UMAGA. Araw ng linggo. Katatapos lamang ng isang napakalakas na ulan mula pa kahapon. Bakas pa ang mga namuong tubig sa gilid ng kalsada sa baryong iyon ng Landig. Kahit aspalto ay hindi nakaligtas ang kalsada sa lakas ng ulan. Maging ang ibang mga sanga ng punong kahoy sa gilid ng daan ay nagkaputol-putol na. Ang iba pa nga roon ay kumalat na sa kalsada. Bagaman ganoon ang tanawin sa barangay na iyon ay umaaliwalas nang muli ang kalangitan. Papasikat nang muli ang araw. Muling nabuhay ang Barangay Landig – isang Barangay sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.
Alas sais palang ng umaga ay abala na ang mga tao sa paglilinis sa kani-kanilang bakuran. Karaniwang makikita ang mga babaeng may edad na at nagwawalis ng mga nagkalat na dahon sa harapan ng kanilang bahay. Ang ilang mga kalalakihan ay tinatanggal ang mga nagkalat na sanga sa kalsada upang huwag maging sagabal sa mga nagdaraan at maging malinis ang paligid. Maririnig din ang tawanan at malakas na kuwentuhan ng mga tao habang naglilinis. Hindi pa man tuluyang sumasabog ang sikat ng araw ay mababakas na ang sigla sa baryong iyon.
Isa iyon sa mga tanawing nakita ni Dandreb. Sakay siya ng kanyang magarang itim na kotse habang binabagtas ang daan papunta sa bagong bili niyang bahay-bakasyunan. Malayo iyon sa Maynila kaya gustong-gusto niya ng lugar. Bukod doon ay preskong-presko ang hangin at mayroong tahimik na paligid. Marahan lang ang kanyang pagmamaneho dahil sa mga nagkalat na sanga sa kalsada at upang maiwasan ang mga taong nagsisipaglinis doon. Ang iba ay tumatabi para bigyan siya ng daan. Hindi pa rin kasi siya pamilyar sa lugar at habang nagmamaneho ng mabagal ay nagmamasid na rin siya sa paligid.
Kahapon pa niya gustong pumunta roon kaya lang ay inabot siya ng malakas na ulan sa daan kaya pinili niyang tumigil na muna sa isang Inn na nadaanan kagabi. Kaninang madaling araw ay maaga siyang nagbiyahe upang maaga rin niyang marating ang lugar na iyon.
Hanggang sa makita niya ang bahay na pupuntahan. Tumigil ang kanyang kotse sa tapat ng isang mababang gate. Saglit lang niyang inilibot ang mata sa paligid at mabilis na siyang lumabas ng kotse. Naglakad siya patungo sa mismong harap ng gate na gawa sa bakal at hanggang beywang lang niya. Tumayo siya roon paharap sa bahay saka nameywang. Maluwang siyang napangiti ng makita ang kabuuan ng bahay. Isa iyong two-storey house na bahay-bakasyunan. Kulay krema at puti ang pintura at malalaki ang mga binata. Hindi iyon kasing-garbo ng bahay nila sa Maynila pero gustong-gusto niya ang bahay na nasa harapan. Mula sa kinatatayuan niya ay maaliwalas tingnan ang bahay at ang paligid nito.
Kilala niya ang dating may-ari ng bahay na iyon. Ninang niya sa binyag. Nalaman niyang ipinagbibili na iyon dahil magma-migrate na ang pamilya nito sa ibang bansa. Nagdesisyon kaagad siyang bilhin iyon dahil gusto niyang magkaroon ng isang bahay-bakasyunan sa probinsiyang iyon.
Maayos pa ang hardin sa paligid at medyo maluwang. Ayon sa kanyang ninang ay mayroong katiwala roon na nagpapanatili ng kaayusan ng bahay kaya naman hindi na siya nagtaka na maayos ang kapaligiran. Nakapagkit pa rin ang ngiti sa kanyang labi na kumilos at binuksan ang gate. Nasa kanya na ang susi ng araw na maipagbili iyon sa kanya. Hindi niya sigurado kung naroroon ang katiwala ng bahay pero dahil may hawak naman siyang susi ay hindi na siya nagtawag pa.
