author-banner
Odyssey
Odyssey
Author

Nobela ni Odyssey

Her Hot Billionaire Admirers

Her Hot Billionaire Admirers

Sa simula palang ay hindi na maganda ang impresyon ni Kathrina sa kapitbahay nilang si Dandreb. Lalo siyang nainis dito ng bansagan siya nitong “Manang”. Feeling close e bakasyonista lang naman ito sa kanilang lugar. Pero sa tuwing magkakatinginan sila ng binata at matitigan niya ang maganda nitong mga mata ay gusto yata niyang i-close ang sarili rito. Kahit inis na inis na siya ay hindi niya napigilan ang sariling magkagusto sa aroganteng binata. Lalo na nang ligawan siya nito. Hanggang sa magkaroon ito ng karibal sa panliligaw sa kanya ng dumating ang first love niyang si Chad. Kasing hot din ito ni Dandreb at talagang tumatak ito sa puso niya noon. Biglang nalito si Kathrina. Because she and Chad a ‘thing’ way back. She knew she needed to choose....
Basahin
Chapter: Chapter 9
MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di
Huling Na-update: 2023-04-05
Chapter: Chapter 8
KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh
Huling Na-update: 2023-04-03
Chapter: Chapter 7
NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t
Huling Na-update: 2023-03-31
Chapter: Chapter 6
NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang
Huling Na-update: 2023-03-30
Chapter: Chapter 5
Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan
Huling Na-update: 2023-03-20
Chapter: Chapter 4
PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.Isang baran
Huling Na-update: 2023-03-16
Maaari mong magustuhan
MY PROFESSOR IS MY HUSBAND
MY PROFESSOR IS MY HUSBAND
Romance · KayeEinstein
131.1K views
Ang Bilyonaryong Magsasaka
Ang Bilyonaryong Magsasaka
Romance · Ced Emil
128.9K views
WILD FANTASY (FILIPINO)
WILD FANTASY (FILIPINO)
Romance · Jessica Adams
124.1K views
His Suffered Wife
His Suffered Wife
Romance · iampammyimnida
122.4K views
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status