Share

CHAPTER 2

last update Huling Na-update: 2021-11-11 20:51:42

Hinatid ko si Zarrie sa school niya gamit ang Toyota Vios Sedan na nabili ko kay Lav, gusto pa nga ni Lav na ibigay na lang sa 'kin ito pero 'di ako pumayag dahil kalabisan na iyon, kaya binenta niya na lang sa 'kin sa murang halaga.

"Zarrie, huwag kang aalis hangga't wala si Mama-ninang mo, at behave ka lang sa office niya ah?" pagbibilin ko kay Zarrie at agad naman siyang tumango.

"Opo, Mama! I will behave!" bibong sabi niya kaya natawa pa ako. 

"Promise?"

"Of course, Mama! Promise po!" sabi niya at nag-pinky swear pa kami.

"Yay! Ang bait naman ng baby Zarrie ko, kiss mo na si Mama dali!" pang-uuto ko at agad niya naman akong hinalikan sa pisngi. 

I kissed her forehead and put her purple backpack on her back. "Bye, Mama! I love you!" sigaw niya habang kumakaway-kaway.

Kumaway din ako sa kaniya at nag-flying kiss. "I love you too, Zarrie!" sigaw ko kaya ngumiti siya.

Hinintay ko munang makapasok si Zarrie sa classroom nila bago ako nag-drive pabalik sa apartment. 8 am pa lang kaya may dalawang oras pa ako para makapaghanda papasok sa trabaho. Isa akong hotel receptionist sa Hera Hotel, ang pinakasikat na five-star hotel dito sa Bulacan.

After taking a bath, I immediately got dressed. I'm wearing a black pencil skirt with a black blazer, and a white chiffon blouse. I put light make-up on and I fixed my hair in a chignon style to look more presentable. 

Nag-chat si Lav na magkita raw kami sa coffee shop na malapit sa Hera Hotel. Mabilis kong sinuot ang black pumps shoes ko at ni-lock na ang pinto ng apartment.

Nagmamadali akong sumakay sa kotse at nag-drive papunta sa coffee shop. Mabilis kong natanaw si Lav nang dumating ako do'n. Kumaway ako pero hindi niya ako napansin dahil parang may malalim siyang iniisip, kung hindi ko pa siya inuga ay 'di niya pa ako mapapansin.

"Hoy, Lav! Baka malunod ka diyan," pagbibiro ko.

"Geez! Sorry, 'di kita napansin," nakangiting pilit na sabi niya.

"Ano ba ang iniisip mo?" nagtatakang tanong ko.

"About Sean's wedding preparation." 

Natigilan ako at nabaliktad ang sitwasyon, ako na ngayon ang nagpilit ng ngiti. "Totoo ba talagang nakabalik na siya?" tanong ko.

"Yeah, nalaman ko lang din kahapon. My mom wants me to make the bridal gown for Sean's bride.

May kung anong bagay akong naramdaman sa d****b ko. So, totoo nga?

"Gagawin mo?" 

"Hindi ko pa alam, ayokong ma-involve pa sa mga taong iyon, at isa pa d*mn! Hulaan mo mo kung sino ang best man," frustrated na sabi niya.

"Sino?" kunot noong tanong ko.

"Si J-jarred," she stuttered.

My lips formed an "O" and look at her amused. Si Jarred ay ang childhood crush niyang hindi siya gusto.

Naikwento sa 'kin ni Lav na si Jarred ang main reason niya kung bakit siya umalis sa Manila at nanirahan sa Bulacan kasama ako. Kung si Sean ay kilala bilang heartless, si Jarred naman ay kilala bilang cold-hearted.

"So, anong plano mo?" I asked, worried.

"Parang gusto kong tanggihan si Mom," she bitterly said.

Hindi ko alam ang sasabihin dahil miski na ako ay nababahala rin dahil sa pagbabalik ni Sean. Iniisip ko pa lang na nakabalik na siya ay kinakabahan na ako, paano pa kaya pag nakaharap ko na siya.

"Lav, nandito lang ako lagi. Suportado ka namin ni Zarrie!" nakangiting sabi ko kaya napangiti rin siya.

