Share

Chapter 2

"Luna, ihatid mo itong mga papeles sa opisina ni Carlos at pagkatapos ay sabihan mo siyang pumunta rito sa opisina ko," utos ni Papa nang iabot niya ang ilang pirasong papel na nakaipit sa transparent na portfolio.

"Yes, Sir." Kaagad kong sinunod ang utos niya na ibigay kay kuya Carlos ang mga papeles. At pagkarating ko doon ay tahimik na nakaupo si kuya Carlos sa kaniyang upuan.

Kumatok ako at nabaling ang atensyon nito sa akin.

"Luna, nandyan ka pala." Masaya nitong sabi at pumasok na ako sa kaniyang opisina.

Tumayo ito at lumapit sa akin, laking gulat ko nang yakapin ako nito. "P-pinapaabot ni Papa sa 'yo, pinapasabi niya rin na puntahan mo siya sa opisina niya," wika ko at mabilis na kumalas mula sa pagkakayakap nito.

Aktong paalis na ako ng magpahintay ito sa akin kung kaya't wala na akong nagawa pa kung hindi ang hintayin ito. "Ngayon na ba? Sandali lang, hintayin mo ako sabay na tayong pumunta ro'n."

Nang makarating na kami sa opisina ni Papa ay tahimik kami nitong pinaupo. Hindi alam ni kuya Carlos ang pag-uusapan nila ngayon kaya hindi nito mabasag ang katahimikan.

"Alam kong abala ka sa mga inaayos mong papeles kaya pasensya na kung pinatawag kita rito," sabi ni Papa kay kuya Carlos.

"Nako okay lang po, Sir," magalang na sagot naman niya.

"Nabalitaan kong nakipag hiwalay ka na sa anak kong si Solara, totoo ba 'yon?"

"Totoo po iyon, dahil magiging kami na po ni Luna," wika niya.

Nanlumo ako sa kaniyang sinabi. Bakit siya nagsisinungaling? Bakit niya sinabi iyon? Paniguradong kakampihan ni Papa si ate Solara at kakamuhian na naman ako nito.

Napa-tango na lang si Papa rito at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sumilay ang maliit na ngiti mula sa kaniyang labi.

"Mabuti, bumalik ka na sa opisina mo at baka marami ka pang gagawin." Wika ni Papa dahilan upang tumayo mula sa pagkakaupo si kuya Carlos at nilisan ang opisina ni Papa.

Nang makauwi kami sa bahay ay ay kaagad kaming sinalubong ni ate Solara. Niyakao ni si Papa habang masama naman ang tingin nito sa akin.

"Ikaw talaga Solara, pasalamat ka kay Luna at naakit niya si Carlos kung hindi baka bawiin ng mga Reyes ang 30 percent share nila sa kumpanya."

So gano'n din ang tingin niya sa akin mang-aakit? Malandi? Mang-aagaw? Tuluyan na rin siyang nalason sa mga kasinungalingan ng mag-ina niya.

"Aakyat na po ako sa kuwarto ko." Paalam ko at humakbang na ako upang lisanin ang sala at magtungo sa aking kuwarto.

"Luna," dinig kong tawag ni tita Solen sa mahinhin nitong boses.

Humarap ako sa kaniya upang tanungin ito kung anong kailangan niya sa akin. "Ano po iyon tita?" Tanong ko.

"Kumain kana ba, bakit hindi mo kami samahan sa hapunan?" Tanong niya.

"Kumain po ako kanina sa opisina, busog pa po ako," sagot ko.

"Gano'n ba? Sige magpahinga ka na."

Nagtungo na ako sa aking kuwarto at naligo. Hidni na ako magtataka sa mga kilos ngayon ni tita Solen dahil lagi naman siyang gano'n kapag nandito sa bahay si Papa.

Batid kong gusto niyang ipakita rito na nagiging mabait siyang madrasta sa akin, kahit na madalas ay lahat sila ay pinagbubuhatan ako ng kamay.

Matagal ko nang gustong umalis ngunit hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko, hindi ako nakatapos sa pag-aaral kaya't magiging mahirap ang pag hanap ko ng trabaho. Ma-suwerte na ng ako dahil pinasok ako ni Papa sa kaniyang kumpanya kaya't nakaiwas ako kahit papaano sa mag-inang si Solen at Solara.

Matapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang aking buhok bago tuluyang mahiga sa aking kama.

***

Kinabukasan nagising ako sa makalas na boses ni ate Solara at tinatawag ako nito kaya't mabilis akong bumangon at binuksan ang aking pinto.

"Alam mo ba kung anong oras na?" Salubong na tanong nito.

"Pasensya na, saglit lang titignan ko."

"9:30 na, kung ayaw mong malate sa meeting mamayang 10 bilis-bilisan mo ang pag kilos mo."

Nang malaman ko ang oras ay nagmadali na akong naligo at nag-ayos. May meeting kami mamaya kasama ang ibang mga kumpanya kaya hindi ako p'wedeng ma-late, nakakahiya.

"Ate Solara, hintay!" Wika ko habang pababa ng hagdan.

Nakita ko kasing palabas na ng bahay si ate Solara at alam kong paalis na rin ito dahil minsan ay sa kaniya ako sumasabay sa pag-pasok sa opisina.

"Ang kupad mo talaga." Inis nitong sabi kasabay ng pagsakay niya sa kaniyang kotse.

Sumunod ako at sumakay sa passenger seat nito, nang makarating kami sa kumpanya ay nakasalubong namin si kuya Carlos. Napansin ko ang pagtitigan nila dalawa pero binaliwala ko nalang ito dahil normal lang naman iyon sa kanila.

Bumukas ang elevator at sumakay na ako rito, ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi pumapasok sina ate Solara.

