Seeing my own place for the first time felt strange yet right. It was the perfect blend of fun and eclectic vibes. Ganitong-ganito ang na-imagine kong interior design noon na madalas ko ring ikwento mga taong malapit sa ‘kin.
Sa sala pa lang, kapansin-pansin na ‘yung teal-colored sofa na nakasandal sa pader. May mga throw pillows sa ibabaw nito na magkakaiba ang kulay. Samantalang katapat nito ay may wooden coffee table.
Parang blank canvas naman ang pader. May mga abstract paintings din kasi at iba pang art pieces na mukhang may kanya-kanyang kwento. Tamang-tama rin ang pasok ng natural light sa malaking bintana kung saan kita ang mga nagtataasang buildings sa labas.
Sumilip din ako sa kusina. Dito’y nagulat ako nang makitang kumpleto ang mga stainless steel na appliances. Lalo ring nag stand out ang mga ito dahil sa geometric-patterned tiles. At katulad sa sala, may rustic wooden dining table dito na may mismatched chairs.
Noong pinasok ko naman ang mga kwarto ay lalo akong namangha. May canopy bed ‘yung master bedroom na mukhang yayamanin. May mahaba at makapal ding kurtina ang bintana. Pero ang nakakatuwa ay ‘yung string lights na nakakabit sa pader malapit sa kama. May nakaipit ditong mga printed quotes na mukhang lahat ay galing sa mga paborito kong libro. Kaya naman hindi mapagkakailang ito ang kwarto ko.
‘Yung ikalawang kwarto naman ay parang opisina. May shelves sa pader na puno ng mga libro. May malaking lamesa malapit sa bintana kung saan maganda rin ang pasok ng liwanag. Ang galing lang talaga dahil parang naging reflection ng personality ko ang condo unit na ito.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Frances na nagpabalik sa ‘kin sa kasalukuyan. Galing sa kusina’y bumalik na siya ng sala. May dala siyang juice para sa ‘ming dalawa.
Nandito pa kami sa condo ko dahil napagkasunduan naming dito manggagaling papuntang concert. “Hilo pa rin sa mga nangyayari,” sagot ko; tinawanan na lang ang sarili.
“Don’t worry. For sure babalik din ang memories mo. You probably just need a break from everything.” Sana nga tama si Frances. Pero nakakatakot lang isipin na marami akong hindi alam ngayon tungkol sa mga tao o bagay sa paligid ko – lalo’t higit sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim at sumandal sa sofa. Pagtingin sa kaibigan ko’y may tanong na pumasok sa isip ko. “Kung dito na ako nakatira…e ikaw? Kumusta ka ba?” tanong ko kay Frances. Marami na siyang nakwento tungkol sa buhay ko pero wala akong alam tungkol sa kanya.
Natigilan siya sandali bago nakangiting sumagot sa tanong ko. “A lot can happen in five years. But I haven’t changed as much as you did. I’m currently staying with my parents. I’m looking for a job after completing my masters. Hopefully, magkaroon na ‘ko ng ambag sa pamilya,” tumawa siya ng mahina na sinubukan kong sabayan.
“Huy! Big deal ang makapag-masters ah! ‘Yan ‘yung pangarap mo ‘di ba? Congrats kasi natupad mo rin! Masaya ako para sa ‘yo,” sabi ko sabay yakap sa kanya. At least, sa loob ng five years, magkaibigan pa rin kami. Bibihira na ngayon makakita ng totoong kaibigan.
Paghiwalay ko kay Frances ay nakita ko ang pagpalis niya ng luha sa gilid ng mata. “Ang alikabok naman dito. Dapat yata mag general cleaning tayo,” pagtatago niya nito na tinawanan namin pareho. “Baka may gusto ka pang malaman,” alok niya na na-appreciate ko ng sobra.
Inalala ko lahat ng mga nasabi na niya sa ‘kin. I’m single. I currently live in a condominium. My mother is still in the province at wala pa itong alam sa nangyari sa ‘kin na mas gusto ko rin naman para ‘di na dumagdag pa sa problema.
