Share

Chapter 3

Author: Odyssey
last update Huling Na-update: 2023-03-16 11:09:24

“HINDI kaya malusaw na ‘yang lalaking iyan sa kakatingin mo?”

“Ay palaka!” Muntik mapatalon si Kathrina sa gulat ng may biglang magsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Salubong ang mga kilay ni Catherine habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa isang taong nasa bandang unahan ng lane na kinaroroonan nila.

Nasa grocery sila ng mga sandaling iyon.

Sapo ang dibdib na sinita niya ito. “Ano ba Erin? Puwede bang kumatok ka muna bago ka magsalita diyan! Nakakagulat ka eh! Alam mo namang magugulatin ako diba?” inis niyang sambit dito. Inayos niya ang suot na salamin dahil medyo tumagilid iyon.

“Bakit may pinto ba rito?” pamimilosopo nito saka umismid. “Nasaan ang pinto? Baka may pinto dito na hindi ko nakikita ah. Ano? Ikaw lang ang nakakakita kasi apat ang mata mo? Nasaan ang pinto? Ipakita mo sa akin!” luminga-linga ito sa paligid saka siya nito minulagatan.

“Huwag kang OA, bruha!” Inirapan niya ito saka inayos ang sweater na suot kahit hindi naman iyon nagulo.

Binitawan nito ang hawak na push cart saka pinagsalikop ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito. “Bakit ba ang init ng ulo mo? Meron ka bang regla ngayon na hindi makalabas? For your information Ms. Writer, kanina pa ako nandito sa likod mo. Masyado ka lang abala sa pagtitig kay Mr. Handsome kaya hindi mo ako napapansin.” Anito saka binistahan ang mga sabong pampaligo na nakalagay sa estante pagkatapos nitong maglitanya sa kanya.

“Sinong Mr. Handsome?” pagmamaang-maangan niya sabay harap din sa mga tinitingnan nito. Alam niya ang tinutukoy nito pero nuncang aminin niya iyon.

“Sino pa? E di siya.” Inginuso nito ang isang lalaking kasalukuyang tumitingin ng mga brands ng toothpaste di kalayuan sa kanilang magkaibigan. Hawak pa rin nito sa kamay ang isang sabon pero sa lalaki nakatingin.

Sinundan niya ng tingin ang inginuso nito. “Sino? ‘Yang unggoy na ‘yan? Ay hindi pala unggoy dahil malaki siya. Gorilya pala.” Nakasimangot niyang turan saka ibinalik ang tingin sa harap niya. “Hindi noh! Hindi ko tinitingnan ‘yan!” mariin niyang tanggi. “At papaanong naging Mr. Handsome ‘yan?” pairap niyang ibinalik ang tingin sa lalaking walang muwang na pinag-uusapan nila.

“Talaga? Mukhang gorilya iyan? At hindi Mr. Handsome? E anong tawag mo sa ganyang itsura ng lalaki kung hindi pa guwapo sa iyo iyan?” hindi makapaniwalang bulalas ni Erin. “Grabe level to the highest infinite max ang standards mo fren ha.”

“Puwede ba? Huwag kang maingay. Hinaan mo iyang boses mo dahil baka marinig niyang pinag-uusapan natin siya. Baka isipin niya interesado tayo sa kanya.”

“Well, ako aaminin ko interesado talaga ako sa kanya. Kasi ang guwapo-guwapo-guwapo niya. Pero sa tingin ko sa ating dalawa, mukhang mas interesado ka sa kanya. Grabe ka makatitig sa kanya kanina eh.” Naglaro ang panunukso sa sulok ng labi nito.

“Hindi ako interesado sa kanya noh!” pinanlakihan niya ito ng mata.

Nagkibit-balikat ito. “O e bakit kanina ka pa nakatingin sa kanya? Diba, pagtitig ang tawag doon? Tsaka guwapo naman talaga siya eh. Tingnan mo nga o, pinagtitinginan pa siya ng mga tao. Para siyang artista o celebrity na naligaw dito. Ay wait! Daig pa pala niya ang mga artista sa kaguwapuhan!” Anitong kinilig pa. “Uy! Aminin mo, isa ka sa tumitingin sa kanya ano. Iniisip mo bang siya ang magiging leading man sa susunod mong story?” binunggo ng balakang nito ang balakang niya.

