Her Contract with Her Boss
Sa araw, siya ang mahinhin at maparaan na chief secretary, at sa gabi, siya ang malambot at charming na kapares sa kama. Paglipas ng tatlong taon ng mutual support, akala niya ay minahal siya nito. Nagpropose siya sa binata, ngunit narinig niya ang sinabi nito: "Ito ay laro lamang na kasali ang katawan pero hindi ang puso. Sa tingin mo seseryosohin ko to?" Sobra siyang nasaktan at lumingon paalis. Simula non, ang buhay niya ay umangat, umangat din siya sa career, at naging gold medal lawyer na walang sino mang nangahas sa legal community. Merong hindi mabilang na manliligaw sa paligid niya. Pinagsisihan iyon ng binata at tinulak siya sa dingding na may namumugtong mata: "Ang katawan ko, ang buhay ko, lahat ay sayo, will you marry me?" Maliwanag ang mga ngiti niya: "Pasensya na, gumilid ka, hinaharangan mo ang panibagong buhay ko."
Read
Chapter: Chapter 44Nagpalit na si Eva ng damit at tumayo sa harap ng salamin. Sobra siyang nabighani sa itsura niya sa harap ng salamin.Ang dress na suot niya ay ang paborito niyang kulay na starry blue.Tube top ang design nito, backless hanggang sa bewang at natatali ng isang manipis na strap. Ang dulo ng strap ay may tunay na kulay asul na paru-paro. Ang palda ay nakadesenyo na umabot sa sahig at ang kulay asul na tulle ay napupuno ng diyamante.Sa ilalim ng ilaw, ang mga diyamante ay naglalabas ng makulay na ilaw na para bang nagniningning na bituin sa kalangitan.Hindi maiwasan ng manager na mamangha: "Napakagaling pumili ni Boss Lyxus. Napakabagat sayo Secretary Tuason ang damit na to. Napakaelegante at marangal pero hindi ganoon kagarbo. Para kang isang anghel na lumipad pababa mula sa langit.Ang hindi maganda na mood ni Eva dahil sa panggugulo ni Jam kahapon ay nawala dahil sa ganda na idinulot ng dress na ito.Iniangat niya ng konti ang palda ng dress at napangiti ng bahagya. Iikot na sana si
Last Updated: 2025-03-07
Chapter: Chapter 43Natigilan si Lyxus. Ang lumanay sa mukha nito ay nawawala agad.Ito ang pangalawang beses na narinig niya ang pangalan na ito mula kay Eva, at kada tawag ng dalaga dito ay masyadong magiliw.Gusto ng binata umaktong kalmado at magkunwari na wala itong nadinig. Gusto niya rin tanggalin ang tao na ito sa buhay ni Eva pero ang malakas na mapang-angkin na ugali nito ay nagpawala parin sa tamang wisyo.Hindi niya kayang hayaan na ibang lalake ang magiging inner support ni Eva at hindi niya hahayaan na ang taong tinatawag ng dalaga sa panaginip ay hindi siya.Nagdilim ang mata ni Lyxus at hindi na niya kayang kontrolin ang nararamdaman niya.Yumuko siya palapit sa labi ni Eva at nagsalita sa mahina at garalgal na boses, "Sige, hayaan mo kong halikan kita at hindi ako aalis."Matapos sabihin iyon, hindi na naghintay si Lyxus na magreact si Eva. Lalo pa itong nilapit ang ulo at kinagat ang labi ng dalaga. Ang halik nito ay mapang-angkin, mapaghari at nakakabaliw.Nagising si Eva dahil sa mag
Last Updated: 2025-03-05
Chapter: Chapter 42Mahinang ngumiti si Eva: "Mr. Villanueva, eto po ay desisyon ni Mrs. Villanueva, wala po akong karapatan na magtanong."Bukod don, ayaw rin ng dalaga.Nakatitig lang si Lyxus sa malamig na mukha nito, ang kilay rin nito ay medyo nakaangat."Eva, alam mo kung anong ibig sabihin pag dinala ko sa anniversary party ngayong taon. Bakit hindi ka nagseselos?"Wala parin pagbabago sa tono ni Eva."Mr. Villanueva, wala pong karapatan ang isang Canary na kontrolin ang amo. Kailangan ko lang ay maging kapares mo sa kama at siguraduhin na mapapasaya kita sa kama. Pagdating naman sa ibang bagay, wala akong karapatan na magsalita, diba?"Ang mga salita na binitawan nito ay maingat at kaaya-aya pero bawat salita ay parang tinik na malalim na tumutusok sa puso ni Lyxus. Niyakap ni Lyxus ang dalaga, ang utak nito ay puno ng imahe ni Eva na nagseselos. Ang gusto niya ang ang mabait na si Eva, hindi ang masunurin at walang kamalian na Eva ngayon.Maingat na hinaplos ng binata ang ulo ni Eva: "Sumama ka
