Share

Here Comes the CEO’s Wife
Here Comes the CEO’s Wife
Author: Jade Go

2019

Author: Jade Go
last update Last Updated: 2024-02-28 04:17:54

Mr. Coldwell’s POV

"We expect you to attend this time, Prescott,” umalingawngaw sa opisina ko ang maawtoridad na boses ng aking mama.

Napilitan akong ibaba ang phone ko sa lamesa at pindutin ang speaker mode para makatapos ng trabaho. I still have a pile of documents awaiting my review and signature.

"If not, I will be forced to arrange more dates for you. How does a week sound? You can have one for breakfast, lunch, and dinner.” Natigilan ako sa pahabol ng mama. Inihilamos ko ang isang kamay sa mukha bago sumandal sa swivel chair at bumuntong-hininga. “Don't test my patience; I have a roster of potential matches waiting for you.”

Alam ni mama na ayaw ko ang ganitong setup dahil aksaya sa oras. Kaya nga itinataon nila sa company events ang pagpapakilala ng mga babaeng gustong ipareha sa ‘kin.

As the CEO of Coldwell Corporation, my bachelorhood is seen as a liability by shareholders and board members. Finding a suitable partner, settling down, and producing an heir are not just personal desires but strategic moves to maintain our family's legacy and ensure stability in the business.

Nang magsimula na naman ang mama sa mga pangaral niya, hinimas ko ang aking sentido para bawasan ang sakit ng ulo. Iniiwas ko muna ang tingin sa computer monitor at napunta ito sa glass wall.

There she was, the new hire who always stays behind. I used to be the last one in the office, but ever since she joined, it seems she has taken that spot, and I don't mind at all.

Tinapat ko sa bibig ang nakakuyom na palad habang nanunuod. Nakatayo siya sa harap ng printer. At marahil nabagot sa paghihintay, yumuko siya at sumilip sa tray. She let out a little jump when she finally got the paper in her hand. Pero nang tingnan ito ay napasibangot dahil blanko. Nagmadali siya pabalik sa kanyang lamesa na nasa kabilang dulo pa ng printer. Pagbalik sa printer ay naghintay siya ulit. Pero mukhang mali naman ang file. Tuloy ay binatukan niya ang sarili.

A small chuckle escaped my lips as I continued to watch her. "Is this amusing to you, Prescott?" tanong ng mama na nalimutan kong nasa kabilang linya pa.

"I'll wrap up my tasks and make my way to the party,” sabi ko na lang at dito tinapos ang tawag.

Pagkaligpit nang mabilis, lumabas na ako ng opisina. Dito ko napansing madilim na sa palapag namin dahil nakapatay ang karamihan sa mga ilaw.

Dahan-dahan akong naglakad habang sinusundan ng tingin ang paparating na empleyado. “Isa na lang talaga. Kundi tatambling na ‘ko.” Pagkausap niya sa sarili. I couldn’t help but let out a small smile. Sumeryoso lang ako nang mag-angat siya ng tingin sa ‘kin. “Bye po, Sir Yam—Coldwell!”

Hahakbang na ‘ko pero nahinto sa narinig. “What was that you just called me?"

Nanlaki naman ang mga mata niya; napatakip ng bibig dahil sa pagkakamali. “Ah ano po, Sir Coldwell?” pagkukunwari niya. Pipilitin ko pa sana siyang magpaliwanag pero tumunog ‘yung printer.

“Paper jam,” sabi ko at bumalik agad dito ang atensyon niya. “Finish up quickly,” sabi ko pa bago umalis.

Paglabas ng pinto, binati ako ng guard na nagbabantay sa palapag namin. "Let's make sure all the lights are on for any employees still working on this floor,” utos ko bago dumiretso sa elevator.

Habang naghihintay, naisip ko ‘yung paper jam ng printer. Kung simpleng pag-print ay hindi niya magawa, paano pa ang pag-ayos nito? Pagbukas ng elevator, imbes na sumakay ay pinili kong bumalik.