Gumewang siya dahil nawalan siya ng balanse. Napanganga rin siya. Parang gusto tuloy niyang batukan ang kaibigan sa sobrang kadaldalan nito. “Hindi nga eh. Bakit ba ng kulit mo? Tsaka bakit ba ang daldal mo ngayon? Hindi ka naman dating ganyan ah.” tinalikuran niya ito at naglakad palayo.

Pero sinundan siya nito. “Weehhh! Talaga? Uy! Umiiwas. Tsaka fren, ngayon ko lang nakita na nagmamasid ka sa isang lalaki. Alam kong mataas ang standards mo. Aminin mo na. Sige na. Attracted ka sa kanya ano? Kaya pinagmamasdan mo siya kanina pa.”

“Walang tama sa sinabi mo! Maglilibot pa ako dito sa grocery kaya diyan ka na muna.”

Lumabi si Erin. “Teka, parang ngayon ka lang naman nagkaroon ng oras para pag-interesan itong grocery ninyo. Mabuti naman at lumabas ka na sa lungga mo.” Umagapay pa rin ito sa kanya. Naglalakad na sila ngayon palayo sa lalaking pinag-uusapan nila.

“Kinailangan kong mamili ng supplies sa bahay. Nagre-review si Kevin. Hindi ko mautusan. Baka bigla nanamang umulan ng pagkalakas-lakas.” Pagrarason niya.

“Ah talaga lang ha. Hindi kaya dahil kay Mr. Handsome kaya ka naglilibot dito ngayon?” hindi pa pala natapos ang panunukso nito sa kanya.

Nakangiwing bumaling siya dito. “Ano bang sinasabi mo? E hindi ko nga kilala ang tukmol na ‘yun?”

“E bakit ang sungit mo? E di hindi kung hindi!” tumirik ang mga mata nito. “Siyanga pala, ngayon ko lang din siya nakita dito. Hindi mo naman pala kilala. Tara pakilala tayo.” Hinila nito ang isang kamay nito.

Agad siyang pumalag. Bigla siyang nagpanic na hindi naman niya ugali. “Ayoko! Ikaw nalang. Marami pa akong gagawin.”

“Sige na. Ito naman! Ayaw mo iyon. Malalaman mo ang pangalan niya.” Hindi na naalis ang panunukso sa labi nito.

“Erin... Ang kulit mo naman eh. Sinabi nang ayoko eh!” Tinitigan na niya ito ng masama.

“Ngayon lang...” pamimilit nito.

“Hindi. Ako. Interesado. Sa. Kanya.” Paputol-putol at mariin niyang bigkas ng mga salita sa kaibigan. “Kung gusto mo, ikaw nalang.” Lalo siyang nainis dahil inaasar pa siya ng kaibigan. Hindi pa talaga siya nakaka-move on sa buwisit niya sa lalaking iyon.

“Alam mo hindi ko alam na ganyan ka pala kasungit kapag lumalabas ka sa lungga mo.” Sumimangot ito. Saka lang siya nito binitiwan.

“Maria Catherine Argavioso!”

Nag-isang linya ang labi ng dalaga matapos niyang banggitin ang buo nitong pangalan. Alam nitong kailangan na nitong tumigil sa panunukso nito sa kanya.

MASAMA pa rin ang timplada ng mukha ni Kathrina ng pumasok siya sa opisina ng kanyang ina.

Bago pumasok ay binati siya ng isang babaeng halos kasing-edad rin niya.

“Hi Ms. Kathrina.” Ani Shiela. Nakapuwesto ito malapit sa pinto ng opisina ng kanyang ina. May sarili rin itong mesa at upuan. Magiliw ito palagi sa mga tao at madaling makapalagayang-loob. May itsura rin ito pero hindi sa pagmamayabang – mas maganda pa rin siya rito.

 Ang pangalan nito ay Shiela. Ito ang assistant slash admin slash kung ano pa ang puwede nitong gawin kasama ng kanyang ina. Dapat ay siya ang nasa posisyon nito subalit hinayaan na siya ng ina sa larangan ng pagsusulat. Iyon daw kasi ang gusto niya at hilig talaga niya.

Tinanguan lang niya si Shiela saka diretso nang pumasok sa maliit na opisina ng kanyang ina.

Nasa bandang likod iyon ng may kalakihan nilang grocery. Parte ng nagsisilbing bodega. Ilang lane din ang sakop ng grocery nila at mayroong isang palapag. Doon siya nagtungo matapos iwanan ang kaibigan niyang luka-luka. Hinayaan na niya itong mamili ng mag-isa.

