Share

Chapter 2

Author: Odyssey
last update Last Updated: 2023-03-16 11:08:55

“ADENG, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Pupunta lang ako sandali sa grocery. May gusto ka bang ipakuha?” ani Kathrina sa nakababatang kapatid na si Kevin habang inaayos ang manggas ng kanyang sweater. Katatapos lamang nilang mananghalian pero gumayak na siya para pumunta sa grocery. Katanghaliang tapat na subalit muli nanamang kumulimlim ang panahon. Hindi na siya magtataka pa dahil malapit nanaman ang tag-ulan. Kaya ngayon ay naka-sweater nanaman siya. Ginawin kasi siya kaya kahit kaunting lamig lang ay gusto na niyang binabalot ang sarili.

“Ikaw na ang bahala, Ate. Pakisabi pala kay Mama, ako nalang ang susundo sa kanya mamayang hapon.”  Sandali itong nag-angat ng tingin mula sa mga binabasa nitong libro.

Kaka-graduate lang ng kanyang kapatid mula sa kursong Business Administration. At ngayon ay nag-ma-masteral na ito. Nagre-review ito ng mga sandaling iyon.

“O sige. ‘Pag umulan ng malakas at inabot ako doon iti-text nalang kita ha. Sunduin mo ako.” Sagot niya saka hinawakan ang seradura ng pinto. “Madilim nanaman sa labas.” Nang tumango ito ay tuluyan na siyang lumabas.

Tumingala siya sa kalangitan ng makalabas ng kanilang bungalong bahay. Kipkip ang payong at maliit na pouch bag na ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa kanilang gate. 

“Ay palaka!” palatak niya ng matisod siya sa isang bato. Mabuti nalang at mabilis niyang naibalanse ang sarili kundi ay tumembuwang siya sa bermuda grass na nakatanim sa lupa. Nagpalinga-linga siya at nagpasalamat dahil wala naman palang nakakita sa pagiging clumsy niya. 

Kahit kailan talaga ay umiiral ang kanyang pagiging lampa. Ano pa ba ang aasahan niya eh apat na nga ang mata niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang marating niya ang kanilang gate. Naghintay siya ng dadaang tricycle. Subalit ilang sandali na siyang nakatayo ay wala pa ring naliligaw na tricycle sa kinaroroonan niya. Napapalatak siya. Kung marunong lang siyang magmaneho ng kotse ay iyon nalang sana ang ginamit niya. Mayroon silang nag-iisang kotse na kahit kailan ay hindi pa niya namaneho. Tanging ang ina lamang niya at kapatid ang madalas na nakakagamit. Hindi naman niya maistorbo ang kapatid dahil abala ito sa pagre-review. Nang hindi makatiis ay nagsimula na siyang maglakad. Kung sakaling may makasalubong siyang tricycle ay saka nalang siya sasakay. Malayo-layo rin kasi ang lalakarin niya kung sakaling wala siyang makasalubong na sasakyan at maglalakad siya hanggang bayan.

Papaliko na siya sa isang kanto ng marinig niya ang ugong ng paparating na sasakyan. Tumingin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang paparating na itim na kotse. Dali-dali siyang gumilid sa tabing daan dahil medyo matubig sa bahaging iyon ng kalsada. Kung hindi niya itatabi ang sarili ay siguradong mababasa siya. Saktong dumaan ang rumaragasang kotse ng tumama ang gulong nito sa isang matubig na bahagi ng kalsada. Nasapol siya ng tubig at umabot hanggang sa mukha niya.

Mas makulimlim pa sa kalangitan ang mukha niya paglampas ng itim na kotse. Kumuyom ang kanyang kamao at naningkit ang kanyang mga mata habang hinahabol ng masamang tingin ang itim na kotseng ngayon ay papalayo na.

“Hoy balasubas! Bumalik ka rito! Sira ulo ka! Huminto kaaaa!!!!” sigaw niya habang pumagitna sa kalsada. Nanggigigil siya habang naggitiran ang kanyang mga ngipin. Gusto pa niyang sumigaw at habulin ito subalit mabilis na nawala sa kanyang paningin ang sasakyan. “Pesteng h*******k ka! Masiraan ka sana!” halos lumabas ang mga litid niya sa leeg dahil sa tindi ng inis na nadarama niya.