Malayo pa lang, dinig ko na ang pagkausap niya sa sarili. “Bakit ba ayaw mong makisama? Siguro kakampi ka nila ‘no? Kaninang umaga lang G na G ka ah!”

Pinagdikit ko ang labi ko. Akala ba niya madadaan sa pakiusap ang paper jam ng printer?

Tumikhim ako bago siya nilapitan. Naabutan kong nakaupo siya sa sahig, sinusubukang hilahin ang nakaipit na papel sa loob ng printer. Nang mapansin ako’y agad siyang tumayo. Sinukbit niya sa tainga ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha. Dahil may ink ang kamay, nalagyan din ang mukha niya nito. Muntik na ‘kong matawa pero itinago ko.

“That printer just got delivered today,” paalala ko at tumango lang siya. “This is for?”

“Investor agreement for MindTrace Research Group.”

Pinakita ko kung paano ang pag-ayos ng paper jam. And she did a small clap when she realized the printer was finally working. “Thank you, Sir Coldwell. Ingat po pauwi,” pagkasabi’y nagmadali siyang bumalik sa lamesa.

Imbes na umalis ay hinintay ko ang pagbalik niya sa printer. Kaya nagulat siya nang makita pa ‘ko. “I got this, Sir. Don’t worry, buo pa ‘to bukas,” biro niya.

"I can spare a few minutes,” sumandal ako sa pader at mataman siyang pinagmasdan. “Care to share what 'Yam' means?"

Mabilis na namula kanyang mukha. She's like an open book, her words painting a clear picture of her thoughts, while her expressive face adds another layer of honesty. It's refreshing, really, to encounter someone so genuine.

“Sige na nga po. Dahil tinulungan mo ‘ko, sasabihin ko ‘yung totoo. Pero ‘wag niyo pong sasabihin sa iba na ako ang nagsabi ah?” paniniguro niya. Seryoso akong tumango ng isa at nakinig. “Yam po, kasi…”

“What?” Lumapit ako dahil hindi ko narinig.

“Yummy ka raw po,” bulong niya na ikinagulat ko. “Pero mga kasama ko lang po ang nagsabi. Promise!”

"So… you never had the same thought?” balik ko na lalong nagpalaki ng mga mata niya. Napatingin siya sa paligid sa takot na may ibang nakarinig.

Magsasalita na siya nang tumunog ang phone ko. Saktong natapos ang pini-print niya kaya bumalik na siya sa kanyang lamesa.

Nailing na lang ako at aalis na sana nang balingan ko ulit ng tingin ang direksyon niya. “Ms. Del Rosario, would you like some coffee?” alok ko.

“Ay thank you po pero ‘di ako nagkakape kasi nakaka-poop.” Natigilan siya sandali bago nagsisi; isinubsob niya ang mukha sa keyboard. “Magagalit po ang boyfriend ko kasi magpa-palpitate na naman ako ng sobra,” habol niya.

A slow nod was all I could offer before I walked away. Pagpasok sa elevator, hindi ko na napigilan ang pagtawa. Tuloy ay nang mag-ring ang phone ko, nakangiti kong sinagot ang inaasahang tawag.

“I’m attending a company event tonight. Would you like to come?" pagbabakasakali ko.

Bago makarinig ng sagot ay bumukas ang elevator sa kaparehong palapag. Nakatayo sa harapan ko si Ms. Del Rosario, nakangiti habang nakatapat sa tainga ang cellphone, “Yes, I would love to. Pero pwede bang Alina na lang ang itawag mo sa ‘kin, Sir?”

“If your boyfriend won’t mind.”

“Hindi ka ba magagalit, Yam?” narinig ko sa kanya maging sa kabilang linya.

Makahulugan ang tingin sa isa’t isa, pareho kaming napangiti. Bago magsara ang elevator ay hinila ko na siya papasok. I leaned her against the wall. She wrapped her arms around my neck, and right then, our thirst met in a lingering kiss, sealing the day we've spent pretending to be strangers.