"Aw, na-touch naman ako hahaha! Anyway, ikaw din magpakatatag ka, nandito lang din ako." Niyakap niya ako kaya yumakap ako pabalik.

Sobrang swerte ko dahil may ganitong klaseng kaibigan ako. Malaki ang utang na loob ko kay Lav, tuwing wala ako ay siya lagi ang nag-aalaga kay Zarrie dahil nasa Cebu na sina Mama at Mae. Si Lav din ang sumusundo kay Zarrie sa school at nanatili si Zarrie sa office ni Lav hanggang matapos ang work ko.

Pagkatapos kong malaman na buntis ako ay hindi na kami bumalik pa sa Manila. Binalak ko ring itago kay Mama ang pagbubuntis ko pero wala pang isang buwan ay nalaman niya na agad dahil nakita niya ang pregnancy test kong nakatago sa aparador.

Nung una ay nagalit sa 'kin si Mama dahil paano ko raw matatapos ang pag-aaral ko, pero nang sabihin ko sa kaniya ang dahilan ay agad din niya akong naintindihan at humingi pa siya ng tawad dahil dumaan ako sa maraming paghihirap.

Habang pinagbubuntis ko si Zarrie ay hindi ako pinabayaan nila mama. Maging si Lav ay hindi rin umalis sa tabi ko.

Inubos muna namin ni Lav ang inorder niyang Latte Macchiato bago kami umalis sa coffee shop. Saktong 9:30 am ako nakarating sa Hera hotel.

Naabutan kong nagtatawanan ang dalawang kasamahan ko sa front desk na sina Marga at Louise, agad silang ngumiti at kumaway nang makita ako.

"Good morning!" I greeted them.

"Good morning, Allyson!" sabay na bati nila.

"Nahatid mo na si baby girl?" tanong ni Marga at tumango ako.

"Gags! Miss ko na iyon, kailan mo siya isasama ulit?" tanong naman ni Louise.

"Pag puwede na ulit," natatawang sagot ko.

Alam ng mga naging kaibigan ko dito na may anak ako, never kong itinago na may anak ako dahil hindi deserve ni Zarrie ang ikahiya siya.

Maraming guest ang dumating ngayong araw at halos hindi na ako nakapag-lunch nang maayos.

Saktong alas-tres ng hapon nang biglang magkagulo ang mga hotel staffs at luminya sa entrance na parang may sasalubungin, hindi ko na nagawang maki-ususyo dahil may lumapit sa 'kin na isang guest.

"Good afternoon Sir. May I help you?" nakangiting tanong ko.

"Actually, I just received notification that my flight will arrive at 9:30 pm, instead of the scheduled 4:00 pm. I want to stay in your hotel room till the evening because I don't want to waste time waiting at the airport." 

"Sir, you're lucky as we don't have any booking of that room until evening. But Sir as you know, 8:00 pm is our last check out time and if you want to stay more then you have to pay for that." 

"What?" Tumaas ang boses niya kaya bahagya akong nagulat. "What the hell are you talking about! Why I have to pay?" galit na wika niya. Napatingin na sa 'min ang ilang staffs at ang ibang guest.

"Sir, it is the rule. Sir you will be happy to hear that you will not have to pay full down room rent. If you stay till evening then you will be charged only 50% of the room rent," pilit na ngiting sabi ko.

"Hey bitch, don't you know that I have settled my account already?" Mas lalong lumakas ang boses niya dahilan para makuha na namin ang atensyon ng lahat.

"Yes, Sir. But—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang hinatak ang kuwelyo ko. Galit na galit siya kaya nakaramdam ako ng takot. Naaamoy ko rin ang beer sa hininga niya kaya siguradong nakainom ito.

"Are you deaf? I will not pay anymore even a single cent! Is it clear to you?" Sobrang lakas ng boses niya kaya napapikit na lang ako.

Hindi na bago sa 'kin ang ganitong eksena, pero ito ang unang beses na may naging bayolente.

"If you don't want to pay, then go. We don't need an aggressive, violent, stupid guest like you," wika ng kung sino gamit ang baritonong boses.