Gusto niyang umatungal pero wala na rin siyang magagawa. Kung gaano kaganda ang gising niya kanina ay ganoon naman kasira ang tanghali niya ngayon. Kung sinuman ang herodes na walang pusong nagsaboy sa kanya ng tubig-baha ay talagang makakatikim sa kanya! Huwag lamang niyang malalaman kung sino ang taong iyon at huwag na huwag magku-krus ang kanilang landas dahil oras na mangyari iyon ay talagang sisibakin niya ito ng tabak!

OA ka naman Kathrina. Gagawin mo pang kriminal ang sarili mo. O sige. Pipisain nalang niya ng bonggang-bongga hanggang sa mapisa ito na parang kuto! 

Nanggagalaiti niyang hinubad ang suot na sweater. Iyon ang ipinampunas niya sa mukhang nabasa. Mabuti nalang at naka-sweater siya dahil hindi masyadong nabasa ang damit niya sa loob. Kundi ay talagang babalik siya sa kanilang bahay at ayaw na niyang gawin iyon. Tinatamad na siyang maglakad. May katamaran talaga siyang maglakad sa totoo lang.

Sira ulong ‘yun! Kung sino ka man nalintikan ka, magtutuos tayo! Bubulong-bulong na ipinagpatuloy niya ang paglalakad.

HUMINTO ang tricycle na sinasakyan ni Kathrina sa garahe ng isang may kalakihan ding grocery. Mabilis siyang bumaba ng tricycle matapos magbayad. Nagsalubong ang mga kilay ni Kathrina ng makita niya ang itim na kotseng iyon sa tapat ng kanilang grocery. Napansin kaagad niya na mamahaling sasakyan iyon. Pagsulyap niya sa likod kung saan nakalagay ang tatak ng sasakyan ay nakita niya ang logo ng BMW.

“Gara ah. Mukhang may naligaw na milyonaryo dito sa grocery.” Mahinang usal niya sa sarili habang binibistahan ang sasakyan. Hindi niya alam kung latest model iyon dahil hindi naman siya mahilig sa mga sasakyan pero alam niyang milyon ang halaga niyon.

Pero bakit parang pamilyar iyon sa kanya? Parang nakita na niya ang makintab nitong pintura. Nang biglang may pumitik na eksena sa kanyang isip. Alam na kaagad niya kung kanino ang magarang sasakyan.

Isa lamang iyon sa dalawang kotse na nakaparada sa mismong tapat ng kanilang grocery. Stand out ang magarang sasakyan na kahilera ang ilang tricycle at isang kotse. Malalaki ang mga hakbang na tinalunton niya ang pagitan ng kotse at kinatatayuan niya. Halos mag-isang linya na ang kanyang mga kilay ng marating niya ang kotseng iyon. Handa siyang harapin ang may-ari niyon dahil talagang aani ito sa kanya ng mga salita.

Kinatok niya ng kinatok ang bintana nito ng makarating siya sa tabi ng kotse. Hindi siya tumigil hangga’t hindi iyon bumubukas. Pero nagmumukha na yata siyang tanga dahil tila wala namang tao sa loob. 

“Miss?” 

Napatingin siya sa kanyang likuran ng marinig ang isang malamig at baritonong boses. Inisip niyang iyon ang may-ari ng sasakyan kaya naman nakahanda na ang maaanghang niyang mga salita ng humarap siya rito. Subalit nabitin ang lahat ng mga salitang gusto niyang sabihin ng sumalubong sa kanya ang mabangong amoy na iyon. Napapikit pa siya upang samyuhin ang mabangong sumalubong sa kanyang ilong. Ah! Ang sarap sa ilong. Ngayon lang niya naamoy ang pabangong iyon. Kanino kaya nanggagaling ang kabanguhang iyon? 

Nagmulat siya ng mata upang manlaki lamang ang mga iyon. Nakatunghay sa kanya ang lalaking noon lamang niya nakita. At oo! Noon lamang din siya nakakita ng ganito kagwapong lalake sa tanang buhay niya! Nahigit niya ang paghinga ng tumitig ito sa kanya at magsalubong ang kanilang mga mata. At ang tangkad nito dahil nakatingala siya rito. Pakiramdam niya ay nanuot hanggang sa kaloob-looban niya ang tinging iyon. She felt she’s in heaven! Bakit pakiramdam niya ay nasa Cloud 9 siya?