Yes, we decided to keep our love a secret, at least for now. It just felt right and simple. Little did we anticipate, pretending not to know each other was just the beginning of our story.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 1

    Pagdilat ko’y sinalubong ako ng matinding pagsakit ng ulo. Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang alalahanin ang nangyari sa ‘kin.Malamang ay galing na naman ako sa isang failed job interview. At pagkatapos ay naisipan kong maghanap ng part time job. Pero dahil sa gutom, pagod, at kawalan ng sapat na tulog—Napadilat ako agad at dito nasilaw sa liwanag. Malakas ang kabog ng dibdib, sinubukan ko ulit tingnan kung nasaan ako. May puting kisame? Mukhang hindi pa naman ito langit kung ganuon. Pagsinghot ko’y nakaamoy ako ng panlinis o kakaibang kemikal. Nakarinig din ako ng tunog galing sa tabi ko kung saan may monitor na sa ospital ko lang madalas makita.I’m in a hospital room, I guess?Ilang segundo akong nakahinga nang maluwag bago nagtaka. Ano naman kasing ginagawa ko sa isang ospital? Bago ito masagot, napunta ang atensyon ko sa batang lalaking halos tumalon sa ibabaw ko.“Mommy!” masayang sigaw niya habang nakatitig sa ‘kin.Natigilan naman ako. Pinagmasdan ko nang mabuti ‘

    Last Updated : 2024-02-28
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 2

    “Prank ba ‘to? Nasaan ‘yung mga camera?” magkasunod kong tanong na nagpahinto sa pag-uusap ng doktor at mga nurses. Napatingin silang lahat sa akin, bakas ang pagtataka sa mga mukha. Ngunit imbes na seryosohin ay tinawanan ko sila, “Naks! Grabe ‘yung effort. Para sa TV ba ‘to o social media?”Nadepina ang lukot sa noo ng doktor, “Mrs—”“Kung hindi ‘to prank. Don’t tell me na nag time travel ako at nakarating ng 2024?” pagputol ko rito. I could feel my frustrations building up. Kaya nga wala na ‘kong pake kahit nandito pa rin sa kwarto ‘yung lalaking kamukha ni Henry Golding. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakikiusyoso.Kahit alam kong maaari nilang isiping nababaliw na ‘ko, itinuro ko ang ang kalendaryo sa pader. “Latest ba ‘yan? Kasi ang alam ko, nasa kalagitnaan pa lang ako ng 2019—” Napasinghap ako sabay takip ng bibig. “Baka nasa alternate universe ako!”Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng paliwanag sa sitwasyon ko. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang dahan-dahang pagla

    Last Updated : 2024-02-28
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 3

    “Ali! Anong nangyari sa ‘yo?”Napalingon ako sa bukas na pinto ng kwarto at nabuhayan ng loob pagkakita kay Frances. Magkababata kami at matalik na magkaibigan kaya palagi kaming magkabuntot. We graduated from the same university and were job hunting together in the same year—at least from what I recall.Si Frances talaga ang gusto kong makita pagkatapos kong malaman ang pagkawala ng alaala ko. Kaya lang ay wala akong cellphone pantawag. Sinubukan kong tanungin sa mga nurses kung nasaan ang mga gamit ko kaya lang parang ayaw nila akong kausapin. Mabuti at may isang nagsabi sa ‘kin na wala akong gamit nang isugod sa ospital.Sa totoo lang ay gulong-gulo pa rin ako sa sitwasyon ko kaya sinabi ko kay Frances ang lahat. Nakatulong naman ito para makahinga ako kahit papaano.“Ikaw ah… baka joke time lang ‘to, Ali. Pang best actress pa naman ang arte mo,” may panunuyang komento ni Frances kaya napairap ako sabay iling. How I wish I’m just acting.“Wait. Paano mo pala nalamang nandito ako?”

