Eros' POVMULA nang magising ako ay ilang beses ko nang sinubukang bumangon, pero paulit-ulit naman akong pinipigilan ni Mommy. Hindi ito nagsasalita ngunit masama ang tingin sa akin at panay buga ng hangin."Mom, I said I'm fine. Please, calm down.""How can you tell me to calm down after what happened! Nadatnan kitang duguan sa unit mo at halos wala nang buhay!""But I'm still alive," namamaos ang boses na sabi ko sa pabulong na paraan.Malakas niyang hinampas ang gilid ng kamang kinahihigaan ko."Hindi ako papayag na ako ang maglilibing sa iyo! Kahit anong mangyari, ako ang ililibing mo! Ako ang mauunang mawala! Hindi ikaw!"Pumikit ako at marahang nagbuga ng hangin. "Mom, please, let me go.""Hindi ka ba talaga marunong makinig sa akin? Tatlong araw kang na-coma dahil sa malakas na pagkakaumpog ng ulo mo! At ngayon na kagigising mo lang, gusto mo na naman puntahan si Dianne!""She needs me.""Oh God! Eros naman! Maawa ka sa sarili mo, anak. Kapag hindi ka lumayo sa dalawang iyon,
Dianne's POVNAPANSIN kong nawalan ng kulay ang mukha ni Eros matapos ng mga sinabi ko. Bigla siyang bumagsak sa daan."Eros!"Napaluhod ako sa semento sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko napigilan ang muling pag-agos ng mga luha sa pisngi ko.Kung hindi dahil sa kagustuhang mabigyang hustisya ang aking anak, mas gugustuhin kong magpakalayo na lang at kalimutan ang lahat.Pero nang umalis ako sa bansa dalawang taon na ang nakararaan, nakatanggap ako ng envelope na may lamang sulat, audio tape at mga litrato. Kuha ang mga litratong iyon sa isang tagong lugar kung saan makikitang nag-uusap sina Mariedel at Matthias. Huli rin sa picture ang pag-abot ni Matthias nang makapal na envelope kay Mariedel.Nakalahad naman sa sulat ang dahilan ng pagkikita nila—ang pag-utos nito na akitin si Eros para maging kabit nito. Sa audio tape ay may maririnig na dalawang boses na nag-uusap. Sina Mariedel at Matthias. Narinig ko ang lahat—kung paano inutusan ni Matthias si Mariedel na gum
Dianne's POVNAGISING akong nakahandusay sa malamig na sahig. Pagmulat ko ng mga mata, si Matthias ang unang bumungad sa akin.Pabalikwas akong bumangon pero mabilis ding napapikit nang maramdaman ang pananakit sa likod ng ulo ko. Nasapo ko ito at nakita ang kaunting dugo sa palad ko."You're awake," malalim ang boses na sabi niya.Nakaupo siya sa rocking chair, may sigarilyo sa pagitan ng mga labi at may hawak na baso ng alak."Nasaan ako?" Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Saka ko lang napansin na nasa malaking living room ako ng vacation house nito sa isla niya."Nasaan ang mga kayamanan ko?"Natuon uli kay Matthias ang paningin ko dahil sa tanong niyang iyon."Gusto mong mabawi ang kayamanan mo? Nasa impyerno, doon mo kunin!"Tumayo siya bigla at mabilis akong nilapitan. Lumipad ang palad niya sa pisngi ko. Napaluha ako sa sakit ng pagkakasampal niya sa akin. Pakiramdam ko, namamanhid na ang mukha ko sa paulit-ulit na sampal na nakukuha ko.Hinawakan niya ako sa baba at pilit
Eros' POVINALIS ko ang bandage na nakapulupot sa ulo ko at tinapon ito sa lupa. Maliit lang naman ang natamo kong sugat mula sa aksidente kaya nagdesisyon akong sumama sa paghahanap kay Dianne.Ngayon ay nandito kami sa isla na pag-aari ni Matthias. Ang mismong isla kung saan ginanap ang welcome party para dito."Kumusta?" I asked Axel as he approached me. Kagagaling lang niya sa loob ng malaking bahay."Tama ka nga. Wala na rito sina Matthias at Dianne, pero may natagpuan kaming katawan sa loob.""Katawan?""Base sa natamo nitong bala, mukhang wala pang isang oras mula nang mamatay ito. Matandang babae. Sa palagay ko'y nasa early 60's ang edad.""Si Aling Lusing.""Kilala mo?"Tumango lang ako. Naiiling ako sa sinapit ng matandang caretaker. Mukhang tinulungan nito si Dianne kaya pinatay ito ni Matthias.Inutusan ni Joseph ang mga tao nito na libutin ang paligid. Habang pinanonood kong kumalat ang mga tao nito ay mas lumalip sa akin si Axel."Mukhang hindi na maganda ang lagay mo. B