Gosh! Nakatitig lang naman siya ngayon sa pinaka – ah basta! Sa lahat na nang pinaka. Pinaka-guwapo, pinakamakisig, pinakalalake, at iba pa! Pinakamasarap yakaping lalake sa balat ng lupa! Bakit parang ang sarap-sarap yakapin nito? Napalunok pa siya ng gumalaw ang lalamunan nito. Sino ang lalakeng nasa harap niya?

Naputol ang pagpapatansya niya ng matigil ang tingin niya sa labi nitong maninipis. Kitang-kita niya kung papaano tumaas ang isang sulok ng labi nito. Naitikom niya bigla ang hindi niya napapansing nakangangang bibig. Pumormal din siya at umayos ng tayo. Napakurap-kurap siya habang inaayos ang salaming mataas ang grado.

“Miss, are you okay?” narinig pa niya ang amusement sa tinig nito ng tanungin siya.

Nag-init ang kanyang mukha. Napansin siguro nitong natameme siya sa kaguwapuhang taglay nito. Alin sa dalawa? Pukpukin ito ng hawak niyang payong o tumalikod at mag-astang walang nangyari? “Oo, bakit? Okay lang ako.” taas noong sagot-tanong niya. Nuncang ipakita niya sa lalaking kaharap na malakas ang appeal nito. Napahiya na siya, pero hindi niya iyon aaminin. 

“Anong maipaglilingkod ko sa iyo?” nakakalokong ngumisi ito.

Tinamaan na ng lintek. Umiral nanaman ang kanyang pagkatimang. “Bakit? Tinawag ba kita?” maang niyang tanong dito.

“You’re knocking the window of my car.” Kalmante pa ring sagot nito.

Bigla ay para siyang tinamaan ng bagyo. Nangulimlim ang kanyang mukha. Agad na naglaho ang lahat ng magandang nakikita niya rito kanina. “Ikaw ang may-ari ng kotseng ito?” nagpipigil niyang tanong dito. Muling bumalik sa kanya ang inis kanina.

“Yes. Ako ang may-ari ng kotseng iyan. May problema ba?”

Kumuyom ang isa niyang kamao. Halos magsalubong na ang dalawa niyang kilay. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Kung may hawak lamang siyang martilyo ng mga sandaling iyon ay ipinukpok na niya sa kaharap.

Huwag! Sayang ang kagwapuhan niya kung sisirain mo lang ng martilyo mo! Sigaw ng isang panig ng kanyang utak. Ang guwapong kaharap niya, ang lalaking pinagpapantasyahan niya kanina lamang ang siyang may sala kung bakit nakapagshower siya ng di-oras sa tubig ulan. Ang walang hiyang barumbadong driver ng magarang kotseng iyon na nasa harapan na niya ngayon. Ngayon ay wala na siyang pakialam sa kaguwapuhan nito. Magsisisi itong inamin nitong ito ang may-ari ng naturang sasakyan.

“Ikaw ang may-ari ng lintek na kotseng ito?” umalsa na ang kanyang boses saka pinukpok ang bintana ng kotse.

“Yes. Ikalawang beses mo ng tinanong iyan. May prob ---   hey! Huwag mong pukpukin ang kotse ko!” nanlalaki ang mga mata ng lalaki. Mabilis nitong hinawakan ang isa niyang kamay na patuloy sa pagpukpok ng kotse nito.

“Huwag mo akong hawakan!” nagsimula siyang manginig. Nag-iwas siya ng tingin dito dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa mga tingin nito. Masyadong maganda ang mga mata nito – at weakness niya ang singkit at expressive na mga mata na siyang mayroon ang lalaki - kaya hindi niya matagalan ang tingin ni sulyapan man lang ito. Ayaw niyang mabalewala ang mga nakahanda niyang maaanghang na salita para dito. Sa mga sandaling iyon ay ayaw niyang pumasailalim sa napakalakas na karismang taglay nito. “Huwag mo akong hahawakan!” ulit niya dito. Wala siyang pakialam kung magmukha na siyang ewan sa paningin nito.

“Okay!” nagtaas ito ng dalawang kamay. “Just get off your hands in my car. What is wrong with you young lady?!” napapantastikuhang tanong nito.

Nanlalaki ang mga matang dinutdot niya ang dibdib nito. “What is wrong with me? You’re asking what is wrong with me?! Huwag mo akong maingles-ingles ha. Hindi kita uurungan!” Babanatan na kita ng payong!

