Nang marinig ito, agad na nanlamig ang mukha ni Lyxus at napatitig siya kay Eva.
"Sinabi ko na sayo ayoko makasal. Kung hindi mo kaya yon, hindi ka na dapat pumayag una palang."
"Kase itong relasyon na dapat sa pagitan ng dalawang tao lang, ngayon naging tatlo na." Bahagyang namumula ang mata ni Eva
"She's not a threat to you."
Napangiti si Eva sa sarili.
"Tumawag siya sayo para hilingin sayo na iwan ako at wala kang pake kahit katiting kung mabuhay o mamatay man ako. Sabihin mo sakin, Lyxus, ano nga ba ang kahulugan ng tinatawag mong threat?"
"Eva, Dahil lang sa nireregla ka na masakit puson mo sapat na yon para manggulo ka?" Napuno ng galit ang mga mata ni Lyxus
"Paano kung sabihin kong buntis ako?"
"Wag mong subukan idahilan ang bata. I always do a good job pagdating sa paggamit ng proteksyon!"
Malamig ang boses ng binata at walang kahit anong pag-aalinlangan.
Sa isip-isip ni Eva, 'Kung ang bata ay nandyan parin, kakaladkarin ako nito para lamang mawala and dinadala ko'
Ang huling butil ng pantasya ni Eva ay nawala sa puso niya at tuluyan nang nadurog.
Naikuyom niya ang palad ng sobrang higpit at hindi man lang nakaramdam ng kahit anong sakit kahit pa ang kuko nito ay bumabaon na sa balat niya.
Nagtaas noo siya at ngumiti ng mapait.
"Minsan mo nang sinabi sakin na ang tanging pag-uusapan natin ay tungkol lang sa nararamdaman natin at hindi sa kasal. Kung isang araw isa satin mapagod na sa isa, pwede na tayong maghiwalay nang maayos. Lyxus, pagod nako sayo, maghiwalay na tayo!" Direkta niyang sinabi at walang pag-aalinlangan.
Ngunit walang nakakaalam na sa mga oras na yon ay nagdurugo ang puso niya.
Ang mga ugat naman sa likod ng mga kamay ni Lyxus ay nagsilabasan at napatitig siya maigi kay Eva.
"Alam mo ba kung anong kahihinatnan ng sinasabi mo?"
"Alam kong magagalit ka pag sinabi ko to, pero Lyxus, pagod nako. Ayoko ng pagmamahal sa pagitan ng tatlong tao."
Kung dati, masyado siyang idealistic at laging akala niya na hangga't mahal ng dalawang tao ang isa't isa, hindi mahalaga kung maikasal sila o hindi, ngunit nagkakamali siya, dahil ang puso ni Lyxus ay kailanman hindi naging sa kanya.
Hinablot ni Lyxus ang baba ni Eva.
"Gusto mong pilitin akong magpakasal sa gantong paraan? Eva, namaliit ba kita o sadyang masyado ka lang makasarili?"
"Kahit anong isipin mo, aalis nako dito ngayon." Puno ng pagkabigo na tinignan ni Eva ang binata
Matapos niyang sabihin iyon, tumayo siya sa higaan at akmang aalis, pero hinila siya ni Lyxus pabalik sa mga bisig nito.
Ang basa at mainit nitong mga labi ay kinagat ang kanyang labi.
Ang malalim, mala-magnet nitong boses ay may dalang lamig.
"Pagtapos mong makipaghiwalay sakin, hindi ka ba natatakot na babalik sa dati ang pamilya Tuason? Yun ang ipinagpalit mo sa tatlong taon ng pagkabata mo diba."
Sumabog bigla ang utak ni Eva at di makapaniwalang nanlaki ang mga mata
"Anong ibig mong sabihin sa tatlong taon ng pagkabata ko? Ipaliwanag mo!"
Ang malalamig na daliri ni Lyxus ay diniinan ang marka sa gilid ng labi ng dalaga, may panunuya sa ngiti sa labi nito.
"You set me up para iligtas ka, at ikaw ang kusang loob na sundin ang mga kundisyon ko kahit hindi tayo magpakasal. Kung hindi lang para tulungan ang ama mo iligtas ang pamilya niyo, sa tingin mo may iba pang rason para maniwala pa ako sayo?"
Tatlong taon ang nakaraan, ang pamilya Tuason ay dumaan sa isang unprecedented economic crisis.
