Pagdilat ko’y sinalubong ako ng matinding pagsakit ng ulo. Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang alalahanin ang nangyari sa ‘kin.
Malamang ay galing na naman ako sa isang failed job interview. At pagkatapos ay naisipan kong maghanap ng part time job. Pero dahil sa gutom, pagod, at kawalan ng sapat na tulog—
Napadilat ako agad at dito nasilaw sa liwanag. Malakas ang kabog ng dibdib, sinubukan ko ulit tingnan kung nasaan ako. May puting kisame? Mukhang hindi pa naman ito langit kung ganuon. Pagsinghot ko’y nakaamoy ako ng panlinis o kakaibang kemikal. Nakarinig din ako ng tunog galing sa tabi ko kung saan may monitor na sa ospital ko lang madalas makita.
I’m in a hospital room, I guess?
Ilang segundo akong nakahinga nang maluwag bago nagtaka. Ano naman kasing ginagawa ko sa isang ospital? Bago ito masagot, napunta ang atensyon ko sa batang lalaking halos tumalon sa ibabaw ko.
“Mommy!” masayang sigaw niya habang nakatitig sa ‘kin.
Natigilan naman ako. Pinagmasdan ko nang mabuti ‘yung bata na siguro’y nasa three years old pa lang. May pagkakulot ang itim niyang buhok, matangos ang ilong at medyo singkit ang mga mata. Pagngiti niya’y may lubog sa magkabila niyang pisngi, sa ilalim lang ng mga mata, na parang cat whiskers.
Ang cute naman ng batang ‘to. Nasaan kaya ang nanay nito at hinayaan lang itong palaboy-laboy sa ospital?
Sinubukan kong bumangon para sana ihatid siya pero ‘yung lakas na dati’y mayroon ako ay parang biglang naglaho. Hindi naman ako madalas magkasakit kaya hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang panghihina ko ngayon. Parang hindi ko na kontrolado ang sariling katawan.
“Bata, anong pangalan mo?” tanong ko na lang tuloy. Inalalayan ko pa dahil baka mahulog sa upuang tinutuntungan. “May kasama ka? Baka hinahanap ka na ng mommy mo,” sabi ko pa sabay libot ng mga mata sa kwarto kung nasaan ako. Wala palang ibang tao rito bukod sa ‘min. Pero bakit parang may narinig akong mga boses kanina?
“Mommy!” tawag pa ulit sa ‘kin nung bata sabay yakap. Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Kailangan kong humanap ng ibang tutulong sa kanya.
Sa tabi ng kama kung saan ako nakahiga, may maliit na cabinet. Sinubukan ko itong abutin at buksan dahil baka nandito ang mga gamit ko. Gusto ko sanang makuha ang cellphone ko pero nahinto ako sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto.
Pumasok ang lalaking may hawig kay Henry Golding, sikat na aktor na sobrang crush ko ngayon dahil sa movie nito last year. Tuloy ay hindi ko napigilan ang pagtitig sa kanya.
This man has a commanding presence, probably because of his height, which I estimate to be over six feet. He’s not overly muscular but he has toned build. Kaya bagay at tama lang sa kanya ang fit ng suot niyang white polo at gray pants. Pwede rin siyang modelo ng brand nito.
Naglakad palapit sa kama ‘yung lalaki. Sino ba namang hindi mapapatitig sa artistahin niyang mukha?
I like how defined his jawline is as well as his deep and expressive brown eyes. Kahit mukha siyang masungit at pagod, there’s something about the way he looks at you that is worth melting for.
Bukod pa rito, may kakapalan din ang kanyang kilay na bagay lang sa tamang tangos ng kanyang ilong. Parang hinulma ang kanyang cheekbones na tingin ko’y mas magandang tingnan kapag nakangiti siya. Higit sa lahat, he has a neatly trimmed beard that complements his short dark hair with slight waves kaya kahit sa malayo ang linis at bango niyang tingnan.
"Your stare tells me you're still not back to your usual self," malamig na komento nung lalaki na nagpabalik sa ‘kin sa wisyo. Nag-iwas ako ng tingin; binukas-sara nang mabilis ang mga mata ko, kunwari’y napuwing. Nakaramdam ako ng hiya dahil napansin niya ang pagtitig ko.
