Pagtapos sabihin iyon, hinablot niya ang braso ni Lea. Nakaramdam si Lea ng sakit na kumalat sa buong katawan niya."Eva, hindi pa magaling ang kamay ko. Pag ginalaw mo ko, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo to!"Napangisi si Eva: "Lea, hindi mo ba alam na kung sino ang mga nakapaa ay hindi natatakot sa mga nakasuot ng sapatos? Nagawa mo kong i-frame-up ng paulit-ulit. Paano ako magiging karapat-dapat sayo kung hindi ko tatapusin ang problema na sinimulan mo? Hindi ba pinagbintangan mo ko na sinaktan ko ang kamay mo at naging dahilan para sayo na makasali sa piano competition? Kung ganon, gagawin ko ang hiling mo at ipapaalam ko sayo kung ano ang ibig sabihin ng sinaktan!"Pagtapos niya magsalita, inilabas nito ang lakas niya at maririnig ang isang malutong na tunog. Pagtapos agad non, isang matinis na sigaw ni Lea ang maririnig."Aaaahhhh! Eva! Ang kamay ko! Binali mo talaga. Alam mo ba kung gaano kamahal ang kamay ko?! Kahit pa mawala sayo lahat ng meron ka, hindi mo kaya mabayaran
Ang mga luha ni Lea ay tumulo. Ang bali na kamay nito ay nakataas sa harap ni Lyxus.Tumakbo siya sa hospital para magpagamot at nagmadali bumalik ng hindi humihinto, gusto niyang mahuli si Eva pero hindi niya inaasahan na ganitong eksena ang aabutan niya.Alam ni Lyxus na nawala ang bata kay Eva, pero mabait parin ito sa kay Eva. Maari kayang nabigo na naman siya sa pinag-hirapan niyang ideya?Umiyak si Lea at sumandal papunta kay Lyxus pero bago pa siya makalapit, hinili ni Lyxus paatras si Eva.Malamig na tumingin ito kay Lea, at walang kahit isang emosyon ang maririnig sa boses nito."Lagi siyang nasa tabi ko. Kelan ka niya sinaktan?"Nang marinig ito, nagulat si Lea. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Lyxus, ang mata nito ay puno ng luha at sinabi, "Ngayon lang nung nasa palikuran si Eva, sinaktan niya ako. Kuya Lyxus, ang sinasabi ko ay totoo. Kung hindi ka naniniwala sakin, patignan mo ang video."Sinabi ni Lyxus sa katabing waiter: "Kunin mo ang video para sakin."Sampung
Nakakunot ang noo na napatingin si Lyxus sa dalaga, ang tono nito ay hindi palakaibigan."Binigyan kita ng tiyansa pero ayaw mo. Ngayon nagsisisi ka at ang isusunod mo naman ang Lola ko?"Hindi maintindihan ni Eva ang nangyayari. Lumingon siya sa matandang ginang na nasa tabi niya at di makapaniwalang sinabi, "Siya po ba yung apo na tinutukoy niyo?"Ngumiti ang matandang ginang at tumango: "Oo, magkakilala ba kayo? Mabuti kung ganon, May pundasyon na ang nararamdaman niyo, at kayong dalawa, hindi kayo mapipigilan pag magkasama kayo."Naiilang na ngumiti si Eva: "Pasensya na po, Lola dahil nandito na ang pamilya niyo po para sunduin kayo, mauuna na po ako. May kailangan pa po kase akl gawin."Nang makatayo si Eva, hinablot ni Lyxus ang braso nito."May nasagasaan ka tas gusto mo nalang umalis ng ganito?"Malamig na ngumiti si Eva: "Mr. Villanueva, nakalimutan mo yata na may dashcam ang kotse ko. Kung gusto mo magorganisa ng grupo para iscammin ako, hindi yon gagana!"Tumalikod ito ng
