Paano ko ba dapat sabihin sa boss kong hindi na ‘ko payag maging kabit niya?Hindi ako sigurado kung ano talaga ang nangyari sa amin in the last five years. At kung totoo man ang hinala ko, hindi ko alam kung bakit ako pumayag noon. Sure, Mr. Coldwell might be attractive, rich, and accomplished. However, I know I'm not the type of woman to get involved in someone else's relationship.Kaya ngayong burado na siya sa memorya ko, siguro’y blessing in disguise na rin ito dahil ayaw kong ituloy kung ano mang nasimulan namin noon.“Have a seat,” malamig na saad ni Mr. Coldwell pagpasok namin sa kanyang opisina.May black leather sofa set dito bukod pa sa kanyang table at dalawang office chairs. Sa likuran ng lamesa ay may malaking glass wall kung saan tanaw ang mga nagtataasang buildings sa labas. Right across from it, is also another glass wall. Nasa likuran lang ito ng sofa kung saan kita ang mga empleyadong tila nasa sinehan o aquarium. May abstract painting sa isang pader at wall mounted
Hindi ba’t noong college uso ang terror na teacher? Ganito ko nakikita si Vivienne.Kaya nga kahit unang araw ko pa lang ulit sa Coldwell Corporation, parang pang isang taon na ang pagod ko. Nakadagdag din kasi sa stress ko ang kanyang cold treatment. Bagay nga silang mag boss ni Mr. Coldwell. Dahil pakiramdam ko first job ko ito, hindi ako sigurado kung ganito ba talaga ang sistema sa corporate world. Pakiramdam ko kasi isiniksik ni Vivienne sa isang araw ang mga kailangan kong gawin kahit pwede naman sanang hatiin sa loob ng isang Linggo. Wala akong magawa dahil sa kanya ako in-assign ni Mr. Coldwell.“Maswerte ka pa nga. Mr. Coldwell has already given you the easy route, handling all your paperwork to get you back to work." Ilang beses itong pinaalala ni Vivienne sa ‘kin, marahil para hindi ako magreklamo.Para sa onboarding ko, mayroon siyang listahan ng mga trainings na kailangan kong matapos within the day. Online lang naman lahat pero marami ito at ang iba ay ilang oras ang ta
Mabilis kong itinaas ang ulo ko sabay sandal at bitaw kay Mr. Coldwell. Tila naestatwa, pinanuod ko ang pag-alis niya sa harapan ko at pag-upo nang maayos sa driver’s seat. Narinig ko ang pagtikhim niya bago pinaandar ang sasakyan.Nang makalayo na kami sa Coldwell Corporation, napapikit ako nang mariin habang ramdam ang malakas na kabog ng dibdib. Gusto ko ng bagong simula pero patong-patong na kahihiyan na agad ang nangyari sa loob lang ng isang araw. Hindi ako sigurado kung paano ko pa maaayos ang imahe ko kay Mr. Coldwell – o baka mas maganda na rin ito… para hindi na niya subukan pang ituloy ang kung anumang relasyon namin noon. Ang hirap lang talaga ng sitwasyon ko dahil boss ko siya. Of course, it’s normal to care about what he thinks of me. After all, siya ang nagpapasahod sa ‘kin. Kaya kahit gusto kong manahimik at maglaho sa mga oras na ito, napilitan akong magpaliwanag.“Uhm… sorry, sir. Hindi ko po sinasadya. May mga empleyado kasing dumaan. Baka ano lang ang isipin nil
