Share

Chapter 13

Author: Jade Go
last update Huling Na-update: 2024-04-21 01:08:36

Hindi ba’t noong college uso ang terror na teacher? Ganito ko nakikita si Vivienne.

Kaya nga kahit unang araw ko pa lang ulit sa Coldwell Corporation, parang pang isang taon na ang pagod ko. Nakadagdag din kasi sa stress ko ang kanyang cold treatment. Bagay nga silang mag boss ni Mr. Coldwell.

Dahil pakiramdam ko first job ko ito, hindi ako sigurado kung ganito ba talaga ang sistema sa corporate world. Pakiramdam ko kasi isiniksik ni Vivienne sa isang araw ang mga kailangan kong gawin kahit pwede naman sanang hatiin sa loob ng isang Linggo. Wala akong magawa dahil sa kanya ako in-assign ni Mr. Coldwell.

“Maswerte ka pa nga. Mr. Coldwell has already given you the easy route, handling all your paperwork to get you back to work." Ilang beses itong pinaalala ni Vivienne sa ‘kin, marahil para hindi ako magreklamo.

Para sa onboarding ko, mayroon siyang listahan ng mga trainings na kailangan kong matapos within the day. Online lang naman lahat pero marami ito at ang iba ay ilang oras ang ta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
nida pascua
thanks s updte ms.jade..angvganda din ng story nito..kagaya ng a penny of youre love..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 14

    Mabilis kong itinaas ang ulo ko sabay sandal at bitaw kay Mr. Coldwell. Tila naestatwa, pinanuod ko ang pag-alis niya sa harapan ko at pag-upo nang maayos sa driver’s seat. Narinig ko ang pagtikhim niya bago pinaandar ang sasakyan.Nang makalayo na kami sa Coldwell Corporation, napapikit ako nang mariin habang ramdam ang malakas na kabog ng dibdib. Gusto ko ng bagong simula pero patong-patong na kahihiyan na agad ang nangyari sa loob lang ng isang araw. Hindi ako sigurado kung paano ko pa maaayos ang imahe ko kay Mr. Coldwell – o baka mas maganda na rin ito… para hindi na niya subukan pang ituloy ang kung anumang relasyon namin noon. Ang hirap lang talaga ng sitwasyon ko dahil boss ko siya. Of course, it’s normal to care about what he thinks of me. After all, siya ang nagpapasahod sa ‘kin. Kaya kahit gusto kong manahimik at maglaho sa mga oras na ito, napilitan akong magpaliwanag.“Uhm… sorry, sir. Hindi ko po sinasadya. May mga empleyado kasing dumaan. Baka ano lang ang isipin nil

    Huling Na-update : 2024-04-21
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 15

    Bakit ba parang walang nakakakilala kung sino si Mrs. Coldwell? Tuloy ay pati ako napagdiskitahan ng media. Saan ko naman huhugutin ang impormasyon tungkol dito kung sarili ko ngang alaala burado na?Huminga ako nang malalim bago nakangiting sumagot, “Malaki lang po ang tiwala sa ‘kin ng boss ko.” Mas simple ang sagot, mas ligtas. Ie-excuse ko na sana ang sarili nang may pahabol pa ang kaharap ko.“Kung malaki ang tiwala ni Mr. Coldwell sa ‘yo, malamang pinakilala na niya sa ‘yo ang asawa niya,” tinaas-baba niya ang kanyang kilay na para bang may ibang ibig ipahiwatig.Alam ba niyang kabit ako ni Mr. Coldwell?!Napalunok ako at parang may nagbara sa lalamunan. Kung tatanggi ako, maari niyang ikonekta rito ang pagiging kabit ko. Kung sasang-ayon naman ako…“Ah oo naman po! Nagkita na kami noon,” may kumpyansang balik ko. Wala naman sigurong masama kung magpapanggap ako.Nakita ko ang interes sa mga mata ng kaharap ko. “Really? By the way, I’m Bob. I just want to know, and don’t worry,

    Huling Na-update : 2024-05-05
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 16