Simula ng i-date siya ni Lyxus, nagdala ito ng maraming negosyo sa pamilya nila na nakatulong sa kanila para makaalis sa panahon ng kagipitan.
Akala ng dalaga sa mga panahon na yon ay gusto siya ni Lyxus, kaya sobrang gusto nitong tulungan ang pamilya niya.
"Kung ganon lahat ng pinakita mong kabaitan sakin sa nakalipas na tatlong taon was just a casual act, wala kang kahit anong nararamdaman?" Nanginginig ang labi na nagtanong si Eva
Sobrang nagalit si Lyxus sa mga salita na lumabas sa bibig ni Eva na pati ang mga ugat nito sa noo ay namimintig.
"Sa tingin mo seseryosohin ko tong laro na to, na katuwaan lang?" tanong nito at nagngangalit ang mga ngipin sa galit
Ang mga katagang yon ay tumarak sa puso ni Eva.
Tinuon niya ang tatlong taon niyang pagmamahal sa lalaki, ngunit tinuring lamang ito ni Lyxus bilang hubad na transaction ng pera at sex.
Siya lamang ang tangang nag-akala na minahal siya ng binata.
Nang maisip nito, pakiramdam ni Eva ang bawat pulgada ng balat niya ay parang nilalapa ng aso.
Ang kalungkutan sa mga mata nito ay unti-unting napalitan ng lamig.
"Sapat na siguro ang tatlong taon ng pagkabata ko para mabayaran ang kabaitan mo Mr. Villanueva. Ngayon patas na tayo. Simula ngayon, maghihiwalay na tayo at mamumuhay ng matiwasay!"
Napatitig si Lyxus sa pasaway na si Eva at ang galit sa mga mata nito ay patindi nang patindi.
"Eva, bibigyan kita ng isang gabi para pag-isipan ito ng maigi lahat ng sinabi mo, tsaka mo ko sabihan!"
Tumalikod na ang binata at umalis na may malamig na aura habang si Eva ay naiwan na nakabaluktot mag-isa sa kama. Ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan ay tumulo na sa mga pisngi niya ng hindi namamalayan.
Ang pitong taon pala niyang pagmamahal at tatlong taon na masusing pag-aalaga ay isa lamang kahihiyan na transaksyon sa mga mata ni Lyxus.
Ang relasyon sa pagitan nilang dalawa, kung sino ang unang mahuhulog siya ang unang talo.
Ano pa at, nauna siyang mahulog kay Lyxus ng apat na taon sa kanya. Natalo siya nang sobra at ito ay kakila-kilabot na tanawin.
Matapos ang pagiging malungkot, nag-empake na si Eva at umalis ng walang lingon-lingon.
**
Sa kabilang banda.
Ang itim na cullinan ay dumaan sa tahimik na mga lansangan na para bang kidlat. Ang tanging naiisip ni Lyxus ay ang matapang na mukha ni Eva nang sinabi nitong "maghiwalay na tayo".
Sa isip-isip ni Lyxus, 'Dahil lamang sa hindi ko siya sinamahan nung kaarawan niya, dahil lang sa selos. Makikipaghiwalay siya sakin? Parang mas kailangan niya kontrolin ang init ng ulo niya.'
Sa sobrang galit ni Lyxus ay napunit na niya ang kurbata at itinapon iyon sa backseat.
Ang telepono nito ay makailang beses nang tumunog bago niya sinagot ang tawag.
"Bakit?"
Isang mala-bohemian na boses ang maririnig mula sa kabilang linya.
"Anong ginagawa mo? Ang tagal mong sagutin ang telepono mo."
"I'm driving!"
"Anong sasakyan ba ang minamaneho mo? Si Secretary Tuason ba? Nakaistorbo ba ako?" May panunukso ang tawa ng kaibigan niya na si Felix Santos
"Okay ka na?"
"Hindi, nagtatanong lang naman ako, Gusto mo pumunta sa Bank Bar? Lilibre ka ni Leon."
Pagkalipas ng sampung minuto ay nakarating agad si Lyxus sa Bank Bar. Agad siyang inabutan ni Felix ang isang kopita ng wine at tumingin dito habang nakangisi.
"Lalaglag na sa sahig yung pagmumukha mo. Ano ba nangyari? Nakipaghiwalay ka ba kay Eva?"
"Hindi ka pa ba nakakita ng mga young couples na nag-aaway para mapabuti yung relasyon nila?" Napatingin si Lyxus ng malamig sa kaibigan
"Ah! Nahulog ka na sa kanya habang tumatagal?"