Bakit ba parang walang nakakakilala kung sino si Mrs. Coldwell? Tuloy ay pati ako napagdiskitahan ng media. Saan ko naman huhugutin ang impormasyon tungkol dito kung sarili ko ngang alaala burado na?Huminga ako nang malalim bago nakangiting sumagot, “Malaki lang po ang tiwala sa ‘kin ng boss ko.” Mas simple ang sagot, mas ligtas. Ie-excuse ko na sana ang sarili nang may pahabol pa ang kaharap ko.“Kung malaki ang tiwala ni Mr. Coldwell sa ‘yo, malamang pinakilala na niya sa ‘yo ang asawa niya,” tinaas-baba niya ang kanyang kilay na para bang may ibang ibig ipahiwatig.Alam ba niyang kabit ako ni Mr. Coldwell?!Napalunok ako at parang may nagbara sa lalamunan. Kung tatanggi ako, maari niyang ikonekta rito ang pagiging kabit ko. Kung sasang-ayon naman ako…“Ah oo naman po! Nagkita na kami noon,” may kumpyansang balik ko. Wala naman sigurong masama kung magpapanggap ako.Nakita ko ang interes sa mga mata ng kaharap ko. “Really? By the way, I’m Bob. I just want to know, and don’t worry,
Nahirapan akong matulog sa kabila ng pagod. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng tyan o sadyang ‘di ako kumportable sa sariling kwarto. Nakailang bangon din ako hanggang mag umaga. At nang makita ang liwanag sa labas, pinilit ko nang mag-asikaso kahit nangangalumata. Mas mabuti na ito kaysa maulit ang nangyari kahapon.Wala namang nagbago sa umaga ko. Naisipan ko lang mas maging pormal ngayong araw kaya nagsuot ako ng olive green pencil skirt at may pagka-orange na floral top. Bago lumabas ng unit, sinilip ko ulit ang dala kong bag: Wallet? Check. Cellphone? Check! Company ID… hindi ko ito mahanap kaya mukhang susundin ko na lang muna ang instruction ni Vivienne. Pinapakuha niya ako ng temporary ID sa lobby habang hinihintay namin ang pagdating ng request kong bagong company ID ngayong Linggo.Dahil hindi pa rin ako sanay mag commute at ayaw kong sumugal ngayong araw, balak ko ulit mag-taxi papuntang Coldwell Corporation. Ayaw ko na rin kasi makaabala ng ibang tao. Lumabas na ako
Mukhang manika si Mrs. Coldwell. Mahaba at blonde kasi ang kanyang buhok, dinamayan pa ng kulay asul niyang mga mata. Para tuloy akong nakatitig sa dagat. Naputol lang ito at nabalik ako sa wisyo nang hawakan niya ang mga dala-dala kong folders. Inangat niya ang mga ito isa-isa na para bang may hinahanap. “Here you go,” sabi niya nang nakangiti sabay hinto. Kinuha niya ang isang folder galing sa mga hawak ko. Naiiba ang kulay nito, at sa likod, kita ang mga salitang MindTrace Research Group. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil folder lang pala ang tinutukoy niyang kanya na napunta sa ‘kin. Mukhang nabitawan din niya ito nang magkabanggaan kami at nahalo sa mga hawak ko.“Ah sorry, Mrs– I mean, sorry Ma’am. Hindi ko po napansin. Tsaka sorry po sa pagbangga. Hindi ko sinasadya,” may kahabaan kong saad. Muntik pa ‘kong madulas na kilala ko siya!“No worries, Ms. Del Rosario. It was just an accident,” may lambing niyang balik. “Just be careful around the office. Baka kasi sa susun
“Ah yes, sir! Hindi pa talaga ‘ko uuwi!” halos mautal ako nang bawiin ang mensahe ng kanta. Mala-robot ang tawa ko nang kuhanin ang mga papel sa printer. Buti na lang at tapos na ‘ko pagdating ni Mr. Coldwell. Kaya bago pa siya magsalita ulit, nagmadali na ‘ko pabalik sa area ko at dito nagtago. Wala naman na akong narinig na kahit ano. At makakampante na sana ‘ko sa katahimikan nang maalala ang kailangan ko sa boss ko. Dapat pala sinamantala ko na noong magkaharap kami!Napapikit ako nang mariin bago napilitang tumayo ulit. Wala na si Mr. Coldwell sa printing area at pagbaling ko sa kanyang opisina, awtomatikong nagsara ang kurtina. Nilakasan ko na ang loob ko lalo na’t lunch break. Wala naman na sigurong problema kung ngayon ko hihingin ang gamit ko.Dire-diretso akong nagpunta sa opisina ni Mr. Coldwell. Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata sabay talikod. I just saw Mr. Coldwell’s well-defined back! Sakto kasing naghubad siya ng polo pagpasok ko. Pati ba naman pagkatok sa
