Agad na sumagot si Cloud: "Nasa opisina niyo po si Secretary Tuason. Nandun na po siya ng kalahating oras."Pakiramdam ni Lyxus ay hinampas siya sa dibdib ng malakas ng isang bagay.Lumalim din ang boses nito: "I-postpone mo ang iba pang pupuntahan."Matapos sabihin iyon, nagmamadali itong naglakad papunta sa opisina gamit ang mahaba nitong biyas.Ang pinto ng opisina ay binuksan, at ang nakita niya ay isang pamilyar na pigura sa harap ng floor-to-ceiling na bintana. Ang babaeng nakasuot ng simple lang, nakaitim na tshirt at nakadark-green na palda. Ang buhok nito ay nakatali nang maluwag na bun. Pinapakita ang malasnow-white at mapayat nitong leeg. Ang dalawang mapayat nitong hita ay nagliliwanag ang puti.Nakaisang tingin pa lang si Lyxus at pakiramdam niya ay may kung ano sa katawan niya na nagliliyab. Itinago niya ang nararamdaman sa puso niya at kalmadong naglakad papunta kay Eva. Ang boses nito ay malalim at malamagnet."Napagisip-isip mo na ba?"Dahan-dahan lumingon si Eva at
Nang tumakbo si Eva sa police station, si Ellie ay nakaupo sa interrogation room na may posas sa mga kamay. Tumitingin ito sa pulis na nakatayo sa harap niya na may kalmadong mukha at laging pinagtatanggol ang sarili nang walang bakas ng takot.Lumakad kagad si Eva palapit at magalang na nagtanong, "Magandang araw po, kaibigan po niya ako. Ano pong meron?"Bago pa makasagot ang pulis, nagmadali magsalita si Ellie, "Pagtapos mo mawala kahapon, hinanap ni Jaze ang papa niya para matulungan ka, at naiwan ako mag-isa. Siguro hinanap mo yung tarantado na yon, at pumunta ka sa bar para uminom nung nakaramdam ka ng lungkot. Nagkataon naman na nakita si Lea doon. Nakikipagusap siya sa iba tungkol kay Tito Ivan sa napakayabang na ugali. Hindi mo nakita yung yabang sa mukha niya. Hindi ko napigilan kaya minura ko siya ng ilang beses, pero ilang beses ko lang siya minura. Tas ngayon, kaninan lang umaga, dinala nila ako dito at basag ko daw yung kotse ni Lea at ang suspek nila ay ako. Kahit ano p
Ang puso ni Eva ay parang pinipiga ng mahigpit ng isang malaking kamay at ang sakit ay sobrang lala na hindi siya makahinga. Nanigas siya sa kinatatayuan niya, ang katawan ay hindi mapigilan ang panginginig.Pakiramdam ni Ellie ay may mali, pumalakpak ito at sumigaw, "Evie, Evie."Matapos sumigaw ng ilang beses, sa wakas ay sumagot si Eva.Ang maliit nitong mukha na kasing laki lamg ng palad ay kasing putla ng papel. Dahan-dahan itong lumingon at tumingin sa babae na puno ng galit ang mata.Ang gilid ng labi nito ay kumibot ng ilang beses, at sinabi sa namamaos na boses: "Hindi nararapat sayo yon!"Matapos sabihin iyon, hinila niya si Ellie paounta sa kotse. Naupo siya sa driver's seat at nanginginig parin ang mga hita.Hinila siya pababa ni Ellie at sinabi ng malumanay, "Bumaba ka, ako na magmamaneho."Hindi na nagpumilit si Eva. Lumabas ito sa driver's seat at umupo sa passenger seat. Isinandal nito ang ulo niya sa likod ng upuan at gustong ipikit ang mata pero ang luha nito ay hind