Iyon ang family business nila. Pundar iyon ng kanilang ina ilang taon na ang nakakaraan. Ang ama nila ay may sarili ng pamilya. Lumago iyon ng lumago hanggang sa makilala sa kanilang bayan. Iyon ang nag-iisang grocery sa kanilang bayan na masasabing malaki na hindi man kasinlaki ng mga groceries sa mga malls kaya naman kahit na probinsiya ay masasabi pa ring malakas iyon dahil nga nag-iisa lamang. Doon namimili ang ibang mga may-ari ng tindahan sa kanilang lugar dahil mura ang kanilang mga binibenta. Kilala ang grocery nila sa pangalang Kathvin’s Grocery Mart. Pinagsama ang pangalan nilang magkapatid.

Hindi rin naman masasabing mahirap ang kanilang bayan. Maraming nagmamay-ari ng bahay-bakasyunan sa kanilang lugar na kadalasan ay pawang mayayaman. Malalawak na lupain ang halos pag-aari ng mga tao roon at kadalasang inaangkat ang bigas. Kaya naman kahit probinsiya ay mas nais nilang manatili doon. Presko at sariwa ang hangin. Bukod doon ay kasama niya ang kanyang pamilya. Maayos ang takbo ng kanilang negosyo at namumuhay ng tahimik. Nang makapagtapos siya ng kolehiyo ay minabuti niyang tumulong nalang sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo. Subalit minsan lamang iyong nangyari dahil pinursige niya ang pagsusulat. Ngayon ay isa na siyang sikat na writer sa isa ring sikat na publication sa buong Pilipinas.

Hilig niya ang essay writing bata palang siya. High school siya ng matuklasan niya ang talento sa pagsusulat. Sa una ay short stories lang ang mga ginagawa niya. Ang mga classmates and friends niya ang madalas na nagbabasa ng mga isinusulat niya. Pagdating sa kolehiyo ay pinursige niya ang pagsusulat ng romance. Sa una ay hindi nakakapasa ang mga ipinapasa niyang istorya. May pagkakataon na nawawalan na siya ng pag-asa.

Pero hindi niya itinigil ang pagsusulat hanggang sa magkasunod-sunod na ang pagkaka-approved ng mga ipinapasa niyang mga istorya. Doon nagsimula ang career niya sa pagsusulat.

Kilala na siya sa writing industry sa pen name niyang Red Livin.

Marami ang nag-iisip kung babae ba siya o lalake. Tanging ang mga kaibigan at malalapit lang sa kanya ang nakakaalam ng tunay niyang identity. Prefer niya ang suspense thriller horror o kaya ay gothic stories. At doon siya nakilala. Pero alam niyang darating ang panahong sila ng kapatid niya ang mamumuno sa grocery business nila kaya sinusulit na niya ang passion niya. At iyon nga ang pagsusulat.

“O, bakit nakabusangot pa rin ang mukha mo?” narinig niya ang tinig ng ina. Nakatingin ito sa kanya habang papalapit siya rito. Nakasilip ito sa suot nitong salamin sa mata.

“Hindi naman Mama. Medyo lang.” Lumigid siya at yumakap siya mula sa likod nito.

Malambing sila sa isa’t-isa. Higit doon ay malapit sila talaga. Maganda ang kanyang inang si Allani. Beauty queen ito noong kabataan nito. Ayon sa mga tao ay magkamukha raw sila. Na totoo naman talaga. Hindi lang masyadong makita dahil nakatapal ang malaking salamin sa mata niya na may mataas na grado. Mas makapal pa sa suot ng kanyang ina.

“Dahil ba doon sa lalaki kanina? Pero anak, guwapo siya ha.” Nanunudyong tingin ang nahuli niya sa mga mata ng ina nang humarap ito sa kanya.

Napapalatak siya ng makita ang panunudyo ng ina. Alam na yata niya ang gusto nitong tumbukin.

“Ma... ayaw ko siyang pag-usapan.” Angal niya.

Pero hindi nagpapigil si Ginang Allani.  “Matagal na ba kayong magkakilala? Ngayon ko lang siya nakita dito. Hindi ko alam na may napakaguwapo ka palang kaibigan anak.” Muli ay hindi nakaligtas sa kanya ang namimilya nitong ngiti.