Normal lang ba talaga sa mga CEO ang mag working lunch sa isang fine dining restaurant na by reservation lang?Akala ko kakain lang kami ni Mr. Coldwell sa malapit noong inaya niya ‘ko. Ngunit talagang sinadya pa namin ang The Black Swan na ilang minuto rin ang layo mula sa opisina. Parang ‘di tuloy siya ganuon ka-busy tulad ng sabi ni Tina.Pagpasok sa loob ng restaurant ay bumungad sa ‘min ang maaliwalas na kwarto. It has that 1920s and 1930s vibe. Everything just screams glamour and modernity dahil sa black and white contrasts at bold designs.Mangilan-ngilan lang ang tao rito ngayong hapon, at lahat sila ay mukhang may kaya sa buhay. Medyo nailang tuloy ako nang tingnan ang sariling ayos. Simple lang kasi ito dahil ‘di ko napaghandaan ang pagpunta sa ganitong klaseng lugar. Akala ko nga ay titiisin ko ulit ang gutom ko ngayong araw dahil sa biglaang buhos ng trabaho.Didiretso sana ako sa bakanteng lamesa nang salubungin kami ng waiter. Yumuko ito sa harapan namin na bahagya ko ri
Sa wakas ay natapos din ang araw na ‘to! Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mabuti na lang at nakagawa ako ng mga pendings ko. On time din akong nakauwi dahil maagang umalis si Vivienne.Ngayon ay nakatayo na ako sa labas ng Coldwell Corporation, naghihintay na may tumanggap ng booking kong taxi.Natigilan ako dahil sa pamilyar na sasakyang huminto sa harapan ko. Sandali akong napaisip, at agad nanigas sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang sakay nito. Tatalikod na sana ako pero huli na nang bumaba ang bintana sa passenger’s seat.“Good evening, sir,” nag-aalangang bati ko kay Mr. Coldwell; bahagya akong yumuko bago pa magtagpo ang mga mata namin. Huli ko siyang nakita noong dinala ko si Matteo sa kanyang opisina. Isinubsob ko na kasi ang sarili sa trabaho pagkatapos kong ihatid kay Vivienne ang mga kailangan nito.“Get in, Ms. Del Rosario. We’ll drop you off your place,” walang emosyong utos ni Mr. Coldwell.Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko. Kung mak
“Matteo?” Hindi makapaniwalang tawag ni Mrs. Coldwell sa anak. Agad nadepina ang lukot sa noo niya bago ibinaling sa ‘kin ang matalim na tingin. “Why is he with you?” malamig niyang tanong, as if I was never supposed to be seen with her son…Umikot ang tyan ko sa kaba. Magaling siyang magtago ng totoong emosyon kapag kausap ako, pero ngayon, parang nahulog ang maskarang suot niya.“Nakita ko lang siya sa cafeteria—”Hindi ko pa natatapos ang paliwanag, pilit na niyang inagaw si Matteo mula sa ‘kin. Imbes na makipaghilahan, agad akong bumitaw sa takot na masaktan ang bata.“Mommy!” Naiiyak na sigaw ni Matteo, dahilan para magtama ang tingin namin ni Mrs. Coldwell.“We’ll go to your daddy,” pag-alo ni Mrs. Coldwell pero lalo lang humagulgol si Matteo, halatang ayaw sumama. Tumindi pa ang pag-iyak nito nang pilit hinila papasok sa elevator.May kirot sa dibdib ko na hindi maipaliwanag. Normal lang naman mag-tantrums ang bata. Pero hindi ko mapigilang magtaka at mag-alala kung bakit ganit
