Share

CHAPTER 3

RAIN'S POV

Napabalikwas ako kaagad ng bangon dahil sa tunog ng alarm clock ko. Inis na kinuha ko 'to sa bedside table atsaka pinatay.

Alas-otso na ng umaga.

Bakit pakiramdam ko hindi man lang ako nakatulog? Parang pumikit lang ako ng ilang segundo pagkatapos ay umaga na naman. Napakabilis ng oras.

Kahit na hinihila pa rin ako ng unan at kumot ko pabalik sa higaan ay bumangon na ako. Kailangan ko na kasing mag handa para sa pagpasok ko sa pinagtatrabahuhan kong restaurant.

10 ng umaga hanggang 8 pm ng gabi ang trabaho ko sa resto every weekdays walang pahinga 'yun kaya sobrang pagod ko talaga pag-uwi. Every weekends naman rumaraket ako bilang freelance photographer kapag may nangangailangan ng maganda kong shots.

Naks! Napakayabang!

Tamang trabaho trabaho lang habang ilang linggo pa bago magsimula ulit ang klase para may pang tuition at pang gastos sa araw araw.

Tsk tsk. Napaka hirap kasi pala talagang maging mahirap.

Iling-iling na kinuha ko na lang ang tuwalya ko na nakasabit sa may gilid ng pintuan atsaka pumasok ng banyo at ginawa ang morning rituals ko, pagkatapos kong maligo at mag-bihis ay napatitig ako sa sarili ko sa salamin habang nagsisipilyo.

Straight nga ang buhok ko pero sabog sabog na parang kinahig naman ito ng manok. Medyo mapungay-pungay naman ang bluish kong mata pero nagsusuot ako ng makapal na salamin para di mapansin ng iba, naglalagay rin ako ng contact lense. Suot ko naman ang may kaluwangan na t-shirt at pantalon.

"Grabe, medyo maganda naman ako sa ganitong style hehehe!!" natatawa na bulong ko sa sarili atsaka nag mouthwash. Pagkatapos ay isinuot ko ang makapal kong salamin at ngumiti.

Always remember that you are beautiful. No one was born ugly because everyone is beautiful in their own unique ways. There are so many girls out there who get insecure with others not knowing that they also have their own beauty. It may not be like the one they admire with other girls but it's the thing that others admire in them.

Hope they realize that.

Tipid na nginitian kong muli ang sarili bago lumabas ng banyo at dumiretso ako sa mini food box ko kung saan nakalagay yung mga stocks kong pagkain.

Napabuntong hininga na lang ako ng makitang kakaonti na lang ang laman nito. Kinuha ko nalang yung instant na kape atsaka biscuit at sinimulan ng lantakan ito.

Solve na ang breakfast ko ngayong araw.

Habang ini-enjoy ko ang masarap kong breakfast bigla na lang may gustong sumira sa pinto ng kwarto ko sa lakas ng katok - I mean kalampag.

"Hooy Rain!" dinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

Ang boses na ayaw kong marinig sa tuwing kinsenas ng buwan.

Ang boses ng kagimbal gimbal na land lady ko. Sisingilin nanaman ako nito, wala pa nga akong pera.

"Rain!" muling sigaw na naman nito at kalampag sa pinto.

"Ang aga-aga, si Aling Ruby naman, oh!" bulong ko at inis na sinabunutan ang sarili. Tumayo na ako at binuksan ang pinto bago pa to magiba.

Tumambad sakin ang isang balyena- mean si Aling Ruby na nakapamewang at taas kilay na nakatingin sa'kin.

Scary.

"GOOD MORNING SA PINAKA MAGANDANG LANDLADY SA BALAT NG UNIVERSE." Energetic na sabi ko with my oh-so-sweet and pretty smile with matching puppy eyes at wide arms open pa.

Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko, "Good Morning din," balik na bati nito sabay ipit ng ilang hibla ng buhok n'ya sa kanyang tainga.

Ay may pa gano'n si Ate?

"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting sabi ko pa, pilit na pinapalambing ang boses ko. Yuck!

Mas lalo namang napangiti si Aling Ruby...or should I say a creepy smile?

"Gusto ko lang sabihin na...MAGBAYAD KANA NG RENTA!!" palakas ng palakas na sigaw nito sa harap ko.

Err! Grabe talaga 'to si Aling Ruby!

"Bukas po Aling Ruby...promise! Hindi pa po kasi ako--"

"Nako! Nako! Rain, 'yan din ang sinabi mo nakaraan at ano? Isang buwan kanang 'di nakakabayad ng upa mo! Aba naman, ano ka sinuswerte?" putol nito sa sasabihin ko.

