Share

CHAPTER 1

Author: ThePurpleGoddess
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko at 'di ko mapigilang humikbi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa rin tuluyang napo-proseso ng utak ko ang mga nangyari. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.

Kahit nahihirapan ay mabilis kong sinuot ang mga damit ko. Iniwasan kong gumawa ng kahit anong ingay dahil sa takot na baka magising si Sean. 

Binitbit ko ang bag na naglalaman ng 100 thousand cash at maingat akong lumabas mula sa condo niya. Nagpapasalamat akong hindi pa siya nagigising. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mama.

[Zaffira! Nasaan ka bang bata ka?] Malakas na sigaw ni Mama at sa tono ng boses niya ay alam kong umiiyak s'ya.

"Mama, papunta na po ako d'yan, may nautangan na po ako!" Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mahalata ni mama na umiiyak ako, pinilit kong magboses masaya kahit na tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha ko.

[Zaffira sumuko na siya... Wala na ang papa mo.] 

Para akong naistatwa at binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon.

"W-wala na? Nakaalis na siya ng hospital?" puno ng pag-asang tanong ko.

[Zaffira, anak... Patay na ang papa mo.] 

Tuluyan akong nanlumo at napaupo, para akong sinasaksak nang paulit-ulit. Ang pagluha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng sumabog.

"Hindi Mama! Buhay pa si Papa! Hintayin n'yo ako, papunta na ako d'yan!" Mabilis akong tumayo at pumara ng tricycle.

"Puwede po bang paki bilisan? Sa Velazico Hospital po tayo," sabi ko sa tricycle driver at tumango lang ito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag at nagsimula na naman akong umiyak. 

Lord, maawa po kayo alam ko pong maling desisyon ang nagawa ko at lubos ko po iyong pinagsisisihan. Huwag po ngayon please... Hindi pa po kami handa.

Pagka-abot ko ng bayad ay agad akong tumakbo sa 3rd floor kung nasaan ang kwarto ni Papa. Naabutan kong nakayakap si Mama sa nakababatang kong kapatid na si Mae at kapuwa sila umiiyak.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko at nagsimulang manginig ang kamay ko.

"Ate!" Tumakbo palapit sa 'kin si Mae at umiiyak na yumakap sa akin.

"Ma? Nasaan si Papa?" tanong ko. Nag-iwas ng tingin si Mama at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"N-nasa morgue na." Pumiyok ang boses niya at napahagulgol si Mae.

Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko at nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Napunta ang tingin ko sa isang kwarto na may nakalagay na 'Morgue' sa itaas.

Parang natutunaw ang binti ko dahil hindi ko ito maigalaw. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko papunta sa kwarto na iyon. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pinto ng morgue. 

Natutop ko ang aking bibig at tuluyan akong napa hagulgol nang tumambad sa aking paningin ang walang buhay at namumutlang katawan ni papa.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan ko siyang inuga. "Papa, tayo na diyan. Nakahanap na ako ng pampa-opera mo. Hindi ba sabi mo hihintayin mo pa akong makapagtapos ng kolehiyo? At saka 'diba sabi mo mas magiging masaya ang Christmas natin this year? Highschool Graduation ko na next week, Papa! Tumayo ka na diyan!"

Patuloy ko siyang inuga at napaluhod ako habang humahagulgol nang lumapit sa 'kin si Mama. "Anak, tama na. Hayaan mo ng magpahinga ang papa mo." 

Napayakap ako kay mama at kay Mae dahil anumang oras ay baka hindi ko na kayanin ang sobrang sakit.

"Ang daya ni papa!" Humagulgol ako at ganoon din sila mama.

Wala na ang taong isa sa lagi kong tinatakbuhan kapag umiiyak ako, wala na ang taong laging nandiyan tuwing may problema ako, wala na ang dahilan kung bakit napilitan akong pumayag sa isang 'One night stand deal' ng isang walang pusong tao, nabalewala ang pagsasakripisyo ko. Ang pinakamasakit sa lahat... Wala na ang papa ko.

Tatlong linggo na ang nakalipas at hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari. Sa Bulacan namin inilibing si Papa para magkakatabi sila ng puntod nila Lola.

Dahil valid ang dahilan ng pag-absent ko sa Highschool Graduation Day namin ay naging exempted ako at kukuhanin na lang namin sa dean's office ang Highschool Diploma ko.

Ngayon ko lang binuksan ang cellphone ko at ang daming pumasok na messages mula sa kaklase at mga kakilala ko. Puro mga nag-condolence at ang iba naman ay nangangamusta.

Hindi ko muna binasa ang mga messages nila at sa halip ay ang mga text ni Lav ang tinignan ko. Naka-ilang missed call siya sa 'kin at 99+ unread messages.