Habang naglalakad ay iginala niya ang paningin sa hardin. Lalo siyang napangiti ng makita ang buong paligid na maayos. Sa paligid ay maraming halaman na siguradong dating pag-aari ng kanyang ninang. May mga orchids pa na nakatanim sa mga driftwoods at nakahilera ng maayos sa kaliwang bahagi ng bakuran. Nagmamasid pa rin siya sa paligid hanggang sa marating niya ang pinto ng bahay. Gamit pa rin ang hawak na susi at binuksan niya ang pinto. Tumuloy siya sa loob at lalong lumuwang ang ngiti sa kanyang labi ng mabistahan ang paligid. Kumpleto na iyon sa kagamitan na kasama sa pagbili niya ng bahay. At malinis ang buong bahay! Ni isang kalat ay wala siyang makita. At nasa ayos ang lahat!
“This is great!” umalingawngaw ang buo at malamig niyang tinig sa buong sala. Hindi man iyon kasingluwang ng malaki nilang mansiyon sa Maynila ay magaan naman ang pakiramdam niya. Isa pa sa rason niya kung bakit binili niya ang bahay na iyon ay upang maging taguan at kanlungan niya kapag nais niyang tumakas sa mga problema sa Maynila though wala naman siyang problemang hindi nalulutas. He just wanted to have some privacy sa lugar na iyon. Sa mga sumunod na oras ay ginugol niya ang sarili sa pagmamasid sa loob ng bahay.
NAG-IINAT ng mga braso si Kathrina ng batiin siya ng kanyang inang si Allani. Nagulat pa siya ng bigla itong sumulpot sa kanyang likuran. Kasalukuyan siyang nasa kanilang hardin sa harap ng kanilang bahay. Pagkagising niya kanina ay dire-diretso siya sa labas para tingnan ang panahon. Nang makitang palabas na ang araw mula sa ilang araw na pag-ulan ay napangiti siya ng maluwang.
“Ma! Ang aga mo naman yata?” puna niya dito dahil nakita niyang nakabihis na ito. Pasado alas sais palang ng umaga. Mamayang alas otso pa dapat ang alis nito.
“Dadaan pa kasi ako sa simbahan bago ako tumuloy sa grocery. Sige na, kayo na ang bahala diyan sa bahay. Naghahanda na si Mameng doon ng agahan ninyo ni Adeng mo.” Ang wika ng singkuwenta y singko na ginang. Dinaanan lang siya nito at tuloy-tuloy na sa paglalakad papunta sa gate.
“Pupunta ako mamaya doon ha!” malakas niyang pahabol dito. Saka muling ibinalik ang pag-iinat ng mga braso. Naglakad-lakad din siya at nagpaikot-ikot sa hardin. She also bend her body para magalaw-galaw naman ang mga laman-laman niya sa ilang araw na pagkukulong niya sa bahay.
Maganda ang pakiramdam niya sa araw na iyon at bakas na bakas ang kasiglahan sa kanyang aura. Ina-appreciate niya ang pagliwanag ng kalangitan ng mamataan niya si Ruby na papalapit habang nag-ja-jogging. Isa ito sa kabungguang siko niya sa kanilang barangay. At gaya ng dati, habulin ito ng tingin ng mga tiga roon sa kanila.
“Fren!” malakas niyang tawag dito ng mapatapat sa kanilang hanggang beywang na gate. Tumigil ito at lumapit naman siya rito. “Wow naman, Fren! Kahit katatapos lang ng pagbulusok ng ulan hayan at talagang ngiting-ngiti ka pa sa pag-ja-jogging ha.” Kantiyaw niya rito.
Natawa ang magandang dalaga. “Alam mo namang routine ko na ito tuwing umaga. Mabuti nga at tumigil na ang ulan. Isa pa, kailangan kong magpaseksi dahil malapit na ang pagent.” Anito saka bumungisngis.
Hinagod ng tingin niya ang katawan nito. “Tsk. Tsk. Alam mo, hindi mo na kailangang magpa-sexy dahil ubod ka na ng sexy.” Ikinorte niya ang dalawang kamay na parang bote ng softdrink. Totoo naman iyon. Maganda talaga ang hubog ng katawan nito na halata sa jogging outfit nito.
“Sira!” bumungisngis ito. “Samahan mo kaya ako dito para matagtag naman ‘yang katawan mo at hindi palaging laptop ang nasa harap mo.”