Sinadyang binigyang-diin ni Felix ang tono nito sa iba pang sasabihin nito, ang mga ngiti nito ay may bahid ng hindi mapigil na pang-aasar.
"Get lost!" Sinipa ni Lyxus ang kaibigan
"Okay, aalis nalang ako, pero wag mo ko sisisihin na hindi kita pinaalalahanan. Kung gusto mo si Eva, maglagay ka ng malinaw na linya sa pagitan mo at ni Lea. Wag kang tumakbo sa kanya porket tinawagan ka niya. Wag kang pupunta sakin na umiiyak pag nawala sayo ang asawa mo."
"Sinabihan ko na nga siya na wala dapat siyang ikatakot kay Lea, pero di niya yon pinaniwalaan." Napasimangot si Lyxus
"Walang babaeng maniniwala dun. Baliw, Si Lea ang childhood sweetheart mo. Engaged na kayo simula bata palang kayo. Nakakita ka na ba ng babae na kayang magparaya sa lalaking laging tumatakbo pabalik sa kasintahan niya sa pagkabata?”
Naglabas si Lyxus ng isang sigarilyo sa kaha, ibinaba niya ang ulo para sindihan ito, at mahaba at manipis ibinuga ang usok.
Ang mga tinta ng mata nito ay padilim ng padilim.
"Siya at ako..." Bago pa niya matapos ang mga sasabihin, bumukas ang pinto ng pribadong kwarto.
Dumating si Leon Evangelista na kakapit-bisig si Lea.
"Pasensya na, hindi kasi maganda ang mood ni Lea ngayon. Sana okay lang sa inyo kung isasama ko siya sakin."
Napatingin si Felix kay Lyxus, na may madilim na mukha, at awkward na ngumiti.
"Paano naman mangyayaring hindi? Ang kapatid mo ay kapatid ko na rin. Lea, tara maupo ka sa tabi ni kuya Felix."
"Nakatapat ka sa aircon, masyadong malamig syan. Dito nalang ako uupo." Mahinhin na ngumiti ang malainosente na si Lea at walang makawari kung ano ang iniisip nito
Matapos sabihin iyon, naupo siya sa tabi ni Lyxus.
Naglabas siya ng isang maliit na kahon galing sa kanyang bag at nilapag iyon sa harap ni Lyxus.
"Kuya Lyxus, nung nakaraan kinaligtaan mo ang kaarawan ng nobya mo dahil niligtas mo ko, hindi naman siya galit sayo, diba?"
"Hindi,” kalmadong sumagot si Lyxus.
"Mabuti naman. Eto yung lipstick na ibibigay ko sa kanya bilang pag hingi ng tawad. Kung meron man siyang hindi pagkakaunawaan sayo, pwedeng ako mismo mag paliwanag sa kanya.
Tumanggi si Lyxus ng hindi ito tinitignan.
"Hindi na kailangan."
Nang marinig ito, ang mga mata ni Lea ay biglang namula.
"Kuya Lyxus, sinisisi mo ba ako sa laging pag istorbo ko sayo? Kahit ayoko naman. Sadyang pag may sakit ako, di ko mapigilan ang sarili ko na tawagan ka."
Matapos sabihin yon, ang malalaking patak ng luha ay tumulo sa mga pisngi nito.
Nakakunot ang noo na napatingin sa kanya si Lyxus.
Nilagay niya sa bulsa ang lipstick. "Kukunin ko to para sa kanya,” bulong ng binata.
Biglang nagbago ang mood ni Lea mula sa malungkot naging masayahin, at ngumiti siya tsaka nagsalin ng isang kopita ng wine para kay Lyxus.
"Kuya Lyxus, subukan mo tong wine. Dinala to ni kuya galing sa isang auction sa ibang bansa. Galing ito sa 1982."
Nang iabot niya ang kopita ng wine kay Lyxus, ang mga daliri nito ay hindi sinasadyang nahawakan ang bisig ng binata.
Agad na umiwas si Lyxus at idiniin ang sigarilyong nasa bibig sa ashtray.
"Iwan mo lang dyan,” sabi niya.
Nang makita ni Lea ang pagtanggi ng binata sa kanya, may bahid ng lamig sa mga mata nito. Pero kaagad na bumalik naman ang binata sa magandang pag-uugali at matinong itsura.