    Nahirapan akong matulog sa kabila ng pagod. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit ng tyan o sadyang ‘di ako kumportable sa sariling kwarto. Nakailang bangon din ako hanggang mag umaga. At nang makita ang liwanag sa labas, pinilit ko nang mag-asikaso kahit nangangalumata. Mas mabuti na ito kaysa maulit ang nangyari kahapon.Wala namang nagbago sa umaga ko. Naisipan ko lang mas maging pormal ngayong araw kaya nagsuot ako ng olive green pencil skirt at may pagka-orange na floral top. Bago lumabas ng unit, sinilip ko ulit ang dala kong bag: Wallet? Check. Cellphone? Check! Company ID… hindi ko ito mahanap kaya mukhang susundin ko na lang muna ang instruction ni Vivienne. Pinapakuha niya ako ng temporary ID sa lobby habang hinihintay namin ang pagdating ng request kong bagong company ID ngayong Linggo.Dahil hindi pa rin ako sanay mag commute at ayaw kong sumugal ngayong araw, balak ko ulit mag-taxi papuntang Coldwell Corporation. Ayaw ko na rin kasi makaabala ng ibang tao. Lumabas na ako

    Huling Na-update : 2024-05-12
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 17

    Mukhang manika si Mrs. Coldwell. Mahaba at blonde kasi ang kanyang buhok, dinamayan pa ng kulay asul niyang mga mata. Para tuloy akong nakatitig sa dagat. Naputol lang ito at nabalik ako sa wisyo nang hawakan niya ang mga dala-dala kong folders. Inangat niya ang mga ito isa-isa na para bang may hinahanap. “Here you go,” sabi niya nang nakangiti sabay hinto. Kinuha niya ang isang folder galing sa mga hawak ko. Naiiba ang kulay nito, at sa likod, kita ang mga salitang MindTrace Research Group. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil folder lang pala ang tinutukoy niyang kanya na napunta sa ‘kin. Mukhang nabitawan din niya ito nang magkabanggaan kami at nahalo sa mga hawak ko.“Ah sorry, Mrs– I mean, sorry Ma’am. Hindi ko po napansin. Tsaka sorry po sa pagbangga. Hindi ko sinasadya,” may kahabaan kong saad. Muntik pa ‘kong madulas na kilala ko siya!“No worries, Ms. Del Rosario. It was just an accident,” may lambing niyang balik. “Just be careful around the office. Baka kasi sa susun

    Huling Na-update : 2024-05-19
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 18

    “Ah yes, sir! Hindi pa talaga ‘ko uuwi!” halos mautal ako nang bawiin ang mensahe ng kanta. Mala-robot ang tawa ko nang kuhanin ang mga papel sa printer. Buti na lang at tapos na ‘ko pagdating ni Mr. Coldwell. Kaya bago pa siya magsalita ulit, nagmadali na ‘ko pabalik sa area ko at dito nagtago. Wala naman na akong narinig na kahit ano. At makakampante na sana ‘ko sa katahimikan nang maalala ang kailangan ko sa boss ko. Dapat pala sinamantala ko na noong magkaharap kami!Napapikit ako nang mariin bago napilitang tumayo ulit. Wala na si Mr. Coldwell sa printing area at pagbaling ko sa kanyang opisina, awtomatikong nagsara ang kurtina. Nilakasan ko na ang loob ko lalo na’t lunch break. Wala naman na sigurong problema kung ngayon ko hihingin ang gamit ko.Dire-diretso akong nagpunta sa opisina ni Mr. Coldwell. Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata sabay talikod. I just saw Mr. Coldwell’s well-defined back! Sakto kasing naghubad siya ng polo pagpasok ko. Pati ba naman pagkatok sa

    Huling Na-update : 2024-05-19
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 19

    Normal lang ba talaga sa mga CEO ang mag working lunch sa isang fine dining restaurant na by reservation lang?Akala ko kakain lang kami ni Mr. Coldwell sa malapit noong inaya niya ‘ko. Ngunit talagang sinadya pa namin ang The Black Swan na ilang minuto rin ang layo mula sa opisina. Parang ‘di tuloy siya ganuon ka-busy tulad ng sabi ni Tina.Pagpasok sa loob ng restaurant ay bumungad sa ‘min ang maaliwalas na kwarto. It has that 1920s and 1930s vibe. Everything just screams glamour and modernity dahil sa black and white contrasts at bold designs.Mangilan-ngilan lang ang tao rito ngayong hapon, at lahat sila ay mukhang may kaya sa buhay. Medyo nailang tuloy ako nang tingnan ang sariling ayos. Simple lang kasi ito dahil ‘di ko napaghandaan ang pagpunta sa ganitong klaseng lugar. Akala ko nga ay titiisin ko ulit ang gutom ko ngayong araw dahil sa biglaang buhos ng trabaho.Didiretso sana ako sa bakanteng lamesa nang salubungin kami ng waiter. Yumuko ito sa harapan namin na bahagya ko ri