“Ah sorry. Naalala ko lang ‘yung crush ko – este, ‘yung doktor! Baka kailangan akong tingnan. Kung anu-ano kasing naiisip ko,” dahilan ko bago tumawa nang mahina para itago ang pagkailang.
Nagsalubong naman ang kilay nung lalaki na para bang may mali akong nasabi. Dito humiwalay ‘yung batang nakayakap sa ‘kin at nagmadaling lumapit sa kanya.
“Daddy!” tawag nung bata at dito bumilog ang bibig ko. Mukhang sinusundo lang pala siya ng lalaking ito. Sayang at pamilyadong tao na pala...
Napailing ako dahil sa pagkadismaya. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi dapat kung anu-ano ang iniisip ko. Kailangan kong mas magsumikap makahanap ng trabaho. Lalo na’t marami akong kasabayang fresh graduates at matindi ang labanan sa corporate world.
Bumukas ulit ang pinto ng kwarto at akala ko doktor na ito nang may pumasok na magandang babae. Nagkatinginan pa kami sandali bago niya ibinaling ang tingin sa lalaki at anak nito. Mukhang ito naman pala ang mommy na tinutukoy nung bata. Nakumpirma ko ito nang pasamahin siya rito ng tatay niya.
Nang akala ko iiwan na nila akong mag-isa, nagulat ako nang manatili pa ‘yung lalaki sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng tensyon nang kaming dalawa na lang ang magkasama.
Paano ko ba siya mapapaalis ng hindi bastos? Nag-isip ako ng paraan pero naglaho nang lapitan pa ‘ko lalo nung lalaki. May kung anong nagkagulo siya tyan ko nang buksan niya ang ilang butones ng suot na polo. Paghinto sa tabi ng kama, nanigas ako nang hawakan niya ang kamay ko bago nagsalita, "I've been thinking about what you said. I'm sorry, but I can't do what you're asking for."
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang sinabi ko.
“Uhm… I’m sorry. Magkakilala ba tayo?” naglakas-loob akong magtanong. Dahan-dahan ko ring binawi ang kamay ko mula sa kanya.
Imbes na magpakilala ay napabuntong-hininga siya. Humawak siya sa gilid ng kama at bahagyang ibinaba ang sarili. Wala akong choice kung hindi tingnan siya nang malapitan. I could smell a mix of clean laundry and a hint of earthy perfume from him.
“I’m not playing this game with you, Ali,” may diin niyang saad; malalim ang tingin sa ‘kin. Akala yata niya ay nakikipagbiruan ako.
“Sorry pero hindi talaga kita kilala. Sino ka ba?” Kahit anong isip ko, bukod sa kamukha niyang artista, ay wala na akong ideya kung sino siya. Schoolmates ba kami? Recruiter ba siya? O baka naman may utang ako sa kanya!
Umigting ang panga nung lalaki bago kinain ang natitirang distansya sa pagitan ng mukha namin. Mabuti at agad kong naiiwas ang mukha ‘ko! Tinulak ko siya papalayo pero isiniksik pa niya ang mukha sa leeg ko at dito’y ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga.
Tuloy ay natigilan ako. Ano bang relasyon naming dalawa?
Lumayo lang siya sa ‘kin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sunud-sunod na pumasok ang doktor at ilang nurses sa kwarto para tingnan ako.
Sinusubukan ko pang iproseso ang lahat nang mahagip ng mga mata ko ang kalendaryo sa pader. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Paano nangyaring 2024 ang taon sa kalendaryo gayong 2019 ang huling tanda ko?!