I suddenly felt a chill down my spine, so I immediately opened my eyes. One pair of dark emotionless eyes is looking at me. 

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang makilala kung sino iyon. Sh*t! Totoo ba ang nakikita ko? Bakit siya nandito?

Padarag akong binitawan ng guest dahilan para matumba ako. Lumapit ito sa lalaking walang emosyon lang na nakatingin sa kaniya at balak niya rin itong kuwelyuhan pero agad na dumating ang mga hotel security officers at mabilis itong nilapitan.

Nagpupumiglas at nagmura ang nakainom na guest pero wala itong nagawa nang bitbitin siya ng mga security officers.

"Are you okay, Mr. CEO?" tanong nila pero hindi na sumagot ang naka poker face na lalaki at sa halip ay tumalikod na lang ito.

"Let's discuss this chaos tomorrow. I have to go to Lavender Apparel for now," sabi nito at lumabas na ng Hotel.

Inalalayan akong tumayo nila Marga at Louise. "Okay ka lang ba Allyson? Nasaktan ka ba?" tanong nila pero iba ang sinagot ko.

"W-who's that man?" kinakabahang tanong ko kaya nagtaka sila pero agad din namang sumagot. 

"Si Sir Sean Mirzseil, our new CEO."

Para akong nabingi sa narinig. Mabilis na gumapang ang kaba sa buong sistema ko at mas dumoble iyon nang maalala ang narinig ko na sinabi niya kanina.

Fvck! He's going to Lavender Apparel. Darn it!

Mabilis akong pumunta sa office ng front desk manager para magpaalam at agad naman itong pumayag nang sinabi ko na family emergency. 

Tumakbo ako palabas ng hotel para sumakay sa Sedan ko. Narinig ko pang tinawag ako nila Marga pero hindi ko na sila pinansin at pinaharurot ko na agad ang kotse.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga oras na ito. Natatakot ako na baka makita ni Sean si Zarrie dahil si Lav ang may-a*i ng apparel na iyon at doon ang office ni Lav. Fvck! Kung puwede ko lang palipa*in ang Sedan ko ay ginawa ko na makarating lang kaagad doon.

Hindi pwedeng makita ni Sean si Zarrie!

Gusto kong mag-chat kay Lav para ipaalam ang pagpunta ni Sean pero lintik na kamalasan nga naman, lowbat ang cellphone ko. Arghh!

Sobrang lakas nang kabog ng d****b ko nang makarating sa company building ni Lav at nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang isang Rolls-Royce Sports Car sa parking lot.

Sigurado akong kay Sean iyon. Mabilis akong tumakbo papasok ng building at hindi ko inaasahan ang nadatnang sitwasyon.

Nakaluhod ang isang tuhod ni Sean habang tinutulungan ang isang pamilyar na batang babae na pinupulot ang mga nagkalat na krayola sa lapag

Tuluyan akong naistatwa at napamura nang makita ng mas maayos ang hitsura ng bata. It was Zarrie. Darn it!

Nalaglag ko ang hawak kong susi dahilan para lumikha ito ng ingay at mabaling sa 'kin ang atensyon nila. Agad na lumiwanag ang mukha ni Zarrie at masiglang tumayo.

"Mama!" masayang sigaw niya habang nakatingin sa 'kin at kumakaway.

Mas lalong tumindi ang takot at kaba ko nang makita kung paano kumunot ang noo at napaawang ang labi ni Sean.

"Mama?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
ThePurpleGoddess
oo bwakakaka
goodnovel comment avatar
Artemis Hauxela
OMG! magkita sila ng tatay niya!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 3

    Nanuyo ang lalamunan ko at napatitig ako kay Sean. Nakakunot pa rin ang noo niya at hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin dahil natatakot ako na baka may masabi ako na kahit anong impormasyon tungkol kay Zarrie at maging dahilan iyon para malaman ni Sean ang totoo. Parang mahihimatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Zaffi babe! Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" tanong ni Lav na nagpabalik sa 'kin sa ulirat. Hindi ko man lang napansin na nakatayo na pala siya sa tabi ko. "Mama-Ninang!" sigaw ni Zarrie kaya napatingin si Lav sa direksyon niya. "Nandiyan ka pa la Zar— What the fvck! Sean?" gulat na mura ni Lav nang makita ang lalaking nakatayo sa tabi ng anak ko. Nalipat ang atensyon ni Sean kay Lav samantalang nagtakip naman ng tenga si Zarrie dahil bilin ko iyon sa kaniya tuwing makakarinig ng mura.