    Huling Na-update : 2024-05-27
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 20

    Halos mabilaukan ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Panay lang kasi ang salpak ko ng pagkain sa bibig ko – ‘di alintana kahit puno na ito. Sinadya ko talagang ‘di intayin ang pagbalik ni Mr. Coldwell para ‘di kami magsabay. Kaya nga kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit niya sa lamesa, tuloy-tuloy pa rin ako. Saktong ubos na ang laman ng plato ko nang maupo siya sa dating pwesto.“Ms. Del Rosario–”“Tapos na po ako!” bulalas ko sabay taas ng kamay. Nakita ko ang pagsulyap ni Mr. Coldwell sa lamesa, “You haven’t had the dessert.”Ngumunguya pa ako kaya medyo hirap nang sumagot, “Hindi po ako mahilig sa sweets.” Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. Mukhang may ideya siyang ‘di totoo ang sinabi ko. Gaano ba kalalim ang naging relasyon naming dalawa at parang mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko? Ito ang ilang beses ko nang naitanong sa sarili.Para wala na lang siyang masabi, kumuha ako ng isang small square cake at sinubo ito ng buo. Nakakailang man ang pagtit

    Huling Na-update : 2024-06-05
  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 21

    Losing your memories doesn’t erase who you are, Alina.Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Mr. Coldwell, lalo na ang pagtawag niya sa ‘kin gamit ang first name ko. Pumait ang panlasa ko dahil hindi malabong may kinalaman sa nakaraan namin ang dapat sana’y pag-uusapan namin. Mabuti na lang talaga at nakaiwas ako. Kung hindi’y baka saan pa napunta ang dapat sana’y simpleng tanghalian.Pagpasok sa loob ng condo unit ko, natigilan ako sa harap ng pinto. Pinagmasdan ko ulit ang lugar ko nang maigi. Kahit ilang araw na akong araw-araw umuuwi rito, hindi pa rin ito pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa limang taong alaalang nawala sa ‘kin o may mas malalim pang dahilan.I wanted to be at home in this place. Kaya naman nagsimula akong maglinis. Wala akong sulok na pinalampas. Naisip kong baka makatulong ito para maramdaman ko ulit na dito ako nakatira. Ang galing nga e. Kahit dapat ay matagal na ‘ko rito, pansin kong halos lahat ng gamit ay parang bago. Naglinis lang a

    Huling Na-update : 2024-06-07

Pinakabagong kabanata

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 34

    Isang tawid na lang sa pedestrian lane ay makakarating na ‘ko sa condominium. Kaya naman nakatuon ang buong atensyon sa kalsada, nagmadali akong tumawid nang may biglang humawak sa braso ko at humila sa ‘kin pabalik!Dinig ang magkakasunod na busina, mabilis ko itong itinulak papalayo sa ‘kin sabay atras. Nanlaki ang mga mata ko nang makaharap si Mr. Coldwell!“Ikaw?! I mean—sir? Bakit ka nandito?” Napasigaw ako sa takot na agad ding napalitan ng pagkabigla. Of all people, I did not expect to see my boss!Akala ko kasi talaga ito na naman ‘yong sumusunod sa ‘kin. Mabilis ang paghinga, napahawak ako sa tyan habang kinakalma ang sarili. May kirot akong naramdaman at hindi ko alam kung dahil ba ito sa dami ng kinain ko o sa pagmamadali kaya hindi ako natunawan.“I was on my way back to the condominium when I saw you,” seryosong sagot ni Mr. Coldwell, nakadepina ang ilang linya sa noo.“Naglakad ka po? Nasaan ang kotse mo, sir?” nagtatakang tanong ko. Napatingin ako sa paligid dahil baka

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 33

    "Good evening, everyone. Thank you all for being here tonight. We're especially lucky to have our boss with us, despite his incredibly busy schedule. Sir, perhaps you’d like to share a few words with the team?" positibong panimula ni Mrs. Coldwell. Nakatayo siya at malawak ang ngiti nang magpalakpakan kaming lahat. Umupo siya nang si Mr. Coldwell naman ang tumayo. Habang ang lahat ay nakatingin dito, naiwan akong nakatitig sa table centerpiece."I know it’s Monday, and this dinner was called on short notice, but I think it’s long overdue—especially to formally welcome our new hires. Welcome to all of you, including Ms. Del Rosario…” Hinigit ko ang hininga ko nang mamutawi sa labi ni Mr. Coldwell ang pangalan ko. It sounded familiar yet unusual. Mabuti at inisa-isa naman niya ang pagtawag sa lahat ng bago."It feels like perfect timing, as we’re starting the month with a strong push. Seeing our teams grow alongside our client pool is a great reminder of how far we’ve come. Yes, the yea