“Wait. Paano ko na-afford bumili ng condo?” mabilis kong tanong. Para pa rin kasi akong nananaginip.
“Syempre may ipon ka,” may kumpyansang sagot ni Frances, “Look Ali, you’ve been working really hard in Coldwell Corporation for years—”
“Years?! Pero bakit ako nag-resign?” pagputol ko. Naalala ko ‘yung resignation letter na pinunit ko sa harapan ni Mr. Coldwell. Sana pala binasa ko man lang ang laman nito.
“You said you were tired of working there. You were obviously burned out. Kaya nag try kang maging freelancer and that’s what you’ve been doing for months now.”
Bumilog ang bibig ko. Kaya pala may sarili akong office dito sa condo. Sabagay, posible ngang mapagod ako kung nagtatrabaho ako sa isang malaking kumpanya. Mukhang hindi rin biro ang posisyon ko dahil talagang pinuntahan pa ako ni Mr. Coldwell sa ospital kahit ilang buwan na mula noong nag-resign ako.
My role must be really important to him if he's that desperate to have me back.
“Alam mo ba kung nasaan ang mga documents ko? Baka kailangan kong i-review lahat ng mayroon ako,” sabi ko pa dahil siguradong makakatulong ang mga ito para makilala ko si Ali ng 2024.
“You’re very organized, Ali. I think you have everything you need in your room. Pero sa ngayon, kailangan na muna nating umalis. Kung hindi, baka sa traffic tayo mag concert,” paalala ni Frances. Kaya nagmadali na kaming umalis nang makita ang oras.
***
“Here’s my old phone. Gamitin mo in case magkahiwalay tayo,” sabi ni Frances sabay abot sa ‘kin ng smartphone niya. Sinubukan kasi naming hanapin ang cellphone ko sa condo pero hindi namin nakita.
Nagpasalamat ako sa kaibigan ko. Ano na lang ang gagawin ko kung wala siya?
Nakarating na kami sa concert venue at pumila agad kami ni Frances papasok dito. Pila pa lang, ramdam ko na ang excitement ng lahat. Hindi naman nakapagtataka dahil five years din ang lumipas bago ulit nagkaroon ng concert ang paborito kong banda.
“Yes, hello?” Napatingin ako kay Frances nang may sagutin siyang tawag. Sumenyas siya sa ‘king aalis sa pila dahil maingay. Sasama sana ako pero umiling siya. “Sunod ako,” she mouthed sabay pakita ng hawak niyang ticket. Ayaw ko sanang maiwan mag-isa pero naalala kong matanda na ako ngayon para matakot pa sa ganitong bagay.
Itinuloy ko na lang ang pagpila hanggang sa makapasok sa loob. Namangha ako nang makita kung gaano kalaki ang venue pati na rin ang dami ng taong nagpunta rito ngayong gabi. Mukhang after five years ay mas sumikat pa ang favorite band ko.
Hinanap ko agad ang pwesto ko at nagulat dahil mukhang malapit ako sa stage. Ibang klase pala ang VIP pass na noon ay hindi namin afford. Sabi nga ni Frances ay nagpunta ako sa concert noong 2019 pero sa labas lang, kung saan may malaking TV, ako nanuod.
Nang makita ko ang upuan ko’y nagmadali ako papunta rito. Panay ang yuko ko dahil may ilan nang nakaupo sa dadaanan ko at bandang gitna pa ang pwesto ko.
Wala naman sanang problema. Ayon lang ay kakagalaw ng ulo ay medyo nahilo ako. Namali ako ng hakbang at nadapa sa hita ng isang concert attendee! Agad umakyat ang dugo sa mukha ko!
“Sorry—Mr. Coldwell?!” bulalas ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig lalo nang makita ang malamig niyang tingin.
Sobrang liit na ba ng mundo para magkita pa kami ng boss ko sa concert?!