Napangiti ako ng mapait at tinawagan ko siya. Nakatatlong ring lang iyon at agad niyang sinagot.

"Zaffi! Oh my gosh. I'm so sorry, hindi ko alam na marami kang tawag sa akin nang araw na iyon. I'm really sorry." pumipiyok ang boses niya at alam kong umiiyak siya.

Nagsimula na namang manuyo ang lalamunan ko at bumuhos na naman ang mga luha ko.

"Shh, it's okay," pagpapatahan ko sa kaniya.

"I'm really sorry. Nasaan ka?" Kahit lumuluha ay napa-iling ako. Masyadong kaming iyakin nitong si Lav, geez!

"Text ko sa iyo ang address," sabi ko na lang.

"Okay! Bilisan mo, gusto na kitang yakapin." Nagsimula na naman siyang suminghot tanda na umiiyak na naman siya.

Agad kong sinend ang address namin dito sa Bulacan at wala pang dalawang oras ay dumating na agad siya.

"Zaffi!" Mabilis siyang tumakbo palapit sa 'kin at niyakap ako. Naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko kaya medyo natawa ako.

"Sige, iyak pa," pilit na ngiting sabi ko.

"Sorry talaga Zaffi, huhu! May problema rin ako that day kaya naka-off ang phone ko. I'm really sorry." Nagsimula siyang humagulgol at hinimas ko ang likod niya.

"Okay na iyon, ang importante nandito ka na ngayon." Nginitian ko siya at ilang minuto pa kaming nasa ganoong sitwasyon, kung hindi pa kami tinawag ni mama para kumain ay hindi pa siya hihinto kakaiyak jusme! 

"Ito oh, kain pa!" Halos malula ako sa dami ng dala niyang pagkain at agad akong napatakbo sa lababo para sumuka dahil parang bumaligtad ang sikmura ko nang maamoy ang dala niyang palabok.

"Anong nangyari? Tita panis po ba?" tanong ni Lav at nag-aalalang lumapit sa 'kin.

"Hindi naman," nagtatakang sagot ni mama habang tinitikman ang palabok.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil ganito lagi ang nangyayari sa 'kin sa mga nagdaang araw. Wala akong maalala na naglagay si Sean ng proteksyon. Napalunok ako at kinakabahang napatitig kay Lav.

"Ma, saglit lang po. Kausapin ko lang si Lav," sabi ko at hinatak si Lavender sa labas.

"Bakit Zaffi? May problema ba?" kinakabahan na ring tanong niya. 

Magkaibigan ang mga family ni Sean at Lavender kaya hindi na ako nahirapang magkuwento. Masyado ring famous si Sean, dahil bukod sa playboy na siya ay kilala rin siya bilang mayaman pero walang puso.

Sumisikip na naman ang dibdib ko dahil sa sakit habang inaalala ang mga nangyari.

Hindi ko matawagan si Lav nang araw na iyon at wala na rin akong kilalang pwedeng mautangan. Tutor ako ng nakababatang kapatid ni Sean kaya hindi ako nahirapang lumapit sa kaniya, at dahil wala na akong pagpipilian ay napilitan akong pumayag sa deal niya kapalit ng 100 thousand pesos at agad naman siyang pumayag kahit hindi alam ang dahilan ko.

Sinabi ko rin kay Lav ang mga naramdaman ko sa mga lumipas na araw at sinabi ko rin ang hinala ko.

"Oh fvck! I'm really sorry Zaffi," umiiyak na sabi niya pero ngumiti lang ako. "Ano nang gagawin natin ngayon?" malungkot at bakas ang kaba na tanong niya.

"We need to confirm it first, can you buy me a p-pegnancy test?" I stuttered.

"Y-yeah sige, dito ka lang." Mabilis siyang nawala sa paningin ko at sumakay ng kotse. 

Wala pang 20 minutes ay bumalik na si Lav dala ang binili niyang pregnancy test at agad naming sinunod ang instructions.

Malakas ang tibok ng puso ko nang lumabas ako mula sa CR hawak ang pregnancy test. Hindi ko pa tinitignan ang resulta dahil natatakot akong baka totoo ang hinala ko.

Kagat-kagat ni Lav ang hinliliit niya at bigla siyang napatayo nang makita ako.

"Ano? Positive ba?" kinakabahan na tanong niya.

Agad kong inabot sa kaniya ang PT at mas tumindi ang kaba ko nang biglang nanlaki ang mata niya. Sh*t.

"A-ano?" kinakabahan na tanong ko pero hindi siya sumagot at nanginginig na ibinigay sa 'kin ang PT.

"D*mn!" napamura ako at nagsimula na namang lumuha.

