Mabilis ang kilos ni Eva at umiwas patagilid, pero ang ilang patak ng kape ay tumalsik sa paa niya.
Napasinghap siya sa sakit.
Nang dapat na makikipagtalo siya kay Lea, tumingala siya at nakita si Lea na babasagin ang glass cabinet sa likot nito. Nang makakutob, inabot niya ito at hinila pero nakawala si Lea.
*crash*
Nasira ng braso ni Lea ang salamin. Nag-uunahan pababa ang dugo sa braso nito at papunta sa sahig at sa mga oras na yon, ang malamig na boses ni Lyxus ay narinig niya sa likuran.
"Eva, Anong ginagawa mo!?"
Ang matangkad at deretsong katawan ni Lyxus ay dali-daling tumabi kay Lea. Ang malalim na mga mata nito ay padilim nang padilim.
"Kamusta kana?"
Mayroong dalawang linya ng mainig na luha sa maputla at maliit na mukha ni Lea, at ang gilid ng bibig nito ay nanginginig.
"Kuya Lyxus, kasalanan ko lahat. Hindi ko sinasadya tapunan ng kape si Secretary Tuason, at akala niya sinadya ko gawin yon, kaya tinulak niya ako. Wag mo siya sisihin, okay?"
Nang marinig ito, agad na nanlaki ang mata ni Eva. Hindi niya akalain na gagamitin ni Lea ang torture trick para i-frame siya.
Agad siyang nagpaliwanag: "Hindi ko siya tinulak, tumumba siya ng sarili niya."
Ang malamig na mata ni Lyxus ay mabilis siyang pinasadahan ng tingin. Ang madilim na mata nito ay nanatili nang ilang segundo sa paso sa likod ng paa nito.
Nawala agad yon.
At malamig na sinabi: "Maghaharap tayo pagbalik ko!"
Matapos sabihin iyon, nagmamadali itong lumabas kasama si Lea. Napatingin si Eva sa likod ng mga ito, merong hindi maipaliwanag na sakit sa mukha ng dalaga.
Ito ang lalaking minahal niya sa loob ng pitong taon. Sa pagitan niya at ni Lea, hinding-hindi niya pipiliin na paniwalaan ito.
Agad na kumalma si Eva at napagdesisyunan na hindi niya hahayaan si Lea na magtagumpay sa pinaplano nito. Kahit na nakipaghiwalay siya kay Lyxus, wala na siyang pake sa pakikitungo nito sa kanya pero hindi niya hahayaan ang ganitong klase ng frame-up.
Oras na nagsimula ito, mauulit parin ito.
Agad na nahanap niya ang katrabaho na si Honey De Guzman at nakiusap sa kanya na kausapin ang nobyo na nasa technical department para tulungan siya na gumawa ng kopya ng video.
Gusto niyang patunayan na inosente siya.
Matapos niya harapin ang lahat, agad na nakausad si Eva sa sitwasyon. Itinapon ang sarili sa matinding trabaho.
Wala doon si Lyxus at Cloud, at ang mga senior executives ay naghihintay na sa conference room, kaya naman kailangan niyang pamunuan ang morning meeting.
Isinulat niya ang mga balita galing sa iba't ibang departamento sa maayos na pagkakasunod-sunod. Atsaka inilabas ang ilan sa mga mahirap na proyekto sa linggong iyon para sa diskusyon.
Walang Lyxus Villanueva sa meeting, ang atmosphere ay naging mas maluwag.
Ang lahat ay pinuri si Eva sa kanyang kakayahan at nagbiro na simula ng siya at si Lyxus ay gumagana ng maayos pag magkasama, napag-isip nila na pwede siyang maging boss lady nila.
Mahinang napangiti si Eva bilang sagot sa mga papuri ng lahat.
"Magkatrabaho lang kami, pakiusap wag kayo mag-assume. Tsaka, malapit na rin ako..." umalis sa trabaho.
