Nakaramdam ako ng panlulumo at panghihinayang. Ang lahat ng lakas ng loob ko kanina ay biglang naglaho.
Naaawa ako kay Zarrie dahil malabo ng matupad ko pa ang pangako ko sa kaniya na makikita niya ang papa niya.
Bakit ko ba kasi nakalimutan na ikakasal na nga pala si Sean, ang tanga-tanga mo Zaffira! Darn!
Pagkatapos sabihin ni Brianne ang mga gusto niyang gawin namin para bukas ay agad na siyang umalis. Kinausap kami ng hotel manager at sinabi ang bawat gawain namin.
Agad kong tinawagan si Lav nang bigyan kami ng 5 mins bago kami magsimula ng overtime work.
"Hello, Lav."
[Hey, Zaffi! Nasaan ka na?"]
"Nandito pa ako sa Hotel, eh. Kailangan naming mag-overtime." Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga.
[Ganoon ba? Sige, ako na bahala kay Zarrie. Nandito rin kasi si Mommy.]
"Hindi naman ba makulit si Zarrie diyan?" nag-aalalang tanong ko.
[Nope, enjoy na enjoy pa nga si Mommy na kalaro ang anak mo, haha! Daanan mo na lang siya dito mamaya.]
"Thank you so much, Lav! Sige, mamaya na lang. Marami rin akong ikukwento sa'yo."
[Okay! Bye, babe! I love you. yiehh!]
"Pfft! I love you too. See you later." Binaba ko na ang tawag. Napa-iling na lang ako at natawa. We're so childish.
Nawala ang ngiti ko nang maalala ang mga gawain ko, pumunta na ako sa Front desk. Nagsimula na akong mag-cancel ng mga bookings dahil isasarado ang hotel para sa mga public guest bukas. Tanging ang mga imbitadong guest at ang pamilya lang nila Ma'am Brianne ang pwedeng makapasok.
"Sa wakas ng Bocaue! Natapos din, jusme!" Nag-iinat na sabi ni Marga nang matapos lahat ng gawain namin.
Sinimulan kong iligpit ang mga gamit ko at napatingin ako sa Hotel wall clock. Pasado alas-nuwebe na ng gabi at sigurado akong tulog na si Zarrie.
"Allyson, dala mo ba Sedan mo?" tanong ni Louise at tumango ako. "Pwedeng pasabay ako? Diyan lang naman ako crossing bababa," nahihiyang dagdag niya.
"Sure! Ikaw pa, malakas ka kaya sa 'kin," natatawang sagot ko at agad naman siyang ngumiti.
"Thank you!"
"Hoy! Bakit siya lang? Ang daya mo Allyson." Humawak si Marga sa d****b niya at umarte ng nasasaktan kaya tinawanan namin siya ni Louise.
"Oo na, sumabay ka na rin," natatawang sabi ko kaya agad na lumiwanag ang mukha niya, pfft. Hindi lang pala kami ni Lav ang childish, si Marga rin pala.
Kagaya ng napag-usapan ay sa crossing ko ibinaba si Louise samantalang sumabay na rin sa pagbaba niya si Marga, malapit lang daw kasi ang apartment na tinitirahan niya sa bahay ni Louise.
Kinain ako ng katahimikan habang nagda-drive papunta sa condo ni Lav. Iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag kay Zarrie na hindi niya na pwedeng makita pa ang papa niya. Sobra akong nakokonsensya dahil parang pinaasa ko lang sa wala ang anak ko.
Bumuntong hininga muna ako bago bumaba ng kotse at nagsimulang maglakad papunta sa condo building. Nag-chat ako kay Lav na paakyat na ako, nasa 7th floor ang condo unit niya kaya sumakay na ako sa elevator.
"Good evening, Lav. Tulog na si Zarrie?" bungad ko sa kaniya pagkabukas niya ng pinto.
"Yup, napagod kasi, buong maghapon kasing nilaro ni Mommy."
Pumasok na ako sa condo niya at dumiretso kami sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Zarrie, habang nakatingin ako sa anak ko ay nakaramdam na naman ako ng lungkot.
"Lav, thank you," sinserong sabi ko.
"Geez! Wala iyon, para ka namang bago ng bago," natatawang sabi niya, lumamlam ang mata ko at pagod na ngumiti. "May problema ba, Zaffi?" nag-aalalang tanong niya. Mabilis akong umiling.
