PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.
Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.
“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.
“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.
“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.
Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.
Isang barangay pa bago nila marating ang kanilang barangay. Nang biglang sumagi sa isip niya ang lalaking ubod ng guwapo pero labis niyang kinaiinisan.
“Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Nasa grocery pa kaya siya?” tanong at mahinang naiusal niya sa sarili. Ngumuso siya saka inayos ang salamin sa mata. “E bakit ba iniisip mo siya Kathrina? Tsaka ano bang pakialam mo kung nasaan na siya?” sagot-tanong naman niya sa sarili. Humalukipkip siya saka bumuntong-hininga.
Bakit ganon? Kahit anong pilit niya ay hindi talaga maalis sa isip niya ang itsura ng lalaking iyon. The more na naguguwapuhan siya rito ay the more naman na lalo siyang naiinis dito. At lalo siyang nainis sa isiping tama si Nobel. Naiinis siya sa lalaki dahil tinawag siya nitong ‘Manang’!
Biruin mo? Isang napakaguwapong lahi ni Adan ang nagtawag sa kanya ng Manang? Sa ganda niyang iyon? Tinawag siyang Manang? Hindi iyon matanggap ng pride niya! Mas masakit pa iyon keysa sa pagsa-shower niya sa tubig ulan kanina. Ang hindi pa niya matanggap, e pagkatapos ng ilang taon ay nagawa ulit niyang magka-crush sa isang lalaki – okay, makuha ang atensiyon niya dahil hindi naman niya masabi kung naging crush nga niya ito talaga e kasi naman guwapo talaga ang lalaking iyon – ay tinawag pa siyang Manang?! My God! Hindi nito alam kung gaano siya kasexy at kaganda!
Lalo tuloy siyang naghimutok dahil sa naisip.
Habang nasa daan ay panguso-nguso siyang nakatingin sa unahan. Nang mahagip ng kanyang paningin ang isang pamilyar na kotse sa bandang unahan ng daanan. Papaanong hindi niya iyon mapapansin eh ang gara-gara ng sasakyan at nangingintab ang kaitiman niyon. Nasa gilid ito ng daan. Inilapit niya ang mukha sa transparent at saradong bintana sa harap ng sasakyan at inaninag ng kanyang mga mata ang sasakyan. Papalapit naman na ang tricycle sa kinaroroonan nito. At naningkit ang kanyang mga mata ng makita ang lalaking ‘kaaway’ niya kanina lang. Nasa likod ito ng sasakyan at nakatayo.
Napangisi siya ng makitang tila problemado ito. Nakapameywang ito habang iiling-iling na nakatingin sa gulong ng magara nitong sasakyan. Pagtingin niya sa gulong ay nalubak sa malalim na bahagi ng kalsada ang gulong nito. Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. Lalo siyang napangisi ng makitang basang-basa na ito dahil sa lakas ng ulan.
Kinalabit niya si Manong driver. “Manong, bagalan niyo lang ho sandali.” Aniya rito.
Nagtatakang napatingin sa kanya ang driver pero hindi naman nagtanong. Naramdaman niyang bumagal ang takbo ng tricycle. Umayos siya ng puwesto at hindi pa nakuntento, hinawi niya ang kurtinang tarapal sa side niya para kapag nagtapat sila ng lalaki ay kitang-kita niya ito. Bahagya nalang niyang naramdaman ang patak ng ulan sa kanyang balat dahil nabuhos ang atensiyon niya sa lalaki.
Ha ha ha! Karma! Buti nga sa iyo! Nagdiwang siya. Ngayon ay sino sa atin ang naliligo sa ulan? Hmp! Umismid siya ng magawi ang tingin nito sa tricycle na sinasakyan niya. Parang biglang naging slow motion ang pagtapat ng tricycle at sa lalaki. Nagtapat din sila. At nang magtama ang kanilang mata ay nakakalokong nginisihan niya ito.
“Ang sarap magshower sa tubig-ulan ano! Ligo pa moooorreee!!! Yahoo! Enjoyin mo ang shower! Belat!” malakas niyang sigaw dito saka tumawa ng malakas. Pinandilatan pa niya ito.
Kumulimlim ang mukha nito nang marinig ang mga pinagsasabi niya. Parang lalo itong naging problemado. Hanggang sa makalampas na ang tricycle ay hindi naghihiwalay ang kanilang mga paningin. Siya ang unang kumalas at inirapan niya ito. Itinutok na niya ang tingin sa daan saka umayos ng upo. Ibinalik din niya ang pagkakatakip ng tarapal.
“Kilala mo ba iyon?” narinig niyang tanong ni Manong Driver.
“Ho?” medyo nagulat pa niyang tanong. Lumingon siya sa driver.
“Iyong lalaki. Mukhang kailangan niya ng tulong eh. Ang lalim ng pagkakalubak ng kotse niya eh. Ang gara pa naman. Tapos basang-basa na siya.” May concern na wika ng driver. Patingin-tingin ito sa kanya at sa daan.