Bago pa niya matapos ang mga sasabihin, ang pinto ng conference room ay sinipa pabukas. Nakatayo doon si Lyxus suot ang itim na suit, ang aura nito ay malamig at nakakatakot, parang demonyo na galing sa impyerno.
Ang mga malalim na itim na mata ay tumingin ng malamig kay Eva.
Ang meeting room na may mapayapa at nakakarelax na atmosphere ngayon lang, pero ngayon naging masikip at nakakasakal.
Ang lahat ay tumayo at sumigaw "Mr. Villanueva," ng sabay-sabay.
Hindi sumagot si Lyxus, pero naglakad ito papalapit kay Eva gamit ang mahaba nitong biyas.
Isang malamig na kamay ang kumuha sa braso ni Eva, at ang boses ay nakakatakot ang lamig.
"Sumunod ka sakin!"
Kinaladkad ni Lyxus si Eva palabas ng meeting room. Nang magbaba ito ng tingin, nakita nito ang ilang halatang pamumula at pamamaga sa maputi at makinis na paa ng dalaga.
Pagalit na sinabi ng binata: "Napaka-tanga mo!"
Matapos sabihin iyon, yumuko ito at hinawakan si Eva sa bisig nito. Nang makarating sila sa parking lot, itinulak nito ang babae papasok sa passenger seat.
Inilabas nito ang hindi pa nabubuksan na ointment galing sa storage box. Ang pilikmata nito ay bumaba at ang manipis na labi nito ay nakatikom nang mahigpit. There was a dark tide rolling in the dark eyes.
Binuksan ni Lyxus ang medicine box at piniga ang malagatas na puting paste sa maputi at mapayat nitong daliri. Atsaka marahan na pinahid ang ointment sa ibabaw ng paa ni Eva.
Mayroong hindi maipaliwanag na tingin sa pagitan ng kilay ng binata. Nang makita ang delicate na kilay ni Eva na namimilipit dahil sa sakit, at ang labi nito ay namumuti dahil sa pagkagat ng ngipin. Nakakuyom ang daliri ng mahigpit.
Ang lakas ng daliri ni Lyxus ay sobrang nanghina. Ipinahid niya sa lahat ng namumula at maga na parte. Tsaka nagtaas ng mata at tumingin kay Eva na may hindi malinaw na tingin.
Mahinang natawa ang binata at sinabi, "Napaka-tanga mo, sigurado ka bang kaya mong mabuhay nang wala ako?"
Tumayo siya at hinagis ang ointment na nasa kamay papunta sa bisig ni Eva, "Ipahid yan isang beses sa umaga at isang beses sa gabi. Wag basain sa sumunod na dalawang araw, Kung hindi magkakaroon ka peklat. Wag kang pupunta sakin na umiiyak."
Ibinaba ni Eva ang kilay, at walang emosyon sa boses nito: "Malalaman natin kung kaya natin mabuhay kung susubukan natin."
Napatingin si Lyxus sa pasaway na maliit na mukha nito at napasinghal sa galit.
"Eva, kung gusto mong magalit, magalit ka lang. Bakit kailangan mo pang idamay si Lea? Di mo ba alam na may depression siya? Sinabi ko na sayo na hindi siya banta sayo. Bakit ba ayaw mong paniwalaan yon?"
Ang pasasalamat na sumiklab sa puso ni Eva ay agad na napawi, at tumingin siya kay Lyxus nang may malamig na mata.
Isang nanunuyam na ngiti ang lumitaw sa mukha nito.
"Sasabihin ko ulit ito, Lyxus, Hindi ko siya hinawakan, sinadya niyang malaglag, para lang i-frame ako. Kung di ka naniniwala sakin, pwede mong tignan ang surveillance."
Tumingala sa kanya si Lyxus at sinabi, "Hindi ako ganon ka-tanga, pero si Lea ay may coagulation disorder at may Rh-negative blood type. Maraming dugo ang nawala sa kanya at walang dugo sa blood bank. Pumunta ka at magdonate ng dugo sa kanya. Pinapangako ko na hinding hindi ka gagalawin ng pamilya Evangelista. Dito na matatapos ang usapin na to."
