Nahirapan akong matulog sa kabila ng pagod. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng tyan o sadyang ‘di ako kumportable sa sariling kwarto. Nakailang bangon din ako hanggang mag umaga. At nang makita ang liwanag sa labas, pinilit ko nang mag-asikaso kahit nangangalumata. Mas mabuti na ito kaysa maulit ang nangyari kahapon.Wala namang nagbago sa umaga ko. Naisipan ko lang mas maging pormal ngayong araw kaya nagsuot ako ng olive green pencil skirt at may pagka-orange na floral top. Bago lumabas ng unit, sinilip ko ulit ang dala kong bag: Wallet? Check. Cellphone? Check! Company ID… hindi ko ito mahanap kaya mukhang susundin ko na lang muna ang instruction ni Vivienne. Pinapakuha niya ako ng temporary ID sa lobby habang hinihintay namin ang pagdating ng request kong bagong company ID ngayong Linggo.Dahil hindi pa rin ako sanay mag commute at ayaw kong sumugal ngayong araw, balak ko ulit mag-taxi papuntang Coldwell Corporation. Ayaw ko na rin kasi makaabala ng ibang tao. Lumabas na ako
Mukhang manika si Mrs. Coldwell. Mahaba at blonde kasi ang kanyang buhok, dinamayan pa ng kulay asul niyang mga mata. Para tuloy akong nakatitig sa dagat. Naputol lang ito at nabalik ako sa wisyo nang hawakan niya ang mga dala-dala kong folders. Inangat niya ang mga ito isa-isa na para bang may hinahanap. “Here you go,” sabi niya nang nakangiti sabay hinto. Kinuha niya ang isang folder galing sa mga hawak ko. Naiiba ang kulay nito, at sa likod, kita ang mga salitang MindTrace Research Group. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil folder lang pala ang tinutukoy niyang kanya na napunta sa ‘kin. Mukhang nabitawan din niya ito nang magkabanggaan kami at nahalo sa mga hawak ko.“Ah sorry, Mrs– I mean, sorry Ma’am. Hindi ko po napansin. Tsaka sorry po sa pagbangga. Hindi ko sinasadya,” may kahabaan kong saad. Muntik pa ‘kong madulas na kilala ko siya!“No worries, Ms. Del Rosario. It was just an accident,” may lambing niyang balik. “Just be careful around the office. Baka kasi sa susun
“Ah yes, sir! Hindi pa talaga ‘ko uuwi!” halos mautal ako nang bawiin ang mensahe ng kanta. Mala-robot ang tawa ko nang kuhanin ang mga papel sa printer. Buti na lang at tapos na ‘ko pagdating ni Mr. Coldwell. Kaya bago pa siya magsalita ulit, nagmadali na ‘ko pabalik sa area ko at dito nagtago. Wala naman na akong narinig na kahit ano. At makakampante na sana ‘ko sa katahimikan nang maalala ang kailangan ko sa boss ko. Dapat pala sinamantala ko na noong magkaharap kami!Napapikit ako nang mariin bago napilitang tumayo ulit. Wala na si Mr. Coldwell sa printing area at pagbaling ko sa kanyang opisina, awtomatikong nagsara ang kurtina. Nilakasan ko na ang loob ko lalo na’t lunch break. Wala naman na sigurong problema kung ngayon ko hihingin ang gamit ko.Dire-diretso akong nagpunta sa opisina ni Mr. Coldwell. Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata sabay talikod. I just saw Mr. Coldwell’s well-defined back! Sakto kasing naghubad siya ng polo pagpasok ko. Pati ba naman pagkatok sa
Normal lang ba talaga sa mga CEO ang mag working lunch sa isang fine dining restaurant na by reservation lang?Akala ko kakain lang kami ni Mr. Coldwell sa malapit noong inaya niya ‘ko. Ngunit talagang sinadya pa namin ang The Black Swan na ilang minuto rin ang layo mula sa opisina. Parang ‘di tuloy siya ganuon ka-busy tulad ng sabi ni Tina.Pagpasok sa loob ng restaurant ay bumungad sa ‘min ang maaliwalas na kwarto. It has that 1920s and 1930s vibe. Everything just screams glamour and modernity dahil sa black and white contrasts at bold designs.Mangilan-ngilan lang ang tao rito ngayong hapon, at lahat sila ay mukhang may kaya sa buhay. Medyo nailang tuloy ako nang tingnan ang sariling ayos. Simple lang kasi ito dahil ‘di ko napaghandaan ang pagpunta sa ganitong klaseng lugar. Akala ko nga ay titiisin ko ulit ang gutom ko ngayong araw dahil sa biglaang buhos ng trabaho.Didiretso sana ako sa bakanteng lamesa nang salubungin kami ng waiter. Yumuko ito sa harapan namin na bahagya ko ri