Agad na sumagot si Cloud: "Nasa opisina niyo po si Secretary Tuason. Nandun na po siya ng kalahating oras."Pakiramdam ni Lyxus ay hinampas siya sa dibdib ng malakas ng isang bagay.Lumalim din ang boses nito: "I-postpone mo ang iba pang pupuntahan."Matapos sabihin iyon, nagmamadali itong naglakad papunta sa opisina gamit ang mahaba nitong biyas.Ang pinto ng opisina ay binuksan, at ang nakita niya ay isang pamilyar na pigura sa harap ng floor-to-ceiling na bintana. Ang babaeng nakasuot ng simple lang, nakaitim na tshirt at nakadark-green na palda. Ang buhok nito ay nakatali nang maluwag na bun. Pinapakita ang malasnow-white at mapayat nitong leeg. Ang dalawang mapayat nitong hita ay nagliliwanag ang puti.Nakaisang tingin pa lang si Lyxus at pakiramdam niya ay may kung ano sa katawan niya na nagliliyab. Itinago niya ang nararamdaman sa puso niya at kalmadong naglakad papunta kay Eva. Ang boses nito ay malalim at malamagnet."Napagisip-isip mo na ba?"Dahan-dahan lumingon si Eva at
Nang tumakbo si Eva sa police station, si Ellie ay nakaupo sa interrogation room na may posas sa mga kamay. Tumitingin ito sa pulis na nakatayo sa harap niya na may kalmadong mukha at laging pinagtatanggol ang sarili nang walang bakas ng takot.Lumakad kagad si Eva palapit at magalang na nagtanong, "Magandang araw po, kaibigan po niya ako. Ano pong meron?"Bago pa makasagot ang pulis, nagmadali magsalita si Ellie, "Pagtapos mo mawala kahapon, hinanap ni Jaze ang papa niya para matulungan ka, at naiwan ako mag-isa. Siguro hinanap mo yung tarantado na yon, at pumunta ka sa bar para uminom nung nakaramdam ka ng lungkot. Nagkataon naman na nakita si Lea doon. Nakikipagusap siya sa iba tungkol kay Tito Ivan sa napakayabang na ugali. Hindi mo nakita yung yabang sa mukha niya. Hindi ko napigilan kaya minura ko siya ng ilang beses, pero ilang beses ko lang siya minura. Tas ngayon, kaninan lang umaga, dinala nila ako dito at basag ko daw yung kotse ni Lea at ang suspek nila ay ako. Kahit ano p
Ang puso ni Eva ay parang pinipiga ng mahigpit ng isang malaking kamay at ang sakit ay sobrang lala na hindi siya makahinga. Nanigas siya sa kinatatayuan niya, ang katawan ay hindi mapigilan ang panginginig.Pakiramdam ni Ellie ay may mali, pumalakpak ito at sumigaw, "Evie, Evie."Matapos sumigaw ng ilang beses, sa wakas ay sumagot si Eva.Ang maliit nitong mukha na kasing laki lamg ng palad ay kasing putla ng papel. Dahan-dahan itong lumingon at tumingin sa babae na puno ng galit ang mata.Ang gilid ng labi nito ay kumibot ng ilang beses, at sinabi sa namamaos na boses: "Hindi nararapat sayo yon!"Matapos sabihin iyon, hinila niya si Ellie paounta sa kotse. Naupo siya sa driver's seat at nanginginig parin ang mga hita.Hinila siya pababa ni Ellie at sinabi ng malumanay, "Bumaba ka, ako na magmamaneho."Hindi na nagpumilit si Eva. Lumabas ito sa driver's seat at umupo sa passenger seat. Isinandal nito ang ulo niya sa likod ng upuan at gustong ipikit ang mata pero ang luha nito ay hind
Makalipas ang ilang minuto, kumatok si Eva sa pinto ng President's office. Ang mapagmataas na tingin sa mukha nito ay wala na, napalitan ito ng isang natural at kalmadong ngiti ng isang nagtatrabahong babae."Boss Villanueva, ano pong gusto niyong sabihin sakin?"Napatingin si Lyxus sa mga kamay ng dalaga na walang laman at bahagyang kumunot ang noo: "Asan ang almusal ko?"Dati pag wala siyang oras kumain ng agahan, ipaghahanda siya ni Eva at ilalagay ito sa isang insulated box tsaka ito dadalhin sa kanya sa kompanya niya.Mahinang napangiti si Eva at magalang na sinabi: "Mr. Villanueva, gusto mo ba kumain ng Filipino or Western na pagkain? Ipagoorder na kita ngayon.""Hindi ka gumawa para sakin?"Naiilang na ngumiti si Eva: "Mr. Villanueva, ang bagay na ito ay parang hindi kasama sa kontrata na pinirmahan ko."Napatitig si Lyxus kay Eva nang walang kurap-kurap. Nagpakahirap siya hanapin ang anino ng nakaraan nito sa mukha ng dalaga. Dati pag tinititigan siya nito, may mga bituin ito