    Huling Na-update : 2021-11-13
  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 4

    Nakaramdam ako ng panlulumo at panghihinayang. Ang lahat ng lakas ng loob ko kanina ay biglang naglaho. Naaawa ako kay Zarrie dahil malabo ng matupad ko pa ang pangako ko sa kaniya na makikita niya ang papa niya. Bakit ko ba kasi nakalimutan na ikakasal na nga pala si Sean, ang tanga-tanga mo Zaffira! Darn! Pagkatapos sabihin ni Brianne ang mga gusto niyang gawin namin para bukas ay agad na siyang umalis. Kinausap kami ng hotel manager at sinabi ang bawat gawain namin. Agad kong tinawagan si Lav nang bigyan kami ng 5 mins bago kami magsimula ng overtime work. "Hello, Lav." [Hey, Zaffi! Nasaan ka na?"] "Nandito pa ako sa Hotel, eh. Kailangan naming mag-overtime." Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga. [Ganoon ba? Sige, ako na bahala kay Zarrie. Nandito rin kasi si Mommy.]

    Huling Na-update : 2021-12-15
  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 5

    Nagsimulang magbulungan ang mga bisitang nakarinig sa sinabi ni Lav at mas lalong napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang naging sagot niya.Nagpilit ng ngiti si Mrs. Rodrigo at taka namang tinignan si Lav ng mommy niya. Mabilis kong nilipat ang tingin ko kay Sean kaya nakita ko kung paanong dumaan ang gulat sa mga mata niya pero agad din naman itong bumalik sa pagka-poker face.May binulong si Lav kay Zarrie kaya agad itong napangiti at mabilis na tumayo sa pagkakaupo, tumayo na rin si Lav at humarap kina Sean at Brianne."Sorry, but we have to go. Congrats and best wishes to both of you."Hindi na hinintay ni Lav ang sasabihin nila Sean at agad na tumalikod para humarap sa kaniyang ina. "Let's talk later, Mom."Tumango lang ito kaya hinawakan na ni Lav si Zarrie. Nagsimula silang maglakad palabas at pinagtitinginan silang dalawa ng mga bisita.&n

    Huling Na-update : 2021-12-23
  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 6.1

    Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin samantalang para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko dahil doon. Gusto niya akong maging secretary? Pero bakit? Hindi kaya.. natatandaan niya ako? Oh sh*t! Mabilis na gumapang ang kaba sa sistema ko dahil sa naisip. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit kong maging kalmado sa harapan niya.Palihim kong pinisil ang kamay ko. Kumalma ka, Zaffira. Baka dahil lang sa employee award mo kaya gusto ka niyang maging secretary, kalma lang.Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "H-hindi ko po matatanggap ang alok niyo. I'm sorry, Sir."Kumunot ang noo niya at bahagyang tumaas ang kilay niya. "And why?"Dahil sa'yo. Gusto kong makalayo mula sa'yo. Kung pwede ko lang sabihin 'yan ay ginawa ko na para makaalis na agad ako dito sa harapan niya pero hindi pwede kaya ngumiti na lang ako ng pilit. "My reason is written in my resignation letter, Sir."Napatikhim siya bag

    Huling Na-update : 2024-07-07
  • Hiding The Billionaire's Daughter   PROLOGUE

    "Woah! Galing naman ni Zarrie, naubos na niya ang foods niya! Yey! Wash your hands na dali!" Nakangiting pang-uuto ko sa anak ko."Yay! Okie po, Mama!" masiglang sabi n'ya at pumunta na sa lababo para maghugas ng kamay.Natawa na lang ako at napa-iling, masyado ko yatang bini-baby ang anak ko.Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Lav sa caller ID."Hey Lav, napatawag ka?"[Zaffi, nabalitaan mo na ba?] nag-aalinlangang tanong niya."Ang alin?"Tumayo ako at pumunta sa refrigerator. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko para makapagsalin ng tubig sa baso.[Sean Mirzseil is back,] tensyonadong sabi n'ya."Ah oka– What?" Kasabay ng pagkagulat ko ang pagbagsak ng baso.&n

