Share

CHAPTER 4

RAIN'S POV

Napahawak ako sa noo ko, habang ang isang kamay ko naman ay nilagay ko sa baywang ko atsaka napatingin tingin sa paligid. Wala namang nakakita, eh. Sorry po pero wala talaga akong pambayad.

Tatalikod na sana ako at babalik na lang sa restaurant at mabubuhay bilang isang hotdog pero biglang akong nanigas ng may magsalita sa likod ko. 

Patay! 

"What the hell did you do to my car?!" 

Ilang beses ko bang maririnig ang salitang what the hell na yan? Tell me! Sa tuwing naririnig ko 'yang salitang 'yan ay napapahamak ako! Ayoko ng marinig ang salitang 'yan. Isinusumpa ko na 'yan.

Mygad!! 

Ilang beses ba kasi ako dapat malasin ngayong araw? Dalawa? Tatlo? Apat? Sampo? Damn it! 

Dahan-dahan akong humarap sa pinanggalingan ng boses na 'yon. 

Tumambad sa'kin ang isang gwapong nilalang na sobrang sama ng tingin sa akin. Shocks! Ang dilim ng mukha n'ya promise. 

Galit na naglakad ito papalapit sa kotse nya,"Fvck! What the?" Galit na singhal nito. 

Should I run for my life na ba? 

Save me, Lord! 

"What the fvck did you do to my car?" galit na sigaw nito kaya naman kabadong napaharap ako ulit sa kanya. Nakaturo ito sa salamin ng kotse n'yang may crack atsaka masamang tumingin sakin. 

Muling napatingin din ako sa crack na 'yon! Gosh! Ganon na ba ko kalakas sumipa? 

Malas talaga!! 

"A-anong w-what did you do.. What did you do to my car ang sinasabi mo d'yan?"  utal-utal na tanong ko. 

Shocks wala kasi akong pambayad. Baka madaan s'ya sa mga tactics ko to make lusot lusot.

Napahilamos s'ya sa mukha atsaka inis na tumingin sa'kin, parang medyo nagulat pa s'ya ng napagmasdan ang mukha ko. 

Ganon na ba ko ka-ganda? 

O ganon na ba ko ka-panget para magulat s'ya?

Answer: The latter. 

Mukhang napansin n'ya atang nagtataka ako sa pagtingin n'ya kaya inis na napapikit s'ya atsaka ibinaling ang tingin sa kotse bago ulit tumingin sa'kin. 

"Ang sabi ko anong ginawa mo sa sasakyan ko?!!" pagtatranslate nito sa tagalog. 

Akala niya ba di ko maintindihan? Abnoy 'to, ah! 

Nakakapang insulto 'to! Anong akala n'ya sa'kin 'di ako nakakaintindi ng english spokening dollars? Well, sad to say I am very good at speaking English. 

"Hoy, naiintindihan ko ang sinabi mo at hindi mo na kailangang i-translate pa!" 

"Yun naman pala, then answer my fvcking question. What the hell did you do to my car?" gigil na gigil na naman nito. 

Kaya naman bumalik nanaman ang kaba ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Wala akong ibang magagawa kung hindi ang magpakumbaba dahil una sa lahat kasalanan ko at pangalawa nakakabwisit siya. 

"Pa..pasensya na di ko talaga sinasadya, malay ko ba na tatama 'yung lata sa kotse mo? Sorry talaga. Atsaka hindi mo ba alam na kasalanan mo rin naman, bakit kasi d'yan mo pa pinark yang kotse mo?" 

Tama naman diba? Gilid ng kalsada 'to 'di tamang pinapark-an! Ang laki laki ng bahay na nilabasan n'ya, imposibleng walang parking space sa loob niyan. 

Napamaang naman itong napatingin sa'kin. "The hell! And it's now my fault? If you didn't carelessly and stupidly kick that damn can hindi 'yan tatama sa kotse ko. What do you think of my car trash bin?" 

"What do you think of my car trash bin?" Panggagaya ko sa sinabi s'ya, pero syempre pabulong lang. Napaka sungit ng lalaking ito, kapag ako napuno bibilihan ko pa ito ng sampung black porsche. 

"Are you mimicking me?" iritableng tanong nito. 

"Ang sabi ko, sisihin mo yung kano sa restaurant. Kung di n'ya ko binadtrip di ako maglalakad papunta dito, edi 'di ko masisipa 'yung lata edi hindi tatama sa kotse mo, aba alam na ngang badtrip ako ngayong araw haharang harang pa sa daan ayan tuloy nasipa. Atsaka malay ko bang mapa palakas ang pagka kasipa ko? Atska hindi siguro original 'yang kotse mo, see? Lata lang ganyan na ang crack! Hayys! Grabe noh? Naniniwala na talaga akong things happened unexpectedly atsaka..." 

Kusa akong napatigil sa pagsasalita dahil sobrang sama ng tingin n'ya. 

Sabi ko nga titigil na, eh. 

If looks could kill, I'm dead bye now. 

Goodbye Earth, Goodbye World. 

"I DON'T CARE!! Bayaran mo 'yang nasira mo...now!" Saad nito atsaka inilahad ang kaliwang kamay sa'kin habang yung isa ay nakahawak sa baywang n'ya. 

"Magkano ba?" walang ganang tanong ko. 

"50,000 in cold cash!" 

"WHAAAT? Eh parang gasgas lang nga 'yan tapos 50,000. Are you kidding me? Nagla-lamangan ba tayo dito, ha?" 

Bulyaw na saad ko sa kanya habang nakaturo doon sa tinamaan ng lata. 

