Share

CHAPTER 6

RAIN's POV

Matapos ng naging pag-uusap namin ng bwisit na lalaking 'yon ay umalis na ko at bumalik sa venue kung saan mag pe-prenup shoot. Mabuti na lang talaga at may naabutan pa ko.

Pagkatapos ng photoshoot ay umuwi na rin ako kagad, hindi pa man ako nakatapak sa may pinto ay naka abang na kaagad ang mga kamay ni Aling Ruby.

Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang bayaran s'ya, mahirap na baka mamaya mapalayas pa ko ng wala sa oras mahirap ng mawalan ng matitirahan. At mahirap na ring mainis ako sa kanya at masunog ko bigla itong boarding house n'ya. Joke!

Laking pasasalamat ko nalang talaga at may kaunting swerte parin ako dahil sakto pang bayad sa dalawang buwang renta yung kinita ko ngayong araw.

Edi matatahimik ang bawat umaga ko sa tuwing kinsenas ng buwan dahil nakapag advance ako.

Ang poproblemahin ko nalang ay ang pandagdag ko sa full payment ng tuition ko next next day at ang pang gastos ko sa araw araw.

LINGGO na ngayon. Alas otso na ng umaga pero tinatamad pa rin akong bumangon, nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame at hinahayaan mag layag ang isip ko.

Bigla ko kasing naalala ang nabasa ko sa isang magazine nakaraan.

We don't meet people by accident, there's always a reason behind that. It's either they will be a passer by and will teach you a lesson to learn or someone who will stay and will be the biggest part of your life.

Napaisip ako bigla..

Asan naman kaya sa dalawang yan ang lalaking yon?

Psh!

Malamang Rain passer by lang ang taong yon extra lang sya sa buhay mo at tuturuan ka ng lesson! Lesson na dapat hindi ka basta basta sisipa ng lata sa daan o kung sisipa ka man wag mong lalakasan para di ka maka tama ng kotse. Tssk!

Napatigil ako sa pag-iisip ng mag ring ang cellphone ko.

"Sino na naman kaya ang istorbo na 'to??" saad ko atsaka inaabot ang cellphone ko sa may bedside table tapos ay tiningnan ang caller ID.

Tsk!

Ang walang yang Alexander Storm nanaman! Ano na naman kailangan ng lalaking ito?

Ini-ignore ko na lang ang tawag niya at itinakip ang unan sa mukha ko.

BAHALA SIYA DIYAN! LINGGO NGAYON AT REST DAY KO..

ASH's POV

Damn! Inis na idinial ko ulit ang number ng Nerd na 'yon. I've been calling her for 10 times now and I'm starting to lose my patience.

"Kapag hindi n'ya pa sinagot 'to, makakatikim sa'kin ang babaeng 'yon!" inis na sabi ko atsaka idinial ulit ang number n'ya.

After 3 rings sa wakas sinagot na rin n'ya ang tawag ko.

"What the hell? Bakit ba ang tagal mong sagutin, ha, babae? Pang--"

(WHAT THE HELL NANAMAN?? KAMALASAN ANG NANGYAYARI SAKIN KAPAG NAE-ENCOUNTER KO ANG SALITANG 'YAN ALAM MO BA YON, HA? ANO NANAMAN BANG KAILANGAN MO???)

Nailayo ko sa tainga ko yung cellphone sa lakas ng boses n'ya!

Damn it! Ilang mega phone ba ang nalunok ng babaeng 'to?

"Can you please lower down your voice? Hindi ako bingi!"

(Psh! Oh, bakit ka ba kasi tumawag, ha? Linggo ngayon, rest day ko. Please lang!! Puro kamalasan na ang dumating sakin nung biyernes at sabado pati ba naman linggo?) parang nanlulumong saad nanaman n'ya sa kabilang linya.

Bakit ba ganito ang babaeng 'to? Ang ikli ikli ng sinabi ko sandamukal na salita ang isinasagot.

Parang ngayon palang nagsisisi na ata akong kinuha ko ang isang to!

Hindi ko naman talaga sya balak na kunin bilang pekeng girlfriend ko pero dahil may kasalanan siya sakin at di lang kasalanan kundi MALAKING kasalanan dahil nagkaroon ng crack ang pinakamamahal kong sasakyan ay tama lang sa kanya 'yan.

Para na rin di na ako mahirapan pa na maghanap.

I choose her dahil sigurado akong di ako magkakaroon ng anumang interes sa kanya. Like what I've said she's NOT the kind of girl na magugustuhan ko.

(Hoy ano na? Bakit di kana nakapagsalita d'yan? Ganon na ba kaganda ang boses ko para matahimik ka dyan ha---)

"Stop imagining things!" putol ko sa sasabihin n'ya. Tskk napaka hilig mag-imagine ng babaeng 'to.

"Where are you?" tanong ko atsaka kinuha ang susi ng kotse ko sa lamesa at lumabas ng bahay.

(Nandito sa boarding house ko, bakit?)