"Ate, hindi ba kayo sasakay ng elevator?" Tanong ko.

"Mauna kana may pag-u-usapan pa kami ni Carlos." Sambit ni ate Solara at sabay silang naglakad paalis ni kuya Carlos.

Aktong pasara na ang elevator nang may kamay na humarang dito at pagbukas nito ay pumasok ang dalawang unipormadong lalaki.

Laking gulat ko nang biglang kumulog ang elevator at tumigil ito sa pag-akyat.

"Fvck this building, bakit hindi under maintenance itong walang kwentang elevator nila?" Naiinis na tugon nung isang lalaki.

Kinabahan naman ako nang bumaling sa akin ang kasama nito. "Do you work here, Miss?"

Tumango ako bilang tugon.

"Oh, saang department ka?" Mukhang kalmadong kalmado pa ito gayong na stock na kami rito sa loob ng elevator.

Sa takot ko ay hindi ko kayang mag salita ng maayos. "Huwag kang kabahan we're good person, right boss?"

"Good your ass. Open it motherfvcker, I'm getting late!" Tila nagwawala na ito kakahampas niya sa pintuan ng elevator.

Mabuti nalang at may-ilaw pa kaya't napagmamasdan koa ng mukha nila.

Medyo kayumanggi ang balat nung lalaking kumausap sa akin samantalang mestiso naman ang lalaking kanina pa mura ng mura habang hinahampas ang pintuan ng elevator. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo siyang mala anghel dahil napaka-inosente ng kaniyang wangis ngunit tila may sungay na ito kapag nagsasalita siya.

"Boss, kanina mo pa pini-pindot 'yang emergency bottom malamang parating na maintenance nila kaya huminahon ka muna."

Napabaling ako sa floor na paroroonan nila at napagtanto kong parehas lang ang pupuntahan namin. Malamang ay isa sila sa makakasama namin sa meeting.

"S-sir, may meeting po kayo with Mr. Rodriguez?"

"Oo, Miss. Pasensya kana sa boss ko mainitin kasi ang ulo niyan," wika nung lalaking may kayumangging balat.

"I'm Luna Rodriguez, Mr. Rodriguez's secretary, I'll try to contact him para ma-re-schedule namin ang meeting." Inilabas ko ang aking cellphone upang tawagan ang numero ni Papa.

"Ay nako huwag na okay lang naman kahit ma late kami, si Mr. Rodriguez lang naman talaga ang sadya namin," aniya.

Nang dahil sa sinabi niya, napaisip ako kung anong kailangan nila kay Papa.

"Can I ask your name nalang para masabi ko kay Mr. Rodriguez?" Tanong ko at saktong nabuksan na ng mga maintenance staff ang pinto ng elevator.

"Finally, let's go," wika nang mestisong lalaki at mabilis namang sumunod ang kasama nito sa kaniya paalis.

"Anong problema nung mga 'yon?" Tanong ko sa aking sarili.

Sabi nila ay may meeting sila kasama si Papa tapos ngayon hindi naman sila tumuloy, bagkus umalis nalang silang dalawa.

Pagpasok ko ng meeting room ay tangging si ate Solara at Papa nalang ang nandoon.

"Ano ba 'yan, Luna. Bakit  late kang dumating? Ano banag pinagkaka-abalahan mo?" Salubong na tanong ni Papa noong makapasok ako ng meeting room.

"Ano pa nga ba? Edi lalaki, 'di ba Luna tama ako?" Sambit ni ate Solara at bahagya pa itong tumawa.

"Hindi naman po sa gano'n, may problema kasi yung elevator na dapat sasakyan namin ni ate Solara kaso pinauna na niya ako."

"So you're saying kasalanan ko gano'n?

"Hindi po ate Solara, ang akin lang kaya na late ako dahil nasira yung elevator, sorry," paghingi ko ng paumanhin.

"Umuwi ka nalang sa bahay, luna, hahanap nalang ako ng bagong sekretarya," wika ni Papa. Ayokong bumalik doon.

"Pero—"

"Walang pero-pero umuwi ka na."

Wala na akong nagawa kung hindi ang umuwi sa bahay. As usual pagkauwi ko ay katambak na utos mula kay tita Solen ang sumalubong sa akin.

"Luna, pagkatapos mo d'yan labhan mo iyong mga katambak na damit ni Solara. Kunin mo doon sa kuwarto niya." Utos nanaman ni tita Solen at tinalikuran na niya ako.

Pagkatapos kong mag lampaso ng sagit ay sinunod ko na ang utos ni Tita Solen na labhan ang mga pinag-hubaran na damit ni ate Solara.

Habang nagsasampay ako sa labas ng bahay ay may itim na kotse ang pumarada sa harapan ng gate namin. Naningkit ang mga mata ko nang bumaba ng kaunti ang bintana ng backseat nito, pinakatitigan ko ito ngunit ilang sandali pa ay bigla nalang itong umalis na siya namang ikinataka ko.

"Oh, anong tinutunganga mo d'yan?"

"May pumarada po kasing itim na kotse sa labas ng gate kanina, parang may hinahanap dito sa atin." Pagkasabi ko ay halos tumakbo ito papasok ng bahay, pumasok din ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa cctv room.

Bakas sa kaniyang mukha ang kaba at pagkatakot nang lumabas ito ng cctv room. Nilapitan ko siya upang tanungin ito kung kilala ba niya kung kaninong kotse iyon.

"Anong problema tita? Kilala nyo po ba iyong kotseng itim kanina?" Tanong ko rito.

Ngunit tinarayan lang ako nito sabay sabing, "Umalis ka nga sa harapan ko, 'wag kang masyadong pakelamera." Kaya't umalis ako at ginawa nalang ang aking mga gawain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status