"Wala, pagod lang talaga ako."
Naningkit ang mga mata niya. "Huwag ako, Zaffira. Alam ko kapag may problema ka o wala," seryosong sabi niya. Napangiti na lang ako at napa-iling.
Wala talaga akong matatago sa babaeng ito, pfft.
Naupo kami sa couch at sinimulan ko ng sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Zarrie kahapon at ang mga nangyari ngayong araw. Tahimik lang nakikinig si Lav at alam kong gusto niyang magsalita pero hinihintay niya muna akong matapos.
Napa-iwas siya ng tingin nang banggitin ko ang tungkol sa Engagement ceremony bukas. Kumunot ang noo ko at binigyan ko siya ng nagtatanong na titig.
"Meron ka bang 'di sinasabi sa 'kin?" tanong ko at napabuga siya ng hangin.
"Gusto ni Mommy na umattend kami doon bukas kapalit ng pagtanggi ko sa paggawa ng wedding dress ng fiance ni Sean." Malungkot siyang ngumiti, "Okay na sana iyon pero pupunta rin si Jarred doon bukas, d*mn!" Tila sobrang frustrated na sabi niya.
"Pupunta ka?" tanong ko.
"Mas gusto ko ng umattend na lang kesa naman gawin ko 'yong wedding dress!"
Nahugot ko ang hininga ko at tinapik ko siya sa balikat niya nang marahan. "I'm always here," tanging nasabi ko.
"Thank you, Babe. Pupunta si yaya Chay bukas dito kaya siya muna magbabantay kay Zarrie. Wala rin naman akong balak na tapusin ang Ceremony bukas." Pilit siyang ngumiti.
"Salamat din, Lav. Okay lang ba kay manang Chay?"
"Oo, naman! Don't worry, pumayag naman si yaya Chay."
"Salamat talaga, Lav!" sinserong sabi ko. Ngumiti siya at niyakap ako.
"Always welcome."
Pumunta na ako sa kwarto ni Lav para buhatin si Zarrie, nagising siya pero nakatulog din ulit sa balikat ko.
"Dito na lang kaya kayo matulog?" sabi ni Lav.
"Hindi na, baka maging magkamukha na kayo ni Zarrie dahil lagi na kayong magkasama." Mahina akong tumawa para hindi magising ang anak ko.
"Ayaw mo no'n? May dalawang cute na baby ka na. Hahaha!"
Napa-iling na lang ako at b****o sa kaniya. Hinatid niya kami sa parking lot at tinulungan niya akong isakay si Zarrie sa Sedan ko. Kumaway muna ako kay Lav bago maingat na nag-drive pauwi.
Maaga akong nagising at agad na nagluto ng breakfast. Inayos ko na rin ang baon ni Zarrie. Naka-pout siya habang nag-iiwas ng tingin mula sa 'kin. Alam kong nagtatampo siya dahil late na ako nakauwi kagabi kaya nilambing ko siya para makabawi.
Pagkatapos kong ihatid si Zarrie ay nag-drive na ako pabalik sa apartment. Papasok na sana ako sa CR para maligo nang biglang nag-text sa 'kin ang front desk manager at maaga akong pinapapunta sa Hotel. Kahit nagtataka ay agad akong nagmadali. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Bakit kasi hindi pa nila sinabi kahapon!
Halos matalisod na ako dahil sa pagmamadaling tumakbo papasok ng Hotel. Nakasalubong ko pa si Marga sa entrance at tulad ko ay nagmamadali rin siya, nagsabay na kami papasok.
Napalunok ako nang makilala ang lalaking nakatayo habang naka-poker face sa harap ng mga empleyado ng Hotel.
"Jusmiyo Marimar! Late na tayo! Tara na, Allyson." Hinila ako ni Marga at maingat kaming luminya sa likod.
"I apologize for not being able to face you yesterday. My fiance informed me that she had already told you everything about the ceremony later, and everyone did a good job. That's all." walang emosyon na sabi niya.
Naglakad na siya paalis at biglang nagkasalubong ang tingin namin kaya agad akong yumuko. Wala na akong lakas ng loob para harapin siya, kahit tignan siya ay hindi ko na kaya.
Ala-una ng hapon nang nagsimula ang ceremony at puro mga galing sa kilalang pamilya ang mga guest na dumating, may ilan pang politiko ang pumunta dahil siguro sa lolo ni Ma'am Brianne.