Ang mga dokumento ay may mantsa at may mabahong amoy.Si Lyxus ay may matinding mysophobia. Pag ang dokumento na ito ay ibinigay sa kanya, kahit sino ay madaling maiisip kung anong sunod na mangyayari.Ang daliri ni Eva ay namuti habang hawak nito ang mga dokumento.Si Lea Evangelista, ang laki sa layaw na pinakamatandang anak na babae ng pamilya Evangelista, talagang bumaba ito para magtrabaho bilang assistant sa Villanueva Group. Paanong hindi alam ni Eva ang layunin nito?Lakas loob din ito na inisip na ang ganitong bagay ay madalas mangyayari sa susunod.Ang magandang labi ni Eva ay kumurba pataas, naglabas ng isang malamig na ngiti. Mahigit sampung minuto ang lumipas, pumasok muli sa meeting room si Eva.Nang makita na ang kamay nito ay walang laman. Nagpakita ng konting pagmamalaki sa mukha ni Lea pero agad din ito nawala na walang kahit anong bakas. Para bang mabait ito na kaya niyang makiusap para kay Eva, "Kuya Lyxus, kahit na ang kontrata na ito ay hindi matapos ngayong
Ito ang unang beses na opisyal na nagkita sila ni Lyxus simula nang maghiwalay sila.Akala niya ay magiging kalmado siya ngunit sa sandaling makita niya ang binata, nakaramdam siya ng pait sa puso niya."Alexander! Yung tarantadong yon nagsinungaling sakin. Sabi niya hindi nagpaparticipate si Lyxus sa mga ganitong aktibidad kaya pinakiusapan kitang pumunta." Si Jean na nasa tabi niya ay hindi masaya"Hayaan mo na, pare-parehas naman tayong nasa iisang syudad, magkikita talaga kami sooner or later." Mahinang napangiti si Eva"Wag ka mag-alala, gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi siya makalapit sayo."Matapos sabihin iyon, hinatak nito si Eva at aalis na sana."Aalis ka kagad Mrs. Ayala matapos mo ko makitang papalapit? Hindi ba ako welcome dito?" Ang malamig na boses ni Lyxus ay maririnig mula sa likuranPasikretong nagngalit ang ngipin ni Jean tsaka lumingon at nahihiyang ngumiti"Mr. Villanueva, pasensya na hindi kita nalapitan para batiin." Magalang na sabi nitoKalmadong pin
Nang marinig ito, ang ingay mula sa kusina ay biglang tumigil na para bang nagdadalawang isip ang dalaga kung paano sasagutin ito.Napangisi si Lyxus, "Sa tingin mo ba papatawarin kita pag bumalik ka, tabihan ako at lutuan ako ng almusal? Masyado naman mataas ang kumpyansa mo sa sarili!"Matapos sabihin iyon, tinulak na ni Lyxus ang pinto.Nang isasandal na sana ni Lyxus si Eva sa countertop at balak parusahan ito, nakita niya ang mukha ni Lexie na ikinagulat niya."Bakit ka nandito?"Tinapik ni Lexie ang mukha ni Lyxus gamit ang sandok at nakangiting sinabi, "Lasing ka pa siguro. Anong klaseng erotic dream nanaman ba ang naiisip mo? Ang aga-aga."Dahil sa pang-lilibak ng sariling kapatid, hindi maiwasan na mayamot ni Lyxus."Bakit ka ba nandito sa bahay ko?""Talagang nagtanong ka pa? Kung hindi dahil sakin, tapos na ang masasayang araw mo!""Asan si Eva?"Nang-asar naman si Lexie, "Asan ka Eva? Ayokong guluhin ako neto.""Imposible, malinaw ang alaala ko na siya ang naghatid sakin p