Naweywang ang guwapong lalaki.

Nagpatuloy siya habang nanlalaki na ang mga mata. Halos umusok na rin ang butas ng kanyang ilong sa tindi ng inis. “Ito! Itong magara mong kotse! Masyadong malaki ang gulong! Aba’y sinakop ang buong kalsada Mister! At ikaw na driver ka, napakareckless mo! Insensitive --- .”

“Hey! What are you saying? Huwag kang magbibitaw ng ganyang mga salita. You don’t even know me!” lalong naningkit ang mga mata nito.

Siya naman ay nanlalaki ang mga mata. “Hah! Oo nga! Hindi kita kilala! At wala akong balak kilalanin ka --- .”

“Then what are you ----.”

“Hindi mo malalaman ang gusto kong sabihin kung sasabat ka ng sasabat diyan!” minulagatan niya ito. “Alam mo bang dahil sa kapabayaan mo at nitong dambuhala mong sasakyan, nasira ang magandang araw ko! Ang luwang-luwang ng kalsada pero hindi ka tumitingin sa paligid ng dinaraanan mo! Hindi porke takaw-pansin ang kotse mo ay babalewalain mo na ang mga tao sa paligid mo. Hindi lahat ng tao mag-aadjust sa iyo. Mag-adjust ka rin oy!” mataas ang boses na sabi niya dito.

Nagsimula silang pagtinginan ng mga taong nagdaraanan. Pero wala na yata siyang pakialam dahil buhos na buhos ang kanyang atensyon sa pagpapakawala ng mga dialogues niya. Kailangan niyang mailabas ang sama ng loob kung ayaw ng mga tao doon na magwala siya. Pero hindi nga ba at para na siyang nagwawala?

“Puwede bang diretsahin mo na ako, Manang. Masyado kang maraming paligoy-ligoy.” Umasim ang mukha ng binata.

Napanganga siya sabay ng paniningkit ng kanyang mga mata. Manang? Tinawag siya nitong Manang? Hindi ba at ‘young lady’ na ang tawag nito sa kanya kanina. Anong tingin nito sa kanya? Matanda?

Itinaas niya ang noo at nameywang habang naniningkit pa rin ang mga mata. “Diretsahan? Gusto mo ng diretsahan? Sige! Pagbibigyan kita! Isa kang walang kuwentang driver! Hindi mo ba nakita ang mga basa sa kalsada kanina? FYI. For your information, dinaanan ng gulong mo ang tubig sa kalsada. Presto! Sa akin tumilamsik! Ngayon anong nangyari? E di nag-shower ako ng bonggang-bongga sa tubig ulan ng wala sa oras!” mahabang litanya niya habang pakumpas-kumpas pa ang mga kamay. Kakapusin yata sina ng hininga dahil humihingal pa siya.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo, Manang.” Pinag-krus nito ang dalawang braso sa dibdib. Bumalik ang pagiging kalmante sa tinig ng lalaki.

Gusto niyang yugyugin ang ulo nito. Una, dahil tinawag nanaman siya nitong Manang! Ikalawa, dahil sa kabila ng panggagalaiti niya ay kalmanteng-kalmante pa rin ang itsura nito. Tuloy ay lalo siyang nainis.

“Hindi mo alam kasi nga pabaya kang driver! Hindi ka nakatingin sa dinaraanan mo. Siguro kung hindi pa ako gumilid ay nasagasaan mo na ako!” Nanlalaki ang mga matang sikmat niya dito. 

“Look, I really don’t know what you’re talking about. Kung nagawa ko man iyon, hindi ko sinasadya. Kasi Manang ---.”

“Hindi ako Manang okay!? Hindi ako Manang!” nanggigigil niyang bulalas dito.

“Kathrina? Anong nangyayari dito?”

Sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Kunot na kunot ang noo ng kanyang ina habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito.

Hindi pa rin nababawasan ang asar niya. “Ito kasing mokong na ‘to. Hindi tinitingnan ang kalsada. Halos maligo lang naman ako sa tubig-ulan kanina. Eto, basa pa ang sweater ko.” Ngani-ngani nanaman niyang dutdutin ang dibdib ng lalaki. “Ni hindi man lang marunong mag-sorry. Akala mo kung sino.” Inirapan niya ito.

Ngumiti ang binata kay Mrs. Allani. “Hihingi naman ho ako ng sorry kay Manang kaya lang kasi --- .”