Makalipas ang ilang minuto, kumatok si Eva sa pinto ng President's office. Ang mapagmataas na tingin sa mukha nito ay wala na, napalitan ito ng isang natural at kalmadong ngiti ng isang nagtatrabahong babae."Boss Villanueva, ano pong gusto niyong sabihin sakin?"Napatingin si Lyxus sa mga kamay ng dalaga na walang laman at bahagyang kumunot ang noo: "Asan ang almusal ko?"Dati pag wala siyang oras kumain ng agahan, ipaghahanda siya ni Eva at ilalagay ito sa isang insulated box tsaka ito dadalhin sa kanya sa kompanya niya.Mahinang napangiti si Eva at magalang na sinabi: "Mr. Villanueva, gusto mo ba kumain ng Filipino or Western na pagkain? Ipagoorder na kita ngayon.""Hindi ka gumawa para sakin?"Naiilang na ngumiti si Eva: "Mr. Villanueva, ang bagay na ito ay parang hindi kasama sa kontrata na pinirmahan ko."Napatitig si Lyxus kay Eva nang walang kurap-kurap. Nagpakahirap siya hanapin ang anino ng nakaraan nito sa mukha ng dalaga. Dati pag tinititigan siya nito, may mga bituin ito
Ang mga dokumento ay may mantsa at may mabahong amoy.Si Lyxus ay may matinding mysophobia. Pag ang dokumento na ito ay ibinigay sa kanya, kahit sino ay madaling maiisip kung anong sunod na mangyayari.Ang daliri ni Eva ay namuti habang hawak nito ang mga dokumento.Si Lea Evangelista, ang laki sa layaw na pinakamatandang anak na babae ng pamilya Evangelista, talagang bumaba ito para magtrabaho bilang assistant sa Villanueva Group. Paanong hindi alam ni Eva ang layunin nito?Lakas loob din ito na inisip na ang ganitong bagay ay madalas mangyayari sa susunod.Ang magandang labi ni Eva ay kumurba pataas, naglabas ng isang malamig na ngiti. Mahigit sampung minuto ang lumipas, pumasok muli sa meeting room si Eva.Nang makita na ang kamay nito ay walang laman. Nagpakita ng konting pagmamalaki sa mukha ni Lea pero agad din ito nawala na walang kahit anong bakas. Para bang mabait ito na kaya niyang makiusap para kay Eva, "Kuya Lyxus, kahit na ang kontrata na ito ay hindi matapos ngayong
Hindi pa nakaranas ng ganito si Lea dati. Nahihirapan siya at nagmura: "Eva, ang lakas ng loob mo saktan ako, sa maniwala ka o hindi, hahayaan kong mamatay ang tatay mo sa kulungan!"Nang marinig niya ang tungkol sa ama, lalong nagalit si Eva at tinindihan ang lakas ng kamay."Dahil hindi naman kayang turuan ng magulang mo ang anak nila, ako na ang gagawa ng daan para tulungan sila."Mas maliit si Lea kumpara kay Eva at dahil laki sa layaw na siya simula pagkabata ay wala siyang laban kay Eva. Ilang minuto ang nakalipas, ang mukha niya ay nabugbog na para bang ulo ng baboy."Nagngalit ang ngipin niya sa sakit at sinabi, "Maghintay ka lang, Eva!"Matapos sabihin jyon, tinakpan niya ang mukha at tumakbo palabas.Tinignan ni Eva ang mumula niyang palad at ang galit sa mata nito ay hindi nawala ng tuluyan. Ang problema na dinala sa kanya ni Lea ay hindi kagad matatapos ng ilang sampal lang.Nakaakyat na siya sa kumunoy ng nakaraan, at ngayon gusto ni Lea na itulak siya ulit pabalik dito.