Naitirik niya mga mata at umalis sa likod ng ina. “Hindi ko siya kaibigan Mama. Ni hindi ko nga kilala ang tukmol na iyon eh. Kanina ko lang din siya nakita.” Tinungo niya ang harap ng mesa nito at naupo sa isang silya na naroroon.

“O e kanina mo lang pala siya nakita, bakit ang sungit-sungit mo sa kanya?”

Kinuha niya ang isang notebook na nasa ibabaw ng mesa pero hindi naman niya iyon tiningninan. “Sinabi ko na ho ang dahilan kanina Mama.”

“Ano ‘yun? ‘Yung tinawag ka niyang Manang?”

“Mama!” nanlalaki ang matang pinukulan niya ito ng tingin. “Hindi ako Manang! Huwag nga kayong maniwala sa inaanak niyong Nobel na iyan.” Muli siyang sumimangot. Umalsa rin ang boses niya. “Masyado lang iyong ma-issue. Tsaka masyadong tsismoso!” tumulis ang nguso saka binitawan niya ang notebook. Pinagsalikop niya ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.

Nagsimula nanaman siyang ma-hiblood sa totoo lang. Ewan ba niya pero kapag naiisip niya ang lalaking iyon na tinatawag siyang Manang ay talagang umiinit ang ulo niya. Pakiramdam tuloy niya ay ang tanda-tanda na niya.

“Nagtatanong lang ako Kathrina. Huwag kang sumigaw diyan.” Inalis nito ang tingin sa kanya saka ipinagpatuloy ang binibistahan nito kanina bago pa siya dumating. “Isa pa, kung ayaw mong tawaging Manang, ayusin mo ang sarili mo. Hindi masama ang magsulat pero tingnan mo nga iyang sarili mo. Losyang ka na anak! ‘Yang salamin mo, makapal na. Mas makapal pa yata iyan sa latak ng kaldero eh. At iyang buhok mo, hindi mo man lang ayusin. Hindi masama ang magtali ng maayos anak.” Mahabang litanya ng ginang habang iiling-iling ito. Pasenyas-senyas pa ito habang nagsasalita.

Nakagat niya ang labi. Hindi niya nagawang sumagot dahil kapag ang ina na niya ang nagsalita ay tinatamaan talaga siya. Papaano ay wala rin itong preno minsan. Talagang sasabihin nito ang dapat sabihin pagdating sa mga bagay tungkol sa kanya.

Pasimple niyang hinawakan ang magulong buhok. Itinaas lang niya iyon sa pamamagitan ng clamp ponytail. At marami na ang kumawalang buhok sa kanyang mukha. Siguro at dahil sa stress niya kanina. Inayos din niya ang salamin  na nawala sa puwesto sa kanyang mata. Aminado siyang hindi siya palaayos pero hindi naman siguro siya losyang kagaya ng sinasabi ng ina.

Pasimple siyang tumingin sa malaking salamin na nakasabit sa dingding sa loob ng opisina. Eksakto sa tapat niya nakaharap ang salamin. At muli ay nakagat niya ang labi. Mukhang tama ang kanyang ina. Losyang na nga yata siya. Magulo ang pagkakapuyod niya sa buhok. Kasing kapal na yata ng salamin ni Miss Tapia ang kanyang salamin. Kung hindi pa niya siguro tinanggal ang sweater niya kanina ay lalo siyang magmumukhang Manang. Ni walang kaayos-ayos ang mukha niya. Hindi naman kasi siya marunong mag-make up. Kiber ba niya sa ganoon. Pero alam niyang kahit hindi siya mag-ayos ay maganda na siya. Para sa kanya ay natural beauty pa rin ang maganda. Baby face nga raw siya sabi ng mga tao.

“Nakita mong itsura mo anak?” untag ni Ginang Allani pagkatapos ng ilang sandali.

Napatingin siyang muli sa ina. Nakangiwing tumango-tango siya.

Ibinalik nito ang paningin sa mga papeles na binabasa nito kanina. “Papaano ka magugustuhan ng gwapong iyon kung hindi ka mag-aayos. Maganda ka anak ----.”

“Mama!” napamulagat nanaman siya. “Ano bang sinasabi mo? Wala akong balak magpaganda sa kahit na kaninong lalaki. Lalo na sa antipatikong gorilya na iyon. Oo guwapo siya pero hindi ko siya type. Masyadong barumbado at mayabang!” Kakamot-kamot niyang sabi. “Akala mo kung sinong hari ng daan. Porke naka-luxury car lang.” Pabulong pa niyang dugtong.