Umingos siya. “Alam mo namang hindi ko trip ang mga ganyan. Madali lang akong mapapagod. Itutulog ko nalang kesa magpagod ako sa pagtakbo ano.”
Pinasadahan din nito ng tingin ang katawan niya. “Kunsabagay, kahit hindi ka na mag-exercise ay maganda pa rin naman ang katawan mo. At hindi ka tabain. Kaya kahit lumamon ka ay walang problema sa iyo. Ako kasi, kaunting kain lang ng madami ay puwede na akong tumaba.” Mahaba nitong pahayag.
Nginisihan niya ito. “May tama ka diyan, Fren. Natumbok mo! Kahit lamon ang gawin ko ay walang maagiging problema sa akin” aniya saka bumungisngis. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Hindi man siya nito kasing seksi ay may hubog din naman ang katawan niya. Hindi rin siya tabain at kahit ilang pinggan pa ng pagkain ang kainin niya ay wala iyong epekto sa katawan niya. Mabilis kasing mag-digest ang metabolism niya.
Nagkatawanan silang dalawa.
Nang bigla ay pareho silang matigilan ng pareho din silang makarinig ng tunog. Isa iyong malakas na tugtog ng musika. Sabay silang napatingin sa katapat nilang bahay sa kabilang kalsada ng marinig nila ang malakas na tugtog na pumapailanlang na ngayon mula sa loob ng kabahayan.
“Akala ko ba wala nang nakatira diyan?” kunot-noong tanong niya habang nakatutok ang paningin sa katapat na bahay.
“May nakabili raw ng bahay na ‘yan sabi nila Kapitan. Baka nandiyan na, hayan at may kotse na nga sa garahe oh.” Muli ay sabay silang napatuon sa kotseng nakaparada sa garahe ng bahay.
Tumikwas ang isang kilay ni Kathrina ng mapansin na magara ang itim na kotseng nakaparada sa garahe ng bahay. Ang kintab-kintab pa ng pagkakaitim ng sasakyan. Sigurado siyang isa iyong mamahaling sasakyan. Pero hindi iyon ang napagtuunan niya ng pansin kundi ang malakas na tugtog. Bigla ay para siyang nakaramdam ng inis sa bagong kapitbahay.
“Ano ba ‘yan! Ang aga-aga ang lakas magpatugtog. Buti sana kung siya lang ang nakatira dito.” Nakasimangot niyang turan.
Nagkibit-balikat lamang si Ruby. “Huwag mo nang pansinin. Hindi naman ganoon kalakas eh. Isa pa, hindi lang naman siya ang ganyan kung magpatugtog dito. Malay mo nagpa-praktis lang. Baka naman sinusubukan lang niya ‘yung mga dating gamit nila Mrs. Chua.”
Umismid lang siya. Noon tumigil ang tugtog sa loob ng bahay.
“Kitam! Sabi ko sa iyo eh.” Umingos pa ito sa kanya. “Huwag ka nang sumimangot diyan. Teka, kung ayaw mong sumama sa akin ay mauuna na muna ako sa iyo at mahaba-haba pa ang tatakbuhin ko. Diyan ka na! Magkita nalang tayo mamaya!”
“Sige. Ingat ka diyan.” Inalis na niya ang tingin sa katapat na bahay.
Nagsimula na itong tumakbo ng mabagal. Inihatid nalang niya ng tingin ang papalayong kaibigan. Iiling-iling na muli niyang pinukulan ng tingin ang katapat na bahay bago tumalikod. Dumiretso na siya papasok kanilang kabahayan.
“O, ang aga-aga, nakasimangot ka na riyan. May problema ka nanaman ba sa mga bida mo sa istorya mo?” Puna sa kanya ni Mameng. Ang nag-iisa nilang kasambahay. Iyon ang salubong nito sa kanya pagpasok niya sa kanilang kusina. Kasalukuyan itong nagluluto ng kanilang agahan. Naamoy kaagad niya ang d***g na piniprito nito. Biglang kumalam ang kanyang sikmura. Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin at muling humarap sa kalan.
Isinuot niya ang salaming may grado matapos iyong punasan sa pamamagitan ng kanyang t-shirt. Humila siya ng isang silya at nakasimangot na umupo roon. “Wala naman. Behave ang mga characters ko ngayon.” Itinaas niya ang isang paa sa silyang kinauupuan. “Nakakainis lang iyong bago nating kapitbahay diyan sa tapat. Kaybago-bago pero ang lakas nang magpatugtog.”