"Eh, pasensya na po talaga Aling Ruby, magbabayad naman po talaga ako. Promise po, pagka-sweldong pagka-sweldo ko magbabayad po ako." malumanay na sambit ko tsaka ngumiti ng pagka tamis tamis kay Aling Ruby na ubod yata ng pag kabitter sa buhay.

"Hindi mo ko madadaan daan sa pangiti ngiti mong iyan Rain, ha! Kapag di ka pa nakapagbayad mamaya sa kalsada ka matulog!" bulyaw pa nito kaya naman napailag pa ako ng very light dahil sa lakas ng boses n'ya.

I can't believe this. She's the very first person who shouted at me. Even Mom, hindi n'ya man lang ako napagtaasan ng boses.

Fine, I had no choice but to be humbled.

Hinawakan ko ang kamay n'ya atsaka nag salita, "Wag naman po Aling Ruby, magbabayad po talaga ako pramis po." maluha luha ng saad ko.

Pero syempre, effects lang yung teary eyes.

Sandali naman siya na nag-isip bago magsalita.

"Oh siya siya! Bibigyan kita ng hanggang bukas! Kapag di ka nakapagbayad bukas ng umaga, magbalot balot kana."

"Sa susunod na bukas po?" hirit ko pa.

"Bukas!" bulyaw nito atsaka tinabig ang kamay ko at nag martsa ng paalis.

Grabe naman! Sabi ko nga eh, bukas.

Isinara ko na lang ulit ang pinto atsaka tinapos ang naudlot kong kape at biscuit!

May pera pa naman ako kaso pang fullpayment ko yun sa tuition ko sa susunod, na susunod na susunod na bukas. Nako, sana naman maswelduhan na kami sa restaurant, o di kaya sana naman may raket ako.

At sana naman walang dumating na kamalasan! Please, ho!! I'm begging!!

**

"TABLE 3 Rain, pakihatid itong order."Kinuha ko ang tray na may lamang order galing kitchen. Hooo! Grabe, masakit na ang aking legs sa kaka pabalik-balik.

Ang dami kasing tao ngayon at talagang punuan. Halos mag-gagabi na rin kaya naman mas lalong dumadagsa ang mga customers namin. Sikat kasi ang restaurant na 'to dahil sa lechon na manok, na may kakaibang sarap at lasa with of course no other than matching unli rice.

Sikat rin ang mga lutong bahay na ulam dito. Kakaiba kasi ang mga food na sineserve dito, dahil filipino food s'ya with mix of foreign foods. Super galing ng chef na magluto.

Basta! Makakatikim kana ng sariling atin na mga pagkain, makakatikim kapa ng mga luto mula sa ibang bansa sa isang putahe lang. Matapos ibigay ang order ng table 3 ay pinunasan ko na rin ang isang table na nabakantehan na.

Pabalik na sana ako sa may kusina ng bigla na lang may pumalo sa pwet ko.

What the?

Nanlalaki ang matang napalingon ako sa likod ko at nakangisi sakin 'yung isang tabachoy na foreigner na nakaupo sa table 15 na malapit sa may wall.

Parang bigla na lang nagdilim ang paningin ko at sinugod ko 'to.

"Bastos kang tabachoy ka!"

Buong pwersa ko s'yang hinila patayo at sinapak.

OO SINAPAK KO S'YA!

At hindi lang basta sapak! Isang malakas na malakas na sapak!

"Shit, what the hell woman?" galit na saad nito habang nakaupo sa sahig hawak hawak ang dumudugong ilong n'ya na tinamaan ko. Weak, hindi ko akalaing mapapaupo s'ya sa sapak ko.

"WHAT THE HELL TOO! BASTOS KANG KANO KA! BAKIT MO HINAWAKAN ANG PWET KO? ANONG TINGIN MO DITO HA BAGAY NA PWEDE MONG HAWAK HAWAKAN? BADTRIP KA! TUMAYO KA JAN.. MAG SUNTUKAN TAYO, TIGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN ANG TAPANG MO. WALANG HIYA KA."

Malakas na sigaw ko atsaka dinuro duro s'ya. I can be the kindest person who you will ever meet but don't try to do cheeky things to me. Swear, you're gonna regret it. I hate it. Mabait ako sa mabait pero madaling mag-init ang ulo ko sa mga taong bastos at walang modo! Kagaya ng pesteng 'to.

Masama ang tingin na tumayo ito at humarap sakin.

Halos lahat ng mga mata ay na sa akin, na sa amin na at gulat na gulat sa nasaksihan. Pero wala akong pakialam, ipagtatanggol ko lang ang sarili ko.