Two red lines so it's a positive! Sh*t.

Yumakap sa 'kin si Lav at pilit akong pinapatahan. "Zaffi, ano nang gagawin natin ngayon?" bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.

Wala akong masabi at napatitig na lang sa kawalan. Masaya ako dahil may baby na sinapupunan ko pero natatakot din ako, natatakot ako sa magiging reaksyon ni mama dahil hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang nangyari at hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag sa kaniya.

Puno ng katanungan ang isipan ko. Hindi ko magawang pagsisihan ang nangyari sa amin ni Sean dahil ayokong maramdaman iyon ng baby ko.

"Hindi mo ba ito sasabihin kay Sean?"

"Hindi! Ayokong ipa-alam sa kaniya," agad na sagot ko kay Lav. Tumango lang siya at hinimas ang likuran ko.

Magsusumikap ako para itaguyod ang baby ko kahit walang hinihinging tulong kay Sean. Ayoko nang makita siya at alam kong hindi niya rin naman gugustuhing makita ako dahil isa 'yon sa rules niya nang ginawa namin ang deal.

Nasisiguro ko rin na hindi niya matatanggap ang baby ko kaya bakit ko pa sasabihin sa kaniya. At isa pa, ang pamilya niya ay hindi ka-level ng pamilya ko, mga bilyonaryo sila samantalang mahirap lang kami.

Hinding-hindi ko hahayaang ipagtabuyan at laitin lang ako ng walang pusong taong iyon. 

Isa lang ang nasisiguro ko sa oras na ito. Wala na akong balak magpakita pa kay Sean Mirzseil at hindi ko hahayaang malaman niya ang tungkol sa anak ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Artemis Hauxela
Ang sakit grabe, I feel your pain Zaffira
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 2

    Hinatid ko si Zarrie sa school niya gamit ang Toyota Vios Sedan na nabili ko kay Lav, gusto pa nga ni Lav na ibigay na lang sa 'kin ito pero 'di ako pumayag dahil kalabisan na iyon, kaya binenta niya na lang sa 'kin sa murang halaga."Zarrie, huwag kang aalis hangga't wala si Mama-ninang mo, at behave ka lang sa office niya ah?" pagbibilin ko kay Zarrie at agad naman siyang tumango."Opo, Mama! I will behave!" bibong sabi niya kaya natawa pa ako."Promise?""Of course, Mama! Promise po!" sabi niya at nag-pinky swear pa kami."Yay! Ang bait naman ng baby Zarrie ko, kiss mo na si Mama dali!" pang-uuto ko at agad niya naman akong hinalikan sa pisngi.I kissed her forehead and put her purple backpack on her back. "Bye, Mama! I love you!" sigaw niya habang kumakaway-kaway.Kumaway din ako sa kaniya at nag-flying kiss. "I love you t

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 3

    Nanuyo ang lalamunan ko at napatitig ako kay Sean. Nakakunot pa rin ang noo niya at hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin dahil natatakot ako na baka may masabi ako na kahit anong impormasyon tungkol kay Zarrie at maging dahilan iyon para malaman ni Sean ang totoo. Parang mahihimatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Zaffi babe! Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" tanong ni Lav na nagpabalik sa 'kin sa ulirat. Hindi ko man lang napansin na nakatayo na pala siya sa tabi ko. "Mama-Ninang!" sigaw ni Zarrie kaya napatingin si Lav sa direksyon niya. "Nandiyan ka pa la Zar— What the fvck! Sean?" gulat na mura ni Lav nang makita ang lalaking nakatayo sa tabi ng anak ko. Nalipat ang atensyon ni Sean kay Lav samantalang nagtakip naman ng tenga si Zarrie dahil bilin ko iyon sa kaniya tuwing makakarinig ng mura.

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 4

    Nakaramdam ako ng panlulumo at panghihinayang. Ang lahat ng lakas ng loob ko kanina ay biglang naglaho. Naaawa ako kay Zarrie dahil malabo ng matupad ko pa ang pangako ko sa kaniya na makikita niya ang papa niya. Bakit ko ba kasi nakalimutan na ikakasal na nga pala si Sean, ang tanga-tanga mo Zaffira! Darn! Pagkatapos sabihin ni Brianne ang mga gusto niyang gawin namin para bukas ay agad na siyang umalis. Kinausap kami ng hotel manager at sinabi ang bawat gawain namin. Agad kong tinawagan si Lav nang bigyan kami ng 5 mins bago kami magsimula ng overtime work. "Hello, Lav." [Hey, Zaffi! Nasaan ka na?"] "Nandito pa ako sa Hotel, eh. Kailangan naming mag-overtime." Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga. [Ganoon ba? Sige, ako na bahala kay Zarrie. Nandito rin kasi si Mommy.]