“Naku! Huwag niyo ho siyang pansinin. Mayabang po ang taong iyon. Kayang-kaya niyang makaalis doon.” Nakaismid na sagot niya.
Hindi na sumagot ang driver. Siya naman ay kampanteng sumandal saka muling humalukipkip. Ngayon ay parang nakaganti na rin siya sa lalaki. Buti nga sa kanya!
Saka niya naisip ang basang-basa nitong anyo. May bahagi yata niya ang biglang naawa ng mapagtantong basang-basa na ito ng ulan. Baka magkasakit ito. Baka mabawasan ang kaguwapuhan nito kapag nagkasakit ito. Pumasok nanaman sa isipan niya ang guwapo nitong mukha.
Bigla siyang pumihit sa likod para sulyapan ang lalaki. Ibinalik niya ang tingin sa kinaroroonan ng binata. May nagbubulong sa kanyang balikan niya ito at tulungan. Paliit ng paliit sa kanyang paningin ang bulto nito. At kitang-kita pa niya ng tumingala ito sa langit habang nakapameywang na animo’y nagdarasal. Sa nakita niyang pagkakalubog ng gulong ng kotse nito ay mahirap iyong maialis doon. Iyon ang totoo. Kailangan talaga nito ng tulong.
Pero naalala din niya ang ginawa nito kanina at ang kayabangan nito. Nakasimangot na ibinalik niya ang paningin sa harapan.
Magdusa ka sa ilalim ng ulan!
HINDI malaman ni Dandreb kung minamalas lang siya o karma niya ang nangyayari sa kanya ngayon. He was driving his car pabalik sa bahay-bakasyunan ng lumakas ang ulan. Nakapag-grocery na siya ng mga kailangan niya. Balewala iyon sa kanya at pasipol-sipol pa nga siya habang nagmamaneho kanina pero kumawala ang mahinang mura sa bibig niya ng mabaon sa lubak ang gulong ng kanyang kotse. Mabilis siyang lumabas upang binistahan ang nangyari.
Hindi na niya binigyang-pansin ang ulan na bumabasa na sa kanya. Muli siyang napamura ng makita ang lalim ng lubak.
Damn it!
Kailangan niya ng tulong kung gusto niyang maiahon ang kotse niya. Bigla ay nagkaroon ng mga guhit sa kanyang noo. Bigla ay nagkaroon siya ng problema. Pero wala siyang kakilala roon. Iyon ang unang araw niya sa bayang iyon. Sino ang tatawagan niya?
Napatingin siya sa tricycle na papalapit at nangunot ang kanyang noo ng makita sa loob nito ang babaeng umaway sa kanya kanina. Medyo nakasilip lang ito sa bukas na bahagi ng side car at mukhang wala itong pakialam kung nababasa na ito ng ulan. Sinimangutan siya nito pagkatapos ay kung ano-ano ang sinabi nito sa kanya. Nagkatitigan pa sila na tila ipinamumukha nito na karma niya iyon. Nangulimlim ang kanyang mukha ng tingnan siya nito ng matalim saka siya nito inirapan. Hanggang sa lumampas ang tricycle na iyon. Kasing kulimlim na nang kalangitan ang mukha niya.
Nakalayo na ang tricycle ay saka siya napailing-iling at sarkastikong tumawa.
Siguro nga ay wala siyang focus sa pagmamaneho kanina. Kundi ba naman ay hindi maibabaon ang gulong ng kanyang kotse. Ano ba ang nasa isip niya at hindi nakita ang malalim na lubak?
Well, habang pasipol-sipol ay iniisip lang naman niya ang babaeng sakay ng lumampas na tricycle. Sariwa pa sa kanyang isip ang naging engkwentro nila kanina. Alam niyang sobra itong nainis sa kanya pero nakahanda naman na sana siyang humingi ng tawad dito kung nagawa man niya ang sinasabi nitong pagkakamali niya. Kaya lang ay masyado itong mataray kaya lalo niyang inasar. Hindi niya ugali iyon pero tila natuwa pa siya ng makita ang itsura nito dahil sa pang-aasar niya.
Hindi rin niya intensiyong tawagin itong ‘manang’. Pero dahil sa mga salitang binitiwan nito sa kanya ay nagkaroon siya ng ideya. Tuloy ay lalo itong nainis sa kanya. Kung hindi nga lang dumating ang nagpakilala nitong ina ay maaring hindi pa natapos ang ‘away’ nila. Alam din niyang nakasunod ang tingin nito sa kanya kanina habang namimili siya ng supplies. Aware rin siya na may dumating itong kaibigan. At lihim lang siyang nangingiti. Kung papatulan niya ito ay baka magmukha na itong tigre sa sobrang asar sa kanya.
Ngayon ay tila nakarma nga siya. Hayun at siya pa ang nakababad sa malakas na ulan. Anong puwede niyang gawin? Ni wala siyang matawagan para makatulong sa kanya. Sa kawalan ng maisip ay humarap siya sa kalsada at nameywang. Pagkuwa’y tumingala sa langit at sinalubong ng kanyang mukha ang patuloy na pagbuhos ng ulan.
Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan
NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang
NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t
KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh
MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di
NAGMULAT ng mga mata si Kathrina. Kasunod niyon ay pumaskil ang masiglang ngiti sa kanyang labi. Lumarawan ang magaan at magandang aura sa kanyang mukha. Itinaas niya ang mga braso sa bandang ulunan ng kanyang higaan at iniunat-unat ang buong katawan habang nakahiga.“Aaahhh... ang sarap matulog.” Bigkas pa niya habang iniuunat-unat ang katawan.Ang ganda ng gising niya. Pagkatapos mag-stretch-stretch ay sumulyap siya sa bintana ng kanyang kuwarto. Maliwanag na maliwanag na sa labas at kita niya iyon kahit natatakpan pa ng kurtina ang mga bintana.“Good morning self!” masiglang bati pa niya sa sarili saka tila kinilig. Ilang sandali pa siyang tumitig sa kisame habang hindi nawawala ang ngiti sa labi saka siya masiglang bumangon. Pakanta-kanta pa siya ng isang maindak na kanta noong 90’s. Hindi siya dancer at hindi magandang tingnan ang katawan niya kapag sumasayaw siya pero habang kumakanta ay napapaindak pa siya.Magaan ang pakiramdam na inayos niya ang kanyang higaan habang patuloy
UMAGA. Araw ng linggo. Katatapos lamang ng isang napakalakas na ulan mula pa kahapon. Bakas pa ang mga namuong tubig sa gilid ng kalsada sa baryong iyon ng Landig. Kahit aspalto ay hindi nakaligtas ang kalsada sa lakas ng ulan. Maging ang ibang mga sanga ng punong kahoy sa gilid ng daan ay nagkaputol-putol na. Ang iba pa nga roon ay kumalat na sa kalsada. Bagaman ganoon ang tanawin sa barangay na iyon ay umaaliwalas nang muli ang kalangitan. Papasikat nang muli ang araw. Muling nabuhay ang Barangay Landig – isang Barangay sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.Alas sais palang ng umaga ay abala na ang mga tao sa paglilinis sa kani-kanilang bakuran. Karaniwang makikita ang mga babaeng may edad na at nagwawalis ng mga nagkalat na dahon sa harapan ng kanilang bahay. Ang ilang mga kalalakihan ay tinatanggal ang mga nagkalat na sanga sa kalsada upang huwag maging sagabal sa mga nagdaraan at maging malinis ang paligid. Maririnig din ang tawanan at malakas na kuwentuhan ng mga tao habang naglilini
“ADENG, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Pupunta lang ako sandali sa grocery. May gusto ka bang ipakuha?” ani Kathrina sa nakababatang kapatid na si Kevin habang inaayos ang manggas ng kanyang sweater. Katatapos lamang nilang mananghalian pero gumayak na siya para pumunta sa grocery. Katanghaliang tapat na subalit muli nanamang kumulimlim ang panahon. Hindi na siya magtataka pa dahil malapit nanaman ang tag-ulan. Kaya ngayon ay naka-sweater nanaman siya. Ginawin kasi siya kaya kahit kaunting lamig lang ay gusto na niyang binabalot ang sarili.“Ikaw na ang bahala, Ate. Pakisabi pala kay Mama, ako nalang ang susundo sa kanya mamayang hapon.” Sandali itong nag-angat ng tingin mula sa mga binabasa nitong libro.Kaka-graduate lang ng kanyang kapatid mula sa kursong Business Administration. At ngayon ay nag-ma-masteral na ito. Nagre-review ito ng mga sandaling iyon.“O sige. ‘Pag umulan ng malakas at inabot ako doon iti-text nalang kita ha. Sunduin mo ako.” Sagot niya saka hinawak
MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di
KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh
NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t
NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang
Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan
PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.Isang baran
“HINDI kaya malusaw na ‘yang lalaking iyan sa kakatingin mo?”“Ay palaka!” Muntik mapatalon si Kathrina sa gulat ng may biglang magsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Salubong ang mga kilay ni Catherine habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa isang taong nasa bandang unahan ng lane na kinaroroonan nila.Nasa grocery sila ng mga sandaling iyon.Sapo ang dibdib na sinita niya ito. “Ano ba Erin? Puwede bang kumatok ka muna bago ka magsalita diyan! Nakakagulat ka eh! Alam mo namang magugulatin ako diba?” inis niyang sambit dito. Inayos niya ang suot na salamin dahil medyo tumagilid iyon.“Bakit may pinto ba rito?” pamimilosopo nito saka umismid. “Nasaan ang pinto? Baka may pinto dito na hindi ko nakikita ah. Ano? Ikaw lang ang nakakakita kasi apat ang mata mo? Nasaan ang pinto? Ipakita mo sa akin!” luminga-linga ito sa paligid saka siya nito minulagatan.“Huwag kang OA, bruha!” Inirapan niya ito saka inayos ang swe