"Hindi ko pa nakikilala ang nobya ko. Dalhin mo siya dito minsan para makasama naman namin siya." Pinakalansing ni Leon ang kopitang hawak kay Lyxus
"Hindi pa siguro sa ngayon pre, nagtalo yung dalawa." Napangisi si Felix
"Kung gusto niyo magaway, edi magaway kayo, pero suyuin mo. Ayos lang yan,” Napatingin si Leon kay Lyxus na madilim ang mukha
“Huwag mong gayahin yung asawa nung babaeng niligtas ko nung nakaraang araw. Nakunan siya tsaka dinugo ng matindi at mamatay na dapat siya. Tinawagan ko yung asawa pero di siya sumasagot. Narinig ko na nasa ibang babae siya." Nakangisi nitong sinabi
Humigpit ang kapit ni Lyxus sa kopitang hawak at para bang sinasaksak ang puso niya sa mga oras na yon.Yung araw na sinubukan ni Lea magpakamatay, tumawag din sa kanya si Eva ng ilang beses dahil masakit ang puson nito marahil dahil sa nireregla ang dalaga. Sinagot niya ang tawag sa una, pero nagalit siya at pinatay ang tawag.Hindi naman siguro makikipaghiwalay ang dalaga dahil dito, hindi ba?Nagbaba si Lyxus ng tingin at nakinig kay Leon at Felix's sa pang-aabuso ng verbal sa asawa ng babaeng nasa kwento ni Leon. Hindi rin niya naramdaman ang sigarilyong hawak na nasusunog na sa mga daliri niya.Hindi makapakali ang binata buong gabi.Kung dati, pag hindi siya umuwi ng gantong oras, tumawag na sa kanya si Eva dahil sa pag-aalala. Subalit, ngayon ay lagpas ala una na ng umaga pero hindi parin siya nakakatanggap ng kahit isang mensahe.Nagkaroon agad ang binata ng masamang kutob.Agad na itinapon niya ang sigarilyo, kinuha ang telepono at umalis. Nang makalabas siya sa bar, nakakita
Ang halik ni Lyxus ay naging malakas at mapagmalabis, hindi nito binigyan si Eva ng tyansa para makatakas. Idiniin niya ang dalaga sa lamesa, hawak ang baba nito sa isang kamay at mahigpit ang kapit sa bewang nito gamit ang isa.Ang malambot at matamis na haplos nito ay nagpabuhay ng bawat ugat sa katawan ng binata. Ang halimaw na nakakulong sa loob ng katawan ni Lyxus ay patuloy sa kagustuhang makawala mula sa kulungan at sinusubukan makalabas.Nung mga panahon na nagsasama pa sila ni Eva, maayos ang lahat. Kahit ano pa man ang hilingin niya, ibinibigay iyon ng dalaga kahit pa minsan sa sobrang pagod na nararamdaman nito ay hinihimatay ito pero walang kahit anong angal na maririnig mula sa dalaga.Pero ngayon ang babaeng nasa mga bisig niya ay masyadong matigas ang ulo at desperadong makawala. Ang mga mainit-init na mga luha nito ay nagsimula nang umanod sa gilid ng mga mata nito.Tumigil si Lyxus. Ang mga daliri nito ay maingat na pinunasan ang luha sa mga mata ni Eva."Eva, ang laro
Mabilis ang kilos ni Eva at umiwas patagilid, pero ang ilang patak ng kape ay tumalsik sa paa niya. Napasinghap siya sa sakit.Nang dapat na makikipagtalo siya kay Lea, tumingala siya at nakita si Lea na babasagin ang glass cabinet sa likot nito. Nang makakutob, inabot niya ito at hinila pero nakawala si Lea.*crash*Nasira ng braso ni Lea ang salamin. Nag-uunahan pababa ang dugo sa braso nito at papunta sa sahig at sa mga oras na yon, ang malamig na boses ni Lyxus ay narinig niya sa likuran."Eva, Anong ginagawa mo!?"Ang matangkad at deretsong katawan ni Lyxus ay dali-daling tumabi kay Lea. Ang malalim na mga mata nito ay padilim nang padilim."Kamusta kana?"Mayroong dalawang linya ng mainig na luha sa maputla at maliit na mukha ni Lea, at ang gilid ng bibig nito ay nanginginig."Kuya Lyxus, kasalanan ko lahat. Hindi ko sinasadya tapunan ng kape si Secretary Tuason, at akala niya sinadya ko gawin yon, kaya tinulak niya ako. Wag mo siya sisihin, okay?"Nang marinig ito, agad na nan