Mr. Coldwell: How’s the seminar going?Pupunta dapat si Vivienne sa isang seminar tungkol sa digital marketing. Pero dahil back-to-back ang kanyang meeting ngayong araw, ako na lang ang pina-attend niya para hindi masayang ang slot ng kumpanya. Aprubado naman daw ito ni Mr. Coldwell kaya wala akong dapat ipag-alala.Alina: All good. I’ll organize my notes and send you a report.Mr. Coldwell: Don’t forget to eat.Napabuntong-hininga ako sa huling text ni Mr. Coldwell sa ‘kin. Pinatay ko ang screen ng phone ko at tinago sa bag. Hindi na ‘ko nag-reply pa at baka saan mapunta ang usapan.Okay din pala itong off-site activity na ito. Tingin ko kasi kailangan ko ring makahinga sa office drama. Mabuti na rin ito at nang makaiwas ako sa mga pahabol na tanong ng mga katrabaho ko tungkol sa aksidente kahapon.I guess I could say this was one of my most productive mornings. Ang dami kong natutunan sa seminar, lalo na’t introductory ang mga topics. Sakto rin—kailangan ko talaga ito dahil sa mga n
Nasa loob ng unit ko si Mr. Coldwell, ang boss slash ex-boyfriend ko (as far as I don’t remember).Sinundan ko siya sa sala at dito niya ako pinaupo sa sofa bago siya lumapit sa harap ng TV. Tahimik kong pinanuod ang pagbukas niya ng isang drawer dito.Alam kong maganda ang intensyon niya. Gusto lang niyang gamutin ang paso ko. Pero alam ko ring hindi ito tama dahil gabi na, lalaki siya, boss ko siya, at higit sa lahat ay may asawa siya. Kahit saang anggulo ko tingnan, having him inside my unit doesn’t sit right with me. “Ah ako na pong gagamot, sir—”“Everything that happens to you in the office is my responsibility,” pagputol niya. Grabe naman ang dedikasyon niya kung ganito ang mindset niya bilang boss.Kumunot ang noo ko nang makita ang inilabas niyang first aid kit galing sa drawer. May ganito pala ‘ko? Dinala niya ito paglapit sa sofa; naupo siya sa tabi ko. “Paano niyo po nalamang may first aid kit doon?” hindi ko napigilang magtanong dahil kahit ako na nakatira rito ay walang
“If Mr. Coldwell is scary as a boss, what more as a husband?”“Malamang mas nakakatakot! Baka nga all along, tama ang isang theory. Wala talagang Mrs. Coldwell! O ‘di kaya, matagal nang nakipaghiwalay dahil hindi nakatiis sa panlalamig niya.”Narinig ko ang tawanan ng mga katrabaho ko. Parang wala yatang araw na hindi nila pinag-uusapan si Mr. Coldwell. Hindi na nakapagtataka dahil kahit sa online world, curious na curious pa rin ang lahat tungkol sa mystery wife nito.“Tapos na ba kayo sa report?” tanong ni Tina sabay tayo. Mukhang masama pa rin ang timpla niya dahil sa nangyari sa conference room. Nagsibalik tuloy ang mga ka-team niya sa trabaho bago pa sila mapagbuntungan.Nasa printer area naman ako, nakatitig sa paglabas ng papel. Sa gilid ng mga mata ko’y kita kong naka-close curtain pa rin ang opisina ni Mr. Coldwell. Ang nakita kong pumasok dito ay ang asawa niya o si Ms. Rossi sa pagkakakilala ng lahat. Magkasama silang bumalik sa opisina nito pagkatapos ng lunch break. Mukha
“Ma’am, nandito na ho tayo,” paalala ng taxi driver sa ikalawang pagkakataon. Pagbaling ng tingin sa bintana, nakumpirma kong nakahinto na kami sa harapan ng Coldwell Corporation.Oo’t kahit may ideya na ako kung paano magmaneho, pinili ko pa ring mag-taxi papasok sa trabaho. Bukod sa kulang pa ang kumpyansa ko sa sarili para magmaneho ng kotse, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko ngayong araw kaya alam kong hindi ako makakapag-focus.Bumagsak ang tingin ko sa suot at dito napabuntong-hininga. Maaga pa naman, kung umuwi na lang kaya ako at magpalit ng damit? May oras pa para umatras ako sa plano ko…Narinig ko ang pagtikhim ng taxi driver. Tuloy ay napilitan akong bumaba bago pa ito tuluyang magalit sa pagiging indecisive ko. Humarurot ito paalis at naiwan akong nakatayo sa entrance.Napunta sa ‘kin ang atensyon ng dalawang security guards, halata ang pagkabigla at pagtataka. Inasahan ko naman na ang reaksyong ito – pero iba pa rin pala talaga sa pakiramdam kapag nasa sitwasyon ka