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 32

    Mabilis akong nagpunta sa buffet area. Sumunod ako kung saan nakapila si Vivienne at habang kumukuha ng pagkain ay bumulong sa kanya, “Uhm, gusto mo palit tayo ng upuan?” Nagbakasakali ako kahit may takot pa rin akong makipag-usap sa kanya.“Dahil kay Mr. Coldwell?” diretsong balik ni Vivienne sabay lingon sa ‘kin. Natigilan naman ako dahil totoo ang sinabi niya. Pero hindi ko ito pwedeng ipaalam kahit kanino dahil baka magkaideya sila tungkol sa amin ni Mr. Coldwell.“Malamig kasi sa pwesto ko,” itinawa ko ng mahina ang sagot.Animo nawalan ng interes, ibinalik ni Vivienne ang atensyon sa mga pagkain bago nagsalita, “Lamigin ako.” Ibig sabihin, ayaw niyang makipagpalit.Pinagdikit ko sandali ang bibig at nag-isip ng ibang palusot. “Gusto ko rin sanang kausapin si Tina.”“Tungkol sa trabaho?” Kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay, at sumulyap siya sandali bago ko tinanguan. Iniisip ko kasi na baka sa ganitong paraan ko siya mapapayag. Pero mukhang mali ang desisyon ko.“Then talk i

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 31

    Pagpatak ng alas singko ay dumiretso ako sa women’s comfort room at ngayon ay ilang minuto ng nakaupo sa loob ng isa sa mga cubicles nito. Hindi kasi ako sigurado kung tama bang sumama ako sa team dinner.Rumehistro sa isip ko ang nangyari noong tanghalian – nahuli kaming kumakain ng asawa ni Mr. Coldwell. Inihilamos ko ang dalawang kamay sa mukha. I could only imagine the awkwardness between us tonight, especially after I found out that she has a boyfriend.Wala naman akong intensyong ikalat ang unconventional setup nilang mag-asawa. Bumalik nga ako kaagad sa trabaho at nagpanggap na para bang walang nangyari. Gusto ko talagang umiwas sa office drama pero tila ito ang kusang lumalapit sa ‘kin.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo. Bubuksan ko na ang pinto nang marinig ko ang pag-uusap ng mga katrabaho.“Bakit may pa-team dinner bigla?”“Baka para sa mga new hires? Ang dinig ko, si Mr. Coldwell daw ang nagpa-arrange nito.”“Talaga? Ibig sabihin sasama siya?”“Baka

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 30

    Nakatutok ako sa computer habang nanananghali nang mag-ring ang telepono malapit sa area namin ni Vivienne. Pagtingin sa paligid ay mag-isa pa rin ako sa work station, umalis kasi ulit si Tina at wala pang bumabalik galing lunch break. Tuloy ay kahit nag-aalangan, dahil baka importante, ay sinagot ko na ang tawag.“Uhm, hello… good afternoon,” halos bumulong ako sa kabilang linya, ngayon lang kasi ako sumagot ng tawag sa opisina. Nagmamadali akong kumuha ng papel at ballpen sakaling kailanganin."Ms. Del Rosario, I need you in my office." Napabitaw ako sa hawak nang makilala ang boses ni Mr. Coldwell. "There's something I need communicated to your team," dagdag pa niya sa istriktong tono kaya nanlamig ako.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ang boss ko sa loob ng kanyang opisina. Nang mapalingon ito sa direksyon ko, nagmadali naman akong yumuko bago pa mahuli. Oo’t bumalik si Mr. Coldwell imbes na sumama sa asawa para mananghalian.“Now na po, sir?” pagbabakasakali ko dah