    Huling Na-update : 2021-11-11
  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 1

    Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko at 'di ko mapigilang humikbi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Hindi pa rin tuluyang napo-proseso ng utak ko ang mga nangyari. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.Kahit nahihirapan ay mabilis kong sinuot ang mga damit ko. Iniwasan kong gumawa ng kahit anong ingay dahil sa takot na baka magising si Sean.Binitbit ko ang bag na naglalaman ng 100 thousand cash at maingat akong lumabas mula sa condo niya. Nagpapasalamat akong hindi pa siya nagigising. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mama.[Zaffira! Nasaan ka bang bata ka?] Malakas na sigaw ni Mama at sa tono ng boses niya ay alam kong umiiyak s'ya."Mama, papunta na po ako d'yan, may nautangan na po ako!" Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mahalata ni mama na umiiyak ako, pinilit kong magboses masaya kahit

    Huling Na-update : 2021-11-11

Pinakabagong kabanata

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 2

    Hinatid ko si Zarrie sa school niya gamit ang Toyota Vios Sedan na nabili ko kay Lav, gusto pa nga ni Lav na ibigay na lang sa 'kin ito pero 'di ako pumayag dahil kalabisan na iyon, kaya binenta niya na lang sa 'kin sa murang halaga."Zarrie, huwag kang aalis hangga't wala si Mama-ninang mo, at behave ka lang sa office niya ah?" pagbibilin ko kay Zarrie at agad naman siyang tumango."Opo, Mama! I will behave!" bibong sabi niya kaya natawa pa ako."Promise?""Of course, Mama! Promise po!" sabi niya at nag-pinky swear pa kami."Yay! Ang bait naman ng baby Zarrie ko, kiss mo na si Mama dali!" pang-uuto ko at agad niya naman akong hinalikan sa pisngi.I kissed her forehead and put her purple backpack on her back. "Bye, Mama! I love you!" sigaw niya habang kumakaway-kaway.Kumaway din ako sa kaniya at nag-flying kiss. "I love you t

  • Hiding The Billionaire's Daughter   CHAPTER 1

    Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko at 'di ko mapigilang humikbi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Hindi pa rin tuluyang napo-proseso ng utak ko ang mga nangyari. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.Kahit nahihirapan ay mabilis kong sinuot ang mga damit ko. Iniwasan kong gumawa ng kahit anong ingay dahil sa takot na baka magising si Sean.Binitbit ko ang bag na naglalaman ng 100 thousand cash at maingat akong lumabas mula sa condo niya. Nagpapasalamat akong hindi pa siya nagigising. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mama.[Zaffira! Nasaan ka bang bata ka?] Malakas na sigaw ni Mama at sa tono ng boses niya ay alam kong umiiyak s'ya."Mama, papunta na po ako d'yan, may nautangan na po ako!" Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mahalata ni mama na umiiyak ako, pinilit kong magboses masaya kahit

  • Hiding The Billionaire's Daughter   PROLOGUE

    "Woah! Galing naman ni Zarrie, naubos na niya ang foods niya! Yey! Wash your hands na dali!" Nakangiting pang-uuto ko sa anak ko."Yay! Okie po, Mama!" masiglang sabi n'ya at pumunta na sa lababo para maghugas ng kamay.Natawa na lang ako at napa-iling, masyado ko yatang bini-baby ang anak ko.Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Lav sa caller ID."Hey Lav, napatawag ka?"[Zaffi, nabalitaan mo na ba?] nag-aalinlangang tanong niya."Ang alin?"Tumayo ako at pumunta sa refrigerator. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko para makapagsalin ng tubig sa baso.[Sean Mirzseil is back,] tensyonadong sabi n'ya."Ah oka– What?" Kasabay ng pagkagulat ko ang pagbagsak ng baso.&n

DMCA.com Protection Status