RAIN's POV
Pabagsak na inihagis ko ang katawan ko sa kama pagdating ko sa boarding house. Pero agad ko ring pinagsisihan. Matigas nga pala ang kamang ito.
Pagod na pagod ako at ang sakit sakit ng paa ko. Grabe gutom na na gutom na din ako.
Medyo malayo pa kasi ang nilakad ko kanina. Wala akong pamasahe, remember?
Grabe ang swerte swerte ko talaga ngayong araw, parang lahat ng kamalasan ibinuhos sa'kin ngayon. Kotang kota ako!
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat ng may kumatok sa pinto.
Waaaaaah don't tell me si Aling Ruby 'yan? Ang sabi n'ya bukas pa!
Bagsak ang balikat na naglakad ako para tingnan kung sino ang nasa labas, tahimik na nananalangin na hindi si Aling Ruby dahil baka mailechon ko s'ya sa inis.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa harap ko ang nakangiting si Jena na kumakaway pa.
" Hi, Rain!"
"Jena!"
Dali dali ko s'yang niyakap atsaka hinila papasok ng kwarto.
Isa siya sa mga ka trabaho ko sa restaurant at the same time kaibigan ko rin.
"Anong ginagawa mo dito? Tapos na ba shift mo?" Takang tanong ko, wala pa kasing 10 pm. Umalis ako ng resto around 5 pm at 7 pa lang ngayon pero nakalabas na kaagad s'ya?
"Pinaalis ako kaagad ni Ma'am, ito oh pinadala n'ya 'yung gamit mo atsaka 'yung huling sweldo mo." Iniabot n'ya sa'kin ang isang sobre pati na rin ang bag ko.
"Thank you, Jena! Balak ko sana bukas na 'yan puntahan, eh."
"Welcome. S'ya nga pala kanina pa nagriring 'yung cellphone mo hindi ko lang sinasagot kasi unknown number at isa pa privacy mo 'yon."
"Talaga? Sige ichecheck ko nalang mamaya."
"Anyway, okay ka lang ba Rain?" nag-aalalang tanong nito. "Hindi ko kasi nakita 'yung nangyari kanina kasi nasa kitchen ako."
"Iyong isa kasi nating customer hinawakan ang pwet ko kaya sa inis ko sinapak ko, bigla namang umeksena si ma'am kaya ayon inunahan ko na s'ya at sinabing I quit!" kwento ko.
"Grabe! Ang bastos naman non. Sana ipinablutter mo sa pulis ng hindi na maka-ulit."
"Hindi na kailangan, nasapak ko na rin naman s'ya ang mas nakakabadtrip lang dahil sa kanya nawalan tuloy ako ng trabaho."
"Pa'no ka niyan ngayon?"
Alam ni Jena na kailangan kong magtrabaho para may pang gastos lang sa araw-araw atsaka para narin may pang tuition ako sa pasukan.
Isang taon palang kaming magkakilala ni Jena, pero palagi ko na s'yang nasasandalan kapag may problema ako. Pareho kasi kaming transferee sa school na pinapasukan namin kaya pareho rin kaming nagkasundo kaagad. At 4th year high school na kaming pareho sa susunod na pasukan.
"Ano pa nga ba? Maghahanap ng bagong trabaho syempre sana marami akong makuhang raket bukas." Malungkot na saad ko.
Tinapik n'ya naman ako sa balikat atsaka nginitian. "Itetext kita kapag may alam akong pwede mong pasukan o nangangailangan ng photographer."
"Thank you, Jen." masayang saad ko atsaka niyakap s'ya.
Napahinga nalang ako ng malalim..
Hayy buhay!
Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Jena pagkatapos ay umuwi na rin s'ya dahil may trabaho pa s'ya bukas.
**
GOOD MORNING SATURDAY!!
Maaga akong nagising dahil nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan kong photographer na may icocover daw kaming pre-nup shoot ngayon.
This is it!! Lucky day ko na ata ngayon. Malaki kasi ang bayad sa ganyan, lalo na kapag maganda 'yung mga shots mo tapos mayaman pa yung kukuhanan mo ng picture. #feelingjackpot #luckydayisSaturday
Tapos na akong magbihis, ng maayos ko na ang mga gamit ko at makitang ayos na ang itsura ko ay dali dali na akong lumabas ng kwarto ko at ini-lock 'to.