Growing up, I’ve always been an Icies – ito ang tawag sa fanbase ng favorite band kong “On the Rocks.” They are a trio of handsome and talented men who are probably in their mid-30s now pero kung titingnan ay parang mga bampira dahil ‘di tumatanda. Nakilala sila sa mga kantang pinaghalong acoustic at rap. Marami silang magagandang kanta na kayang-kaya ko sanang sabayan kung ‘di ko lang katabi ang boss ko.Diretso lang ang upo ko ngayon at halos hindi makagalaw. Nang marinig ang chorus ng pinakasikat nilang kanta ay napalunok ako. Pinigilan ko ang sarili sumabay at tumili katulad ng iba. Sa gilid ng mga mata ko’y kita ang seryosong panunuod ni Mr. Coldwell. Aakalaing nasa business meeting siya imbes na concert. Hindi kasi malaman kung nag e-enjoy ba siya or he’s trying to evaluate the whole performance. Paano’y magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa stage. Mabuti na lang at nag iwan ako ng bakanteng upuan sa pagitan namin para kay Frances. Kahit papaano ay nabawasan ang pa
Napunta na sa rap part ang kantang ‘Eternal Echoes’ na ‘di pwedeng mawala sa mga kanta ng ‘On the Rocks’. Hindi ko napigilan ang paggalaw ng ulo ko kasabay ng beat dahil unique at maganda ito. Mukhang tama nga si Mr. Coldwell na kababaliwan ko rin ang kantang ito. Hindi na ako nagtataka kung bakit paborito niya ito.Nang tingnan ko si Mr. Coldwell, napangiti ako nang makita ang kamay niya sa ibabaw ng kanyang hita dahil sa mga daliring tila nagsasayaw dito. Mukhang nag e-enjoy na rin siya dahil kahit ‘di man nakangiti, nabawasan ang lukot sa kanyang noo. He doesn’t look as intimidating as before.“Paano po kayo naging Icies?” hindi ko napigilang magtanong out of curiosity. Parang wala kasi sa tipo niyang mahilig sa ganitong banda. I mean, I could only imagine him going for the classics.“What?” nakakunot-noong tanong ni Mr. Coldwell. Inulit ko ang tanong ko pero mas lumakas ang kanta. Tuloy ay nawalan ako ng pag-asa kahit bahagya pa niyang inilapit ang tainga sa direksyon ko.Dahil mu
Pinagdikit ko ang labi ko sabay ngiti; hindi ko alam paano malulusutan ang sitwasyon. Akala ko talaga ano nang balak gawin ni Mr. Coldwell!Nagmadaling umalis ang glam team ng banda. Susunod sana ako sa kanila kung ‘di lang napahinto ng malamig na boses ni Mr. Coldwell. “I'm sorry if I wasn't clear, Ms. Del Rosario. I brought you here for an exclusive chance to meet the band.” Ito pala ang gusto niyang sabihin!Bago pa man makapagsalita, tumayo na ‘yong tatlo at lumapit sa ‘min. Nauna si Gabriel Cruz o mas kilala sa nickname na Gabe, ang kanilang lead vocalist. Nilapitan niya si Mr. Coldwell at imbes na makipagkamay ay nakipag-apir.“Buti at nakanuod ka rin sa concert namin, Pres!” bati ni Gabe na para bang malapit sila sa isa’t isa. Sabagay ay mukhang hindi nalalayo ang edad nila. Ayon lang ay nagsalubong ang kilay ko nang ganito rin ang naging pagbati ng ibang band members – nariyan si Miguel Reyes o Miggy, the guitarist, at Rafael Santos o Raf, the drummer. Mukhang hindi lang pala
"Wait, so your boss took you to a private meet-up with the band, and then told you to head back to work early tomorrow?" Pag-summarize ni Frances sa kwento ko tungkol sa mga nangyari ngayong gabi. Tinawagan ko siya agad pagbalik ng condo. Ngayon ay nakahiga ako sa sofa habang kausap siya. Ngunit dala ng matinding pagod, ipinatong ko lang sa ibabaw ng tainga ang cellphone at pumikit. Masakit kasi ang katawan ko at mabigat din ang mga mata. “Bet ka ng boss mo!” bulalas ni Frances na nagpabangon sa ‘kin.“Sira! Nakalimutan mo yatang maraming beses ko siyang napahiya,” paalala ko sa ilang parte ng kwento ko na mukhang nakalimutan niya. Yes, I also thought that my boss was interested in me at first. Kaya nga hiyang-hiya ako nang malamang nagkamali ako. Pero mabuti na rin ito dahil nakahinga ako ng maluwag nang malamang ‘di siya katulad ng akala ko. “Oo nga, Ali. Kaya nga tingin ko type ka ni Mr. Coldwell. Kasi kung sa ibang boss mo ‘yon ginawa, malamang pinatuloy na ang resignation mo!