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 5

    Nagsimulang magbulungan ang mga bisitang nakarinig sa sinabi ni Lav at mas lalong napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang naging sagot niya.Nagpilit ng ngiti si Mrs. Rodrigo at taka namang tinignan si Lav ng mommy niya. Mabilis kong nilipat ang tingin ko kay Sean kaya nakita ko kung paanong dumaan ang gulat sa mga mata niya pero agad din naman itong bumalik sa pagka-poker face.May binulong si Lav kay Zarrie kaya agad itong napangiti at mabilis na tumayo sa pagkakaupo, tumayo na rin si Lav at humarap kina Sean at Brianne."Sorry, but we have to go. Congrats and best wishes to both of you."Hindi na hinintay ni Lav ang sasabihin nila Sean at agad na tumalikod para humarap sa kaniyang ina. "Let's talk later, Mom."Tumango lang ito kaya hinawakan na ni Lav si Zarrie. Nagsimula silang maglakad palabas at pinagtitinginan silang dalawa ng mga bisita.&n

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 6.1

    Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin samantalang para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil doon. Gusto niya akong maging secretary? Pero bakit? Hindi kaya.. natatandaan niya ako? Oh sh*t! Mabilis na gumapang ang kaba sa sistema ko dahil sa naisip. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit kong maging kalmado sa harapan niya.Palihim kong pinisil ang kamay ko. Kumalma ka, Zaffira. Baka dahil lang sa employee award mo kaya gusto ka niyang maging secretary, kalma lang.Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "H-hindi ko po matatanggap ang alok niyo. I'm sorry, Sir."Kumunot ang noo niya at bahagyang tumaas ang kilay niya. "And why?"Dahil sa'yo. Gusto kong makalayo mula sa'yo. Kung pwede ko lang sabihin 'yan ay ginawa ko na para makaalis na agad ako dito sa harapan niya pero hindi pwede kaya ngumiti na lang ako ng pilit. "My reason is written in my resignation letter, Sir."Napatikhim siya bag

  • Hiding The Billionaire's Daughter   PROLOGUE

    "Woah! Galing naman ni Zarrie, naubos na niya ang foods niya! Yey! Wash your hands na dali!" Nakangiting pang-uuto ko sa anak ko."Yay! Okie po, Mama!" masiglang sabi n'ya at pumunta na sa lababo para maghugas ng kamay.Natawa na lang ako at napa-iling, masyado ko yatang bini-baby ang anak ko.Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Lav sa caller ID."Hey Lav, napatawag ka?"[Zaffi, nabalitaan mo na ba?] nag-aalinlangang tanong niya."Ang alin?"Tumayo ako at pumunta sa refrigerator. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko para makapagsalin ng tubig sa baso.[Sean Mirzseil is back,] tensyonadong sabi n'ya."Ah oka– What?" Kasabay ng pagkagulat ko ang pagbagsak ng baso.&n

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 1

    Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko at 'di ko mapigilang humikbi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Hindi pa rin tuluyang napo-proseso ng utak ko ang mga nangyari. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.Kahit nahihirapan ay mabilis kong sinuot ang mga damit ko. Iniwasan kong gumawa ng kahit anong ingay dahil sa takot na baka magising si Sean.Binitbit ko ang bag na naglalaman ng 100 thousand cash at maingat akong lumabas mula sa condo niya. Nagpapasalamat akong hindi pa siya nagigising. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mama.[Zaffira! Nasaan ka bang bata ka?] Malakas na sigaw ni Mama at sa tono ng boses niya ay alam kong umiiyak s'ya."Mama, papunta na po ako d'yan, may nautangan na po ako!" Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mahalata ni mama na umiiyak ako, pinilit kong magboses masaya kahit

  • Hiding The Billionaire's Daughter   PROLOGUE

    "Woah! Galing naman ni Zarrie, naubos na niya ang foods niya! Yey! Wash your hands na dali!" Nakangiting pang-uuto ko sa anak ko."Yay! Okie po, Mama!" masiglang sabi n'ya at pumunta na sa lababo para maghugas ng kamay.Natawa na lang ako at napa-iling, masyado ko yatang bini-baby ang anak ko.Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Lav sa caller ID."Hey Lav, napatawag ka?"[Zaffi, nabalitaan mo na ba?] nag-aalinlangang tanong niya."Ang alin?"Tumayo ako at pumunta sa refrigerator. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko para makapagsalin ng tubig sa baso.[Sean Mirzseil is back,] tensyonadong sabi n'ya."Ah oka– What?" Kasabay ng pagkagulat ko ang pagbagsak ng baso.&n

DMCA.com Protection Status