Umiling-iling ang kanyang ina. “Papaano kang magkakaroon ng nobyo kung lahat nang irereto ko sa iyo ay ayaw mo. Si Ardy, tinanggihan mo rin.”

“E hindi naman ako type ‘nun Mama.” Aniyang naalala ang mukha ng guwapo nilang kabarangay. “Iba ang type ‘nun. Tsaka hindi ko rin siya type. Isa pa, wala pa akong planong magkaroon ng batong ipupukpok sa ulo ko.”

“E kailan ka magkakaroon ng boyfriend? Kapag uugod-ugod na ako. Maawa ka naman sa akin. Bente singko ka na. Puwede ka na ngang mag-asawa eh. Bilisan mo lang ang paghahanap para magkaapo na ako.” Dire-diretsong wika ng kanyang ina.

“Bata pa ako mama. Kung gusto mong magkaapo, si Kevin ang pag-asawahin mo. Tutal graduate na siya puwede mo na siyang pag-asawahin. Puwede naman iyon habang nagmamasteral siya.”

Tiningnan siya ng matalim ng ina. Mukhang hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.

Mabilis siyang kumambiyo saka ngumiti ng alanganin. “Joke lang po. Hindi pa siya puwedeng mag-asawa.”

“Ang bata-bata pa ng kapatid mo. Ikaw ang dapat mag-asawa na, ano ka! Ikaw ang dapat mauna.”

Sumimangot siya kasabay niyon ay tumayo na rin. “Uuwi na nga ako. And I am terminating this conversation.” Paingles pa niyang sabi. “May kailangan pa akong tapusin.” Aniya ng matapos na ang usapang iyon. “Bye Mama.” Hinalikan niya sa pisngi ang ina saka tumalikod na.

Naiwang iiling-iling si Ginang Allani.

Kaugnay na kabanata

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 4

    PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.Isang baran

    Huling Na-update : 2023-03-16
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 5

    Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan

    Huling Na-update : 2023-03-20
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 6

    NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang

    Huling Na-update : 2023-03-30
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 7

    NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t

    Huling Na-update : 2023-03-31
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 8

    KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh

    Huling Na-update : 2023-04-03
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 9

    MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di

    Huling Na-update : 2023-04-05
  • Her Hot Billionaire Admirers   Prologue

    NAGMULAT ng mga mata si Kathrina. Kasunod niyon ay pumaskil ang masiglang ngiti sa kanyang labi. Lumarawan ang magaan at magandang aura sa kanyang mukha. Itinaas niya ang mga braso sa bandang ulunan ng kanyang higaan at iniunat-unat ang buong katawan habang nakahiga.“Aaahhh... ang sarap matulog.” Bigkas pa niya habang iniuunat-unat ang katawan.Ang ganda ng gising niya. Pagkatapos mag-stretch-stretch ay sumulyap siya sa bintana ng kanyang kuwarto. Maliwanag na maliwanag na sa labas at kita niya iyon kahit natatakpan pa ng kurtina ang mga bintana.“Good morning self!” masiglang bati pa niya sa sarili saka tila kinilig. Ilang sandali pa siyang tumitig sa kisame habang hindi nawawala ang ngiti sa labi saka siya masiglang bumangon. Pakanta-kanta pa siya ng isang maindak na kanta noong 90’s. Hindi siya dancer at hindi magandang tingnan ang katawan niya kapag sumasayaw siya pero habang kumakanta ay napapaindak pa siya.Magaan ang pakiramdam na inayos niya ang kanyang higaan habang patuloy

    Huling Na-update : 2023-03-16
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 1

    UMAGA. Araw ng linggo. Katatapos lamang ng isang napakalakas na ulan mula pa kahapon. Bakas pa ang mga namuong tubig sa gilid ng kalsada sa baryong iyon ng Landig. Kahit aspalto ay hindi nakaligtas ang kalsada sa lakas ng ulan. Maging ang ibang mga sanga ng punong kahoy sa gilid ng daan ay nagkaputol-putol na. Ang iba pa nga roon ay kumalat na sa kalsada. Bagaman ganoon ang tanawin sa barangay na iyon ay umaaliwalas nang muli ang kalangitan. Papasikat nang muli ang araw. Muling nabuhay ang Barangay Landig – isang Barangay sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.Alas sais palang ng umaga ay abala na ang mga tao sa paglilinis sa kani-kanilang bakuran. Karaniwang makikita ang mga babaeng may edad na at nagwawalis ng mga nagkalat na dahon sa harapan ng kanilang bahay. Ang ilang mga kalalakihan ay tinatanggal ang mga nagkalat na sanga sa kalsada upang huwag maging sagabal sa mga nagdaraan at maging malinis ang paligid. Maririnig din ang tawanan at malakas na kuwentuhan ng mga tao habang naglilini