Nanigas ang mata ni Lyxus. Tumingin siya kay Eva nang malamig."Kung ayaw mong mamatay, pwede mo subukan."May bahid ng ngisi ang lumabas sa delicate na mukha ni Eva: "Bakit sa tingin mo di ko pa nasubukan? What if I just lost 2000cc of blood, hahayaan mo parin ba akong magdonate sa kanya?""Eva, wala ka sa katwiran. Ang maximum na dami ng blood loss pag nagkakaregla ay 60cc lang. Kung gusto mong gumawa ng excuse, gawin mo namang makatwiran."Napangiti ng mapait si Eva. Malinaw ang pagkakasabi niya, pero hindi siya naniwala.Kung may pake lamang ito kahit konti sa kanya, magtatanong ito sa kanya. Kahit pa konti lang ang alam nito sa kanya, alam niya dapat na hindi siya ganoong kalse ng tao na tutunganga lang at manonood sa taong nangangailangan.Ito ang pagkakaiba ng mahal at hindi mahal. Sa maliit na sugat ni Lea nataranta agad siya at hindi man lang nito napansin na dumaan siya sa mapanganib na operasyon ng abortion.Nang maramdaman ni Eva ang pagkabigo, nakita niya ang lalake sa ha
Nang idinilat ni Eva ang mata at nakita ang pamilyar na mukha, tila nabunutan siya ng tinik. Hinawakan ng mahigpit ang damit ng lalake gamit ang dalawang kamay, at nanghihinang sinabi, "Kuya, ilayo mo ko dito."Ayaw niyang makita siya ni Lyxus sa ganoong estado ng kahihiyan. Ayaw niyang makita na kinakaawaan siya nito. Wala siyang kahit na anong gusto, gusto niya lang makaalis dito sa lalong madaling panahon.Kinakabahang napatingin si Jaze sa kanya: "Paano ka babalik ng ganto? Dadalhin kita sa doktor.""Hindi, Kuya! Gusto ko lang magdonate ng dugo at medyo nalula lang ako. Iuwi mo nalang ako."Mayroong bahid ng sakit sa marahan na tingin ni Jaze. Yumuko ito at binuhat si Eva patagilid.Bumulong ito ng kalmado: "Wag kang matakot, Ilalayo kita."Nang humabol si Lyxus, nakita niya siya Eva karga papunta sa kotse ng isang lalake. Nakatingin ito sa dalaga na puno ng sakit at awa sa mata nito. Kinuyom ni Lyxus ang kamay sa sobrang galit. Ang mata niya ay dumilim habang pinapanood niya a
Sa sobrang lakas ng boses ni Lea ay malinaw na narinig ni Eva ito pati na rin ang nakakadurog ng puso na sinabi ni Lyxus ngayon lang. Pakiramdam ni Eva na ang pitong taon na pagmamahal niya ay nasayang lang.Tumingin siya ng malamig kay Lyxus, "Kakakausap ko lang kay Honey De Guzman na tulungan niya ako i-record ang video, at hindi ko siya sinabihan na burahin iyon."Walang emosyon na tumingin sa kanya si Lyxus: "Lahat ng ebidensya ay nandito, gusto mo parin umiwas sa usapan?"Ngumiti si Eva na parang may lungkot.Bakit ba siya nagpapaliwanag dito? Umaasa ba siyang paniniwalaan siya ni Lyxus?Tuwing may nangyayari na may kinalaman si Lea, kahit anong mangyari ay kakampihan ito ni Lyxus.Tinikom ni Eva ng mahigpit ang labi, sinusubukan nito pakalmahin ang sarili."Kung ganon, magbukas tayo ng case para sa imbestigasyon. Walang kahit na sino ang magpapaamin sakin sa bagay na hindi ko ginawa. Kahit pa ibig sabihin non ay mawala sakin ang pamilya Tuason. Lilinisin ko ang pangalan ko."Pal
"Anong sinabi mo? Ikaw ang nagtulak sakin kay Lyxus dati?"Malamig na natawa ang matandang ginang."Kung hindi, sa tingin mo ba isang bayani na nagliligtas lang ng maganda si Lyxus? Ni hindi mo nga ginamit ang utak mo para maisip yon. Paanong ang isang katulad ni si Lyxus Villanueva ay tatakbo papunta sa isang liblib na eskinita nang walang rason? Kung hindi kami gumawa ng kuya mo ng bitag para maloko siya na pumunta, hindi mo mararanasan mamuhay ng marangya sa nakalipas na tatlong taon. Pero hindi ka nakuntento at gusto mo pang umakyat sa posisyon bilang Mrs. Villanueva. Hindi mo ba naisip? Na may walang hiya kang ina, Sinong mayaman na pamilya sa buong Maynila ang maglalakas loob na pakasalan ka? Kahit anong mangyari dapat bumalik ka kay Lyxus, kung hindi, sasabihin ko lahat sayo tungkol sa ina mo."Nagngingitngit ang ginang habang sinasabi ito. Para bang hindi kadugo ang turing nito sa kay Eva.Ang dugo sa noo ni Eva ay umagos pababa sa pisngi at papunta sa bibig nito. Agad na kuma
