi na magawang takpan ng makeup ang mga pasa sa mukha ko dahil sa lala ng tinamo kong pambubugbog mula kay Matthias.Nakalaya nga ako kay Eros, pero heto't binubugbog pa rin ako ng ibang lalaki. Siguro nga, ito talaga ang kapalaran ko."Sinabi ko nang sumama ka na sa akin, di ba? God, Dianne."Napatingin ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Awang-awa siya.Marahan niyang hinawakan ang pisngi kong puno ng pasa. Tuluyang umagos ang luha mula sa mata niya.I inhaled a deep breath. Sumama ako rito hindi para makipagkumustahan o makipag-usap kay Eros. I came here to finis
Dianne's POV NAKANGITI ako habang sinusubuan si Eros ng niluto kong gisadong bihon. Sinigurado kong marami itong atay at gulay na sahog. Pagkauwi namin mula sa hospital ay sandali lang kaming nagpahinga. Tulog pa siya nang umalis ako kanina para mamili ng mga ingredients na gagamitin ko sa pagluluto. Pagbalik ko ay sakto naman na nagising siya. "It's been two years since the last time I cook. Baka hindi na masarap ang luto ko, mahal?" Kinakain na niya ngayon ang bihon ko. Napapatango-tango pa siya pero parang napipilitan lang ang mukha. "Medyo... maalat?" Nagulat ako sa narinig. "Maalat? Talaga?" Bigla naman siyanf natawa. "Masarap," he said and then pulled me to him to give me a soft kiss on the lips. "Lahat ng luto mo, masarap." "Totoo?" Nakangiti ko siyang hinampas nang mahina sa braso. Pinagsaluhan namin ang niluto kong mga pagkain sa loob ng maliit na kitchen. We started talking about random things while eating, kahit ano lang basta may mapag-usapan kami. Katulad noong bu
Dianne's POV"Titigil ka ba o pasasabugin ko ang ulo nito!" Kinasa ni Matthias ang baril na hawak niya.Mabilis na tumigil sa pakikipagsuntukan si Eros. Agad itong napatingin sa akin.Marahan akong umiling. "Eros, umalis ka na... ""Umalis?" Malakas na tumawa si Matthias. "Remember what I told you? Papatayin ko ang lalaking iyan oras na iniputan mo ako sa ulo!""No! Matthias, please, don't!"Mula sa akin ay galit itong humarap kay Eros. "Subukan mong lumaban, papatayin ko ang babaeng ito.""Hayop ka! Huwag mo idamay si Dianne dito!""Idamay? Siya ang gumawa ng gulong ito—sa kaniya nag-umpisa! Kung ano man ang mangyari sa iyo, kasalanan niya iyon! Bugbugin n'yo iyan!""Huwag!" halos maubusan ako ng boses sa malakas na pagsigaw.Limang lalaki ang nagtulong-tulong para bugbugin si Eros. Hindi nila ito tinigilan kahit duguan na itong bumagsak sa sahig at hindi na gumagalaw."Please! Pigilan mo sila!" Humarap ako kay Matthias at nagmakaawa. Lumuhod ako sa paanan niya, kulang na lang ay hal
Dianne's POVNAGISING ako dahil sa mahihinang katok sa pinto. Bumukas iyon at bumungad sa akin si Manang, ang isa sa mga katulong ni Matthias na nagagawa kong bayaran para ipagawa ang mga gusto ko."Nakaalis na po si Sir Matthias, ma'am," pabulong niyang sabi."Paano ang mga camera?""Nakapatay na rin po ang lahat ng surveillance camera sa buong mansion. Mayroon po kayong bente minutos bago magkaroon ng security check iyong kanang-kamay ni Sir na si Jeric."Huminga ako nang malalim sa mga narinig. Inabot ko sa kaniya ang sobre na may malaking halaga sa loob. "Maraming salamat, manang."Nakatango naman niyang inabot sa akin ang ilang susi at isang maliit na glass bottle na may lamang likido sa loob. Pagkatapos niyang lumabas ng kuwarto ko ay agad akong naghanda sa gagawin.It's been a week since Matthias caught me and Eros having sex in his unit. Simula noon ay hindi na niya ako pinalabas ng kuwarto ko. Kinuha niya rin ang cellphone ko at binasag ito sa mismong harap ko.Sa makalawa ay