Kung kakaramdam lang ni Eva ng matinding sakit sa puso niya, ngayon ito ay sobrag sakit na. Ang sakit nang sobra, sobra na tipong nakalimutan niya huminga.
Gusto ni Lyxus na dalhin siya para magbigay ng dugo para kay Lea.
Kakagaling lang niya sa abortion nakaraang linggo. Bukod pa don, nag-suffer pa siya sa anemia dahil sa sobrang pagkawala ng dugo habang inooperahan, at hanggang ngayon ay umiinom siya ng gamot para makondisyon.
Napatitig si Eva kay Lyxus ng malamig at madilim, and tono nito ay nagdadala ng bihirang pagkapasaway.
"Lyxus, paano kung sabihin ko na hindi ako makakapagdonate ng dugo ngayon? Anong gagawin mo? Pipilitin mo ba akong pumunta?"
Tumingin sa kanya si Lyxus nang malamig.
"Walang problema sa medical report mo. Hindi gaano makakaapekto sa katawan mo ang magdonate ng 400cc. At saka, si Lea ang apple of the eye ni Ramon Evangelista. Kahit na responsable ka o hindi, kung kakalabanin niya ang pamilya Tuason dahil dito, kahit ako hindi makikialam."
Napangiti si Eva sa sarili.
Alam lang ni Lyxus na si Lea ang apple of her father's eye, kaya bakit hindi nalang siya?
Nang makunan siya at nawalan ng maraming dugo, hindi man lang sinagot ng binata ang telepono. Nagkaroon lang ng maliliit na hiwa si Lea, pero nagpakaba ito ng sobra sa kanya at tinakot pa siya nito gamit ang pamilya Tuason.
Totoo ba na walang panganib nang walang pagkukumpara.
Tumingin si Eva kay Lyxus na may malungkot sa mata.
"Lyxus, hindi makakasakit sa katawan ang 400cc, pero pano naman ang 2000cc?
Nanigas ang mata ni Lyxus. Tumingin siya kay Eva nang malamig."Kung ayaw mong mamatay, pwede mo subukan."May bahid ng ngisi ang lumabas sa delicate na mukha ni Eva: "Bakit sa tingin mo di ko pa nasubukan? What if I just lost 2000cc of blood, hahayaan mo parin ba akong magdonate sa kanya?""Eva, wala ka sa katwiran. Ang maximum na dami ng blood loss pag nagkakaregla ay 60cc lang. Kung gusto mong gumawa ng excuse, gawin mo namang makatwiran."Napangiti ng mapait si Eva. Malinaw ang pagkakasabi niya, pero hindi siya naniwala.Kung may pake lamang ito kahit konti sa kanya, magtatanong ito sa kanya. Kahit pa konti lang ang alam nito sa kanya, alam niya dapat na hindi siya ganoong kalse ng tao na tutunganga lang at manonood sa taong nangangailangan.Ito ang pagkakaiba ng mahal at hindi mahal. Sa maliit na sugat ni Lea nataranta agad siya at hindi man lang nito napansin na dumaan siya sa mapanganib na operasyon ng abortion.Nang maramdaman ni Eva ang pagkabigo, nakita niya ang lalake sa ha