"Pakitawagan nalang po si Assistant Cloud Doctor Santos. Pagod na si Mr. Villanueva sakin at baka ayaw na rin niya ulit makita ako. Kung wala na, papatayin ko na ang tawag."Agad na sinabi ni Felix, "Eva, ikaw ba at si Lyxus, gusto nito talaga maghiwalay ng malinis? Hindi naman masama na maging magkaibigan nalang kayo."Napangiti ng mahina si Eva: "Doctor Santos, bilang isang ibon, hindi ka dapat magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa nag-aalaga sayo. May kailangan pa akong tapusin kaya mauuna nako."Malutong ang pagkakasabi nito at walang kahit na anong pag-aalinlangan.Pinatay ni Felix ang telepono at hindi mapigilan na magmura, "Dapat lang sayo yon, tarantado ka kase! Kasalanan mo lahat. Kung mas naging mabait ka lang kay Eva, hindi siya magiging kawalang puso sayo."Masakit ang dibdib ni Lyxus pero nanatiling kalmado ang mukha nito.Ang pinapahiwatig nito ay walang pagkakakilanlan."Paanong ang spoiled na yon ay kayang tumayo sa harap ng malakas na hangin at alon sa labas? Pag n
Makalipas ang ilang araw.Kakatapos lang topakin ni Lyxus sa mga top executives ng iba't ibang departamento sa meeting at paglabas ng lahat sa conference room ay parang bagong laya.Tahimik nilang pinagchichismisan: "Ano kayang problema kay Mr. Villanueva? Lahat nalang hindi sapat sa kanya. Nung nakaraan pinuri niya yung plan ko, Tapos ngayon pinapagalitan ako."Isa sa kanila ang may naalala at napangisi, "Sino ba ang huling tao na nagpatawag ng meeting katabi ni Mr. Villanueva?""Si Secretary Tuason.""Tama! Sawi ang presidente natin! Bilang katrabaho niya kailangan natin intindihin siya."Ilang mga tao pa ang nagsalita habang naglalakad pabalik sa mga pwesto nila, lingid sa kaalaman nila ay nasa likod si Lyxus nakasunod sa kanila.Pumasok sa opisina si Lyxus na may malamig na tingin at dumating naman si Lea na may bitbit na isang tasang kape.May matamis na ngiti ang dalaga sa mukha at sinabi, "Kuya Lyxus, ipinagtimpla kita ng kape. Tikman mo."Mahinang sumagot ng 'hmm' si Lyxus, ki
Nagtaas ng tingin si Lyxus at malalim ang mata na tinitigan si Eva. Gusto niyang makita ang sakit at pag-aatubili sa mukha ng dalaga. Gusto niyang marinig ang paglapit nito sa kanya at humingi ng tawad.Pero ang narinig niya ay..."Boss Lyxus, naipadala ko na ang resignation report sayo at sa HR director. Kailangan mo lang aprubahan ito sa system. Tungkol naman sa pagpasa ko ng gawain, nai-ayos ko na po lahat at pinadala ko na kay Assistant Dizon. Kung may katanungan siya, pwede naman siya lumapit sakin."Hindi lamang walang kahit anong sakit sa mukha ni Eva pero may ngiti ito sa gilid ng labi nito at nakatingin sa kanya na may kalma sa mata.Nagngalit ang ngipin ni Lyxus sa galit.Mahina itong napangisi: "Sa tingin mo walang makakaya ng trabaho na to bukod sayo? Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo."Mahinang ngumiti si Eva: "Hindi naman, puno ang Villanueva group ng magagaling na tao. Gusto ko lang maging magalang. Sino nga ba gugustuhin tanungin ng dating kompanya pagta
Tinitigan ni Lyxus ang magulong itsura ni Jaze at nanggigigil na nagsalita, "Sa tingin mo ba Jaze hindi ako maglalakas loob na galawin ka dahil may suporta ka ng ama mo?"Matapos sabihin iyon, bago pa makapagreact si Jaze ay parang isang matapang na hayop si Lyxus na idiniin ang binata sa simento at pinagsusuntok ito.Ang utak ni Lyxus ay puno ng imahe ni Eva na nakahiga sa kama na nakasuot ng pantulog at may namumulang mukha. Basa ang buhok nito at pati ang maputi nitong leeg ay namumula.Paanong hindi pa niya nakitang ganito si Eva? She was his woman pero ngayon ay nakahiga ito sa kama ng ibang lalake. Paano lulunukin si Lyxus ang galit nito?Ang suntok nito ay mas pabigat ng pabigat bawat bagsak at nag-iiwan kay Jaze ng walang pagkakataon na gumanti.Nang bigla, isang nanghihina na boses ang nadinig ng tenga nito."Lyxus, itigil mo yan!"Ang mga katagang ito ay dapat na masasakit na salita pero ang pagkakabigkas ni Eva ay masyadong mahina dahil na rin sa pisikal na panghihina niya.