Muli itong humarap sa kanya. “Diyan kina Mrs. Chua? Kung ganon ay dumating na pala ang bago nating kapitbahay. Balita ko ay isang lalake raw ang nakabili ng bahay diyan sa tapat. At ang guwapo!” kinikilig nitong bulalas. Nagningning pa ang mga mata nito.
Tumaas ang isa niyang kilay ng kiligin ang babae. “Naku Mameng. Hindi porke wala kang asawa ay kikiligin ka na riyan sa bago nating kapitbahay ha. Isa pa, papaano ka nakakasiguro na guwapo nga ‘yun, nakita mo na ba?” minulagatan niya ito.
Pinahinaan nito ang apoy sa lutuan. Matanda lang ito sa kanya ng tatlong kaya naman hindi pa ganoon kasagwa kung kiligin man ito sa isang lalake. “Nakita ko na siya. Bumisita sila kasama ‘yung isang kamag-anak ni Mrs. Chua ‘nung nakaraang linggo. Pamatay ang kaguwapuhan Kathrina! Naku, para kang nakakita ng isang modelo. Sigurado akong magkakaroon ka ng inspirasyon sa mga isinusulat mong libro.” Mahabang sagot nito. Umandap-andap pa ang mga mata nito habang nagkukuwento.
Napangiwi siya saka umismid. “Isa lang ang tanong ko pero ang dami mong sinabi Mameng. Hindi ko kailangan ng lalaking inspirasyon para makapagsulat ng libro ano. At tsaka nakakapagsulat ako kahit walang guwapo sa paligid ko! Hindi ka papansinin ‘nun dahil gaya ng sinabi mo kung gwapo siya ay sigurado akong babaero rin iyon! Marami kayong mag-aagawan.” nangalumbaba siya. “Teka, bakit ba inuubos natin ang oras sa bagong lipat na ‘yan. E ano kung guwapo siya?” kumilos siya para tumayo.
“E bakit ang dami mo ring sinabi? Hindi na nga ako nagsalita.” balik-tanong nito sa kanya.
Inirapan niya ito. Hindi naman siya galit dito. Sadyang ganoon na lamang sila dahil naging kapamilya na rin ang turing nila rito. Sa halip na sagutin ito ay inagaw niya ang sandok mula rito. “Tutulungan na nga kita diyan. Nagugutom na ako.” Nakasimangot niyang wika.
Lumalabing ibinigay nito ang sandok sa kanya.
NAG-INGAY ang cellphone ni Dandreb sa kanyang bulsa. Kinuha niya iyon at akmang papatayin ang tawag pero napailing nalang siya. Sinagot kaagad niya ang aparato nang makita sa monitor ng screen na si Senyora Eleonor ang tumatawag sa kanya – ang kanyang butihing ina.
“Hijo! Saang lupalop ka ba naroon ngayon at kahapon ka pa nawawala? Ni hindi mo----”
“Mom.” Putol niya sa iba pang sasabihin ng ina. “Nandito ako ngayon sa Nueva Ecija.” Pagpapaalam niya sa kinaroroonan.
“Nueva Ecija? Anong ginagawa mo riyan?” narinig niyang sinasabihan nito ang isa sa mga kasambahay nila sa Maynila.
“I’m on a vacation. I just want to unwind, that’s all.” Simpleng sagot niya. Tumanaw siya sa ibaba dahil nasa verandah siya sa ikalawang palabag ng bahay ng mga sandaling iyon.
“Vacation? Bakit hindi ka nagsasabi? Kung hindi pa ako tumawag ay hindi ko pa malalaman na nandiyan ka. Saan ka nakatuloy ngayon? Danley Drew, ina mo pa rin ako. At hindi porke malaki ka na ay hindi mo na pinapakinggan ang mga sinasabi namin ng Papa mo.” Mahabang sentimiyento nito.
Napabuntong-hininga siya nang mahimigan ang pagda-drama ng ina. Binuo na rin talaga nito ang pangalan niya. Ibig sabihin ay seryoso na ito sa pagda-drama nito. Masyado pa rin itong protective sa kanya kahit trenta na ang edad niya. Palibhasa ay nag-iisang anak ng mag-asawang Alejandro at Eleonor Villaruz kaya naman ganoon nalang kung ituring siya ng mga ito.