"Ay balyena!" gulat na saad ko pagharap ko matapos ilock ang pinto dahil nakapamaywang sa harap ko si Aling Ruby!
Gosh! Si Aling Ruby ang nagsimula ng buena mano ng kamalasan ko kahapon sana naman wala ngayon diba.
"Sinong balyena?" taas kilay na tanong neto.
"Ah-eeh wala ho. Nagulat lang ho ako, adrenaline rush ng dila ko." Nag-peace sign na lang ako para nawala ang kunot sa noo niya.
"Bueno! Hihintayin ko hanggang mamayang alas singko ang bayad mo sa renta hmmm.." Mataray na sambit nito atsaka binuka 'ang pamaypay na hawak n'ya bago umalis.
Akala ata ni Aling Ruby kamukha n'ya 'yung nanay ni Faye sa Enteng kabisote na palabas.
Umalis na lang din ako at nag-abang na ng masasakyan.
Pagbaba ko ng taxi ay sakto rin na nagring 'yung cellphone ko.
Unknown Number Calling~~
"Hello? Who's this?"
"I'VE BEEN CALLING YOU SINCE LAST NIGHT BUT YOU DIDN'T BOTHER TO ANSWER THE CALL!! WHAT THE FVCK?? DO YOU WANT TO DIE, HUH??"
Nailayo ko naman 'yung cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw ng kung sino man sa kabilang linya.
Ha?
Gosh! Gusto ba nitong mawasak ang ear drums ko?? Makasigaw wagas.
Kung ano anong sinasabi di ko naman kilala. "Hoy Mr. Whoever-you-are! Wrong call ka siguro, noh? Makasigaw ka naman wagas e hindi naman kita kilala." inis na bulyaw ko rin. Aga-aga hilig talaga akong sigawan ng mga tao!
"Hah! Did you hit your head and lost your memory? Hell, do you want me to introduce myself to you?"
"Sorry Mr, but I'm not interested!" inis na saad ko atsaka pinatay 'yung tawag.
Grrr! Please lang!! Tama na pong kamalasan komota na ko kahapon ehh..
Malapit na kong makapasok sa venue ng pagpo-photoshoot-an ng biglang tumunog nanaman ang cellphone ko..
Arggh same caller again!
Inis na sinagot ko ang tawag. "ANO BA? GUSTO MO BANG IPAKULONG KITA, HA? SINO KA BA?"
Napatigil ako ng tumawa yung nasa kabilang linya--
Waiit? Ang husky ng tawa n'ya at wait ulit... Bakit parang narinig ko na ang tawang 'to?
"Baka gusto mong ikaw ang makulong?? Ah oo nga pala, gagawin mo nga pala ang lahat para di ka makulong, right?"
Unti unting nanlalaki ang mata ko ng marealize kung sino ang kausap ko.
Waaaaaaaaaaaaaah ito na ang malas sa buhay ko.. Badtrip na kotse yan!
"Ah ha-ha-ha i-ikaw pala yan. A-ano yon bakit ka napatawag?" Nauutal na tanong ko.
"Meet me at the starbucks sa West Galeryia Mall. Be there in less than ten minutes." sagot n'ya.
"What? As in now na? Di ba pwedeng mamaya na o bukas? May raket ako ngayon." nagmamaktol na sagot ko.
"It's okay! Let's just meet at the precint"
What the hell?
"Kailangan ko ang raket na 'to para makabayad sayo. Mamaya nalang, please!"
"Meet me at the mall? Or at the precint? You choose, but remember to always choose wisely." sarkastikong saad nito.
"Anong--" Badtrip pinatayan ako ng tawag!
Sinubukan ko ulit s'yang tawagan pero 'di na s'ya sumasagot.
"Anong gagawin ko?" sambit ko sa sarili, at inis na pinagpapadyak 'yung mga paa ko.
Pinagtitinginan na rin ako ng mga taong dumadaan, akala siguro nila baliw ako pero wala akong pakialam.
Sayang 'tong raket ko ngayon.
Pero baka ipakulong n'ya talaga ako?