"Let's meet up, kailangan nating mag practice ng mga sasabihin mo kapag ipinakilala kita sa Lolo ko mamayang dinner."

Kinausap kasi ako ni Lolo kanina, magpapahanda s'ya ng dinner mamaya dahil darating sila mommy at daddy galing Canada at gusto n'ya ring mamaya ko na ipakilala ang girlfriend ko. Dapat mapagplanuhan namin ang mga dapat naming sabihin dahil ayokong mabisto kami, matalino si Lolo at hindi siya madaling napapaniwala kaya dapat ay mas maging convincing ang act namin.

(Whaaaaat? Mamaya agad? Bakit? Hindi pa ako ready! Ang bilis naman.) gulat na tanong nito sa kabilang linya.

"Tssk kaya nga magkita tayo diba para makapag practice tayo, I don't want to be embarrassed to my family."

(ANG ARTE MO ALAM MO YON, ANG DAMI DAMI MONG HANASH SA BUHAY!!)

Damn! Inilayo ko ulit ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw nya. Aisssh!! Kung hindi ko lang talaga kailangan ang babaeng to, hindi ako papayag na sigaw sigawan ako nito.

"Can you please stop shouting? Masakit na ang tainga ko sa lakas ng boses mo, hindi kaba marunong magsalita ng hindi naka sigaw?"

(Pasensya naman, high pitch lang! Saan ba tayo magkikita, ha?)

"Just text me your address, I will go there."

Hindi kami pwedeng magkita rito sa bahay dahil nandito si Lolo, we don't have enough time to think of a place kung saan pwede kaming mag-usap.

(Okay fine, magdala ka na rin ng pagkain please.) saad nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Why would I do that?" inis na sabi ko, "Hindi mo ako utusan."

(Girlfriend mo ako diba? Pwes dalhan mo ako ng pagkain dahil walang makakain dito sa boarding house ko. Itetext ko nalang sayo yung address, bye!)

Magsasalita pa sana ako pero pinatay na n'ya ang tawag, napailing nalang ako sa inasal n'ya.

Insane Nerdy Girl.

Nang matanggap ko ang text n'ya ay agad kong pinaandar ang kotse ko at nagmaneho.

It'll be a long day for me with her.

RAIN's POV

Matapos kong patayin ang tawag ay agad agad akong naligo atsaka nag-ayos. Siguro doon na lang kami sa may sala mag-uusap.

Kapag linggo kasi ay may kanya-kanyang mga lakad yung mga kasama ko dito sa bahay, di ko pa ba nasasabi sa inyo na marami akong kasama dito? Pero syempre hiwa-hiwalay kami ng mga kwarto ng mga kasama ko, ang tanging pinag hahatian namin ay ang sala at ang kusina lang.

Bihira lang din naman akong makagamit doon kasi palagi akong wala dito, kapag kumakain naman ako kadalasan mga ready to eat food na at doon ko na lang kinakain sa kwarto ko.

Maya maya pa..

"Rain, may naghahanap sayo sa baba." ani ni Aling Ruby pagkatapos ay umalis na rin ulit ito. Kaya naman dali dali akong bumaba. Halos mapanganga ako ng makitang pinagnanasaan si Alexander Storm ng mga boardmates ko. Cool na cool lang s'yang nakasandal sa may kotse n'ya habang may hawak na paper bag at hindi alintana ang mga nagkakagulong babae sa paligid n'ya dahil sa kanya..

Hindi naman katakataka. Napaka gwapo n'ya sa suot n'ya, simpleng shirt at pants lang ang suot n'ya habang naka suot ng shades pero sobrang lakas na ng dating n'ya.

What more kung bihis na bihis s'ya?

Gulat akong napaayos ng tindig ng tanggalin nito ang suot nyang shades atsaka diretsong tumingin sa akin.

"Hai, Rain." Nakangiting bati nito atsaka naglakad papalapit sa'kin at iniabot yung paper bag na bitbit n'ya.

"Ano, ang gwapo ko no?"

Pasimpleng inismiran ko s'ya. "Fool."

"Rain, boyfriend mo s'ya?" nagtatakang tanong ni Annie, boardmate ko, habang nakaturo kay Alexander Storm at papalit palit ang tingin saming dalawa.

"Ha? Ah--eh, oo hehehe!!" aligagang sagot ko.

"Hindi nga?" sabay sabay na saad nila atsaka nagdududang tumingin sa'kin.

Aba naman ang mga ito!

"Oo nga! D'yan na nga kayo, aakyat muna kami sa taas.. Ingat kayo sa pupuntahan n'yo byeee.." saad ko atska kumaway sa kanila bago hinila si Alexander Storm paakyat sa taas.

"Pagpasensyahan mo na 'yung mga kaboardmate ko ganoon lang talaga sila."

"Sanay na akong pagkaguluhan ng mga babae." Nakangising saad nito atska naupo sa sofa.