Dinala ni Jaze si Eva sa isang psychiatrist at matapos ang ilang examination, napag-alaman na si Eva ay dumaranas ng matinding depresyon.Ang dahilan ng sakit na ito ay isang sagot sa stress na mayroon ang dalaga. Makita ang mga tao na hindi niya na dapat makita pa.Nang maisip ni Jaze ang pinagdaanan ni Eva, kaagad na nanubig ang mata nito. Inilabas niya ang telepono at may tinawagan na numero."Kuya Link, tulungan mo ko hanapin ang babae na nagngangalang Jam Ignacio."Dalawang oras ang nagdaan, nakaharap ni Jaze si Jam.Ang kamay at paa nito ay nakatali at may itim itong bandana na nakatakip sa mata nito. Paulit-ulit itong nagmumura.Nakatayo lang sa gilid si Jaze, naninigarilyo at tahimik na pinagmamasdan ito.Dahil sa babaeng ito ay matindi ang pinagdaanan ni Eva ng ilang taon. Ito rin ang dahilan kung bakit naisipan ni Eva na magpakamatay ng ilang beses.Gaano ba kasama ang babae na ito na pipilitin niya ang sariling anak mapunta sa pagkawalang pag-asa at hindi man lang nagpakita
Nang makita ang dalaga na papalapit, bahagyang umurong palayo si Jam na may nakakatakot na ngiti sa mukha."Ibigay mo sakin ang natitirang pera na hinihingi ko o tatalon ako mula dito pero bago ako tumalon, ipopost ko to sa internet. Sasabihin ko na tinanggal ako ni Lyxus nang walang dahilan para pigilan akong makalapit sa iniibig niya na tumalon ako sa gusali na to dahil nawalan ako ng trabaho at sobra akong nadepress.""Sa tingin mo Eva, ang insidente kaya ngayon sa selebrasyon ngayon ay magkakaroon ng malaking epekto kay Lyxus? Kung ayaw mong mangyari to, ihanda mo nalang ang pera para sakin dahil kung hindi, ikaw ang magdadala ng kahihinatnan nito."Habang nagsasalita ito ay pinakita nito ang kopya na matagal na nitong ginawa. Sa ibabaw ng sulat ay mga imahe at nagpapahiwatig ng isang napakanakakahabag na sitwasyon.Alam ni Eva na pag ang bagay na ito ay nalaman nv media, ito ang magiging walang katapusang usap-usapan. Dagdag pa dito, anniversary celebration ngayon ng Villanueva G
Natulala si Eva ng ilang sandali at tumingala kay Lyxus."Anong sinabi mo?"Pinisil ni Lyxus ang pisngi niya at nagbiro, "Syempre ipapadala ko ang mga gamit mo sa opisina mo or ipadala ko sakin?"Any mga sinabi ng binata ay agad na nagpapula sa mata ni Lea."Kuya Lyxus, hindi mo man lang ba ipapasukat sakin?"Nagtaas ng kilay si Lyxus at tumingin dito, sabay kaswal na sinabi, "Itong damit na ito hindi babagay sayo. Tumingin ka nalang ng iba at ako na magbabayad."Matapos sabihin iyon, inakbayan ng binata si Eva at bumaba nang hindi hinihintay ang reaksyon ni Lea.Nakatingin lang si Lea sa likod ng dalawa at nagsimulang umiyak sa pighati."Tita, Hindi naman gugustuhin ni Kuya Lyxus maging babaeng kaparehas si Secretary Tuason diba? Ano na kailangan kong gawin ngayon?"Pinunasan ni Mrs. Villanueva and luha nito at sinuyo, "Wag ka mag-alala, ang posisyon bilang batang Madam ng pamilya Villanueva ay para sayo lang. Ayusin mo dapat ang sarili mo sa darating na pagtitipon at panigurado maki