    Last Updated : 2024-02-28
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 4

    Seeing my own place for the first time felt strange yet right. It was the perfect blend of fun and eclectic vibes. Ganitong-ganito ang na-imagine kong interior design noon na madalas ko ring ikwento mga taong malapit sa ‘kin. Sa sala pa lang, kapansin-pansin na ‘yung teal-colored sofa na nakasandal sa pader. May mga throw pillows sa ibabaw nito na magkakaiba ang kulay. Samantalang katapat nito ay may wooden coffee table. Parang blank canvas naman ang pader. May mga abstract paintings din kasi at iba pang art pieces na mukhang may kanya-kanyang kwento. Tamang-tama rin ang pasok ng natural light sa malaking bintana kung saan kita ang mga nagtataasang buildings sa labas. Sumilip din ako sa kusina. Dito’y nagulat ako nang makitang kumpleto ang mga stainless steel na appliances. Lalo ring nag stand out ang mga ito dahil sa geometric-patterned tiles. At katulad sa sala, may rustic wooden dining table dito na may mismatched chairs. Noong pinasok ko naman ang mga kwarto ay lalo akong naman

    Last Updated : 2024-02-29
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 5

    Growing up, I’ve always been an Icies – ito ang tawag sa fanbase ng favorite band kong “On the Rocks.” They are a trio of handsome and talented men who are probably in their mid-30s now pero kung titingnan ay parang mga bampira dahil ‘di tumatanda. Nakilala sila sa mga kantang pinaghalong acoustic at rap. Marami silang magagandang kanta na kayang-kaya ko sanang sabayan kung ‘di ko lang katabi ang boss ko.Diretso lang ang upo ko ngayon at halos hindi makagalaw. Nang marinig ang chorus ng pinakasikat nilang kanta ay napalunok ako. Pinigilan ko ang sarili sumabay at tumili katulad ng iba. Sa gilid ng mga mata ko’y kita ang seryosong panunuod ni Mr. Coldwell. Aakalaing nasa business meeting siya imbes na concert. Hindi kasi malaman kung nag e-enjoy ba siya or he’s trying to evaluate the whole performance. Paano’y magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa stage. Mabuti na lang at nag iwan ako ng bakanteng upuan sa pagitan namin para kay Frances. Kahit papaano ay nabawasan ang pa

    Last Updated : 2024-03-23
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 6

    Napunta na sa rap part ang kantang ‘Eternal Echoes’ na ‘di pwedeng mawala sa mga kanta ng ‘On the Rocks’. Hindi ko napigilan ang paggalaw ng ulo ko kasabay ng beat dahil unique at maganda ito. Mukhang tama nga si Mr. Coldwell na kababaliwan ko rin ang kantang ito. Hindi na ako nagtataka kung bakit paborito niya ito.Nang tingnan ko si Mr. Coldwell, napangiti ako nang makita ang kamay niya sa ibabaw ng kanyang hita dahil sa mga daliring tila nagsasayaw dito. Mukhang nag e-enjoy na rin siya dahil kahit ‘di man nakangiti, nabawasan ang lukot sa kanyang noo. He doesn’t look as intimidating as before.“Paano po kayo naging Icies?” hindi ko napigilang magtanong out of curiosity. Parang wala kasi sa tipo niyang mahilig sa ganitong banda. I mean, I could only imagine him going for the classics.“What?” nakakunot-noong tanong ni Mr. Coldwell. Inulit ko ang tanong ko pero mas lumakas ang kanta. Tuloy ay nawalan ako ng pag-asa kahit bahagya pa niyang inilapit ang tainga sa direksyon ko.Dahil mu

    Last Updated : 2024-03-24
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 7