Hindi na nag-isip si Eva at sumagot, "Maliban dito, kaya kong ipangako sayo ang lahat."Pinisil ni Lyxus ang baba niya at mahinang tumawa: "Pero ito lang ang gusto ko.""Lyxus, kahit pa sa tingin mo nagdadahilan lang ako para mapalapit sayo, Inalagaan na kita ng mabuti sa nakaraang tatlong taon. Wala akong kahit na anong utang sayo. Walang rason para hindi mo ko bitawan."Napatingin si Lyxus sa pasaway na tingin ni Eva at ang madaldal nitong bibig at sa manganinag na dibdib nito. Hindi niya mapigilan na lumunok ng ilang beses.Niayakap niya si Eva paupo sa hita niya, isinandal ang baba sa balikat ng dalaga, at sinabi sa namamaos na boses: "Kung ganon sabihin mo sakin ang detalye, paano mo ko inalagaan?"Ang malalim, malamagnet na boses nito ay nagpapangilabot sa anit ni Eva, at ang malaki nitong kamay ay gumapang sa damit ni Eva.Gusto ni Eva na makawala pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Lyxus. Sa desperasyon, ibinaba niya ang ulo at kinagat ang binata sa balikat.Lahat ng sa
Ito ang unang beses na opisyal na nagkita sila ni Lyxus simula nang maghiwalay sila.Akala niya ay magiging kalmado siya ngunit sa sandaling makita niya ang binata, nakaramdam siya ng pait sa puso niya."Alexander! Yung tarantadong yon nagsinungaling sakin. Sabi niya hindi nagpaparticipate si Lyxus sa mga ganitong aktibidad kaya pinakiusapan kitang pumunta." Si Jean na nasa tabi niya ay hindi masaya"Hayaan mo na, pare-parehas naman tayong nasa iisang syudad, magkikita talaga kami sooner or later." Mahinang napangiti si Eva"Wag ka mag-alala, gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi siya makalapit sayo."Matapos sabihin iyon, hinatak nito si Eva at aalis na sana."Aalis ka kagad Mrs. Ayala matapos mo ko makitang papalapit? Hindi ba ako welcome dito?" Ang malamig na boses ni Lyxus ay maririnig mula sa likuranPasikretong nagngalit ang ngipin ni Jean tsaka lumingon at nahihiyang ngumiti"Mr. Villanueva, pasensya na hindi kita nalapitan para batiin." Magalang na sabi nitoKalmadong pin
Nang marinig ito, ang ingay mula sa kusina ay biglang tumigil na para bang nagdadalawang isip ang dalaga kung paano sasagutin ito.Napangisi si Lyxus, "Sa tingin mo ba papatawarin kita pag bumalik ka, tabihan ako at lutuan ako ng almusal? Masyado naman mataas ang kumpyansa mo sa sarili!"Matapos sabihin iyon, tinulak na ni Lyxus ang pinto.Nang isasandal na sana ni Lyxus si Eva sa countertop at balak parusahan ito, nakita niya ang mukha ni Lexie na ikinagulat niya."Bakit ka nandito?"Tinapik ni Lexie ang mukha ni Lyxus gamit ang sandok at nakangiting sinabi, "Lasing ka pa siguro. Anong klaseng erotic dream nanaman ba ang naiisip mo? Ang aga-aga."Dahil sa pang-lilibak ng sariling kapatid, hindi maiwasan na mayamot ni Lyxus."Bakit ka ba nandito sa bahay ko?""Talagang nagtanong ka pa? Kung hindi dahil sakin, tapos na ang masasayang araw mo!""Asan si Eva?"Nang-asar naman si Lexie, "Asan ka Eva? Ayokong guluhin ako neto.""Imposible, malinaw ang alaala ko na siya ang naghatid sakin p