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 29

    “Uhm ayos naman po. Kayo po, ma’am?” Mabilis kong ibinalik kay Mrs. Coldwell ang tanong para hindi na niya usisain pa.Sa harapan namin ay nagsarado na ang pinto ng elevator. Napalunok ako, malakas ang kabog ng dibdib, dahil kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Ngayon ko lang inasam ang paghinto ng elevator para magsakay ng iba pang empleyado.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mrs. Coldwell, “Well, I guess it was… okay?” nag-aalangang sagot niya. Dahil magkatabi kami, sa gilid ng mga mata ko’y nakita ko ang pag-iling niya, tila dismayado. “My family was incomplete kaya hindi natuloy ang lakad namin,” paliwanag pa niya.Napakagat ako sa labi nang maisip ang driving lesson namin ni Mr. Coldwell. Na-guilty ako dahil malamang ako ang may kasalanan kung bakit hindi sila nakumpleto at natuloy sa lakad.Pagkatapos ng driving lesson, bumalik na kami kaagad ni Mr. Coldwell sa condominium. Gusto pa sana niyang kumain sa labas pero nagsinungaling ako at nagsabing may importanteng

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 28

    Mahigpit ang hawak sa manibela, sinigurado kong nasa tamang pwesto ang mga paa ko bago nakangiting bumaling kay Mr. Coldwell. “Ready na po ako.” May panginginig sa sistema ko pero sinusubukan kong hindi ito pansinin.You drove this car before, Ali. You just have to trust yourself and do it again.Kalmadong tumango ang boss ko, parang walang takot sa katawan kahit tila parehong nasa hukay ang isang binti namin.Oo’t pumayag ako sa pa-driving lesson ni Mr. Coldwell kahit na intensyon ko siyang iwasan. Inisip kong perks lang ito bilang empleyado kahit wala lang talaga ‘kong magawa dahil muntik ko na siyang mabangga.Ayon nga lang, hindi ko inasahang ngayong araw din niya ‘ko tuturuan. Kaya heto kami, nasa isang bakanteng parking lot malapit sa condominium.Naituro na ni Mr. Coldwell ang step-by-step na kapareho lang kung tutuusin ng video na napanuod ko. Mas madali ko nga lang itong natutunan dahil sa pa-live demo niya. At ngayon, oras na para sa application.Isang malalim na hinga pa, pi

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 27

    It’s the longest elevator ride I’ve ever had.Walang nagsasalita o kumikilos. Dinig na dinig ko ang bigat ng paghinga ko at tibok ng puso. Nang sa wakas ay huminto na kami sa basement ng condominium, pagbukas na pagbukas ay ako ang unang lumabas. Hindi na ‘ko nag-abala pang lumingon sa takot na makilala ako ni Mr. Coldwell.Ayon nga lang ay napahinto ako sa gitna ng basement. Kinailangan kong hubarin ang suot kong shades para makita nang mabuti ang mga sasakyang naka-park dito. Napalunok ako dahil mukhang mahihirapan akong hanapin ang kotse ko sa dami.Muntik na ‘kong mapatalon sa tunog ng busina galing sa likuran ko. Agad akong umurong dahil nakaharang pala ako sa daanan ng mga sasakyan.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko at nag-focus sa gusto kong mangyari. Iyon ay mahanap at ma-drive ang kotse ko. Inilabas ko ang cellphone ko at dito tiningnan ang litrato nito. Nagsimula akong maglakad, iniisa-isa ang bawat kotseng madaanan. Panay din ang pindot ko sa susi; umaasang tutu

  • Here Comes the CEO’s Wife    Chapter 26

    What is this for you?Hindi ko rin alam, Sir. Hindi ko maalala.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Kanina pa ako gising pero wala akong lakas bumangon. Hindi naman na ito bago. Imbes na makatulog ng maayos, buong gabi na naman akong nagpaikot-ikot sa kama; iniisip ang mga nangyari sa pagitan namin ni Mr. Coldwell kagabi.Wala naman sigurong masama na kinain at in-appreciate ko ang luto ng boss ko. I just didn’t want to disrespect him. Umalis din naman ako kaagad pagkatapos. Hindi na niya ‘ko hinayaan pang maghugas ng pinagkainan ko. Wala nang ibang nangyari at wala na rin kaming ibang pinag-usapan.Alina, kanino ka ba nagpapaliwanag? Sa konsensya mo?Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng unit ko kaya nanlalata man ay pilit akong bumangon. Tamad kong ipinatong at ibinalot sa sarili ang kumot nang maglakad. Paglabas ng sala, bumungad sa ‘kin si Frances na tulad ng dati ay may dalang breakfast.Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaibi

DMCA.com Protection Status