“Hindi nga ako Manang!” bulyaw niya dito. Napipikon na siya sa katatawag nitong Manang sa kanya.

“Kathrina?!” pinukulan siya ng nangangastigong tingin ng ina. 

Umirap lang siya. Isang beses pang sabihan siya nito ng salitang iyon, pipilipitin na talaga niya ang leeg nito.

“Nag-sorry na pala, bakit nagagalit ka pa?” Ang ginang ang muling nagsalita.

“E kasi….” Ngayon ay hindi niya masabi kung bakit patuloy pa rin siyang naiinis dito. Mag-sorry man ito pero inis pa rin siya dito. 

“E kasi Ma’am, kanina pa tinatawag ni Sir si Ma’am Kathrina ng Manang.” Sumulpot ang isa nilang tauhan sa grocery. Sabay-sabay silang napatingin dito.

Nakangising binatilyo ang nakita nila sa mukha ni Nobel. Isa na yata iyon sa panata ng binatilyo  - ang asarin siya palagi. Kung di lang ito inaanak ng kanyang ina ay matagal na niyang pinaalis.

Nang muling magtama ang tingin nila ng lalaki ay ngingisi-ngisi ito. Muling uminit ang kanyang ulo.

“Bumalik ka na nga sa trabaho mo, Nobel! Bakit nandito ka pa? Diba dapat nasa trabaho ka ngayon?” pinanlakihan niya ito ng mata. Humanda ito mamaya sa kanya. Malas nito. Sisingit-singit pa kasi sa usapan nila. “Anong nginingisi-ngisi mo diyan? Hindi pa tayo tapos!” matalim na irap ang ipinukol niya sa binata bago tuluyang tumalikod.

“Kathrina!”

Hindi niya pinansin ang tawag ng ina. Muntik pa siyang matalisod kung di lang niya nabalanse ang katawan.

Related chapters

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 3

    “HINDI kaya malusaw na ‘yang lalaking iyan sa kakatingin mo?”“Ay palaka!” Muntik mapatalon si Kathrina sa gulat ng may biglang magsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Salubong ang mga kilay ni Catherine habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa isang taong nasa bandang unahan ng lane na kinaroroonan nila.Nasa grocery sila ng mga sandaling iyon.Sapo ang dibdib na sinita niya ito. “Ano ba Erin? Puwede bang kumatok ka muna bago ka magsalita diyan! Nakakagulat ka eh! Alam mo namang magugulatin ako diba?” inis niyang sambit dito. Inayos niya ang suot na salamin dahil medyo tumagilid iyon.“Bakit may pinto ba rito?” pamimilosopo nito saka umismid. “Nasaan ang pinto? Baka may pinto dito na hindi ko nakikita ah. Ano? Ikaw lang ang nakakakita kasi apat ang mata mo? Nasaan ang pinto? Ipakita mo sa akin!” luminga-linga ito sa paligid saka siya nito minulagatan.“Huwag kang OA, bruha!” Inirapan niya ito saka inayos ang swe

    Last Updated : 2023-03-16
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 4

    PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.Isang baran

    Last Updated : 2023-03-16
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 5

    Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan

    Last Updated : 2023-03-20
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 6

    NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang

    Last Updated : 2023-03-30
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 7

    NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t

    Last Updated : 2023-03-31
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 8

    KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh

    Last Updated : 2023-04-03
  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 9

    MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di

    Last Updated : 2023-04-05
  • Her Hot Billionaire Admirers   Prologue

    NAGMULAT ng mga mata si Kathrina. Kasunod niyon ay pumaskil ang masiglang ngiti sa kanyang labi. Lumarawan ang magaan at magandang aura sa kanyang mukha. Itinaas niya ang mga braso sa bandang ulunan ng kanyang higaan at iniunat-unat ang buong katawan habang nakahiga.“Aaahhh... ang sarap matulog.” Bigkas pa niya habang iniuunat-unat ang katawan.Ang ganda ng gising niya. Pagkatapos mag-stretch-stretch ay sumulyap siya sa bintana ng kanyang kuwarto. Maliwanag na maliwanag na sa labas at kita niya iyon kahit natatakpan pa ng kurtina ang mga bintana.“Good morning self!” masiglang bati pa niya sa sarili saka tila kinilig. Ilang sandali pa siyang tumitig sa kisame habang hindi nawawala ang ngiti sa labi saka siya masiglang bumangon. Pakanta-kanta pa siya ng isang maindak na kanta noong 90’s. Hindi siya dancer at hindi magandang tingnan ang katawan niya kapag sumasayaw siya pero habang kumakanta ay napapaindak pa siya.Magaan ang pakiramdam na inayos niya ang kanyang higaan habang patuloy