Isang prinsipe ang turing sa kanya ng mga magulang. Lahat ay ibinibigay ng mga ito. Kahit na nang siya na ang mamahala sa kanilang kumpanya ay hindi pa rin siya pinapabayaan ng mga magulang. Gayunpama’y lumaki siyang may takot sa Diyos at hindi spoiled. Hindi kagaya ng iba riyan na lumaking may gintong kutsara sa bibig ay naging suwail na at kung ano-ano nang kabulastugang bagay ang ginagawa. Simula ng siya ang mamahala sa kanilang mga negosyo – chain of hotels and restaurants ang pag-aari ng kanilang pamilya – ay lalong lumago ang mga iyon. Kaya naman sa edad niyang trenta ay bilyonaryo na siya. Bilyonaryo at single. Isa lamang ang bahay-bakasyunang iyon sa mga nabili niyang bahay sa iba’t-ibang lupalop ng daigdig.
“I’m just taking a break, Mom. Maybe a week or couple. Huwag na kayong mag-alala. Ipapaalam ko naman sa inyo. Naunahan niyo lang ako.” Iyon ang totoo sabi niya sa sarili.
Narinig niyang pumalatak ito sa kabilang linya. “Sige pero mag-iingat ka anak diyan ha. At sana pagbalik mo dito sa Maynila ay may kasama ka na.”
“Kasama?” kumunot ang kanyang noo. Parang alam na niya ang ibig nitong tukuyin.
“Oo kasama. Girlfriend mo na magiging asawa mo. Aba’y hijo. Malapit ka nang mawala sa kalendaryo. Kailan mo ba kami bibigyan ng apo ng Papa mo? Gustong-gusto ko nang mag-alaga ng mga apo ko. Naiinggit na ako sa mga pinsan ---” dire-diretso ang bibig nito. Hindi iilang beses na ibinuyo siya nito sa mga babae pero palagi itong nabibigo.
Humalakhak siya na labas sa ilong dahilan para matigil ito sa pagsasalita. “Mama, wala pa nga akong girlfriend, apo na kaagad ang sinasabi niyo.”
“Aba! Iyon nga ang ibig kong sabihin. Maghanap ka na ng nobya mo at malay mo diyan mo na siya matagpuan. At siguraduhin mong sa kasalan ang punta ninyo para diretso na sa pagkaka-apo namin ng papa mo.”
Pumalatak siya. Sinasabi na nga ba niya. Patuloy pa rin sa pagsasalita ang kanyang ina pero nawala ang atensyon niya rito ng may mahagip ang kanyang mga mata.
Natuon ang kanyang paningin sa isang babae na kalalabas lamang ng katapat niyang bahay. Tila lamig na lamig ito dahil naka-sweater pa. Sabagay ay bahagya nanamang kumukulimlim ang paligid. Inakala niyang magdidire-diretso na ang araw kanina pero heto at mukhang paulan nanaman.
Saglit niyang sinipat ang suot na relong pambisig. Pasado alas dose na pala. Hindi pa siya nanananghalian dahil nakatulog siya kanina pagkatapos niyang mag-ikot sa paligid. Naramdaman kasi niya ang antok ng makita ang malaking kama sa magiging kuwarto niya. May tatlong kuwarto ang bahay na iyon kasama ang master’s bedroom.
Ibinalik niya ang tingin sa babae. Nakita pa niya ang muntikan nitong pagkatalisod dahil hindi ito nakatingin sa dinaraanan. May kausap pa yata ito sa loob ng bahay. Napansin niya ang salamin nito sa mata. Hindi na siya magtataka pa dahil sa itsura nito ay mukha ngang malabo ang mga mata nito. Nakasunod ang tingin niya rito hanggang sa makalabas ito ng gate.
“Hijo, nandiyan ka pa ba?” untag sa kanya ng ina ng hindi na siya magsalita. Saka lang niya naalala na kausap pa pala niya ito.
“Yes mom! But I need to go. May gagawin pa ho ako. Tatawag nalang ulit ako sa inyo.” Umalis na siya sa verandah at mabilis na bumaba sa unang palapag ng bahay.