“Prank ba ‘to? Nasaan ‘yung mga camera?” magkasunod kong tanong na nagpahinto sa pag-uusap ng doktor at mga nurses. Napatingin silang lahat sa akin, bakas ang pagtataka sa mga mukha. Ngunit imbes na seryosohin ay tinawanan ko sila, “Naks! Grabe ‘yung effort. Para sa TV ba ‘to o social media?”Nadepina ang lukot sa noo ng doktor, “Mrs—”“Kung hindi ‘to prank. Don’t tell me na nag time travel ako at nakarating ng 2024?” pagputol ko rito. I could feel my frustrations building up. Kaya nga wala na ‘kong pake kahit nandito pa rin sa kwarto ‘yung lalaking kamukha ni Henry Golding. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakikiusyoso.Kahit alam kong maaari nilang isiping nababaliw na ‘ko, itinuro ko ang ang kalendaryo sa pader. “Latest ba ‘yan? Kasi ang alam ko, nasa kalagitnaan pa lang ako ng 2019—” Napasinghap ako sabay takip ng bibig. “Baka nasa alternate universe ako!”Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng paliwanag sa sitwasyon ko. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang dahan-dahang pagla
“Ali! Anong nangyari sa ‘yo?”Napalingon ako sa bukas na pinto ng kwarto at nabuhayan ng loob pagkakita kay Frances. Magkababata kami at matalik na magkaibigan kaya palagi kaming magkabuntot. We graduated from the same university and were job hunting together in the same year—at least from what I recall.Si Frances talaga ang gusto kong makita pagkatapos kong malaman ang pagkawala ng alaala ko. Kaya lang ay wala akong cellphone pantawag. Sinubukan kong tanungin sa mga nurses kung nasaan ang mga gamit ko kaya lang parang ayaw nila akong kausapin. Mabuti at may isang nagsabi sa ‘kin na wala akong gamit nang isugod sa ospital.Sa totoo lang ay gulong-gulo pa rin ako sa sitwasyon ko kaya sinabi ko kay Frances ang lahat. Nakatulong naman ito para makahinga ako kahit papaano.“Ikaw ah… baka joke time lang ‘to, Ali. Pang best actress pa naman ang arte mo,” may panunuyang komento ni Frances kaya napairap ako sabay iling. How I wish I’m just acting.“Wait. Paano mo pala nalamang nandito ako?”
Seeing my own place for the first time felt strange yet right. It was the perfect blend of fun and eclectic vibes. Ganitong-ganito ang na-imagine kong interior design noon na madalas ko ring ikwento mga taong malapit sa ‘kin. Sa sala pa lang, kapansin-pansin na ‘yung teal-colored sofa na nakasandal sa pader. May mga throw pillows sa ibabaw nito na magkakaiba ang kulay. Samantalang katapat nito ay may wooden coffee table. Parang blank canvas naman ang pader. May mga abstract paintings din kasi at iba pang art pieces na mukhang may kanya-kanyang kwento. Tamang-tama rin ang pasok ng natural light sa malaking bintana kung saan kita ang mga nagtataasang buildings sa labas. Sumilip din ako sa kusina. Dito’y nagulat ako nang makitang kumpleto ang mga stainless steel na appliances. Lalo ring nag stand out ang mga ito dahil sa geometric-patterned tiles. At katulad sa sala, may rustic wooden dining table dito na may mismatched chairs. Noong pinasok ko naman ang mga kwarto ay lalo akong naman
Growing up, I’ve always been an Icies – ito ang tawag sa fanbase ng favorite band kong “On the Rocks.” They are a trio of handsome and talented men who are probably in their mid-30s now pero kung titingnan ay parang mga bampira dahil ‘di tumatanda. Nakilala sila sa mga kantang pinaghalong acoustic at rap. Marami silang magagandang kanta na kayang-kaya ko sanang sabayan kung ‘di ko lang katabi ang boss ko.Diretso lang ang upo ko ngayon at halos hindi makagalaw. Nang marinig ang chorus ng pinakasikat nilang kanta ay napalunok ako. Pinigilan ko ang sarili sumabay at tumili katulad ng iba. Sa gilid ng mga mata ko’y kita ang seryosong panunuod ni Mr. Coldwell. Aakalaing nasa business meeting siya imbes na concert. Hindi kasi malaman kung nag e-enjoy ba siya or he’s trying to evaluate the whole performance. Paano’y magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa stage. Mabuti na lang at nag iwan ako ng bakanteng upuan sa pagitan namin para kay Frances. Kahit papaano ay nabawasan ang pa