"Good afternoon, Ma'am and Sir! Welcome to Hera Hotel!" Nakangiti at magalang naming sinasalubong ang mga pumapasok na mga guests.
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang pumunta sa Hotel lobby si Sean para salubungin ang mga bagong dating na bisita na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.
"You're really getting married, huh?" Narinig kong pangangantiyaw nung isa kay Sean at sobrang pamilyar niya, parang nakita ko na siya dati.
"Yeah," maikling sagot ni Sean at natawa pa nang bahagya.
Lumapit sa kanila si Brianne at inangkla ang kamay sa braso ni Sean. "Hi! I'm Brianne Sivenore, Sean's fiance," masiglang pakilala niya habang nakalahad ang palad, mabilis naman itong inabot ng mga kaibigan ni Sean upang makipag-kamay at magpakilala.
May pumasok na bagong dating na bisita kaya mabilis na nabaling ang atensyon ko doon. Napangiti ako nang makita si Lav. Nakasuot siya ng off-the-shoulder yellow semi-formal dress at ng white heels, sobrang ganda niya at walang dudang bumagay sa kaniya ang dress niya dahil sigurado akong siya ang nagdisenyo no'n.
Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan, lumapit sa kaniya sina Brianne at Sean at pilit na ngumiti lang si Lav sa kanila.
"Akiesha, Nice to meet you! I'm Brianne Sivenore," ngiting-ngiti na naglahad ng kamay si Brianne pero hindi iyon napansin ni Lav dahil nakatigtig lang ito sa lalaking nasa tabi ni Sean, para siyang nakakita ng multo.
"Long time no see, Aki." Napatulala si Lav at napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ng lalaki.
"You know each other?" tanong ni Brianne.
Nag-iwas ng tingin si Lav. "Yeah," maikling sagot niya.
"Oh, are you close to each–"
"Lavender!" Hindi na natapos ni Brianne ang sasabihin niya dahil tinawag si Lav ng mommy niya. Laking gulat ko nang makita si Zarrie na nakahawak sa kamay nito.
Sh*t! Bakit kasama si Zarrie?
Mabilis na nalipat ang atensyon ng lahat sa mommy ni Lav. Naalarma at nataranta si Lav nang makita ang anak ko.
Binati nina Sean ang mommy ni Lav at nabaling ang tingin nila kay Zarrie na halos abot tenga ang ngiti at palinga-linga.
"I'm glad that you came, Tita! I didn't know you had a cute granddaughter," nakangiti ngunit halatang nagtataka na sabi ni Brianne.
Lahat sila ngayon ay nakatitig na kay Zarrie. Si Sean ay naka-poker face at iyong kaibigan naman niya ay seryosong nakatitig sa anak ko, samantalang si Lav naman ay 'di mapakali at halatang kinakabahan, maging ako ay natataranta sa mga oras na ito, d*mn! Anong gagawin ko?
Palinga-linga pa rin si Zarrie kaya bahagya akong yumuko para hindi niya ako makita dahil tiyak na magmamadali siyang lumapit sa 'kin kapag nakita niya ako.
Kumunot ang noo ng mommy ni Lav at sasagot sana sa sinabi ni Brianne ngunit tinawag na sila ng Hotel Manager dahil mag-uumpisa na ang ceremony.
"Let's go inside!"
Hinila na ni Brianne si Sean sa loob at sumunod naman sa kanila ang mga kaibigan ni Sean pati ang mommy ni Lav at si Zarrie.
Bago pa man makapasok si Lav ay lumapit na ako sa kaniya at halata sa mukha niya ang kaba nang makita ako.
"Z-zaffi, I'm sorry."
"Akala ko maiiwan si Zarrie kay manang Chay?" tanong ko.
"Si Mommy ang nagpumilit, Zaffi. She really loves Zarrie, alam kong 'di ka papayag kaya tumanggi agad ako, pero tinanong niya si Zarrie kung gusto nitong sumama at pumayag si Zarrie." Bakas sa mukha niya ang paghingi ng depensa.
Nabuntong hininga ako at napahilamos sa mukha dahil sa kabang naramdaman. Hindi ako pwedeng magalit sa mommy ni Lav o kay Lav dahil sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila.
"I'm really sorry, Zaffi."
"It's okay, Lav. Huwag mo na lang hayaang lumapit si Zarrie kay Sean," mahinahong sabi ko.
"I will, promise!"