"Pakitawagan nalang po si Assistant Cloud Doctor Santos. Pagod na si Mr. Villanueva sakin at baka ayaw na rin niya ulit makita ako. Kung wala na, papatayin ko na ang tawag."Agad na sinabi ni Felix, "Eva, ikaw ba at si Lyxus, gusto nito talaga maghiwalay ng malinis? Hindi naman masama na maging magkaibigan nalang kayo."Napangiti ng mahina si Eva: "Doctor Santos, bilang isang ibon, hindi ka dapat magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa nag-aalaga sayo. May kailangan pa akong tapusin kaya mauuna nako."Malutong ang pagkakasabi nito at walang kahit na anong pag-aalinlangan.Pinatay ni Felix ang telepono at hindi mapigilan na magmura, "Dapat lang sayo yon, tarantado ka kase! Kasalanan mo lahat. Kung mas naging mabait ka lang kay Eva, hindi siya magiging kawalang puso sayo."Masakit ang dibdib ni Lyxus pero nanatiling kalmado ang mukha nito.Ang pinapahiwatig nito ay walang pagkakakilanlan."Paanong ang spoiled na yon ay kayang tumayo sa harap ng malakas na hangin at alon sa labas? Pag n
Makalipas ang ilang araw.Kakatapos lang topakin ni Lyxus sa mga top executives ng iba't ibang departamento sa meeting at paglabas ng lahat sa conference room ay parang bagong laya.Tahimik nilang pinagchichismisan: "Ano kayang problema kay Mr. Villanueva? Lahat nalang hindi sapat sa kanya. Nung nakaraan pinuri niya yung plan ko, Tapos ngayon pinapagalitan ako."Isa sa kanila ang may naalala at napangisi, "Sino ba ang huling tao na nagpatawag ng meeting katabi ni Mr. Villanueva?""Si Secretary Tuason.""Tama! Sawi ang presidente natin! Bilang katrabaho niya kailangan natin intindihin siya."Ilang mga tao pa ang nagsalita habang naglalakad pabalik sa mga pwesto nila, lingid sa kaalaman nila ay nasa likod si Lyxus nakasunod sa kanila.Pumasok sa opisina si Lyxus na may malamig na tingin at dumating naman si Lea na may bitbit na isang tasang kape.May matamis na ngiti ang dalaga sa mukha at sinabi, "Kuya Lyxus, ipinagtimpla kita ng kape. Tikman mo."Mahinang sumagot ng 'hmm' si Lyxus, ki
Nagtaas ng tingin si Lyxus at malalim ang mata na tinitigan si Eva. Gusto niyang makita ang sakit at pag-aatubili sa mukha ng dalaga. Gusto niyang marinig ang paglapit nito sa kanya at humingi ng tawad.Pero ang narinig niya ay..."Boss Lyxus, naipadala ko na ang resignation report sayo at sa HR director. Kailangan mo lang aprubahan ito sa system. Tungkol naman sa pagpasa ko ng gawain, nai-ayos ko na po lahat at pinadala ko na kay Assistant Dizon. Kung may katanungan siya, pwede naman siya lumapit sakin."Hindi lamang walang kahit anong sakit sa mukha ni Eva pero may ngiti ito sa gilid ng labi nito at nakatingin sa kanya na may kalma sa mata.Nagngalit ang ngipin ni Lyxus sa galit.Mahina itong napangisi: "Sa tingin mo walang makakaya ng trabaho na to bukod sayo? Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo."Mahinang ngumiti si Eva: "Hindi naman, puno ang Villanueva group ng magagaling na tao. Gusto ko lang maging magalang. Sino nga ba gugustuhin tanungin ng dating kompanya pagta
Tinitigan ni Lyxus ang magulong itsura ni Jaze at nanggigigil na nagsalita, "Sa tingin mo ba Jaze hindi ako maglalakas loob na galawin ka dahil may suporta ka ng ama mo?"Matapos sabihin iyon, bago pa makapagreact si Jaze ay parang isang matapang na hayop si Lyxus na idiniin ang binata sa simento at pinagsusuntok ito.Ang utak ni Lyxus ay puno ng imahe ni Eva na nakahiga sa kama na nakasuot ng pantulog at may namumulang mukha. Basa ang buhok nito at pati ang maputi nitong leeg ay namumula.Paanong hindi pa niya nakitang ganito si Eva? She was his woman pero ngayon ay nakahiga ito sa kama ng ibang lalake. Paano lulunukin si Lyxus ang galit nito?Ang suntok nito ay mas pabigat ng pabigat bawat bagsak at nag-iiwan kay Jaze ng walang pagkakataon na gumanti.Nang bigla, isang nanghihina na boses ang nadinig ng tenga nito."Lyxus, itigil mo yan!"Ang mga katagang ito ay dapat na masasakit na salita pero ang pagkakabigkas ni Eva ay masyadong mahina dahil na rin sa pisikal na panghihina niya.