Napunta na sa rap part ang kantang ‘Eternal Echoes’ na ‘di pwedeng mawala sa mga kanta ng ‘On the Rocks’. Hindi ko napigilan ang paggalaw ng ulo ko kasabay ng beat dahil unique at maganda ito. Mukhang tama nga si Mr. Coldwell na kababaliwan ko rin ang kantang ito. Hindi na ako nagtataka kung bakit paborito niya ito.Nang tingnan ko si Mr. Coldwell, napangiti ako nang makita ang kamay niya sa ibabaw ng kanyang hita dahil sa mga daliring tila nagsasayaw dito. Mukhang nag e-enjoy na rin siya dahil kahit ‘di man nakangiti, nabawasan ang lukot sa kanyang noo. He doesn’t look as intimidating as before.“Paano po kayo naging Icies?” hindi ko napigilang magtanong out of curiosity. Parang wala kasi sa tipo niyang mahilig sa ganitong banda. I mean, I could only imagine him going for the classics.“What?” nakakunot-noong tanong ni Mr. Coldwell. Inulit ko ang tanong ko pero mas lumakas ang kanta. Tuloy ay nawalan ako ng pag-asa kahit bahagya pa niyang inilapit ang tainga sa direksyon ko.Dahil mu
Pinagdikit ko ang labi ko sabay ngiti; hindi ko alam paano malulusutan ang sitwasyon. Akala ko talaga ano nang balak gawin ni Mr. Coldwell!Nagmadaling umalis ang glam team ng banda. Susunod sana ako sa kanila kung ‘di lang napahinto ng malamig na boses ni Mr. Coldwell. “I'm sorry if I wasn't clear, Ms. Del Rosario. I brought you here for an exclusive chance to meet the band.” Ito pala ang gusto niyang sabihin!Bago pa man makapagsalita, tumayo na ‘yong tatlo at lumapit sa ‘min. Nauna si Gabriel Cruz o mas kilala sa nickname na Gabe, ang kanilang lead vocalist. Nilapitan niya si Mr. Coldwell at imbes na makipagkamay ay nakipag-apir.“Buti at nakanuod ka rin sa concert namin, Pres!” bati ni Gabe na para bang malapit sila sa isa’t isa. Sabagay ay mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Ayon lang ay nagsalubong ang kilay ko nang ganito rin ang naging pagbati ng ibang band members – nariyan si Miguel Reyes o Miggy, the guitarist, at Rafael Santos o Raf, the drummer. Mukhang hindi lang pala
"Wait, so your boss took you to a private meet-up with the band, and then told you to head back to work early tomorrow?" Pag-summarize ni Frances sa kwento ko tungkol sa mga nangyari ngayong gabi. Tinawagan ko siya agad pagbalik ng condo. Ngayon ay nakahiga ako sa sofa habang kausap siya. Ngunit dala ng matinding pagod, ipinatong ko lang sa ibabaw ng tainga ang cellphone at pumikit. Masakit kasi ang katawan ko at mabigat din ang mga mata. “Bet ka ng boss mo!” bulalas ni Frances na nagpabangon sa ‘kin.“Sira! Nakalimutan mo yatang maraming beses ko siyang napahiya,” paalala ko sa ilang parte ng kwento ko na mukhang nakalimutan niya. Yes, I also thought that my boss was interested in me at first. Kaya nga hiyang-hiya ako nang malamang nagkamali ako. Pero mabuti na rin ito dahil nakahinga ako ng maluwag nang malamang ‘di siya katulad ng akala ko. “Oo nga, Ali. Kaya nga tingin ko type ka ni Mr. Coldwell. Kasi kung sa ibang boss mo ‘yon ginawa, malamang pinatuloy na ang resignation mo!
Gusto ko ng mas malalim na hukay para ilibing ang sarili ko. May panibagong entry na naman kasi ako sa list of awkward moments with my boss.At maliit na porsyento lang nito ‘yong pag sigaw ko dahil akala ko scammer siya. Ang may pinakamalaking contribution talaga rito ay ang naging pag-uusap namin pagkatapos. “Of course, Mr. Coldwell. Makalimutan ko na lahat ‘wag lang ang pasok ko ngayong araw!” magana ngunit sarkastikong sagot ko sa kanyang paalala. Natanong ko pa siya kung paano niya nalaman ang number ko gayong pahiram lang ito ni Frances. Ang sagot niya’y hiningi niya ito noong minsan silang nagkausap ng kaibigan ko sa ospital.“Where are you now? ETA,” sabi pa ni Mr. Coldwell.“Ah… ITEY! Nasa taxi ako, Sir!” proud kong sagot. Muntik pa ‘kong matawa sa paggamit niya ng gay lingo. “Kaya lang may very slight problem tayo,” dugtong ko pa na agad ko ring pinagsisihan.“What’s wrong?”Huminga ako nang malalim bago sumagot. “May one hundred fif– I mean two hundred pesos ka, Sir? Baka