ARRRRGHHH!!! BADTRIP KANG LALAKI KA!!! At badtrip ka rin, Rain. Bakit ka nag pakashunga sa pagsunod sa lalaking yan kung pwede mo naman s'yang bayaran na lang? Letse!
Inis na tumalikod ako sa venue at labag sa loob na nag abang ng taxi papuntang mall.
Itinext ko nalang 'yung kasama ko na 'di ako makakarating dahil may emergency.
Pera na naging bato pa!
PAGDATING ko sa starbucks sa mall na 'yon ay nando'n na 'yung bwesit na lalaking 'yon.
Nakapwesto s'ya sa may pinaka dulong upuan kung saan medyo malayo sa kabihasnan dahil nag-iisa lang 'yung table doon.
Ang ganda-ganda ng upo n'ya. Sa sobrang ganda gusto kong hambalusin s'ya ng upuan, lamesa, at lahat ng mahahawakan ko sa loob ng starbucks na 'to.
Inis na inayos ko ang salamin ko sa mata bago nag lakad papunta sa kanya at padabog na umupo.
Napatingin s'ya sa relo n'ya bago tumingin sa'kin. "You are 5 minutes and 25 seconds late!" bungad nito sakin.
Pssh!!
Tinaasan ko naman 'to ng kilay, "Alam mo ba 'yung salitang traffic, ha? Anong tingin mo sa akin, may pakpak para makalipad agad papunta rito?" sarkastikong saad ko at nag crossed arms bago sumandal sa upuan. "Bakit mo ba ako pinapunta dito, ha? Alam mo bang may raket ako ngayon? Pa'no ako makakabayad sa'yo kung hindi ako magtatrabaho?"
Pigil ang inis na saad ko, prenteng nakaupo lang naman s'ya at seryosong nakatingin sa'kin ng diretso.
"Wala na nga akong pera pambayad sayo nawalan pa ko ng perang pambili ng pagkain ko at pangbayad sa renta ng boarding house ko!" Bulyaw na dagdag ko pa.
"Can you lower down your voice? Hindi ako bingi." Mariing sabi nito. Nagkibit balikat lang ako at hindi na sumagot pa. "Hindi mo na kailangan na mag pakakuba para magkaroon ng pera na pambayad sa akin, in fact I will give you a full time work. Kapag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo hindi mo na ako kailangan bayaran." saad nito atsaka ngumiti.
AS IN MALA ADDONIS NA NGITI NA MAKALAGLAG PANTY.
Pero syempre di ako naaapektuhan ng ngiti nya. At hindi malalaglag ang panty ko dahil mahigpit ang garter nito!
Pero waaaaaaait? Legit? As in? Bibigyan n'ya ako ng trabaho?
Baka naman ginogoodtime ako nito?
Pinagmasdan ko s'yang mabuti at hinintay na sabihin n'yang joke lang o ano, pero ni isa ay walang bakas ng pagbibiro ang mukha n'ya.
"Seryoso ka ba?" paniniguradong tanong ko.
"Do I look like I'm joking?" kunot noong saad n'ya na itinuro pa ang mukha n'ya.
Napaismid ako.
"Fine, anong trabaho naman "yon?"
"Be my girlfriend."
Napanganga ako dahil sa sinabi n'ya, feeling ko nga literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya.
A-ano daaaw? Tama ba ang pagkakaintindi at pagkakarinig ko? Ang trabahong ibibigay n'ya sa'kin ay maging girlfriend n'ya? Seryoso ba 'to?
Gwapo nga at mayaman mukhang may saltik naman! Bulag ba ang lalaking 'to? Ako gagawin n'yang girlfriend?
"Hoy!" turo ko sa kanya "Excuse me? Did you just fall for me in a split of seconds? Minutes? Hours? Did you just love me at first sight?"
Gulong-gulong tanong ko. Errr!! I'm confused in a major major way.
Napakunot ako ng noo ng bigla siyang tumawa at hindi yung tawa na masarap sa pandinig kundi yung tawang nang-iinsulto.
Demmit! Pinaglalaruan ba ako ng taong 'to? Dahil ba ganito ako ay gaganituhin niya ako? Eh kung tadyakan ko kaya ito?