Ngumiti ako sa kaniya at pinapasok ko na siya sa loob. "Magiging okay lang ang lahat, Zaffira!" pangungumbinsi ko sa sarili ko at bumalik na sa front desk.
Mga ilang minuto pa at nakumpleto na ang mga bisitang nasa listahan, at pagkaraan ng isang oras ay tinawag kami ng receptionist manager para papuntahin sa loob.
Saktong pagpasok ko ay katatapos lang magpalitan ng engagement rings ni Brianne at Sean. Tapos na ang ceremony at magkakainan na lang ang mga bisita.
Nag-iwas ako ng tingin at nahagip ng mata ko sina Louise at Marga na nakatayo sa gilid. Nahati kasi kami, dito sila sa loob at sa labas naman ako at ang isa pa naming kasamahan sa front desk.
Sinenyas nila ang gitnang parte ng venue kaya napatingin ako doon at nakita ko sina Lav at Zarrie. Magsisimula na silang kumain nang lumapit sa kanila ang mommy niya kasama ang ilang mga kaibigan nito pati iyong kaibigan ni Sean.
"You're so pretty, Akiesha! I heard that you already a famous designer, Congrats! I hope you can make a fabulous dress for me!" malakas na sabi nito at tumawa kaya napatingin ang ibang bisita sa kanila.
"Sure, Mrs. Rodrigo. " nahihiyang sabi ni Lav.
"It's been a long time, is she is your daughter?" biglang tanong nito habang nakaturo kay Zarrie.
Napaawang ang labi ko at nanlaki naman ang mata ni Lav. Ang ibang mga bisita ay kumakain na pero ang karamihan pati na sina Sean ay napatingin kay Lav at kay Zarrie, hinihintay ang sagot ni Lav.
Inosente lang nakatingin sa kanila si Zarrie at halos hindi na maipinta ang mukha ni Lav dahil sa kaba. "Oh, maybe it's confidential, haha! " Nagpilit ng tawa si Mrs. Rodrigo.
Tumitig muna si Lav sa kaibigan ni Sean bago tumingin kay Mrs. Rodrigo at ngumiti ng mapait. "Yes, Mrs. Rodrigo. This is my daughter, Zarrie."
Nagsimulang magbulungan ang mga bisitang nakarinig sa sinabi ni Lav at mas lalong napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang naging sagot niya.Nagpilit ng ngiti si Mrs. Rodrigo at taka namang tinignan si Lav ng mommy niya. Mabilis kong nilipat ang tingin ko kay Sean kaya nakita ko kung paanong dumaan ang gulat sa mga mata niya pero agad din naman itong bumalik sa pagka-poker face.May binulong si Lav kay Zarrie kaya agad itong napangiti at mabilis na tumayo sa pagkakaupo, tumayo na rin si Lav at humarap kina Sean at Brianne."Sorry, but we have to go. Congrats and best wishes to both of you."Hindi na hinintay ni Lav ang sasabihin nila Sean at agad na tumalikod para humarap sa kaniyang ina. "Let's talk later, Mom."Tumango lang ito kaya hinawakan na ni Lav si Zarrie. Nagsimula silang maglakad palabas at pinagtitinginan silang dalawa ng mga bisita.&n
Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin samantalang para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil doon. Gusto niya akong maging secretary? Pero bakit? Hindi kaya.. natatandaan niya ako? Oh sh*t! Mabilis na gumapang ang kaba sa sistema ko dahil sa naisip. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit kong maging kalmado sa harapan niya.Palihim kong pinisil ang kamay ko. Kumalma ka, Zaffira. Baka dahil lang sa employee award mo kaya gusto ka niyang maging secretary, kalma lang.Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "H-hindi ko po matatanggap ang alok niyo. I'm sorry, Sir."Kumunot ang noo niya at bahagyang tumaas ang kilay niya. "And why?"Dahil sa'yo. Gusto kong makalayo mula sa'yo. Kung pwede ko lang sabihin 'yan ay ginawa ko na para makaalis na agad ako dito sa harapan niya pero hindi pwede kaya ngumiti na lang ako ng pilit. "My reason is written in my resignation letter, Sir."Napatikhim siya bag
