Chapter: Chapter 49Wala akong choice kundi panuorin ang pag-alis ni Mrs. Coldwell. Nalaglag ang panga ko nang bukod sa paglabas niya ng mansyon, ilang sandali lang ay narinig ko ang tunog ng car engine. Aba’t mukhang seryoso nga siya! Pero saan naman ang punta niya kung dito siya nakatira?Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Coldwell sa likuran ko. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan. Mas lalo ‘kong naramdaman ang presensya niya ngayong naiwan akong mag-isa. Parang babaliktad ang sikmura ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim.Inhale… exhale. You’re just here for your report, Ali. Pilit kong kinalma ang sarili bago muling hinarap si Mr. Coldwell. Paupo siya sa mahaba at kulay beige na sofa sa sala. Nakabaling pa rin ang tingin niya sa bintana pero tipid akong ngumiti nang maglakad palapit sa kanya. Inabot ko ang folder na may lamang printed copy ng report ko para ipaalala ang ipinunta ko.Pero parang sandaling tumigil ang oras. Paano’y nakatitig pa rin ang boss ko sa kawalan habang naghihintay akong k
Terakhir Diperbarui: 2025-04-09
Chapter: Chapter 48Pagsakay ko sa kotse ni Mrs. Coldwell, nag-apologize kaagad ako sa kanya dahil sa abala. Pero naging professional pa rin siya, malayong-malayo ang attitude ngayon kumpara noong engkwentro namin sa elevator kasama si Matteo.“So, are you excited?” basag ni Mrs. Coldwell sa katahimikan bago lumiko sa kalsada.“Po?” balik ko, binukas-sara ang mga mata, hindi sigurado kung saan dapat ma-excite.Papunta lang naman kami sa bahay nila para sa report na inutos ni Mr. Coldwell. Kung tutuusin pwede namang siya na ang magbigay nito. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit isinama pa niya ‘ko.Unti-unting nanlamig ang katawan ko. Balak ba niya kaming hulihin ng asawa niya? Napalunok ako, parang may bumara sa lalamunan.Tumawa si Mrs. Coldwell, mahina at medyo pa-demure. “The Halloween party! It’s already this weekend—the day after tomorrow. May costume ka na ba? Plus one? Don’t tell me you forgot, Ms. Del Rosario.”Bumilog ang bibig ko. Halloween party pala ang tinutukoy niya. Imposibleng
Terakhir Diperbarui: 2025-04-05
Chapter: Chapter 47Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Terakhir Diperbarui: 2025-03-27
Chapter: Chapter 46Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Terakhir Diperbarui: 2025-03-22
Chapter: Chapter 45 Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
Terakhir Diperbarui: 2025-03-18
Chapter: Chapter 44“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12