Edi s'ya nang gwapo! Naupo na lang din ako sa harap n'ya atsaka inilahad ang kamay ko, kunot noong tinignan naman n'ya ito bago tumingin sa'kin.

"Ano 'yan?" tanong nya,

"Kamay." pilosopong saad ko, kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Asan na 'ang ipinabibili kong pagkain."

"Pagkain ang laman ng paper bag na iniabot ko sa'yo." sagot nya tapos ay inilibot nya ang paningin sa buong paligid. Kinuha ko naman ulit yung paper bag na iniabot nya na inilapag ko sa may mesa, "Woowww!!!" Nagniningning ang mga mata ko ng makita ang laman nito, mga iba't ibang klase ng cupcakes at chocolates na nakalagay sa mga box.

My favoritessssss..

"Sakin ba lahat 'to?" nakangiting tanong ko bago tumingin sa kanya.

"Yeah!" tipid na sagot nito pero hindi sya nakatingin sakin, busy sya kakalibot ng tingin sa mga displays na nakasabit sa pader.

Mahilig kasing mag design-designs si Aling Ruby kaya maganda talaga itong sala.

Tumayo nalang ako tapos pumunta sa kusina, inilagay ko sa plato yung mga cup cakes atsaka nagtimpla ako ng juice. Nakakahiya naman kasi sa bwisita ko, baka sabihin hindi ako generous.

"Can we start now? We're running out of time." saad nito ng makaupo ako at mailapag ko 'yung juice at cup cakes.

"Sure," nakangiting sagot ko, mabait ako ngayon sa kanya dahil dinalhan nya ako ng pagkain. Hindi ako magsusungit. "Ano ang gagawin ko?" dagdag ko pa.

Ipinaliwanag naman n'ya sakin lahat ng mga dapat at di ko dapat gawin, pinag-isipan at minemorize narin namin ang mga sasabihin namin kapag nagtanong sila. Dapat daw ay maging maingat kami sa pagsagot dahil baka mabuko kami agad dahil sa mga magiging sagot namin.

Ang pinaka HINDI dapat namin gawin ay sumagot ng sabay sa tanong na hindi namin napaghandaan, bakit? Kasi nga baka mamaya iba 'yung sagot n'ya sa sagot ko at magtaka pa ang pamilya nya.

"Alexander Storm--"

"Call me Ash!" putol n'ya sa sasabihin ko. "Bakit Ash? Parang ang layo naman sa Alexander Storm?" nagtatakang tanong ko.

"Alexander Storm Harrison, my initials explain it all. Happy?" masungit na saad nito.

May means ata 'tong lalaking 'to eh, napaka sungit masyado. Tumango tango na lang ako at hindi na sumagot pa.

"Anyway, let's go may pupuntahan tayo."

Sabi nya atska tumayo at bahagyang pinagpagan ang shirt na suot nya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko, "Saan pa, edi sa salon. Ipapaayos ko yang buhok mo, you need a total makeover." saad n'ya at nagsimulang maglakad.

Natataranta naman akong napaharang sa dinaraanan n'ya, kunot noo naman itong napatitig sa'kin.

"Why?"

"Ayoko, hindi ko pwedeng baguhin ang itsura ko." seryosong saad ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata n'ya.

"And why is that?" naguguluhan na tanong niya, "Don't you like that? Maaayos ang magulo mong buhok, pwede ka na ring magsuot ng contact lense para di---"

"HINDI PWEDE!" wala sa sariling sigaw ko, "I mean, hindi pwede kasi ayoko. Basta! Hindi ako magpapa make-over, ang kailangan mo lang naman girlfriend na ipapakilala sa pamilya mo, hindi ba? Hindi girlfriend na kailangang magustuhan ng pamilya mo." paliwanag ko ng makitang parang nagtataka sya sa inaasal ko.

Sandali muna s'yang nag-isip bago muling tumingin sa'kin, parang pinag aaralan n'ya ang itsura ko kung dapat ba s'yang maniwala o mag taka dahil sa gusto ko.

"They know me, magtataka sila dahil alam nilang hindi naman ikaw ang tipo ng mga babaeng magugustuhan ko." saad n'ya atsaka pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Bwisit na 'to, kahit kailan talaga napaka simple kung manlait.

"Sabihin mo love is blind! Physical appearance is not just the only reason why people fall in love with one another." nakangiting saad ko, "Appearance doesn't always matter in love, sometimes it's the personality that matters."

"Very well said Nerdy girl, just make sure you will look presentable later. Be ready before the clock strikes at 8, I will fetch you here." malumanay na saad n'ya atsaka nilampasan ako.

Naglakad nalang ako papuntang bintana atsaka tinanaw ang sasakyan n'yang papaalis. Napahinga ako ng maluwag ng hindi na n'ya pinilit pang magpa make over ako o kung ano man.

I have my own reasons why I want to stay like this. Staying as a nerd with messy hair, and thick eye glasses, I'm doing this with a purpose.

**

Please let me know your thoughts by leaving your comments. Love you guysss, hope you'll enjoy the story.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status