Gusto ko ng mas malalim na hukay para ilibing ang sarili ko. May panibagong entry na naman kasi ako sa list of awkward moments with my boss.At maliit na porsyento lang nito ‘yong pag sigaw ko dahil akala ko scammer siya. Ang may pinakamalaking contribution talaga rito ay ang naging pag-uusap namin pagkatapos. “Of course, Mr. Coldwell. Makalimutan ko na lahat ‘wag lang ang pasok ko ngayong araw!” magana ngunit sarkastikong sagot ko sa kanyang paalala. Natanong ko pa siya kung paano niya nalaman ang number ko gayong pahiram lang ito ni Frances. Ang sagot niya’y hiningi niya ito noong minsan silang nagkausap ng kaibigan ko sa ospital.“Where are you now? ETA,” sabi pa ni Mr. Coldwell.“Ah… ITEY! Nasa taxi ako, Sir!” proud kong sagot. Muntik pa ‘kong matawa sa paggamit niya ng gay lingo. “Kaya lang may very slight problem tayo,” dugtong ko pa na agad ko ring pinagsisihan.“What’s wrong?”Huminga ako nang malalim bago sumagot. “May one hundred fif– I mean two hundred pesos ka, Sir? Baka
Mabuti at binalikan ako ni Mr. Coldwell. Kung hindi’y mapipilitan akong maghagdanan papuntang 14th floor dahil kailangan din ng ID pang access sa elevator. Ayon nga lang, kailangan kong tiisin ang awkwardness kasama ang boss ko. Sobrang tahimik kasi namin sa loob ng elevator; halos hindi ako makahinga. Si Mr. Coldwell lang ang kasama ko dahil nauna na ang kanyang mga kasama kanina. “Uhm, sir, thank you po pala kanina… tsaka sa pamasahe,” nagawa ko ring magsalita. “Pasensya na rin po at late ako.” Gusto ko sanang magbigay ng dahilan pero parang magmumukha lang akong defensive.“What matters is that you're present now,” balik ni Mr. Coldwell na ‘di ko sigurado kung seryoso ba pero kahit papaano ay nagpakalma sa ‘kin.Natahimik ulit kaming dalawa. Napatitig ako sa kisame at napaisip sa mga nangyari. Malamang hindi ako kilala ng dalawang empleyadong kasama ni Mr. Coldwell kanina. Wala kasi silang reaksyon nang makita ako. Ganuon na rin ‘yong Mica Ferrer sa HR department. Talaga nga ka
Sinubukan kong alalahanin si Tina pero masyadong malinis ang pagkawala ng memorya ko. Kahit kasi kaunti ay wala akong matandaan tungkol sa kanya. “Pero desisyon mo naman ‘yan sis. Basta ‘ko happy dahil babalik ka na. For sure, matutuwa rin ‘yung iba nating ka-team. Tara sa loob!” biglang aya ni Tina. Naalala ko ang huling bilin ni Mr. Coldwell sa ‘kin. Tatanggi sana ako kaya lang ay nahila na niya ‘ko papunta sa mga office cubicle. Dito’y halos sabay-sabay nagtaas ng tingin sa direksyon namin ang ilang empleyado; karamihan ay mukhang nabigla ring makita ako. Palagay ko’y sila ang mga nakatrabaho ko noon base sa reaksyon nila. Kumusta kaya akong katrabaho? “Oh my God, Ali! You’re back!” sigaw ng isa sa kanila na unang tumayo at tumakbo palapit sa ‘kin. As a crossdresser, I think it’s safe to assume that he’s my gay friend. Niyakap niya ako katulad ni Tina kaya tingin ko close kami. Nagsunud-sunod na ring lumapit ang iba pwera sa isang babaeng sumulyap lang ng isa sa ‘kin bago itinu