    Last Updated : 2023-03-16

Latest chapter

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 9

    MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 8

    KUMATOK si Kathrina ng tatlong beses sa pinakapinto ng bahay bago niya pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Inaasahan na niyang walang sasalubong sa kanya o magbubukas ng pinto dahil may sakit ang pakay niya.“Tao po!” tawag niya. Habang naglalakad ng mabagal ay iginala niya ang paningin sa sala. Hindi iyon ang unang pasok niya sa bahay. Minsan na rin siyang nakakapasok doon kagaya ng mga pagkakataong may handaan si Mrs. Chua. Hindi naman masasabing mansiyon ang bahay na iyon pero malaki na rin kung ikukumpara sa mga bahay sa kanilang barangay.Nagkibit-balikat siya ng walang sumagot. Kahit munting kaluskos ay wala siyang naramdaman o narinig. Maaring nasa loob ng silid nito ang binata at nagpapahinga na. Maige iyon. Ayaw niyang makaharap ito. Hindi pa sa ngayon. Pero kumontra ang isang panig ng kanyang utak. Gusto yata niyang makita ang guwapo nitong mukha.Anak ng tokwa! Kaaway niya pero gusto niyang makita ang guwapo raw nitong mukha. Duh

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 7

    NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 6

    NANG makauwi si Kathrina sa bahay ay hinanap kaagad niya si Mameng. Nadatnan niya itong nagbabasa ng pocketbook sa kanilang sala. Prenteng-prente ang pagkakaupo nito. Tumikwas ang isang kilay niya pero wala naman siyang planong pagalitan ito. Oras din naman ang pahinga at walang kaso sa kanila kahit magpahinga ito. Kinuha niya ang atensiyon nito.“Mameng, wala ‘yung kotse doon sa labas. Umalis ba si Adeng?” tanong agad niya dito habang patungo sa kanilang kusina na kanugnog lang ng sala.Lumingon ito sa kanya. Hindi nag-abalang tumayo. “Oo. Sinundo ka sa grocery. Diba ang sabi mo puntahan ka niya pag lumakas ang ulan.” Mabilis nitong sagot.“Ha? Hindi ko naman siya ti-next eh.” Nalukot ang mukha niya. “Ayan, nagkasalisi tuloy kami. Iti-text ko nalang siya.” Aniya matapos ibaba ang mga groceries sa ibabaw ng mahabang lamesa. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagpadala ng mensahe sa nakababatang

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 5

    Mula sa pagtingala sa kalangitan ay bumalik ang atensiyon ni Dandreb sa kalsada nang may bumusina sa unahan ng kotse niya. Huminto ang isang Honda Civic na hindi naman masyadong kalumaan pero hindi rin matatawag na brand new ilang metro mula sa kinatatayuan niya at ng sasakyan niya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at hindi na niya naisip pang maari siyang magkasakit. Mula sa kotse ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Hindi nalalayo sa tangkad niyang anim na pulgada. Hindi ito payat pero hindi rin malaki ang katawan. Tingin niya ay nasa edad bente anyos lang ito. Bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha ng makitang papalapit ito sa kanya habang sukob ng isang malaking payong. “May problema ba dito, Kuya?” maaliwalas ang mukha nitong nagtanong sa kanya pagkalapit nito saka sumulyap sa gulong ng sasakyan niyang nalubak. Nakahinga siya ng maluwag dahil tingin niya ay nakakita siya ng tulong. “Oo pare. Itong gulong ng kotse ko, nabaon sa lubak.” Sagot niya. Kunot-noong binistahan