    Huling Na-update : 2023-03-16

Pinakabagong kabanata

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 9

    MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 8

    KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 7

    NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 6

    NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 5

    Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 4

    PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.Isang baran

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 3

    “HINDI kaya malusaw na ‘yang lalaking iyan sa kakatingin mo?”“Ay palaka!” Muntik mapatalon si Kathrina sa gulat ng may biglang magsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Salubong ang mga kilay ni Catherine habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa isang taong nasa bandang unahan ng lane na kinaroroonan nila.Nasa grocery sila ng mga sandaling iyon.Sapo ang dibdib na sinita niya ito. “Ano ba Erin? Puwede bang kumatok ka muna bago ka magsalita diyan! Nakakagulat ka eh! Alam mo namang magugulatin ako diba?” inis niyang sambit dito. Inayos niya ang suot na salamin dahil medyo tumagilid iyon.“Bakit may pinto ba rito?” pamimilosopo nito saka umismid. “Nasaan ang pinto? Baka may pinto dito na hindi ko nakikita ah. Ano? Ikaw lang ang nakakakita kasi apat ang mata mo? Nasaan ang pinto? Ipakita mo sa akin!” luminga-linga ito sa paligid saka siya nito minulagatan.“Huwag kang OA, bruha!” Inirapan niya ito saka inayos ang swe

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 2

    “ADENG, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Pupunta lang ako sandali sa grocery. May gusto ka bang ipakuha?” ani Kathrina sa nakababatang kapatid na si Kevin habang inaayos ang manggas ng kanyang sweater. Katatapos lamang nilang mananghalian pero gumayak na siya para pumunta sa grocery. Katanghaliang tapat na subalit muli nanamang kumulimlim ang panahon. Hindi na siya magtataka pa dahil malapit nanaman ang tag-ulan. Kaya ngayon ay naka-sweater nanaman siya. Ginawin kasi siya kaya kahit kaunting lamig lang ay gusto na niyang binabalot ang sarili.“Ikaw na ang bahala, Ate. Pakisabi pala kay Mama, ako nalang ang susundo sa kanya mamayang hapon.” Sandali itong nag-angat ng tingin mula sa mga binabasa nitong libro.Kaka-graduate lang ng kanyang kapatid mula sa kursong Business Administration. At ngayon ay nag-ma-masteral na ito. Nagre-review ito ng mga sandaling iyon.“O sige. ‘Pag umulan ng malakas at inabot ako doon iti-text nalang kita ha. Sunduin mo ako.” Sagot niya saka hinawak

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 1

    UMAGA. Araw ng linggo. Katatapos lamang ng isang napakalakas na ulan mula pa kahapon. Bakas pa ang mga namuong tubig sa gilid ng kalsada sa baryong iyon ng Landig. Kahit aspalto ay hindi nakaligtas ang kalsada sa lakas ng ulan. Maging ang ibang mga sanga ng punong kahoy sa gilid ng daan ay nagkaputol-putol na. Ang iba pa nga roon ay kumalat na sa kalsada. Bagaman ganoon ang tanawin sa barangay na iyon ay umaaliwalas nang muli ang kalangitan. Papasikat nang muli ang araw. Muling nabuhay ang Barangay Landig – isang Barangay sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.Alas sais palang ng umaga ay abala na ang mga tao sa paglilinis sa kani-kanilang bakuran. Karaniwang makikita ang mga babaeng may edad na at nagwawalis ng mga nagkalat na dahon sa harapan ng kanilang bahay. Ang ilang mga kalalakihan ay tinatanggal ang mga nagkalat na sanga sa kalsada upang huwag maging sagabal sa mga nagdaraan at maging malinis ang paligid. Maririnig din ang tawanan at malakas na kuwentuhan ng mga tao habang naglilini

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status