Dinala ni Jaze si Eva sa isang psychiatrist at matapos ang ilang examination, napag-alaman na si Eva ay dumaranas ng matinding depresyon.Ang dahilan ng sakit na ito ay isang sagot sa stress na mayroon ang dalaga. Makita ang mga tao na hindi niya na dapat makita pa.Nang maisip ni Jaze ang pinagdaanan ni Eva, kaagad na nanubig ang mata nito. Inilabas niya ang telepono at may tinawagan na numero."Kuya Link, tulungan mo ko hanapin ang babae na nagngangalang Jam Ignacio."Dalawang oras ang nagdaan, nakaharap ni Jaze si Jam.Ang kamay at paa nito ay nakatali at may itim itong bandana na nakatakip sa mata nito. Paulit-ulit itong nagmumura.Nakatayo lang sa gilid si Jaze, naninigarilyo at tahimik na pinagmamasdan ito.Dahil sa babaeng ito ay matindi ang pinagdaanan ni Eva ng ilang taon. Ito rin ang dahilan kung bakit naisipan ni Eva na magpakamatay ng ilang beses.Gaano ba kasama ang babae na ito na pipilitin niya ang sariling anak mapunta sa pagkawalang pag-asa at hindi man lang nagpakita
Nang makita ang dalaga na papalapit, bahagyang umurong palayo si Jam na may nakakatakot na ngiti sa mukha."Ibigay mo sakin ang natitirang pera na hinihingi ko o tatalon ako mula dito pero bago ako tumalon, ipopost ko to sa internet. Sasabihin ko na tinanggal ako ni Lyxus nang walang dahilan para pigilan akong makalapit sa iniibig niya na tumalon ako sa gusali na to dahil nawalan ako ng trabaho at sobra akong nadepress.""Sa tingin mo Eva, ang insidente kaya ngayon sa selebrasyon ngayon ay magkakaroon ng malaking epekto kay Lyxus? Kung ayaw mong mangyari to, ihanda mo nalang ang pera para sakin dahil kung hindi, ikaw ang magdadala ng kahihinatnan nito."Habang nagsasalita ito ay pinakita nito ang kopya na matagal na nitong ginawa. Sa ibabaw ng sulat ay mga imahe at nagpapahiwatig ng isang napakanakakahabag na sitwasyon.Alam ni Eva na pag ang bagay na ito ay nalaman nv media, ito ang magiging walang katapusang usap-usapan. Dagdag pa dito, anniversary celebration ngayon ng Villanueva G
Natulala si Eva ng ilang sandali at tumingala kay Lyxus."Anong sinabi mo?"Pinisil ni Lyxus ang pisngi niya at nagbiro, "Syempre ipapadala ko ang mga gamit mo sa opisina mo or ipadala ko sakin?"Any mga sinabi ng binata ay agad na nagpapula sa mata ni Lea."Kuya Lyxus, hindi mo man lang ba ipapasukat sakin?"Nagtaas ng kilay si Lyxus at tumingin dito, sabay kaswal na sinabi, "Itong damit na ito hindi babagay sayo. Tumingin ka nalang ng iba at ako na magbabayad."Matapos sabihin iyon, inakbayan ng binata si Eva at bumaba nang hindi hinihintay ang reaksyon ni Lea.Nakatingin lang si Lea sa likod ng dalawa at nagsimulang umiyak sa pighati."Tita, Hindi naman gugustuhin ni Kuya Lyxus maging babaeng kaparehas si Secretary Tuason diba? Ano na kailangan kong gawin ngayon?"Pinunasan ni Mrs. Villanueva and luha nito at sinuyo, "Wag ka mag-alala, ang posisyon bilang batang Madam ng pamilya Villanueva ay para sayo lang. Ayusin mo dapat ang sarili mo sa darating na pagtitipon at panigurado maki