Ang liit liit 50,000? Baka nga 500 lang 'yan eh kapag pinaayos sa talyer. 

Pang bili nga ng pagkain wala ako gaanong kalaking pera para kaya. Jusko naman! 

"E-ehh w-wala akong pera eh, wala akong ganyang kalaking pera.. Atska bakit ang mahal naman? Eh gasgas nga lang yan ehh" 

"That's the latest Porsche for pete's sake!" 

"Pwede bang bukas nalang? Nawalan kasi ako ng trabaho eh, wala talaga akong pera."  

"I don't care, just pay--" 

"Babayaran naman kita pero 'di pa ngayon, kita mo." itinuro ko ang kabuuan ko, "Wala akong kadala dala. Kahit hubaran mo pa ko ngayon wala kang makikitang pera sa'kin." inis na putol ko sa sasabihin n'ya. Parang nandidiring tumingin naman 'to sa'kin dahil sa huling sinabi ko. 

Psh! Ang arte! 

Syempre hindi pwede 'yon! Pampahaba lang ng lines! 

"Then come with me," matigas na saad nito atsaka hinawakan ako sa braso ko at hinila ako. 

Sasama ako sa kanya? Teka? 

Don't tell me katawan ko ang gagawin n'yang pambayad sa kanya? 

Eh kanina parang diring diri s'ya tapos ngayon--

Waaaaaah iling-iling! No! No! Hindi pwede! Di ako maruming babae, no! 

"Teka! Teka! Hindi, bitaw!" saad ko atsaka pwersahang hinila ang braso ko sa kanya. 

"WHAT? May pera kabang pambayad, ha?" 

"Wala, pero hindi pwedeng katawan ko ang ipambabayad d'yan. Babayaran naman talaga kita, gusto mo iiwan mo number mo sa'kin o di kaya address para puntahan kita pag may pambayad na ako. Wag lang ganito! I may look like nothing in your eyes but I have dignity to be taken care of." mahabang lintaya ko habang diretsong nakatingin sa kanya!

Nakanganga naman 'tong nakatingin sakin at parang di makapaniwala sa mga sinasabi ko. 

Nagulat ba s'ya? Oo hindi ako kagandahan pero may dangal ako, ano. 

"What the hell are you saying? Nakakadiri ka alam mo 'yon?" inis na sigaw nito sa mismong mukha ko. 

"Hoy! Hoy! Nakakainsulto ka na ha! Hindi ba't katawan ko ang gusto mong gawin kong pambayad d'yan sa nasira kong mahal mo na kotse." pinagdiinan ko talaga yung huling apat na salitang sinabi ko. 

Kunot noo naman itong napatingin sa'kin atska bigla biglang tumawa. 

Ehh? 

May sapak ba sa utak ang taong 'to? Badtrip!!

"May nakakatawa ba, ha?" inis na tanong ko. 

"Stop imagining things, you're definitely not my type. Sumama kana sa'kin. Bilis!" Biglang seryosong saad nito grabi magpalit ng emotion? Mood swings? 

"Saan mo ba ko dadalhin, ha?" 

"In jail" 

Ahh, sa jai--

"Ano? Jail? Bakit?" natataranta na tanong ko. 

"You have no money to pay me right? Then better go to jail" 

Waaaaaaah mas lalong wala akong pampiyansa. And of course, hindi ako pwedeng magkaroon ng criminal record dahil… No, hindi pwede.

Dali dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay n'ya. 

"Magbabayad talaga ako, promise 'wag mo naman akong ipakulong." 

"No--" 

"Gagawin ko lahat promise!" putol ko sa sasabihin n'ya atsaka seryosong tinignan s'ya. 

Naniningkit naman ang mata nitong tumingin sa'kin, "Lahat?" naninigurado ng tanong nito. Napabitaw ako sa kamay n'ya atsaka napaisip. 

"Oo, lahat! Basta hindi mavaviolate ang karapatan ko at 'di labag sa prinsipyo ko!" matapang na sagot ko. 

Napahawak naman to sa baba n'ya atsaka nag-isip. 

Bwisit na 'to! Napaka-daming arte. 

Kailangan pang mag-isip isip. 

"Fine!" Saad nito atsaka ipinasok ang kamay sa bulsa n'ya. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya atsaka iniabot sa'kin. 

"Ano namang gagawin ko d'yan?" 

"Type your number here! Tatawagan kita kapag may naisip na akong ipapagawa sa'yo!" 

"Psh!" Kinuha ko ang cellphone n'ya atsaka itinype ang number ko bago ibalik sa kanya. 

"What's your name?" 

"Akala ko ba di mo ko type bakit mo tinatanong ang---" 

"Just tell me your name!" 

Psh! 

"Rain Cristobal." Walang ganang saad ko. 

"Just make sure Ms. Cristobal that what you typed here is right. Kapag hindi, I will make you rot in jail!" saad nito atsaka ibinalik ang cellphone sa bulsa n'ya. 

"Psh! Oo na!" saad ko atsaka inis na nilagpasan s'ya at dire-diretsong naglakad. 

"Answer my call with just one ring nerdy girl!" dinig kong sigaw pa nito. 

Iwinagayway ko na lang ang kamay ko at hindi na humarap pa. 

Badtrip, ang tawag mo ang pinaka huling tawag na gusto kong matanggap ngayon o bukas o sa mga susunod pang mga araw. 

This is my luckiest day. Just don't forget the sarcasm!!!!!! 

**

Please let me know your thoughts. Thank you for reading... See you in the next chapter.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status