Share

Chapter 3

Ilang linggo ang makalipas, dalawa o tatlong araw sa isang linggo pumapasyal rito si kuya Carlos. Ang akala ko ba naman ay si ate Solara ang binibisita niya iyon pala ay ako ang pakay niya.

"Tita Solen, okay lang po ba kung isama ko si Luna sa akin mamaya?" Dinig kong tanong ni kuya Carlos habang naghu-hugas ako ng plato.

"Sige lang kahit 'di na siya umuwi," wika ni tita at narinig ko itong tumawa.

"Ikaw talaga tita napaka palabiro mo," wika naman ni kuya Carlos dito at nagtawanan silang dalawa, samantalang si ate Solara naman ay kanina pa nagkukulong sa kuwarto nito.

"Luna, iwan mo na 'yang mga hugasin at magbihis kana!" Pasigaw na sabi ni tita mula sa sala kaya binanlawan ko ang aking nga kamay at ipinunas ko ito sa suot kong apron.

Nagtungo ako sa aking kuwarto at nang matapos akong mag-ayos ng aking sarili ay lumabas na ako rito at lumapit kay kuya Carlos.

"Luna, you look beautiful." Bahagya akong nahiya sa kaniyang sinabi, ngayon lang may pumuri sa akin ng ganito.

"Thank you."

"Let's go?"

***

Habang naglalakad kami sa mall ay hinayaan ko nalang itong hawakan ang aking kamay.

Napag-isip-isip ko na rin nitong nakaraang araw, ito na siguro iyon, oras na siguro para sumaya naman ako tutal wala naman na sila ni ate Solara.

"Gusto mo mag dinner muna tayo?" Tanong sa akin ni kuya Carlos.

"Sige," simpleng sagot ko.

Idinala niya ako sa isang mamahaling restaurant at habang naghihintay kami sa aming inorder na pagkain ay may nakita itong kakilala at mukhang naghahanap sila ng bakanteng table.

"Mr. Martinez, may dalawa pa kaming bakanteng upuan rito, why don't you guys join us."

Bumaling ito sa akin at nakilala ko ang kaniyang ityura. Siya iyong lalaki sa elavator, 'yong medyo mestiso.

"Is it okay if we share the table, milady?"

"H-ha? Oo, okay lang po." Hindi ko maintindihan kung bakit nauutal akong sagutin ito, maybe natakot lang ako sa behavior na ipinakita niya noong nasa elavator.

"Your girlfriend was pretty polite, Mr. Reyes. Where did you get her? I would like to get one too," wika ng lalaki.

"In the house of Rodriguez, she's Mr. Rodriguez first wife's daughter."

"Well I guess I should visit Mr. Rodriguez often, so I could get one from him, anyway this lady besides is Mayvis my father arrange a date for me."

"That was nice, I never heard nor see you dating someone before."

"Is the moon is beautiful than the sun, Mr. Reyes?" Tanong ng lalaki.

Takang bumaling naman si kuya Carlos rito. "What do you mean?"

"Nothing, that's too slow of you."

I get it, alam ko kung anong ibig-sabihin ng tanong nito. It's all about me and ate Solara, he asked if the moon is beautiful than the sun then ate Solara name means sun while mine, Luna means moon.

Kuya Carlos was too slow to get that lalo na kung hindi niya naman alam ang kahulugan ng pangalan namin ni ate Solara, and maybe the guy know na naging girlfriend ni kuya Carlos si ate Solara.

"Anyway, I still have a business to attend this 8 pm so we need to go. I'll just see you around, my moon." Wika ng lalaki kasabay ng pagtayo nilang dalawa sa kanilang kinauupuan at naglakad na ang mga ito palabas ng restaurant.

"Mr. Martinez is really weird, aren't he?" Tanging tango nalang ang sinagot ko sa tanong ni kuya Carlos.

Makalipas ang ilang oras ay napag-desisyunan ni kuya Carlos na ihatid na ako pauwi ng bahay. Habang nagma-maneho siya ay bigla nalang niyang inilapat ang kaniyang palad sa aking binti, at gawa ng pagkagulat ay mabilis ko itong itinabing.

"I'm sorry," paghingi niya ng tawad.

"Okay lang 'yon kuya Carlos, huwag mo nalang ulitin nakakabigla kasi eh," sambit ko.

Tumawa ito. "Drop the kuya, just call me Carlos."

Makalipas nag isa't kalahating buwan nanligaw siya at naging mabuti naman ang lahat kaya't napag-desisyunan ko na itong sagutin.

"Hello?" Sambit ko sa telepono matapos kong sagutin ang tawag ni Carlos.

[Did I wake you up?] Tanong niya mula sa kabilang linya.

"No, matutulog palang sana ako."

[I miss you already.]