"Again, you're definitely not my type. You didn't even reached half of my standards." nakangising saad nito. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
Hindi ko na rin nabilang kung ilang beses ko na s'yang natorture sa isip ko. Nakakagigil ang lalaking to, kanina pa ito eh.
Simpleng lait ang loko!
"Pwede bang direstsahin mo nalang ako? Marami pa kong importanteng dapat gawin kaysa marinig ang pang iinsulto mo." walang emosyon na saad ko.
"Tss. Masyado kang pikon!" nakangiting saad n'ya pa. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya, badtrip na lalaking to. Hindi maintindihan ang ugali daig pang nagda-drugs na ewan.
"Be my fake girlfriend." ulit nito sa sinabi n'ya kanina pero talagang ine-emphasize nya yung salitang 'fake'. "When you accept it like what I've said earlier considered your debt as compensated."
Kunot noong tinignan ko s'ya. Napahawak ako sa baba ko at nag-isip.
"Kanino ko naman kinakailangan magpanggap na girlfriend mo?" takang tanong ko.
"To my family, especially to my Lolo." malumanay, mahina ngunit sapat na
para marinig ko na sabi n'ya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Pero, bakit?" 'yun ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.
"Anong bakit?" balik na tanong nito.
"Gwapo ka naman, by your looks and posture masasabing mayaman ka, may porsche ka pa nga 'diba at tisoy pa. What's in the world at wala kang girlfriend na pwedeng ipakilala sa Lolo mo?"
OMYGGHAAD! DON'T TELL ME??
"Are you gay?" malakas na tanong ko sa kanya na napatakip pa ang kamay ko sa bibig ko habang nakaturo ako sa kanya.
Bigla nalang nag tiringinan sa amin ang mga ilang malapit sa table namin at ibang nakarinig.
"The fvck! Of course NOT!!" masama ang tingin na ibinaling nya sakin at gigil na saad nito atsaka tinapik ang kamay kong nakaturo sa kanya. "I'm NOT gay for heaven's sake!" pinagdiinan nya pa talaga ang salitang not.
Fine. Sabi n'ya e.
Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko na parang sumusuko at natatawang nagsalita.
Malay ko ba? Eh syempre 'yon ang unang naisip ko na pwedeng maging dahilan kung bakit wala s'yang maipakilalang girlfriend sa pamilya n'ya.
"Fine!! Fine!! I'm just asking, okay?? Looks can be decieving anyway," mapang-asar na dagdag ko pa kaya mas lalong sumama ang mukha n'ya.
"Let's just get straight to the point, woman! Be my Fake Girlfriend" seryosong saad neto.
Tinignan ko naman ito ng blankong tingin bago nagsalita. "Sigurado ka ba dyaan, are you blind? Look at me, I'm not that type of girl who can impress your Lolo or your family."
"I'm sure!"
"I don't want to be part of a lie Mr., sinabi kong gagawin ko ang lahat para di mo maikulong basta hindi labag sa prinsipyo ko. Ayokong manloko ng tao and I have something more important matters to do." seryosong saad ko.
"I will pay you," he said in a firm tone.
"Still no!" matapang din na sagot ko.
Dahan dahan n'yang itinukod ang siko n'ya sa lamesa at ipinatong sa mga kamay n'ya ang mukha n'ya.
"Then pay me 50,000 in cash. Right here, right now. If not you'll be imprisoned, you are just one call away from the cold grates. And oh, I forgot I'm not asking you to do me a favor because I am demanding you to do me a favor." nakangising saad n'ya atsaka muling umupo ng maayos at iwinagayway sa harap ko ang cellphone na hawak n'ya.
Napapikit nalang ako sa inis!
Ayokong manloko, ang daming pagpapanggap na nga ang nagagawa ko tapos dadagdag pa 'to? Hindi ba sumosobra na ako sa mga pagpapanggap na 'yan? Pagpapanggap na lang ba ang magiging role ko dito sa mundo?
Pero gayunpaman wala rin naman akong pambayad sa kanya at lalong wala akong pam-piyansa kapag nakulong ako! At isa pa sobrang boring na rin ata ng buhay ko.
Arrrrghhh!! Peste! Peste!