Nang idinilat ni Eva ang mata at nakita ang pamilyar na mukha, tila nabunutan siya ng tinik. Hinawakan ng mahigpit ang damit ng lalake gamit ang dalawang kamay, at nanghihinang sinabi, "Kuya, ilayo mo ko dito."Ayaw niyang makita siya ni Lyxus sa ganoong estado ng kahihiyan. Ayaw niyang makita na kinakaawaan siya nito. Wala siyang kahit na anong gusto, gusto niya lang makaalis dito sa lalong madaling panahon.Kinakabahang napatingin si Jaze sa kanya: "Paano ka babalik ng ganto? Dadalhin kita sa doktor.""Hindi, Kuya! Gusto ko lang magdonate ng dugo at medyo nalula lang ako. Iuwi mo nalang ako."Mayroong bahid ng sakit sa marahan na tingin ni Jaze. Yumuko ito at binuhat si Eva patagilid.Bumulong ito ng kalmado: "Wag kang matakot, Ilalayo kita."Nang humabol si Lyxus, nakita niya siya Eva karga papunta sa kotse ng isang lalake. Nakatingin ito sa dalaga na puno ng sakit at awa sa mata nito. Kinuyom ni Lyxus ang kamay sa sobrang galit. Ang mata niya ay dumilim habang pinapanood niya a
Sa sobrang lakas ng boses ni Lea ay malinaw na narinig ni Eva ito pati na rin ang nakakadurog ng puso na sinabi ni Lyxus ngayon lang. Pakiramdam ni Eva na ang pitong taon na pagmamahal niya ay nasayang lang.Tumingin siya ng malamig kay Lyxus, "Kakakausap ko lang kay Honey De Guzman na tulungan niya ako i-record ang video, at hindi ko siya sinabihan na burahin iyon."Walang emosyon na tumingin sa kanya si Lyxus: "Lahat ng ebidensya ay nandito, gusto mo parin umiwas sa usapan?"Ngumiti si Eva na parang may lungkot.Bakit ba siya nagpapaliwanag dito? Umaasa ba siyang paniniwalaan siya ni Lyxus?Tuwing may nangyayari na may kinalaman si Lea, kahit anong mangyari ay kakampihan ito ni Lyxus.Tinikom ni Eva ng mahigpit ang labi, sinusubukan nito pakalmahin ang sarili."Kung ganon, magbukas tayo ng case para sa imbestigasyon. Walang kahit na sino ang magpapaamin sakin sa bagay na hindi ko ginawa. Kahit pa ibig sabihin non ay mawala sakin ang pamilya Tuason. Lilinisin ko ang pangalan ko."Pal
"Anong sinabi mo? Ikaw ang nagtulak sakin kay Lyxus dati?"Malamig na natawa ang matandang ginang."Kung hindi, sa tingin mo ba isang bayani na nagliligtas lang ng maganda si Lyxus? Ni hindi mo nga ginamit ang utak mo para maisip yon. Paanong ang isang katulad ni si Lyxus Villanueva ay tatakbo papunta sa isang liblib na eskinita nang walang rason? Kung hindi kami gumawa ng kuya mo ng bitag para maloko siya na pumunta, hindi mo mararanasan mamuhay ng marangya sa nakalipas na tatlong taon. Pero hindi ka nakuntento at gusto mo pang umakyat sa posisyon bilang Mrs. Villanueva. Hindi mo ba naisip? Na may walang hiya kang ina, Sinong mayaman na pamilya sa buong Maynila ang maglalakas loob na pakasalan ka? Kahit anong mangyari dapat bumalik ka kay Lyxus, kung hindi, sasabihin ko lahat sayo tungkol sa ina mo."Nagngingitngit ang ginang habang sinasabi ito. Para bang hindi kadugo ang turing nito sa kay Eva.Ang dugo sa noo ni Eva ay umagos pababa sa pisngi at papunta sa bibig nito. Agad na kuma