Halos mabilaukan ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Panay lang kasi ang salpak ko ng pagkain sa bibig ko – ‘di alintana kahit puno na ito. Sinadya ko talagang ‘di intayin ang pagbalik ni Mr. Coldwell para ‘di kami magsabay. Kaya nga kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit niya sa lamesa, tuloy-tuloy pa rin ako. Saktong ubos na ang laman ng plato ko nang maupo siya sa dating pwesto.“Ms. Del Rosario–”“Tapos na po ako!” bulalas ko sabay taas ng kamay. Nakita ko ang pagsulyap ni Mr. Coldwell sa lamesa, “You haven’t had the dessert.”Ngumunguya pa ako kaya medyo hirap nang sumagot, “Hindi po ako mahilig sa sweets.” Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. Mukhang may ideya siyang ‘di totoo ang sinabi ko. Gaano ba kalalim ang naging relasyon naming dalawa at parang mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko? Ito ang ilang beses ko nang naitanong sa sarili.Para wala na lang siyang masabi, kumuha ako ng isang small square cake at sinubo ito ng buo. Nakakailang man ang pagtit
Losing your memories doesn’t erase who you are, Alina.Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Mr. Coldwell, lalo na ang pagtawag niya sa ‘kin gamit ang first name ko. Pumait ang panlasa ko dahil hindi malabong may kinalaman sa nakaraan namin ang dapat sana’y pag-uusapan namin. Mabuti na lang talaga at nakaiwas ako. Kung hindi’y baka saan pa napunta ang dapat sana’y simpleng tanghalian.Pagpasok sa loob ng condo unit ko, natigilan ako sa harap ng pinto. Pinagmasdan ko ulit ang lugar ko nang maigi. Kahit ilang araw na akong araw-araw umuuwi rito, hindi pa rin ito pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa limang taong alaalang nawala sa ‘kin o may mas malalim pang dahilan.I wanted to be at home in this place. Kaya naman nagsimula akong maglinis. Wala akong sulok na pinalampas. Naisip kong baka makatulong ito para maramdaman ko ulit na dito ako nakatira. Ang galing nga e. Kahit dapat ay matagal na ‘ko rito, pansin kong halos lahat ng gamit ay parang bago. Naglinis lang a
Gusto sana akong ihatid ni Frances pero tinanggihan ko na, lalo’t may lakad din daw siya ngayong araw. She's been incredibly helpful to me, and the last thing I want is to be a burden to her.Naayos ko na ang condo, nakapanood na rin ako ng mga palabas, at ngayon, it’s time to experience the real world.Dahil wala pa rin akong confidence matutong mag-drive, nag-commute lang ulit ako ngayong araw. Mabuti na nga lang at walking distance lang ang train mula sa condo. Ayon nga lang, nalaglag ang panga ko nang makita ang haba ng pila. Nagkataon kasing rush hour pa ‘ko lumabas. Hindi naman bago sa ‘kin ang pagsakay ng train. Ayon lang, ‘di na yata ako uulit dahil bukod sa nakatayo na nga ako, mas malala pa ang siksikan. Kahit may segregation na by gender, marami pa rin akong nakasakay na lalaki. Ang aga-aga naglalagkit na ‘ko sa pawis dahil ang hina ng lamig ng aircon.Kaya ko pa sana itong tiisin. Kaya lang may napansin akong lalaki malapit sa ‘kin. Pamilyar ang suot at tindig nito. Mukha
Dahil sa tuloy-tuloy na paglalakad, nakarating ako sa women’s section kung saan may malapit na exit ng department store. Nakahinga ako nang maluwag at palabas na sana nang maisipan kong tumingin sa mga naka-display na damit.Una kong tiningnan ang price tag nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa presyo. Tuloy ay nailing ako nang lapitan ng sales lady. Bago pa mapagastos ay tuluyan na ‘kong lumabas ng department store.Nang ilibot ang mga mata sa paligid ng mall, nakita ko naman ang presyo ng pagkain sa mga food stalls. Gusto ko sanang bumili pero ang mamahal. Five years lang ang nakalipas pero talaga yatang nagtaas na hindi lang ang pamasahe kung hindi maging ang presyo ng mga bilihin.Wala sa listahan ko ang magsayang ng pera ngayong araw kaya hinanap ko na rin ang exit ng mall. Gusto ko lang sanang ma-experience ang mga nawala sa alaala ko, bumisita sa ilang lugar na napuntahan ko noon, pero quota na ‘ko. Masakit at pumipintig ang ulo ko kaya gusto kong umuwi na lang.Ayon lang ay p
Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n
"That concludes our updates. HR will release details about the Halloween party soon. If you plan to attend, you’re allowed a plus one. The venue is larger this year—plan accordingly,” pagtatapos ni Mr. Coldwell sa meeting namin.Tungkol lang sa mga hawak naming kliyente ang pinag-usapan ngayong umaga. Pero hindi maitago ang excitement ng lahat nang marinig ang tungkol sa Halloween party. Ang balita ko, bongga raw kasing magpa-party ang Coldwell Corporation kaya ito ang taon-taon nilang inaabangan.Kaya naman agad nag-usap ang mga katrabaho ko sa lamesa, pinagpaplanuhan na kaagad kung sino ang kanilang isasama.“Excited na kami ng asawa ko manalo ng Best in Costume,” narinig kong komento ng taga ibang department.Napangiti lang ako habang nagliligpit ng gamit. Tapos na ang meeting kaya magsisimula na ang araw ko. Bibigyan daw ako ni Vivienne ng bagong tasks kaya—“Sinong isasama mo, Ali?” tanong ni Sandy. Napalingon ako sa kanya at nakita ang pilya niyang ngiti. “Baka mamaya mag-hard l