"Magkikita naman tayo bukas. Sige na, matulog kana," wika ko.

Pinatayan ko na ito ng tawag at inilapag ko sa tabing maliit na lamesa sa gilid ng aking kama ang aking telepono at natulog na ako.

Kinaumagahan, nang paalis ako upang mamalengke ay wala nang tao rito sa bahay ag malamang ay pumasok na sila sa kumpanya, maging si tita na pumalit sa akin bilang sekretarya ni Papa.

Habang namimili ako sa market ay may natanaw akong pamilyar na lalaki at mukhang nakita rin ako nito kaya't nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin.

"Good morning, my moon," aniya at hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pamimili.

"I don't like it when you ignoring me, Luna." Wika niya pa at panay pa rin ang pag-sunod nito sa akin kasama ang isang unipormadong lalaki.

Hindi ito yung dating lalaking kasama niya na may kayumanggi na balat, bago ito at mukhang guwardiya niya ito. Gano'n na ba talaga ang mayayaman? Laging may guwardiya kapag lalabas ng bahay?

"Mr. Martinez, I don't like it also when you're following me." Wika ko at mas lalo kong binilisan ang aking lakad upang lampasan ito.

"You're getting impolite to me now, huh? Is that what your boyfriend thought you?" Patuloy pa rin ang pag-sunod nito sa akin.

"Carlos have nothing to do with my attitude."

Muli na naman nagpaulit-ulit ang barito nitong boses sa aking tenga. "You're gettin' to my nerves, Claudia. I suggest you to call your boyfriend to pick you up, baka makidnap pa kita."

Huling sabi niya at napagtanto ko nalang na wala na ito at hindi na niya ako sinusundan, he was the first guy who called me with my first name and it feels weird. Ng dahil sa takot sa kaniyang sinabi ay dali-dali ko namang kinuha ang aking telepono at dinail ang number ni Carlos upang magpasundo rito, ngunit panay lang ang ring nito at hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Ilang beses ko pang inulit tawagan ang numero niya pero hindi talaga niya sinasagot ito kaya napagdesisyunan ko nalang na mag commute.

Pero imbes na sa bahay ako uuwi ay dumaan muna ako sa penthouse nito 'di kalayuan sa aming subdivision.

Nag doorbell ako at naghintay may magbukas ng pinto, sigurading nandito si Carlos dahil sa pagkakaalam ko ay naka leave siya ngayon.

Makalipas ang ilang minuto wala pa ring nagbubukas ng pinto kaya't hinula ko nalanga ng passcode ng kaniyang pinto at ng mailagay ko ang birthday nito ay bahagyang bumukas ang pintuan, hudyat na tama ang nailagay kong numero.

Pumasok ako sa loob pero walang tao sa sala o maging sa kusina, ngunit nang makalapit ako sa kaniyang kuwarto ay unti-unting umalingasaw ang pamilyar na boses ng babae na panay ang pag-ungol.

Kinakabahan ako at nagaalangang hawakan ang malamig na door knob ng pinto ng kuwarto ni Carlos, ngunit lakad loob ko itong pinihin upang buksan ang pinto at pagkabukas kka y tumambad sa aking ang katawan nilang hubo't h***d sa kama.

"Carlos? A-ate Solara?"

"Shit, Luna let me explain," sambit ni Carlos ngunit tila nawalan na ako ng panahon para pakinggan pa ang mga sasabihin niya.

Pagkatalikod ko at narinig ko ang boses ni ate Solara at sinabing, "Hayaan mo na siya Carlos, wala ka namang mapapala sa babaeng 'yan."

Tuluyan ko na silang iniwan at nilisan ang penthouse ni Carlos dala ang aking mga pinamili.

Hindi naman gaanong kalayuan ang papasok sa subdivision namin kaya't nilakad ko nalang, hindi ko na alintana ang pagbagsak ng malakad na ulan gawa ng makulimlim na panahon mula kaninang madaling araw.

Habang naglalakad ako sa gitan ng ulan ay may bumusinang kotse kaya't napatingin ako rito at nakita ko ang itim na kotseng nakita kong nakaparada noon sa harapan ng gate habang nagsasampay ako.

Bumaba ang bintana ng backseat nito at muli ko na namang narinig ang baritong boses ng lalaking nagbanta sa akin.

"Get in!" Aniya at hindi ko nalang siya pinansin.

Natanaw ko pa ang paghinto ng kotse ngunit nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na ako sa subdivision.

Isang puting tuwalya ang pumatong sa aking balikat at ingaw ng lalaki ang dala kong isang supot ng aking mga pinamili kasabay ng pag payong pa nito sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad at maging siya ay napahinto rin. Bumaling ako sa kaniya at nagtama ang aming paningin.

"Can I hug you?" Tanong ko ngunit hindi pa man siya nakasagot ay mahigpit ko itong niyakap.