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 4

    PAPALABAS na si Kathrina mula sa grocery ng magsimulang pumatak ang ulan. Mahina pa iyon kaya kampante pa siya. Dali-dali siyang pumara ng tricycle bitbit ang ilang supot ng mga groceries. Mabilis naman siyang nakasakay.Nasa daan na sila ng biglang lumakas ang ulan. Narinig niyang pumalatak ang driver. Saglit itong huminto sa ilalim ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada para maglagay ng tarapal. Mabilis ang kilos nito dahil nababasa na rin ito sa ulan.“Akala ko’y tapos na ang bagyo pero heto at maulan nanaman!” anang tricycle driver na may edad na rin.“Oo nga ho Manong. Umaraw na kanina eh.” Naging komento rin niya.“Kuuu! Kung kailan Disyembre na ay saka naman bumabagyo.” Dagdag komento pa nito.Sumang-ayon naman siya rito. Sa wakas ay natapos na rin ito sa ginagawa. Bumalik na ito sa harap ng manibela at muling pinaandar ang motor. May telang tarapal sa bahagi niya sa may side car kaya hindi na rin siya masyadong nababasa. Hanggang sa muling umusad ang tricycle.Isang baran

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 3

    “HINDI kaya malusaw na ‘yang lalaking iyan sa kakatingin mo?”“Ay palaka!” Muntik mapatalon si Kathrina sa gulat ng may biglang magsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Salubong ang mga kilay ni Catherine habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa isang taong nasa bandang unahan ng lane na kinaroroonan nila.Nasa grocery sila ng mga sandaling iyon.Sapo ang dibdib na sinita niya ito. “Ano ba Erin? Puwede bang kumatok ka muna bago ka magsalita diyan! Nakakagulat ka eh! Alam mo namang magugulatin ako diba?” inis niyang sambit dito. Inayos niya ang suot na salamin dahil medyo tumagilid iyon.“Bakit may pinto ba rito?” pamimilosopo nito saka umismid. “Nasaan ang pinto? Baka may pinto dito na hindi ko nakikita ah. Ano? Ikaw lang ang nakakakita kasi apat ang mata mo? Nasaan ang pinto? Ipakita mo sa akin!” luminga-linga ito sa paligid saka siya nito minulagatan.“Huwag kang OA, bruha!” Inirapan niya ito saka inayos ang swe

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 2

    “ADENG, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Pupunta lang ako sandali sa grocery. May gusto ka bang ipakuha?” ani Kathrina sa nakababatang kapatid na si Kevin habang inaayos ang manggas ng kanyang sweater. Katatapos lamang nilang mananghalian pero gumayak na siya para pumunta sa grocery. Katanghaliang tapat na subalit muli nanamang kumulimlim ang panahon. Hindi na siya magtataka pa dahil malapit nanaman ang tag-ulan. Kaya ngayon ay naka-sweater nanaman siya. Ginawin kasi siya kaya kahit kaunting lamig lang ay gusto na niyang binabalot ang sarili.“Ikaw na ang bahala, Ate. Pakisabi pala kay Mama, ako nalang ang susundo sa kanya mamayang hapon.” Sandali itong nag-angat ng tingin mula sa mga binabasa nitong libro.Kaka-graduate lang ng kanyang kapatid mula sa kursong Business Administration. At ngayon ay nag-ma-masteral na ito. Nagre-review ito ng mga sandaling iyon.“O sige. ‘Pag umulan ng malakas at inabot ako doon iti-text nalang kita ha. Sunduin mo ako.” Sagot niya saka hinawak

  • Her Hot Billionaire Admirers   Chapter 1

    UMAGA. Araw ng linggo. Katatapos lamang ng isang napakalakas na ulan mula pa kahapon. Bakas pa ang mga namuong tubig sa gilid ng kalsada sa baryong iyon ng Landig. Kahit aspalto ay hindi nakaligtas ang kalsada sa lakas ng ulan. Maging ang ibang mga sanga ng punong kahoy sa gilid ng daan ay nagkaputol-putol na. Ang iba pa nga roon ay kumalat na sa kalsada. Bagaman ganoon ang tanawin sa barangay na iyon ay umaaliwalas nang muli ang kalangitan. Papasikat nang muli ang araw. Muling nabuhay ang Barangay Landig – isang Barangay sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.Alas sais palang ng umaga ay abala na ang mga tao sa paglilinis sa kani-kanilang bakuran. Karaniwang makikita ang mga babaeng may edad na at nagwawalis ng mga nagkalat na dahon sa harapan ng kanilang bahay. Ang ilang mga kalalakihan ay tinatanggal ang mga nagkalat na sanga sa kalsada upang huwag maging sagabal sa mga nagdaraan at maging malinis ang paligid. Maririnig din ang tawanan at malakas na kuwentuhan ng mga tao habang naglilini

DMCA.com Protection Status