    Pinagdikit ko ang labi ko sabay ngiti; hindi ko alam paano malulusutan ang sitwasyon. Akala ko talaga ano nang balak gawin ni Mr. Coldwell!Nagmadaling umalis ang glam team ng banda. Susunod sana ako sa kanila kung ‘di lang napahinto ng malamig na boses ni Mr. Coldwell. “I'm sorry if I wasn't clear, Ms. Del Rosario. I brought you here for an exclusive chance to meet the band.” Ito pala ang gusto niyang sabihin!Bago pa man makapagsalita, tumayo na ‘yong tatlo at lumapit sa ‘min. Nauna si Gabriel Cruz o mas kilala sa nickname na Gabe, ang kanilang lead vocalist. Nilapitan niya si Mr. Coldwell at imbes na makipagkamay ay nakipag-apir.“Buti at nakanuod ka rin sa concert namin, Pres!” bati ni Gabe na para bang malapit sila sa isa’t isa. Sabagay ay mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Ayon lang ay nagsalubong ang kilay ko nang ganito rin ang naging pagbati ng ibang band members – nariyan si Miguel Reyes o Miggy, the guitarist, at Rafael Santos o Raf, the drummer. Mukhang hindi lang pala

    Last Updated : 2024-03-30
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 8

    "Wait, so your boss took you to a private meet-up with the band, and then told you to head back to work early tomorrow?" Pag-summarize ni Frances sa kwento ko tungkol sa mga nangyari ngayong gabi. Tinawagan ko siya agad pagbalik ng condo. Ngayon ay nakahiga ako sa sofa habang kausap siya. Ngunit dala ng matinding pagod, ipinatong ko lang sa ibabaw ng tainga ang cellphone at pumikit. Masakit kasi ang katawan ko at mabigat din ang mga mata. “Bet ka ng boss mo!” bulalas ni Frances na nagpabangon sa ‘kin.“Sira! Nakalimutan mo yatang maraming beses ko siyang napahiya,” paalala ko sa ilang parte ng kwento ko na mukhang nakalimutan niya. Yes, I also thought that my boss was interested in me at first. Kaya nga hiyang-hiya ako nang malamang nagkamali ako. Pero mabuti na rin ito dahil nakahinga ako ng maluwag nang malamang ‘di siya katulad ng akala ko. “Oo nga, Ali. Kaya nga tingin ko type ka ni Mr. Coldwell. Kasi kung sa ibang boss mo ‘yon ginawa, malamang pinatuloy na ang resignation mo!

    Last Updated : 2024-03-31

Latest chapter

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 47

    Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 46

    Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 45

    Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 44

    “Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 43

    "That concludes our updates. HR will release details about the Halloween party soon. If you plan to attend, you’re allowed a plus one. The venue is larger this year—plan accordingly,” pagtatapos ni Mr. Coldwell sa meeting namin.Tungkol lang sa mga hawak naming kliyente ang pinag-usapan ngayong umaga. Pero hindi maitago ang excitement ng lahat nang marinig ang tungkol sa Halloween party. Ang balita ko, bongga raw kasing magpa-party ang Coldwell Corporation kaya ito ang taon-taon nilang inaabangan.Kaya naman agad nag-usap ang mga katrabaho ko sa lamesa, pinagpaplanuhan na kaagad kung sino ang kanilang isasama.“Excited na kami ng asawa ko manalo ng Best in Costume,” narinig kong komento ng taga ibang department.Napangiti lang ako habang nagliligpit ng gamit. Tapos na ang meeting kaya magsisimula na ang araw ko. Bibigyan daw ako ni Vivienne ng bagong tasks kaya—“Sinong isasama mo, Ali?” tanong ni Sandy. Napalingon ako sa kanya at nakita ang pilya niyang ngiti. “Baka mamaya mag-hard l

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 42

    Boyfriend talaga, Ali?! Kahapon lang, ang sabi ko kay Mr. Coldwell ay may manliligaw ako. Ngayon naman may boyfriend na? Ang bilis ah! Ibang klase rin naman pala ang ganda ko!Frances told me once that my dating life has zero records. Kaya paano ko na lang ngayon mapaninindigan ang kasinungalingan ko? Kung pwede lang maghulog ang langit ng boyfriend para sa ‘kin, aba’t magpapasalamat talaga ako!Mabuti na lang at walking distance lang sa condominium ang Japanese restaurant na kinainan namin nina Mr. Coldwell at Matteo.Pagbalik, tumambay muna ako sa pool area na matatagpuan sa second floor ng building. Sinamantala kong magsasarado na ito ngayong gabi. Walang ibang tao sa paligid kaya na-solo ko ito. Kasalukuyang nilalaro ng mga binti ko ang malamig na tubig sa pool; nakatingala ako sa mga bituin at buwan na tila mas tanaw ngayong gabi.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nasa huling parte na ako ng plano ko para matapos ang kakaibang ugnayan namin ni Mr. Coldwell. It’s alr