Paano ko ba dapat sabihin sa boss kong hindi na ‘ko payag maging kabit niya?Hindi ako sigurado kung ano talaga ang nangyari sa amin in the last five years. At kung totoo man ang hinala ko, hindi ko alam kung bakit ako pumayag noon. Sure, Mr. Coldwell might be attractive, rich, and accomplished. However, I know I'm not the type of woman to get involved in someone else's relationship.Kaya ngayong burado na siya sa memorya ko, siguro’y blessing in disguise na rin ito dahil ayaw kong ituloy kung ano mang nasimulan namin noon.“Have a seat,” malamig na saad ni Mr. Coldwell pagpasok namin sa kanyang opisina.May black leather sofa set dito bukod pa sa kanyang table at dalawang office chairs. Sa likuran ng lamesa ay may malaking glass wall kung saan tanaw ang mga nagtataasang buildings sa labas. Right across from it, is also another glass wall. Nasa likuran lang ito ng sofa kung saan kita ang mga empleyadong tila nasa sinehan o aquarium. May abstract painting sa isang pader at wall mounted
Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n
"That concludes our updates. HR will release details about the Halloween party soon. If you plan to attend, you’re allowed a plus one. The venue is larger this year—plan accordingly,” pagtatapos ni Mr. Coldwell sa meeting namin.Tungkol lang sa mga hawak naming kliyente ang pinag-usapan ngayong umaga. Pero hindi maitago ang excitement ng lahat nang marinig ang tungkol sa Halloween party. Ang balita ko, bongga raw kasing magpa-party ang Coldwell Corporation kaya ito ang taon-taon nilang inaabangan.Kaya naman agad nag-usap ang mga katrabaho ko sa lamesa, pinagpaplanuhan na kaagad kung sino ang kanilang isasama.“Excited na kami ng asawa ko manalo ng Best in Costume,” narinig kong komento ng taga ibang department.Napangiti lang ako habang nagliligpit ng gamit. Tapos na ang meeting kaya magsisimula na ang araw ko. Bibigyan daw ako ni Vivienne ng bagong tasks kaya—“Sinong isasama mo, Ali?” tanong ni Sandy. Napalingon ako sa kanya at nakita ang pilya niyang ngiti. “Baka mamaya mag-hard l
Boyfriend talaga, Ali?! Kahapon lang, ang sabi ko kay Mr. Coldwell ay may manliligaw ako. Ngayon naman may boyfriend na? Ang bilis ah! Ibang klase rin naman pala ang ganda ko!Frances told me once that my dating life has zero records. Kaya paano ko na lang ngayon mapaninindigan ang kasinungalingan ko? Kung pwede lang maghulog ang langit ng boyfriend para sa ‘kin, aba’t magpapasalamat talaga ako!Mabuti na lang at walking distance lang sa condominium ang Japanese restaurant na kinainan namin nina Mr. Coldwell at Matteo.Pagbalik, tumambay muna ako sa pool area na matatagpuan sa second floor ng building. Sinamantala kong magsasarado na ito ngayong gabi. Walang ibang tao sa paligid kaya na-solo ko ito. Kasalukuyang nilalaro ng mga binti ko ang malamig na tubig sa pool; nakatingala ako sa mga bituin at buwan na tila mas tanaw ngayong gabi.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nasa huling parte na ako ng plano ko para matapos ang kakaibang ugnayan namin ni Mr. Coldwell. It’s alr