I can't believe I'm in this kind of situation. Mukhang extended ata ang kamalasan ko ngayong araw.
"Are you black mailing me?" nanliliit na matang tanong ko.
"If that's what it sound like, then yes!" ganting sagot naman nito.
"Fine! Pumapayag na ako!"
pikit matang saad ko.
"Good choice." Saad nito, kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nakangiti s'ya kaya naman lumilitaw ang mapuputi at perpekto n'yang mga ngipin.
Ansarap tanggalin ng plies!!
"Ano may sasabihin kapa ba? Kasi kung wala na alis na ako!" inis na saad ko.
"Sign this first after that you are free to go." saad n'ya atsaka iniabot sa'kin ang isang brown envelope.
"Ano naman 'to?" kunot noong tanong ko atsaka kinuha 'yung envelope na inilapag n'ya sa mesa atska iwinagayway 'to sa harap n'ya.
"Envelope." sarkastikong saad n'ya.
"Ganda mo kausap, no?"
"Tsk. Just open it and keep your mouth shut." masungit na saad n'ya atska inirapan ako.
Bakla ata talaga ito. Kagaya nga ng sinabi n'ya binuksan ko nalang yung envelope, kinuha ko yung laman nitong papel.
"Relationship Contract?" basa ko sa nakasulat sa itaas ng bondpaper na bumungad sa'kin atsaka nagtatakang tumingin sa kanya.
"Yes, it's a contract between us. It's some kind of an employer and employee contract, I need you to sign that to make sure that you're going to do your job. Rules and things you need to do are written in that contract."
"Andami mong arte alam mo yon? May pakontra-kontrata ka pang nalalaman, tingin mo sa'kin tatakbuhan ka---"
"Andami mo ring sinasabi alam mo yon? Why can't you just sign those papers?"
"Sandali naman babasahin ko pa!" badtrip na to. S'ya na nga tong maraming alam eh, sya pa nagsusungit.
Anong tingin n'ya sa buhay namin, nasa w*****d? Nasa movie? Na kailangan pa ng kontrata para magpanggap na girlfriend n'ya. Letse!
Sinimulan ko na lang basahin 'yung kontrata.
July 12, 2019
This contract is formulated by ALEXANDER STORM HARISSON and agreed by RAIN CRISTOBAL.
Napatingin ako sa kanya na busy sa paghigop ng kape n'ya, so Alexander Storm pala ang pangalan nitong ungas na 'to. Nice, I'm Rain he's the coming Storm.
Psh, ano 'yon we are the typhoon couple? Napatawa ako sa naisip, yuck!
"What are you laughing at?" masungit na saad nito, hindi ko namalayang nakatitig parin pala ako sa kanya habang natatawa.
Tumikhim lang ako at hindi na sumagot atsaka ibinaling ko nalang ulit ang tingin sa kontrata at nagpatuloy sa pagbabasa.
Rule #1 - No one should know about our deal. If someone know about our agreement they might put us at risk.
Rule #2 - We should make our relationship believable. You should do what common girlfriends do with their partners.
"Wait, itong rule number 2 ano ba ang mga common things ang dapat kong gawin?" nagtatakang tanong ko saka inilapag sandali 'yung kontrata bago tumingin sa kanya.
"Be sweet to me of course, specially in front of my family. If needed we should have body contact."
Body contact?
"What? Bakit kailangan pa 'yun??"
"Hugs , holding hands and kiss sa cheeks are only allowed, nothing more, nothing less." madiin na saad n'ya,
"Ano ka hilo? Holding hands lang, ayoko ng yakap at ayoko ng kiss sa cheeks." reklamo ko, ano s'ya sinusuwerte? Tama ng payag na nga akong magpasweet-sweet ako tapos may body contact pa.
"Pa'no sila maniniwala sa'tin kung simpleng ginagawa ng mag-couples ay hindi mo kayang gawin sa'kin?" taas kilay ngunit seryosong saad nito atsaka pa cool na sumandal sa upuan n'ya at nag-crossed arms.
"Okay fine, pero holding hands lang dapat. Kapag may nagtanong sabihin mo nalang conservative ako." sambit ko atsaka umiwas ng tingin sa kanya, himigop muna ako sa kape ko bago muling nag-basa.