"What the hell are you saying? Talk in english, translate it now!"

" HA! TRANSLATE? E-ENGLISH? ANONG AKALA MO SAKIN WALKING DICTIONARY? TRANSLATOR? HOY NASA PILIPINAS KA, AT DITO ANG MGA MANYAK NA KAGAYA MO IKUKULONG!" gigil na gigil na sigaw ko.

"Talk in english bitch!" sigaw rin nya pabalik.

Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya, inis na itinaas ko ang magkabilang manggas ng uniform namin atsaka dali daling sinugod ang kanong 'to at kinuwelyuhan. Handang handa na sana ang kamao ko na paliparin ulit sa mukha n'ya pero biglang lumabas ang manager namin at umeksena sa harap ko at pinigilan ako.

Naiwan tuloy sa ere ang kamay ko.

Pigil ang inis na ibinaling ko ang tingin ko sa manager namin.

"Ms. Cristobal stop it. You know that customers are always right! You are --"

"HEP! STOP!" pigil ko sa sasabihin nito, ALAM KO NA ANG KASUNOD EH!!

Itinapat ko pa ang isang kamay ko na naiwan sa ere kanina para mapigilan ito.

"CUSTOMERS ARE NOT ALWAYS RIGHT! I RESIGN! I QUIT! WHATEVER!" sigaw ko rito.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaking hawak ko atsaka binitawan ito. Ngumisi s'ya sa'kin kaya ngumisi rin ako.

Pero bago ako tumalikod itinuloy ko yung bagay na gagawin ko sana kanina.

I PUNCHED HIM HARD! For the second time!

Tumumba ulit ito sa sahig habang hawak ang ilong nito at nagmumura.

Ha! He messed up with the wrong lady! 5'2 man lang ang height ko pero kayang kaya kong mag patumba ng mga lalaking doble sa taas ko.

AT HINDI AKO NAGYAYABANG!

"Jerk!" huling banat ko bago nag martsa palabas ng restaurant.

"Kainis! Kainis! Kainis!" frustrated na saad ko atska napa padyak na naglalakad palayo sa resto.

Badtrip kasing kano yun, ehh! Ayan tuloy naka alis pa tuloy ako sa trabaho ko ng wala sa oras. Argghhh!! Dapat talaga dinagdagan ko 'yung sapak ko don eh, dapat ni lechon ko na ang baboy na 'yon letse! It's a big deal. If he can do it to me and I just let it pass and hold my tongue and anger for sure he can do it with others too.

Ano ang tingin niya sa pinasukan niya BAR? At anong tingin n'ya sa'kin BABAENG KALADKARIN?

PESTE! PESTE! PESTE! PESTE!

Kakasabi lang na sana walang dumating na kamalasan, may dumating naman kaagad.

Dahil sa inis ay hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako sa restaurant na 'yon mas lalo pang nadagdagan ang inis ko ng bigla na lang akong may naalala.

Just kill me now. NALIMUTAN KONG KUNIN ANG BAG KO!!!

WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH KAMALASAN OVERLOADED! NANDO'N ANG WALLET AT CELLPHONE KO.

Pa'no ako makakauwi ngayon?

Ang malas ko naman ngayong araw, sana naman last na ito!

Napahinto ako at inilibot ang tingin sa paligid ko, nasa tapat na ako ng mga naggagandahang bahay na palagi kong nadadaan kapag papasok ako, kainis ang layo pa nito sa boarding house ko!!!!! Grrr!!

Siguraduhin lang ng kano na 'yon na 'di na magtatagpo ang landas namin kung hindi, nako!! Mawawala s'ya sa mundong ibabaw.

"BWESIT!!" Inis na sigaw ko atsaka malakas na sinipa 'ang lata sa harap ko para mailabas ang inis na nararamdaman ko.

Parang bigla na lang nagslow motion ang lahat. Pinanood ng mga mata ko ang dahan dahang pagbagsak ng sinipa kong lata.

Nanlalaki ang matang napatakip ako sa bibig ko ng biglang tumunog ang alarm ng isang black porsche sa harap ko.

Waaaaaaaaahhh...

Omyghad! Omyghad! Omyghad! Tumama sa salamin nito 'ang lata! Ohmygawd!

Natataranta na ako at di ko alam kung anong gagawin ko.

Rain, why getting stupid so lately.

Aligagang lumapit ako dito at nakitang may maliit na crack yung salamin nito sa harap, sa tapat ng driver seat. Shocks!!

I'M DOOMED!!!!!

** Thank you for reading. Hope you're enjoying the story. See you in the next chapter!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status