Siguro intensyon talaga ni Mr. Coldwell pasamahin ako sa hapunan nilang mag-ama. Pagdating kasi namin sa Japanese restaurant malapit sa condo, may reserved room nang naghihintay sa ‘min. Private room ito kaya nabigyan kaming tatlo ng privacy.Pumwesto kami sa round table katulad noong nasa kotse kami. Naupo kami ni Mr. Coldwell sa pagitan ng kanyang anak. Tumayo nga lang siya ulit at lumabas ng kwarto kaya naiwan kami.“How are you?” malambing kong tanong kay Matteo. “Nakain mo ba ‘yung chocolate candy mo?”Umaliwalas ang mukha niya sabay tango. “Yes! Daddy too!”Naningkit ang mga mata ko, napaisip kung nakuha nga ba talaga ni Mr. Coldwell ang canned coffee na bigay ko bilang peace offering.Kinuha ko kay Matteo ang bag niya para maisabit sa upuan. Pasimple ko ring sinilip ang loob nito at napansing wala na itong laman.Hindi ko napigilan ang pag-angat ng dulo ng labi ko. “Good job, Matteo!” puri ko na nagpahagikgik sa kanya. “But promise me, next time you’re outside, you’ll stay with
Sa wakas ay natapos din ang araw na ‘to! Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mabuti na lang at nakagawa ako ng mga pendings ko. On time din akong nakauwi dahil maagang umalis si Vivienne.Ngayon ay nakatayo na ako sa labas ng Coldwell Corporation, naghihintay na may tumanggap ng booking kong taxi.Natigilan ako dahil sa pamilyar na sasakyang huminto sa harapan ko. Sandali akong napaisip, at agad nanigas sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang sakay nito. Tatalikod na sana ako pero huli na nang bumaba ang bintana sa passenger’s seat.“Good evening, sir,” nag-aalangang bati ko kay Mr. Coldwell; bahagya akong yumuko bago pa magtagpo ang mga mata namin. Huli ko siyang nakita noong dinala ko si Matteo sa kanyang opisina. Isinubsob ko na kasi ang sarili sa trabaho pagkatapos kong ihatid kay Vivienne ang mga kailangan nito.“Get in, Ms. Del Rosario. We’ll drop you off your place,” walang emosyong utos ni Mr. Coldwell.Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko. Kung mak
“Matteo?” Hindi makapaniwalang tawag ni Mrs. Coldwell sa anak. Agad nadepina ang lukot sa noo niya bago ibinaling sa ‘kin ang matalim na tingin. “Why is he with you?” malamig niyang tanong, as if I was never supposed to be seen with her son…Umikot ang tyan ko sa kaba. Magaling siyang magtago ng totoong emosyon kapag kausap ako, pero ngayon, parang nahulog ang maskarang suot niya.“Nakita ko lang siya sa cafeteria—”Hindi ko pa natatapos ang paliwanag, pilit na niyang inagaw si Matteo mula sa ‘kin. Imbes na makipaghilahan, agad akong bumitaw sa takot na masaktan ang bata.“Mommy!” Naiiyak na sigaw ni Matteo, dahilan para magtama ang tingin namin ni Mrs. Coldwell.“We’ll go to your daddy,” pag-alo ni Mrs. Coldwell pero lalo lang humagulgol si Matteo, halatang ayaw sumama. Tumindi pa ang pag-iyak nito nang pilit hinila papasok sa elevator.May kirot sa dibdib ko na hindi maipaliwanag. Normal lang naman mag-tantrums ang bata. Pero hindi ko mapigilang magtaka at mag-alala kung bakit ganit