Dianne's POVHUMINGA ako nang malalim matapos magluto ng mga ulam para kay Matthias. Lahat nang ito ay sinarapan ko. Nagdobleng effort ako para sa kaniya... para sa kamatayan niya.Isa-isa kong nilagyan ng lason mula sa boteng ibinigay sa akin ni Manang ang mga ulam. Pati ang tinimpla kong lemon juice ay hindi ko pinalagpas. Binuhos ko rito ang natitirang laman ng bote ng lason.Kung hindi ko makukuha ang mga ebidensyang kailangan ko at hindi madadaan ang lahat sa legal na paraan, pwes, papatay ako. Wala na akong pakialam sa mangyayari sa akin, basta mapatay ko lang si Matthias.Nang dumating ang gabi, natigilan si Matthias nang makita ako sa loob ng kusina. Mula sa mukha ko ay lumipat ang paningin nito sa mga pagkain sa lamesa."Anong ibig sabihin nito?" He walked closer to the table. "Paano ka nakalabas ng silid mo?""Nakiusap ako kay manang. Gusto kong ipagluto ka."Natawa siya sa narinig. "Pagkatapos ng mga nangyari, gusto mo akong ipagluto? Why?""Gusto kong makipag-ayos.""O bak
Eros' POVMULA nang magising ako ay ilang beses ko nang sinubukang bumangon, pero paulit-ulit naman akong pinipigilan ni Mommy. Hindi ito nagsasalita ngunit masama ang tingin sa akin at panay buga ng hangin."Mom, I said I'm fine. Please, calm down.""How can you tell me to calm down after what happened! Nadatnan kitang duguan sa unit mo at halos wala nang buhay!""But I'm still alive," namamaos ang boses na sabi ko sa pabulong na paraan.Malakas niyang hinampas ang gilid ng kamang kinahihigaan ko."Hindi ako papayag na ako ang maglilibing sa iyo! Kahit anong mangyari, ako ang ililibing mo! Ako ang mauunang mawala! Hindi ikaw!"Pumikit ako at marahang nagbuga ng hangin. "Mom, please, let me go.""Hindi ka ba talaga marunong makinig sa akin? Tatlong araw kang na-coma dahil sa malakas na pagkakaumpog ng ulo mo! At ngayon na kagigising mo lang, gusto mo na naman puntahan si Dianne!""She needs me.""Oh God! Eros naman! Maawa ka sa sarili mo, anak. Kapag hindi ka lumayo sa dalawang iyon,
Dianne's POVNAPANSIN kong nawalan ng kulay ang mukha ni Eros matapos ng mga sinabi ko. Bigla siyang bumagsak sa daan."Eros!"Napaluhod ako sa semento sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko napigilan ang muling pag-agos ng mga luha sa pisngi ko.Kung hindi dahil sa kagustuhang mabigyang hustisya ang aking anak, mas gugustuhin kong magpakalayo na lang at kalimutan ang lahat.Pero nang umalis ako sa bansa dalawang taon na ang nakararaan, nakatanggap ako ng envelope na may lamang sulat, audio tape at mga litrato. Kuha ang mga litratong iyon sa isang tagong lugar kung saan makikitang nag-uusap sina Mariedel at Matthias. Huli rin sa picture ang pag-abot ni Matthias nang makapal na envelope kay Mariedel.Nakalahad naman sa sulat ang dahilan ng pagkikita nila—ang pag-utos nito na akitin si Eros para maging kabit nito. Sa audio tape ay may maririnig na dalawang boses na nag-uusap. Sina Mariedel at Matthias. Narinig ko ang lahat—kung paano inutusan ni Matthias si Mariedel na gum