Hindi na nag-isip si Eva at sumagot, "Maliban dito, kaya kong ipangako sayo ang lahat."Pinisil ni Lyxus ang baba niya at mahinang tumawa: "Pero ito lang ang gusto ko.""Lyxus, kahit pa sa tingin mo nagdadahilan lang ako para mapalapit sayo, Inalagaan na kita ng mabuti sa nakaraang tatlong taon. Wala akong kahit na anong utang sayo. Walang rason para hindi mo ko bitawan."Napatingin si Lyxus sa pasaway na tingin ni Eva at ang madaldal nitong bibig at sa manganinag na dibdib nito. Hindi niya mapigilan na lumunok ng ilang beses.Niayakap niya si Eva paupo sa hita niya, isinandal ang baba sa balikat ng dalaga, at sinabi sa namamaos na boses: "Kung ganon sabihin mo sakin ang detalye, paano mo ko inalagaan?"Ang malalim, malamagnet na boses nito ay nagpapangilabot sa anit ni Eva, at ang malaki nitong kamay ay gumapang sa damit ni Eva.Gusto ni Eva na makawala pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Lyxus. Sa desperasyon, ibinaba niya ang ulo at kinagat ang binata sa balikat.Lahat ng sa
Nagtaas ng tingin si Eva sa binata.Ang mata nito ay malamig at medyo namumula."Pano kung sabihin ko, oo? Dadalhin ba ako ni Mr. Villanueva sa operating table para ipalaglag?Nadilim ang mata ni Lyxus habang tinititigan ng ilang minuto ang payat na muna ni Eva.Pagtapos ng mahabang panahon, nagsalita ito, "Bakit hindi mo sinabi sakin ang ganoong importanteng bagay?"Napangisi si Eva: "Sabihin ko sayo ng mas maaga, tsaka ipapalaglag ang bata ng mas maaga, tama?""Eva, pwede ba makinig ka sakin mabuti?" Pinisil ni Lyxus ang baba ng dalagaTumingin si Eva kay Lyxus na may mapulang mata, "Mr. Villanueva ikakasal ka na sa iba at magkakaanak. Kahit pa magkaroon ako ng anak, may pake ka pa ba?"Tinitigan ni Lyxus ang pasaway na mukha ni Eva at sekretong nagngangalot ang ngipin nito.Kahit pa gaano nahihirapan si Eva, hinatak nito ang braso niya at naglakad papunta sa obstetrics at gynecology operating room.Gusto ni Eva makawala, pero narinig niya ang boses ni Lyxus na hindi ito papayag sa
"Eva, Dahil lang nagalit ka at hindi kita pinansin, papalaglag mo na ang anak ko? Paanong hindi ko alam na kaya mo maging ganon kasama!"Tinitigan siya ni Eva na may namumugtong mata: "Sinabi ko na ngang Hindi! Hindi ako ang pumatay sa bata, ikaw yon!""Nakasulat na sa itim at puti, at gugustuhin mo parin makipagtalo?""Kung sasabihin ko ba na may nakialam sa mga medical records, maniniwala ka ba?"Biglang ngumisi si Lyxus, "Ang ospital na to ay pagmamay-ari namin. Pag ang isang case ay naipasok na sa database, nakalock na ito. Kahit ako hindi ko mapapalitan. Kung gusto mong magsinungaling, dapat nag-plano ka na in advance!"Niluwagan ng binata ang malaki nitong kamay at tinitigan ang pulang marka sa mala snow-white na leeg ni Eva, nakaramdam siya ng matulis na sakit sa puso niya.Tinitigan ng maputla na mukha ni Eva si Lyxus. Ito ang lalakeng minahal niya ng pitong taon at inalagaan niya ng tatlong taon. Kahit kailan at kahit anong oras hindi siya paniniwalaan nito.Malungkot na napa