Last Updated: 2025-03-01
Chapter: Chapter 41Agad na may lumabas na pagkabalisa sa mata ni Mrs. Villanueva pero agad din nawala ito at bumalik sa pagiging kalmado."Bakit mo naman nasabi yon? Namatay si Maria sa aksidente para lang maprotektahan ang anak niya na yon. Paano magiging hindi totoo yon? Yung itsura ni Lea at blood type ni Lea ay parehas nung kay John. Wag mo sasabihin to sa harap niya, kung hindi ay masyado niyang poprotektahan ang anak niya at wala siyang sasantohin."Sino bang kamag-anak non? Nung nakita ng pamilyang yon na bulag at walang silbi si Lyxus pinakiusapan nila ako para kanselahin ang engagement, matagal ko na dapat pinutol ang kaugnayan ko sa kanila para yung Lea na yon hindi na pinepeste ang apo ko buong araw."Mas lalong lumambot ang boses ni Mrs. Villanueva. "Mom, yung kasal ay si Lyxus mismo ang pumili nung bata pa siya. Sinabi niya sa harap ng mga nakakatanda na papakasalan niya ang bata na nasa sinapupunan ni Maria pag lumaki siya. Hindi tayo pwede umatras sa binitawan na salita."Napangisi ang ma
Last Updated: 2025-02-27
Chapter: Chapter 40Sinabi ito ni Eva at tumalikod paalis. Pinanood lang ni Lyxus ang dalaga na umalis habang nakakuyom ang mga kamay.Sakto naman ang pagkalabas ni Lea. Nang makita nito ang madilim na mukha ni Lyxus, agad itong humagulgol ng iyak."Kuya Lyxus, hindi ko sinasadya na iframe-up si Secretary Tuason. Nung nalaman ko na ikaw at si Secretary Tuason ay may relasyon, hindi ko nakontrol ang nararamdaman ko kaya gusto ko siya sabuyan ng kape. Alam mo naman na pag umatake ang sakit ko, hindi yon kontrolado ng utak ko. Ano man yung nangyari, nangyari na at natakot ako na malalaman mo yung totoo at lalayuan ako kaya nakiusap ako kay tita na humanap ng paraan para mabura yung video. Kuya Lyxus, pakiusap wag mo ko sisihin, okay? Sa totoo lang ang dahilan non ay gusto kita ng sobra. Pag nakikita kita na mabait sa uba, hindi ko mapigilan na magkasakit."Habang nagsasalita ito ay mapait itong umiiyak.Agad naman lumapit ang lola ni Lea sa ama para damayan ang dalaga: "Lea, wag ka umiyak kung hindi nagkaka
Last Updated: 2025-02-25
Chapter: Chapter 39Nakatayo si Lyxus sa pinto at nakasuot ng itim na suit at may seryosong mukha. Sa likod nito ay nakasunod ang magulong pag-iitsura ni Jacob.Tumingin ng malalim si Lyxus kay Eva ng ilang segundo, tsaka ibinigay si Jacob sa isang klerk at naupo sa upuan sa gallery.Naglakad papunta sa witness stand si Jacob na inalalayan ng isang klerk at nanghihinang sinabi: "Your honor, ako po si Jacob Lopez mula sa Technology Department ng Villanueva group. Siya po tinakot ako na burahin ang video kung hindi ay tatanggalin niya po ako sa kompanya. Bumibili po ako non ng bahay at ipinapaayos iyon para sa paghahanda para sa pagpapakasal. Nagkaroon po ako ng maraming utang at ayoko pong mawalan ng trabaho kaya pumayag po ako pero pinanghawakan ko lang po iyon at inedit ang video, naisip ko pong ibenta iyon kay Eva pero hindi ko po alam sino ang kumidnap sakin at seryoso po akong nasaktan.""Si Eva po ang nagligtas sakin at pumayag po ako maging witness niya. Sa hindi po inaasahan, nahanap po ako ng mga
Last Updated: 2025-02-22