Rule #3 - As long as the contracts are effective, you shouldn't have any romantic relationships with others. DO NOT CHEAT ON ME!
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya dahil sa rule number 3. Waaaw, ako pa talaga ang magche-cheat!
Inis na binagsak ko yung papel atsaka dinuro s'ya, "Hoy, ano 'to? Ako pa? Ako pa ang magche-cheat? Mas bagay ang rules na 'to na i-apply sa'yo. Baka ikaw pa ang mang loko sa'kin at hoy kapag niloko mo ko kahit pa fake lang 'tong magiging relasyon natin babasagin ko 'yang mukha mo!"
"Oo na!! Oo na!! Baka gusto mong ilakas pa yung sinasabi mo para marinig nila." inis na saad nito habang nakaturo pa sa mga taong nasa likod ko.
"Naniniguro lang naman." Saad ko atsaka nagbasa nalang ulit.
Rule #4 - Be attentive, you should always free your schedule when ever I need you.
"Teka--"
"Ano nanaman ba? Palagi kana lang may side comments." inis na putol n'ya sa sasabihin ko.
"Dahil lugi ako!" sabi ko atsaka tumingin ulit ng masama sa kanya. "Pano nalang kapag may trabaho at raket ako? Ano yun iiwan ko nalang para sayo? Hindi pwede yon, ano nalang kikitain ko kapag hindi ako nakapag---"
"Then I will pay your day!" pigil nanaman nito sa sasabihin ko, napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya.
Nice, nice!
"Okay, madali naman akong kausap sana sinabi mo kaagad!" nakangiting saad ko atsaka tinapik yung kamay n'ya na nasa mesa.
"Last but not the least, it may be an Obsolescence rule but it is the most IMPORTANT rule you should follow," malakas na basa ko sa naka-high light na phrases. Yung saktong lakas lang na kaming dalawa lang ang makakarinig.
"Rule #5 - DO NOT FALL IN LOVE WITH ME---aba aba, makapal ka rin eh no? Kahit gwapo ka hindi ako maiinlove sa'yo baka ikaw pa ang mainlove sa'kin." nanunuksong saad ko na tumingin sakanya at itinaas baba yung kilay ko.
"Psh! Dream on, that would never happen." nakangising saad n'ya. Nagkibit balikat nalang ako atsaka kumuha ng ballpen sa bag ko at pinirmahan yung kontrata, iniabot ko naman ito pabalik sa kanya atsaka pinirmahan rin ito.
"It's settle then, you are now my fake girlfriend." He said and we shook hands, the contract is now sealed.
**
Yuhoooo!! Thanks for reading, hope you'll enjoying the story. Let me know your thoughts by leaving your comments.
RAIN's POVMatapos ng naging pag-uusap namin ng bwisit na lalaking 'yon ay umalis na ko at bumalik sa venue kung saan mag pe-prenup shoot. Mabuti na lang talaga at may naabutan pa ko.Pagkatapos ng photoshoot ay umuwi na rin ako kagad, hindi pa man ako nakatapak sa may pinto ay naka abang na kaagad ang mga kamay ni Aling Ruby.Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang bayaran s'ya, mahirap na baka mamaya mapalayas pa ko ng wala sa oras mahirap ng mawalan ng matitirahan. At mahirap na ring mainis ako sa kanya at masunog ko bigla itong boarding house n'ya. Joke!Laking pasasalamat ko nalang talaga at may kaunting swerte parin ako dahil sakto pang bayad sa dalawang buwang renta yung kinita ko ngayong araw.Edi matatahimik ang bawat umaga ko sa tuwing kinsenas ng buwan dahil nakapag advance ako.Ang poproblemahin ko nalang ay ang pandagdag ko sa full payment ng tuition ko next
RAIN's POV Let me ask you a question. Kung ipapakilala ka ng boyfriend mo sa family n'ya, what will you do? I mean, magpapa impress ka ba to the point na babaguhin mo ang sarili mo just for them to like you? Or you will be who you are. You will face them without pretending. You will face them just the way you are kahit na baka hindi ka nila matanggap kung sino ka? You know what? It's hard to pretend to be someone you are not, but it's harder knowing that they can't accept you for who you really are. That's a sad reality of life. But in the end, the most important thing is, tanggap at mahal mo ang sarili mo. That's the best thing you can do to yourself. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa
ASH's POV I am not the type of person na mahaba masyado ang pasensya. I want you to do what I want you to do. If I call you, I want you to answer my call as fast as you can. I already told that to that Nerdy girl but it seems like she already forgot that. I’ve been calling her many times now but still, I can’t reach her. Damn it! I’m starting to lose my tank of patience I save just for her. Nasaan na ba ang babaeng 'yon? My Mom wants to meet her again today and join us for lunch that’s why I am calling her for her to prepare. At dahil hindi ko siya matawagan obligado pa akong puntahan siya sa kanila ngayon mismong umaga. Ang akala ko noong u
RAIN's POV Doing things you love while earning money is a biggest flex. Nakakatuwa talaga na yung hilig ko lang gawin nagiging source of income ko. Photography is life na talaga. Masaya kong inaayos ang camera ko sa bag nito habang si Jerrick naman ay nakanguso habang nakaupo sa harap ko. "Sayang talaga, akala ko makakapag-over night tayo dito, sayang libre sana accommodations." Nanghihinayang na saad niya at mas lalong napanguso. "Akala ko rin nga, nagdala pa nga ako ng extra shirts eh. Pero okay na rin naman, na-enjoy ko pa rin naman iyong view kahit papaano." Sagot ko saka isinakbit ang bag ko sa likod ko. Tumayo na rin si Jerrick at nagsimulang maglakad papunta ng bangka na sinakyan namin kanina. Ang aga kasi natapos nung photo-shoot, ine-expect
RAIN'S POV When I agreed to Mr Lee's suggestion to pretend to be a simple nerd in the Philippines, I did everything I could to be well in life that I didn't grow up with. At first I admit I struggled but as time goes on I enjoy the simple life more. Sinabihan ako ni Mr. Lee na suportado pa rin naman niya ako. That I can still live my life the way I used to, all I need is to pretend that I am a nerd but I declined. Naisip ko, bakit kaya hindi ko na lang lubos-lubusin? Total wala naman mawawala sa akin kung susubukan kong maging independent. Wala na rin ibang nagawa si Mr. Lee kundi ang pumayag. So, I kept all my ATM cards, credit cards and hindi ko pinakialaman lahat ng pera na nasa bank account ko. Every penny I spent, I worked hard for it. I lived as a simple citizen far from the world I used to have.&n
RAIN'S POV Naging tahimik lang ako sa buong byahe. Sa sobrang lalim ng iniisip ko'y hindi ko man lang namalayan na huminto napala ang sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse para lumabas pero nagulat ako ng naunahan ako ni Ash at pagbuksan ako. Sa sobrang lutang ko hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala s'ya. "Where are we?" nagtataka na tanong ko sa kanya ng makitang wala kami sa boarding house. We were in a high place where from here the light could be seen all over the city. He sighed and looked at me. "This is my escape place. This is where I go when I want to shout everything I think of. This is where I go when I want to be alone, away from all those shits of life." Seryosong saad niya tapos ay iniwas ang tingin sakin saka siya
RAIN'S POV "Eww! What a typical nerd!" "Is she a lesbian or what? Look at her clothes, it's so cheap." "Wala man lang ba siyang designer clothes and branded bags?" "Duh! Of course wala, look at her she's so mahirap tingnan kaya." "Akala ko chicks, pare. Mukhang hindi naman, bookwormist pala!" "Kaya nga, pare! Baka ipagpalit pa tayo sa libro n'yan!" Bookwormist? Where in the dictionary did he get that word? Psh. Napabu
RAIN's POV Matapos ng makabagbag damdamin na eksena ng babae na 'yun ay dito ako agad sa C.R dumiretsyo para maglinis at makapag palit ng damit. Buti na lang nakapag-dala ako ng extra shirt. Badtrip kasing babae na 'yun eh! Inaayos ko ang gamit ko ng biglang magring ang cellphone ko. It's Liam. I cleared my throat before answering the call. "Hello?" sagot ko sa tawag. "Lorraine Serenity!" Ouch! Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone dahil sa sigaw niya na bumungad sa akin.