Dianne's POVMARIIN akong pumikit nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Buong akala ko ay ito na ang katapusan namin ni Eros, pero natigilan ako nang sa pagmulat ko ng mga mata, maayos at walang nangyari sa amin.Umawang ang mga labi ko nang makita ang maraming tama ng bala sa katawan ni Matthias. Bumulwak ang dugo mula sa bibig nito bago ito napaluhod sa lupa.Nangilid ang mga luha sa pisngi ko nang makita ang taong bumaril dito. Si Linda.Matthias tried to turned around to see the person who shot him, pero hindi pa siya nakakalingon ay muli siyang binaril ni Linda. Sa pagkakataong ito, sa ulo siya mismo tinamaan.Nang bumagsak si Matthias sa lupa ay bumagsak din si Linda sa mga tuhod nito. Umiiyak ito at humahagulhol. Napatakip ako ng bibig nang maisip na baka nakita na nito ang nangyari sa bahay—sa kaniyang ina."Linda."Bumaling ako kay Eros pero malakas akong napasinghap nang bumagsak ito at napaluhod sa lupa."Eros!" Nanginginig ang mga kamay niya nang mahawakan ko it
Eros' POVILANG buwan na ang lumilipas mula nang makalabas ako ng hospital. Ilang buwan ko na ring pinaghahanap si Dianne, but I couldn't find her no matter where I go. I even went to Greece to look for her, but she wasn't there.For the past 8 months, wala akong ginawa kundi hanapin siya at magmakaawa sa mga magulang niya—even to Thalia—sabihin lang nila sa akin kung nasaan ito, pero pinili nilang itikom ang kanilang bibig.Halos mabaliw ako kakahanap kay Dianne. The only thing that keeps me sane, ang pangako ko sa anak namin. Kapag hindi ko siya hinahanap, wala akong ibang ginagawa kundi maglasing, manatili sa libingan ni Strawberry at titigan isa-isa ang mga larawan namin dalawa.Nakangiti akong umiiyak habang hawak ang cellphone ko. Nakatingin ako sa picture niya na kinunan ko noon habang kumakain kami sa unit after we had sex. Ito iyong mga oras na nagtatago kami kay Matthias at panakaw na sandali lang ang pinagsasaluhan namin."You promised me." Pinahid ko ang mga luha sa pisngi
Eros' POV "Hindi pa rin nahahanap ang katawan niya hanggang ngayon." Matagal akong natigilan matapos marinig ang huling sinabi nito. Para bang biglang umikot ang mundo ko at naging matulin ang takbo ng paligid. "Axel, Dianne was fine... she was fine before I passed out. What are you talking about? Stop saying nonsense things!" "When you lost consciousness that day, dumating si Jeric at nagpaputok ng baril kung saan-saang direksyon. Maraming tinamaan ng bala nang araw na iyon. Linda was also shot and got killed. Nabaril din si Dylan. Nang tangkain kang protektahan ni Dianne, nahulog siya sa bangin." "Bangin? P-paano... then where the hell is she? Where is my wife?" Sandali siyang natahimik bago umiling. I shook my head. God, please, no. "Timothy jump off the cliff to save her, pero sa lakas ng alon noong araw na iyon, kamuntikan din siyang malunod. Kaagad namin hinanap si Dianne. We did everything we can to find her—" "And?" "Until now, nawawala pa rin ang katawan niya." "Kata
Dianne's POV8 months. Walong buwan na ang nakalilipas mula nang mahulog ako sa bangin at tinangay ng alon palayo sa mga taong mahal ko.Buong akala ko, hindi na ako magigising pa. But 5 months later, nagising ako sa isang barung-barong na bahay na malapit sa dalampasigan.Matandang mag-asawa ang nakapulot sa akin na palutang-lutang sa dagat. Wala akong malay pero humihinga pa rin ako kaya nagdesisyon silang dalhin ako sa hospital.After I woke up, nawalan ako ng kakayahang makaalala. Panandaliang pagkawala ng memorya ang nangyari sa akin. A month later, I regained back my memories.Nanatili ako sa isla dahil hindi ko alam kung paano pa babalik sa dati kong buhay. I love the peace of mind that I'm getting while living here. Hindi ko alam kung nasanay na lang talaga ang puso ko sa katahimikan o baka natatakot lang akong bumalik sa dati. Sa maingay at magulong paligid.Punong-puno ng problema ang dati kong buhay. Mailap sa akin ang kasiyahan. Kaya nagdesisyon akong manatili na lamang di