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 41

    Siguro intensyon talaga ni Mr. Coldwell pasamahin ako sa hapunan nilang mag-ama. Pagdating kasi namin sa Japanese restaurant malapit sa condo, may reserved room nang naghihintay sa ‘min. Private room ito kaya nabigyan kaming tatlo ng privacy.Pumwesto kami sa round table katulad noong nasa kotse kami. Naupo kami ni Mr. Coldwell sa pagitan ng kanyang anak. Tumayo nga lang siya ulit at lumabas ng kwarto kaya naiwan kami.“How are you?” malambing kong tanong kay Matteo. “Nakain mo ba ‘yung chocolate candy mo?”Umaliwalas ang mukha niya sabay tango. “Yes! Daddy too!”Naningkit ang mga mata ko, napaisip kung nakuha nga ba talaga ni Mr. Coldwell ang canned coffee na bigay ko bilang peace offering.Kinuha ko kay Matteo ang bag niya para maisabit sa upuan. Pasimple ko ring sinilip ang loob nito at napansing wala na itong laman.Hindi ko napigilan ang pag-angat ng dulo ng labi ko. “Good job, Matteo!” puri ko na nagpahagikgik sa kanya. “But promise me, next time you’re outside, you’ll stay with

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 40

    Sa wakas ay natapos din ang araw na ‘to! Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mabuti na lang at nakagawa ako ng mga pendings ko. On time din akong nakauwi dahil maagang umalis si Vivienne.Ngayon ay nakatayo na ako sa labas ng Coldwell Corporation, naghihintay na may tumanggap ng booking kong taxi.Natigilan ako dahil sa pamilyar na sasakyang huminto sa harapan ko. Sandali akong napaisip, at agad nanigas sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang sakay nito. Tatalikod na sana ako pero huli na nang bumaba ang bintana sa passenger’s seat.“Good evening, sir,” nag-aalangang bati ko kay Mr. Coldwell; bahagya akong yumuko bago pa magtagpo ang mga mata namin. Huli ko siyang nakita noong dinala ko si Matteo sa kanyang opisina. Isinubsob ko na kasi ang sarili sa trabaho pagkatapos kong ihatid kay Vivienne ang mga kailangan nito.“Get in, Ms. Del Rosario. We’ll drop you off your place,” walang emosyong utos ni Mr. Coldwell.Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko. Kung mak

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 39

    “Matteo?” Hindi makapaniwalang tawag ni Mrs. Coldwell sa anak. Agad nadepina ang lukot sa noo niya bago ibinaling sa ‘kin ang matalim na tingin. “Why is he with you?” malamig niyang tanong, as if I was never supposed to be seen with her son…Umikot ang tyan ko sa kaba. Magaling siyang magtago ng totoong emosyon kapag kausap ako, pero ngayon, parang nahulog ang maskarang suot niya.“Nakita ko lang siya sa cafeteria—”Hindi ko pa natatapos ang paliwanag, pilit na niyang inagaw si Matteo mula sa ‘kin. Imbes na makipaghilahan, agad akong bumitaw sa takot na masaktan ang bata.“Mommy!” Naiiyak na sigaw ni Matteo, dahilan para magtama ang tingin namin ni Mrs. Coldwell.“We’ll go to your daddy,” pag-alo ni Mrs. Coldwell pero lalo lang humagulgol si Matteo, halatang ayaw sumama. Tumindi pa ang pag-iyak nito nang pilit hinila papasok sa elevator.May kirot sa dibdib ko na hindi maipaliwanag. Normal lang naman mag-tantrums ang bata. Pero hindi ko mapigilang magtaka at mag-alala kung bakit ganit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status