Isang tawid na lang sa pedestrian lane ay makakarating na ‘ko sa condominium. Kaya naman nakatuon ang buong atensyon sa kalsada, nagmadali akong tumawid nang may biglang humawak sa braso ko at humila sa ‘kin pabalik!Dinig ang magkakasunod na busina, mabilis ko itong itinulak papalayo sa ‘kin sabay atras. Nanlaki ang mga mata ko nang makaharap si Mr. Coldwell!“Ikaw?! I mean—sir? Bakit ka nandito?” Napasigaw ako sa takot na agad ding napalitan ng pagkabigla. Of all people, I did not expect to see my boss!Akala ko kasi talaga ito na naman ‘yong sumusunod sa ‘kin. Mabilis ang paghinga, napahawak ako sa tyan habang kinakalma ang sarili. May kirot akong naramdaman at hindi ko alam kung dahil ba ito sa dami ng kinain ko o sa pagmamadali kaya hindi ako natunawan.“I was on my way back to the condominium when I saw you,” seryosong sagot ni Mr. Coldwell, nakadepina ang ilang linya sa noo.“Naglakad ka po? Nasaan ang kotse mo, sir?” nagtatakang tanong ko. Napatingin ako sa paligid dahil baka
"Good evening, everyone. Thank you all for being here tonight. We're especially lucky to have our boss with us, despite his incredibly busy schedule. Sir, perhaps you’d like to share a few words with the team?" positibong panimula ni Mrs. Coldwell. Nakatayo siya at malawak ang ngiti nang magpalakpakan kaming lahat. Umupo siya nang si Mr. Coldwell naman ang tumayo. Habang ang lahat ay nakatingin dito, naiwan akong nakatitig sa table centerpiece."I know it’s Monday, and this dinner was called on short notice, but I think it’s long overdue—especially to formally welcome our new hires. Welcome to all of you, including Ms. Del Rosario…” Hinigit ko ang hininga ko nang mamutawi sa labi ni Mr. Coldwell ang pangalan ko. It sounded familiar yet unusual. Mabuti at inisa-isa naman niya ang pagtawag sa lahat ng bago."It feels like perfect timing, as we’re starting the month with a strong push. Seeing our teams grow alongside our client pool is a great reminder of how far we’ve come. Yes, the yea
Mabilis akong nagpunta sa buffet area. Sumunod ako kung saan nakapila si Vivienne at habang kumukuha ng pagkain ay bumulong sa kanya, “Uhm, gusto mo palit tayo ng upuan?” Nagbakasakali ako kahit may takot pa rin akong makipag-usap sa kanya.“Dahil kay Mr. Coldwell?” diretsong balik ni Vivienne sabay lingon sa ‘kin. Natigilan naman ako dahil totoo ang sinabi niya. Pero hindi ko ito pwedeng ipaalam kahit kanino dahil baka magkaideya sila tungkol sa amin ni Mr. Coldwell.“Malamig kasi sa pwesto ko,” itinawa ko ng mahina ang sagot.Animo nawalan ng interes, ibinalik ni Vivienne ang atensyon sa mga pagkain bago nagsalita, “Lamigin ako.” Ibig sabihin, ayaw niyang makipagpalit.Pinagdikit ko sandali ang bibig at nag-isip ng ibang palusot. “Gusto ko rin sanang kausapin si Tina.”“Tungkol sa trabaho?” Kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay, at sumulyap siya sandali bago ko tinanguan. Iniisip ko kasi na baka sa ganitong paraan ko siya mapapayag. Pero mukhang mali ang desisyon ko.“Then talk i