“Sige. Mag-iingat ka diyan, anak. At iyong bilin ko sa iyo, huwag mong kakalimutan. Balitaan mo ako. Huwag kang uuwi rito ng wala ka pang dalang mapapangasawa mo!” Pahabol pa nito.
Hindi na niya masyadong pinansin ang mga huling sinabi nito. “Yes, Mom. Bye!” Iiling-iling na ibinulsa niya ang cellphone at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Kailangan pa niyang mag-grocery dahil nang tingnan niya ang refrigerator kanina ay wala iyong laman. May nadaanan siyang may kalakihan ding grocery sa bayan kanina na hindi naman kalayuan. Sampung minuto lang ay naroroon na siya. Doon nalang siya pupunta. Kailangan niya ng supplies sa pagbabakasyon niyang iyon.
“ADENG, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Pupunta lang ako sandali sa grocery. May gusto ka bang ipakuha?” ani Kathrina sa nakababatang kapatid na si Kevin habang inaayos ang manggas ng kanyang sweater. Katatapos lamang nilang mananghalian pero gumayak na siya para pumunta sa grocery. Katanghaliang tapat na subalit muli nanamang kumulimlim ang panahon. Hindi na siya magtataka pa dahil malapit nanaman ang tag-ulan. Kaya ngayon ay naka-sweater nanaman siya. Ginawin kasi siya kaya kahit kaunting lamig lang ay gusto na niyang binabalot ang sarili.“Ikaw na ang bahala, Ate. Pakisabi pala kay Mama, ako nalang ang susundo sa kanya mamayang hapon.” Sandali itong nag-angat ng tingin mula sa mga binabasa nitong libro.Kaka-graduate lang ng kanyang kapatid mula sa kursong Business Administration. At ngayon ay nag-ma-masteral na ito. Nagre-review ito ng mga sandaling iyon.“O sige. ‘Pag umulan ng malakas at inabot ako doon iti-text nalang kita ha. Sunduin mo ako.” Sagot niya saka hinawak
“HINDI kaya malusaw na ‘yang lalaking iyan sa kakatingin mo?”“Ay palaka!” Muntik mapatalon si Kathrina sa gulat ng may biglang magsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Salubong ang mga kilay ni Catherine habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa isang taong nasa bandang unahan ng lane na kinaroroonan nila.Nasa grocery sila ng mga sandaling iyon.Sapo ang dibdib na sinita niya ito. “Ano ba Erin? Puwede bang kumatok ka muna bago ka magsalita diyan! Nakakagulat ka eh! Alam mo namang magugulatin ako diba?” inis niyang sambit dito. Inayos niya ang suot na salamin dahil medyo tumagilid iyon.“Bakit may pinto ba rito?” pamimilosopo nito saka umismid. “Nasaan ang pinto? Baka may pinto dito na hindi ko nakikita ah. Ano? Ikaw lang ang nakakakita kasi apat ang mata mo? Nasaan ang pinto? Ipakita mo sa akin!” luminga-linga ito sa paligid saka siya nito minulagatan.“Huwag kang OA, bruha!” Inirapan niya ito saka inayos ang swe
PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.Isang baran
Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan
NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang
NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t
KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh
MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di

UMAGA. Araw ng linggo. Katatapos lamang ng isang napakalakas na ulan mula pa kahapon. Bakas pa ang mga namuong tubig sa gilid ng kalsada sa baryong iyon ng Landig. Kahit aspalto ay hindi nakaligtas ang kalsada sa lakas ng ulan. Maging ang ibang mga sanga ng punong kahoy sa gilid ng daan ay nagkaputol-putol na. Ang iba pa nga roon ay kumalat na sa kalsada. Bagaman ganoon ang tanawin sa barangay na iyon ay umaaliwalas nang muli ang kalangitan. Papasikat nang muli ang araw. Muling nabuhay ang Barangay Landig – isang Barangay sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.Alas sais palang ng umaga ay abala na ang mga tao sa paglilinis sa kani-kanilang bakuran. Karaniwang makikita ang mga babaeng may edad na at nagwawalis ng mga nagkalat na dahon sa harapan ng kanilang bahay. Ang ilang mga kalalakihan ay tinatanggal ang mga nagkalat na sanga sa kalsada upang huwag maging sagabal sa mga nagdaraan at maging malinis ang paligid. Maririnig din ang tawanan at malakas na kuwentuhan ng mga tao habang naglilini