Pagtapos sabihin iyon, hinablot niya ang braso ni Lea. Nakaramdam si Lea ng sakit na kumalat sa buong katawan niya."Eva, hindi pa magaling ang kamay ko. Pag ginalaw mo ko, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo to!"Napangisi si Eva: "Lea, hindi mo ba alam na kung sino ang mga nakapaa ay hindi natatakot sa mga nakasuot ng sapatos? Nagawa mo kong i-frame-up ng paulit-ulit. Paano ako magiging karapat-dapat sayo kung hindi ko tatapusin ang problema na sinimulan mo? Hindi ba pinagbintangan mo ko na sinaktan ko ang kamay mo at naging dahilan para sayo na makasali sa piano competition? Kung ganon, gagawin ko ang hiling mo at ipapaalam ko sayo kung ano ang ibig sabihin ng sinaktan!"Pagtapos niya magsalita, inilabas nito ang lakas niya at maririnig ang isang malutong na tunog. Pagtapos agad non, isang matinis na sigaw ni Lea ang maririnig."Aaaahhhh! Eva! Ang kamay ko! Binali mo talaga. Alam mo ba kung gaano kamahal ang kamay ko?! Kahit pa mawala sayo lahat ng meron ka, hindi mo kaya mabayaran
Nakatayo si Lyxus sa pinto at nakasuot ng itim na suit at may seryosong mukha. Sa likod nito ay nakasunod ang magulong pag-iitsura ni Jacob.Tumingin ng malalim si Lyxus kay Eva ng ilang segundo, tsaka ibinigay si Jacob sa isang klerk at naupo sa upuan sa gallery.Naglakad papunta sa witness stand si Jacob na inalalayan ng isang klerk at nanghihinang sinabi: "Your honor, ako po si Jacob Lopez mula sa Technology Department ng Villanueva group. Siya po tinakot ako na burahin ang video kung hindi ay tatanggalin niya po ako sa kompanya. Bumibili po ako non ng bahay at ipinapaayos iyon para sa paghahanda para sa pagpapakasal. Nagkaroon po ako ng maraming utang at ayoko pong mawalan ng trabaho kaya pumayag po ako pero pinanghawakan ko lang po iyon at inedit ang video, naisip ko pong ibenta iyon kay Eva pero hindi ko po alam sino ang kumidnap sakin at seryoso po akong nasaktan.""Si Eva po ang nagligtas sakin at pumayag po ako maging witness niya. Sa hindi po inaasahan, nahanap po ako ng mga
Napangiti si Alexander at walang magawa: "Lyxus, sa totoo lang, matagal na ako pinagsabihan ng asawa ko na pag may sinabi akong kahit ano sayo, hihiwalayan niya ako. Tanging sinabi lang niya sakin ay hindi karapat-dapat sayo na malaman ang totoo. Pasensya na, kapatid."Hindi na hinintay nito ang sasabihin ni Lyxus, pinatay agad nito ang tawag. Napamura nalang si Lyxus sa sobrang galit.Maigsi palang ang distansya na dinaanan ni Eva nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jaze."Kuya, anong problema?""Nakatakas si Jacob. Ang tanging ebidensya na meron tayo para sa darating na court hearing ay wala na."Si Jacob Lopez ang iniligtas nila at ito rin ang tanging saksi. Tumakas ito sa napaka kritikal na sandali at alam ni Eva kung anong mangyayari kahit hindi niya ito pag-isipan ng maigi. Tinapakan niya ang brake at may matinis na tunog ng pagkayod ng gulong. Matapos marinig ito, nagmamadaling tumakbo papunta dito si Lyxus.Kinalabog nito ang pintuan ng kotse: "Eva, buksan mo ang pinto!"