"Woah! Galing naman ni Zarrie, naubos na niya ang foods niya! Yey! Wash your hands na dali!" Nakangiting pang-uuto ko sa anak ko."Yay! Okie po, Mama!" masiglang sabi n'ya at pumunta na sa lababo para maghugas ng kamay.Natawa na lang ako at napa-iling, masyado ko yatang bini-baby ang anak ko.Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Lav sa caller ID."Hey Lav, napatawag ka?"[Zaffi, nabalitaan mo na ba?] nag-aalinlangang tanong niya."Ang alin?"Tumayo ako at pumunta sa refrigerator. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko para makapagsalin ng tubig sa baso.[Sean Mirzseil is back,] tensyonadong sabi n'ya."Ah oka– What?" Kasabay ng pagkagulat ko ang pagbagsak ng baso.&n
Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko at 'di ko mapigilang humikbi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Hindi pa rin tuluyang napo-proseso ng utak ko ang mga nangyari. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.Kahit nahihirapan ay mabilis kong sinuot ang mga damit ko. Iniwasan kong gumawa ng kahit anong ingay dahil sa takot na baka magising si Sean.Binitbit ko ang bag na naglalaman ng 100 thousand cash at maingat akong lumabas mula sa condo niya. Nagpapasalamat akong hindi pa siya nagigising. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mama.[Zaffira! Nasaan ka bang bata ka?] Malakas na sigaw ni Mama at sa tono ng boses niya ay alam kong umiiyak s'ya."Mama, papunta na po ako d'yan, may nautangan na po ako!" Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mahalata ni mama na umiiyak ako, pinilit kong magboses masaya kahit
Hinatid ko si Zarrie sa school niya gamit ang Toyota Vios Sedan na nabili ko kay Lav, gusto pa nga ni Lav na ibigay na lang sa 'kin ito pero 'di ako pumayag dahil kalabisan na iyon, kaya binenta niya na lang sa 'kin sa murang halaga."Zarrie, huwag kang aalis hangga't wala si Mama-ninang mo, at behave ka lang sa office niya ah?" pagbibilin ko kay Zarrie at agad naman siyang tumango."Opo, Mama! I will behave!" bibong sabi niya kaya natawa pa ako."Promise?""Of course, Mama! Promise po!" sabi niya at nag-pinky swear pa kami."Yay! Ang bait naman ng baby Zarrie ko, kiss mo na si Mama dali!" pang-uuto ko at agad niya naman akong hinalikan sa pisngi.I kissed her forehead and put her purple backpack on her back. "Bye, Mama! I love you!" sigaw niya habang kumakaway-kaway.Kumaway din ako sa kaniya at nag-flying kiss. "I love you t
Nanuyo ang lalamunan ko at napatitig ako kay Sean. Nakakunot pa rin ang noo niya at hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin dahil natatakot ako na baka may masabi ako na kahit anong impormasyon tungkol kay Zarrie at maging dahilan iyon para malaman ni Sean ang totoo. Parang mahihimatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Zaffi babe! Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" tanong ni Lav na nagpabalik sa 'kin sa ulirat. Hindi ko man lang napansin na nakatayo na pala siya sa tabi ko. "Mama-Ninang!" sigaw ni Zarrie kaya napatingin si Lav sa direksyon niya. "Nandiyan ka pa la Zar— What the fvck! Sean?" gulat na mura ni Lav nang makita ang lalaking nakatayo sa tabi ng anak ko. Nalipat ang atensyon ni Sean kay Lav samantalang nagtakip naman ng tenga si Zarrie dahil bilin ko iyon sa kaniya tuwing makakarinig ng mura.

Nakaramdam ako ng panlulumo at panghihinayang. Ang lahat ng lakas ng loob ko kanina ay biglang naglaho. Naaawa ako kay Zarrie dahil malabo ng matupad ko pa ang pangako ko sa kaniya na makikita niya ang papa niya. Bakit ko ba kasi nakalimutan na ikakasal na nga pala si Sean, ang tanga-tanga mo Zaffira! Darn! Pagkatapos sabihin ni Brianne ang mga gusto niyang gawin namin para bukas ay agad na siyang umalis. Kinausap kami ng hotel manager at sinabi ang bawat gawain namin. Agad kong tinawagan si Lav nang bigyan kami ng 5 mins bago kami magsimula ng overtime work. "Hello, Lav." [Hey, Zaffi! Nasaan ka na?"] "Nandito pa ako sa Hotel, eh. Kailangan naming mag-overtime." Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga. [Ganoon ba? Sige, ako na bahala kay Zarrie. Nandito rin kasi si Mommy.]