Boyfriend talaga, Ali?! Kahapon lang, ang sabi ko kay Mr. Coldwell ay may manliligaw ako. Ngayon naman may boyfriend na? Ang bilis ah! Ibang klase rin naman pala ang ganda ko!Frances told me once that my dating life has zero records. Kaya paano ko na lang ngayon mapaninindigan ang kasinungalingan ko? Kung pwede lang maghulog ang langit ng boyfriend para sa ‘kin, aba’t magpapasalamat talaga ako!Mabuti na lang at walking distance lang sa condominium ang Japanese restaurant na kinainan namin nina Mr. Coldwell at Matteo.Pagbalik, tumambay muna ako sa pool area na matatagpuan sa second floor ng building. Sinamantala kong magsasarado na ito ngayong gabi. Walang ibang tao sa paligid kaya na-solo ko ito. Kasalukuyang nilalaro ng mga binti ko ang malamig na tubig sa pool; nakatingala ako sa mga bituin at buwan na tila mas tanaw ngayong gabi.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nasa huling parte na ako ng plano ko para matapos ang kakaibang ugnayan namin ni Mr. Coldwell. It’s alr
Siguro intensyon talaga ni Mr. Coldwell pasamahin ako sa hapunan nilang mag-ama. Pagdating kasi namin sa Japanese restaurant malapit sa condo, may reserved room nang naghihintay sa ‘min. Private room ito kaya nabigyan kaming tatlo ng privacy.Pumwesto kami sa round table katulad noong nasa kotse kami. Naupo kami ni Mr. Coldwell sa pagitan ng kanyang anak. Tumayo nga lang siya ulit at lumabas ng kwarto kaya naiwan kami.“How are you?” malambing kong tanong kay Matteo. “Nakain mo ba ‘yung chocolate candy mo?”Umaliwalas ang mukha niya sabay tango. “Yes! Daddy too!”Naningkit ang mga mata ko, napaisip kung nakuha nga ba talaga ni Mr. Coldwell ang canned coffee na bigay ko bilang peace offering.Kinuha ko kay Matteo ang bag niya para maisabit sa upuan. Pasimple ko ring sinilip ang loob nito at napansing wala na itong laman.Hindi ko napigilan ang pag-angat ng dulo ng labi ko. “Good job, Matteo!” puri ko na nagpahagikgik sa kanya. “But promise me, next time you’re outside, you’ll stay with
Sa wakas ay natapos din ang araw na ‘to! Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mabuti na lang at nakagawa ako ng mga pendings ko. On time din akong nakauwi dahil maagang umalis si Vivienne.Ngayon ay nakatayo na ako sa labas ng Coldwell Corporation, naghihintay na may tumanggap ng booking kong taxi.Natigilan ako dahil sa pamilyar na sasakyang huminto sa harapan ko. Sandali akong napaisip, at agad nanigas sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang sakay nito. Tatalikod na sana ako pero huli na nang bumaba ang bintana sa passenger’s seat.“Good evening, sir,” nag-aalangang bati ko kay Mr. Coldwell; bahagya akong yumuko bago pa magtagpo ang mga mata namin. Huli ko siyang nakita noong dinala ko si Matteo sa kanyang opisina. Isinubsob ko na kasi ang sarili sa trabaho pagkatapos kong ihatid kay Vivienne ang mga kailangan nito.“Get in, Ms. Del Rosario. We’ll drop you off your place,” walang emosyong utos ni Mr. Coldwell.Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko. Kung mak
“Matteo?” Hindi makapaniwalang tawag ni Mrs. Coldwell sa anak. Agad nadepina ang lukot sa noo niya bago ibinaling sa ‘kin ang matalim na tingin. “Why is he with you?” malamig niyang tanong, as if I was never supposed to be seen with her son…Umikot ang tyan ko sa kaba. Magaling siyang magtago ng totoong emosyon kapag kausap ako, pero ngayon, parang nahulog ang maskarang suot niya.“Nakita ko lang siya sa cafeteria—”Hindi ko pa natatapos ang paliwanag, pilit na niyang inagaw si Matteo mula sa ‘kin. Imbes na makipaghilahan, agad akong bumitaw sa takot na masaktan ang bata.“Mommy!” Naiiyak na sigaw ni Matteo, dahilan para magtama ang tingin namin ni Mrs. Coldwell.“We’ll go to your daddy,” pag-alo ni Mrs. Coldwell pero lalo lang humagulgol si Matteo, halatang ayaw sumama. Tumindi pa ang pag-iyak nito nang pilit hinila papasok sa elevator.May kirot sa dibdib ko na hindi maipaliwanag. Normal lang naman mag-tantrums ang bata. Pero hindi ko mapigilang magtaka at mag-alala kung bakit ganit