Nang marinig ito, nanliit ang mata ni Lyxus. Ang madilim na mata nito ay parang nagyeyelong lawa. "Eva, maliban lang dito pwede mo ka humiling ng iba pa.""Pero ito lang ang gusto ko. Mr. Villanueva hindi ka umaatras sa mga sinasabi mo."Ang seryosong mukha ni Lyxus ay biglang nanlambot, ang matangkad at deretso nitong katawan ay nangingibabaw sa sa katawan ng dalaga. Ang mainit na hininga nito ay bumubuhos sa mukha ni Eva."Eva, gusto mo ba talagang mawala ako? Sobrang nagmamadali ka bang sumama sa ibang lalake?"Kalmadong tumingin si Eva sa binata: "Kahit ano pang isipin mo."Ang boses ni Lyxus ay naging malamig at walang awa: "Wag mo nang balakin. Hindi kita bibitawan kahit pa ang kontrata natin ay matatapos na sa sumunod na araw! Hahayaan ko ang pamilya Evangelista na bigyan ka ng paliwanag para sa bagay na to."Matapos sabihin iyon, isinara nito ng malakas ang pinto at umalis.Maya-maya pa, walang may alam kung paano pinilit at sinuhulan ni Lyxus si Lea, pero talagang humingi it
Hindi nakapagsalita si Lyxus matapos tanungin. Alam niya na na nanatili parin kay Eva kung anong nangyari dati. Subalit nagpadala na siya ng mga tao para hanapin ang ebidensya pero hindi niya alam kung sino ang nag-hijacked dito.Nang makita na hindi nagsalita ang binata sa mahabang panahon, malamig na napangisi si Eva."Hindi mo na kailangan sumagot, Alam ko na ang sagot. Pwede na kayong lahat umalis, Hindi ko kayo kailangan tungkol sa usapin na to."Sakto naman, maririnig ang boses ni Jaze mula sa pintuan."Kaya kong ibigay ang ebidensya na gusto ni Mr. Villanueva."Pumasok si Jaze kasama si Jean. Ang dalawa ay agad na naglakad palapit kay Eva at tinignan ang maputla nitong mukha. Hindi pa nawala sa pagiging kalmado si Jaze dati. Malamig ang binata na tumingin kay Lyxus, at may bahid ng panunuya sa gilid ng mga labi nito."Ganito ba protektahan ni Mr. Villanueva ang kanya? Ano pang kaya mong ibigay sa kanya na magpapanatili sa kanya sa tabi mo bukod sa pagdala sa kanya ng walang ka
Naupo si Lyxus sa tabi ng higaan ni Eva, hawak dalawang malambot at maputi na kamay ng dalaga tsaka paulit-ulit na hinalikan ito.Ang tanging naiisip nito ay tungkol sa sinabi ng doktor kanina lang.Alam niya na hindi kayang lumangoy ni Eva pero hindi niya alam na may takot siya dito. Ngayon ay naiintindihan na niya sa wakas kung bakit hindi pumupunta sa bathtub si Eva tuwing magtatalik sila sa bathroom, kahit anong subok nito akitin ang dalaga. Ang takot pala nito sa tubig ay umabot sa punto na to.Tinitigan lang ni Lyxus ang maputla at maliit na mukha ni Eva, tsaka nagsalita sa mahinang boses."Eva, ang daming tungkol sayo na hindi ko alam."Hindi niya alam ang tungkol sa broken relationships nito pitong taon ang nagdaan at hindi niya alam na meron pala itong lalake na minahal niya ng buong puso.Hindi niya rin alam kung may pagmamahal ba sa nakaraan na kabaitan nito sa kanya.Maingat na hinaplos ni Lyxus ang mukha ng dalaga at yumuko para halikan ang malamig nitong labi."Eva, gus
Pag ang usapan ay tungkol sa bata, nagagalit si Eva. Inilabas niya lahat ng lakas bigla at tinulak palayo si Lyxus. Napaatras ang binata ng ilang hakbang, ang ngiti sa mukha nito ay naging mapait at malamig."Mr. Villanueva, nagkakamali kayo ng sinabihan. Ang mahal mo ay nasa taas. Kung gusto mo magkaanak, hanapin mo siya. Kahit pa mamatay ako, hinding-hindi ako magaanak para sayo!"Matapos sabihin iyon, naglakad siya papunta sa likod na hardin nang hindi lumilingon.Kalokohan. Ito ba at si Lea ay nagkakaisa para apihin siya? Yung isa sinabihan siya na maging surrogate mother at ang isa ay minamadali siya magkaanak.Sa isip-isip ni Eva: Tarantado ka Lyxus! Wala akong pake kung magkaroon ka ng anak sa aso!Mag-isa siyang naupo sa gilid ng lawa at tahimik na iniinda ang sugat. Ang nakaraan nila ni Lyxus ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Nang isinusumpa na niya si Lyxus at nagtatapon ng bato sa tubig, narinig niya ang boses ni Lea mula sa likuran niya."Secretary Tuason, pinakiu