Hindi ko na namalayang humagulgol na ako sa iyak habang yakap-yakap ko ito, at ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kaniyang palad na humahagod sa aking likod na siya namang nakapagpagaan ng aking loob.

"May nagsabi na ba sa 'yo?"

Kumunot ang aking noo. "Na ano?" Tanong ko sa kalagitnaan ng aking pag-iyak.

"Ang pangit mo kapag umiiyak, you better stop it," wika niya.

Imbes na tumigil ay mas lalo pa akong napaiyak at mas isinubsob ko pa ang aking mukha sa kaniya.

"Wanna come with me and never coming back?"

"Please take me home," wala sa sarili kong sambit.

Sumakay kami sa backseat ng itim na kotse at doon niya ako tinulungang patuyuin ang aking buhok habang nagmamaneho naman ang kaniyang driver papunta sa bahay namin.

"So, what's make you cry so loud?"

"Personal problem, hindi mo na kailangang malaman pa," sagot ko

"Well, I wanna know so tell me," aniya ngunit hindi na ako nagsalita pa.

He's just a stranger, hindi na niya kailangan pang malaman ang affair nila Carlos at ate Solara. I know na dati silang magka-sintahan pero hindi naman tama na may mamagitan sa kanila na higit pa sa kaibigan dahil girlfriend ako ngayon ni Carlos, nasasaktan ako sa part na niloko nila akong dalawa't pinagmukhang tangang makikita silang magkatalik sa kama.

Laging tinatanong sa sarili ko noon kung anong mali sa akin? Bakit kailangna nilang iparamdam sa aking ang ganitong sakit not until niligawan ako ni Carlos, akala ko sasaya ako, akala ko ipaparamdam niya ang pagmamahal na matagal ko ng hindi nararamdaman ngunit buong akala ko lang pala iyon.

Isa rin pala siya sa mga taong magpaparamdam sa akin ng sakit.

Nang huminto ang kotse sa harapan ng gate ay bumaba na ako dala ang aking mga pinamili kanina sa market.

"Thank you." Wika ko bago ko pa tuluyang isara ang pintuan ng kotse nito.

Pagkabukas ko sa gate at napabaling ako sa itim na kotse dahil hindi pa ito umaalis, nakita ko ang pagbaba ng bintana ng backseat nito at nasilayan ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Mr. Martinez 'tsaka tuluyan ng umalis ang kotse.

"Bakit mo kasama 'yon?" Muntik na akong matalisod noong tanungin ako ni Tita Solen na nasa tabi ko lang pala.

"Tita, nakasalubong niya lang po ako kaya hinatid na niya ako dahil malakas ang ulan," sagot ko.

"Pumasok kana, huwag kang lalabas ng bahay at lalong huwag kang lalapit sa isang 'yon, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo, pero matanong ko lang po kung bakit?" Takang tanong ko. Mabait namang tao Mr. Martinez, kilala ba nila ito?

"Sumunod ka nalang kung ayaw mong mapahamak." Wika niya kaya't pumasok na ako sa bahay at sumunod nalang sa utos ni tita Solen.

Kinagabihan habang tahimik kaming kumakain ng hapunan ay dumating ng bahay si ate Solara kasama si Carlos. Dumeretyo sila sa hapag-kainan kung kaya't nagkatitigan kaming dalawa ni Carlos.

Hindi ko namalayan na otomatikong bumaling ang aking paningin kay ate Solara na kasalukuyang nakatitig rin sa akin. Wala akong magawa, tila wala ako sa lugar para magreklamo sa aking nasaksihan.

"Kumusta, Luna?" Tanong sa akin ni ate Solara at mukhang may pang-aasar pa sa kaniyang pananalita.

"Ayos lang naman, ikaw ba?"

"Mabuti, unti-unti nang naaayon sa aming plano ang lahat," mahina niyang sabi na tanging kami lang dalawa ang nagkaka-intindihan.

Tumayo ako sa aking upuan at dinala ang walang laman kong pinag-kainan. "Mabuti kung gano'n, maupo na kayo at ipagha-hapag ko kayo ng plato," wika ko at naglakad ako patungo sa kusina upang kumuha ng malinis na plato para kay Carlos at ate Solara.

Pabalik na sana akong dala ang dalawang plato at dalawang pares ng kutsara at tinidor ng makita kong papalapit sa akin si Carlos.

"Bakit hindi ka pa umupo roon at mag hapunan?" Tanong ko ngunit inagaw niya sa akin ang ang aking dalang plato at inilapag niya ang mga ito sa counter top ng kusina.

"Luna, can we talk?" Tanong niya.

"Mamaya nalang, mag hapunan muna kayo," wika ko at muli kong kunuha ang mga plato upang idala sa hapag-kainan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status