Ilang araw nang hindi nakikita ni Eva si Lyxus. Nasa business trip ito sa ibang bansa at dinala si Lea.Ibinahagi din ni Lea ang mga larawan sa group chat ng kompanya nila araw-araw. Kalaunan, ang bali-balita na si Secretary na inlove sa boss nila ay nawala at imbes ay napabalita na ang boss nila at ang first love nito ay magpapakasal na.May isa pa na lumapit kay Madam Lu para magtanong pero hindi man lang umamin o itinanggi ito.Walang pakeelam si Eva at tinawanan lang ang tsismis. Nang biglang may tumunog ang telepono niya. Ang tumatawag ay ang dating chief secretary na si Jean Ayala at agad na sinagot ni Eva ang tawag."Ate Jean.""Eva, hindi ka pa ba nakakaalis sa trabaho? Kailangan mo pumunta ng maaga. Wag ka papahuli.""Malapit nako umalis, kita nalang tayo mamaya."Si Jean Ayala ang dating chief secretary ni Lyxus at ito rin ang naging guro niya na nagpakilala sa kanya nitong posisyon na to. Simula nang pinakasalan nito si Alexander Ayala, ang anak ng pamilya Ayala, naging ful
Sinampal ni Eva sa Lyxus sa mukha. Kahit na ang lakas nito ay hindi gaano, masyado itong nakakainsulto para sa binata.Sino si Lyxus Villanueva? Siya lang naman ang isang big shot at nasa pinakaitaas ng pyramid sa buong lungsod nila, isang malaking demonyo na walang maglalakas loob na kalabanin ito at ang malamig at walang awa na prinsipe ng pamilya Villanueva.Hindi na kailangan banggitin na masampal sa mukha, kahit pa may magsabi ng hindi kaaya-ayang bagay sa mukha nito, talagang magdudulot ito ng matinding sakuna.Kahit si Felix ay nag-aalala kay Eva. Hinablot nito ni Lyxus at sinubukan ito mabait na hinikayat ito."Lyxus, lasing lang siya. Wag mo siya itrato na parang lasing na ibang tao. Tara na, mag-uutos ako na iuwi ka na.'Nang sabihin niya ito, gusto na niyang hilahin si Lyxus palabas pero tinulak siya nito palayo.Tumingin ito kay Eva na may madilim na mukha. Nang makita siyang ganito, agad na prinotektahan ni Jaze si Eva at tinago ang dalaga sa likuran nito."Mr. Villanueva,
Lumalabas na alam ni Lyxus matagal na na ang ina niya ang muntik nang pumatay sa ama ni Eva pero hindi nito sinabi sa dalaga.Sinamahan siya ng binata na umarte sa harap ng ama niya, hindi dahil naaawa ito sa kanya pero para maging kabayaran sa sala ng ina nito. Kung tutuusin, kung mamatay nga talaga ang ama niya, bibitbitin din ng ina ni Lyxus ang legal responsibility dahil dito.Lamig lang ang tanging naramdaman ni Eva sa buo niyang katawan.Lahat ng good feelings na inipon niya kay Lyxus sa nakalipas na araw ay nabura lahat ng dahil sa mga nadinig ng dalaga. Natawa siya sa sarili at ibinalik sa opisina bitbit ang mga dokumento.Pagpasok na pagpasok niya, narinig niya ang sinabi ni Honey sa isang sarkastikong tono: "Nakuha mo na ang suporta ni Mr. Villanueva, may pake ka pa ba sa maliit na pera na inutang ko sayo?"Agad na hinila ni Eva ang sarili sa kaninang kalagayan niya.Ngumisi si Eva: "Sige lang kung ayaw mong bayaran, magkikita naman tayo sa korte.""Eva, napakasama mo! Bigay