Para makumpirma ang pagkakasala ni Eva, dinala mismo ni Mrs. Villanueva si Lyxus sa monitoring room. Nakasunod si Lea suot-suot ang isang mask.Pinanood niya ang surveillance video at nagngalit ang ngipin na sama ng loob. Dapat ay mapaalis na niya palayo ngayon si Eva!Ilang tao ang nakaupo sa monitoring room, nakatitig ng maigi sa playback ng surveillance. Sa isang kritikal na sandali, sinadya ni Lyxus na utusan ang isang tao na pabagalin ang video pero matapos tignan ng paulit-ulit, walang bakas ni Eva na kung saan pumasok si Lea sa palikuran.Napatitig si Lea sa screen at hindi makapaniwala: "Hindi maaari, yung video panigurado napeke na ni Eva. Pumasok siya bago ako, imposible na hindi napeke to!"Napatingin si Lyxus sa mga tao na nasa monitoring room na may mapagmataas na tingin: "Sinabihan ba kayo ni Secretary Tuason na palitan ang video?"Ilang trabahante sa monitoring room ang iniling ang ulo nila: "Boss Villanueva, ikaw ang nag-utos nung huli na walang pwede makanood ng vide
Matapos ni Lyxus isulat ang salita na yon, nilapag niya ang malaki niyang kamay sa hita ni Eva at inasar ito. Tumingin siya ng makahulugan kay Eva na para bang binabalaan ito: Pag nagsalita ka, hindi ko alam kung anong magagawa ng kamay ko.Gustong tumanggi ni Eva pero natatakot siya na malalaman ng Maestro niya ang kaugnayan niya kay Lyxus. Ang tanging nagawa lang niya ay magbaba ng ulo at kumain ng cake ng tahimik.Nang makita na kasing amo ng isang kuting ang dalaga, pakiramdam ni Lyxus ay parang nakuryente ang puso niya at isang kakaibang kilabot ang dumaloy sa buong katawan niya.Ang malaking kamay nito ay hindi mapigilan pisilin ang hita ni Eva, "Ang estudyante na to ay parang matalino, paanong mali ang pinili nitong tao?"Bumuntong hininga si Ginoong Jose: "Binitawan niya ang career niya bilang abogado para sa lalake na yon pero sino mag-aakala na ang tarantado na yon ay hindi lang marunong magpahalaga kundi inapi siya. Pumunta ako dito ngayon para may mapaglabasan siya ng sama
Nakatayo si Lyxus sa pinto at nakasuot ng itim na suit at may seryosong mukha. Sa likod nito ay nakasunod ang magulong pag-iitsura ni Jacob.Tumingin ng malalim si Lyxus kay Eva ng ilang segundo, tsaka ibinigay si Jacob sa isang klerk at naupo sa upuan sa gallery.Naglakad papunta sa witness stand si Jacob na inalalayan ng isang klerk at nanghihinang sinabi: "Your honor, ako po si Jacob Lopez mula sa Technology Department ng Villanueva group. Siya po tinakot ako na burahin ang video kung hindi ay tatanggalin niya po ako sa kompanya. Bumibili po ako non ng bahay at ipinapaayos iyon para sa paghahanda para sa pagpapakasal. Nagkaroon po ako ng maraming utang at ayoko pong mawalan ng trabaho kaya pumayag po ako pero pinanghawakan ko lang po iyon at inedit ang video, naisip ko pong ibenta iyon kay Eva pero hindi ko po alam sino ang kumidnap sakin at seryoso po akong nasaktan.""Si Eva po ang nagligtas sakin at pumayag po ako maging witness niya. Sa hindi po inaasahan, nahanap po ako ng mga
Napangiti si Alexander at walang magawa: "Lyxus, sa totoo lang, matagal na ako pinagsabihan ng asawa ko na pag may sinabi akong kahit ano sayo, hihiwalayan niya ako. Tanging sinabi lang niya sakin ay hindi karapat-dapat sayo na malaman ang totoo. Pasensya na, kapatid."Hindi na hinintay nito ang sasabihin ni Lyxus, pinatay agad nito ang tawag. Napamura nalang si Lyxus sa sobrang galit.Maigsi palang ang distansya na dinaanan ni Eva nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jaze."Kuya, anong problema?""Nakatakas si Jacob. Ang tanging ebidensya na meron tayo para sa darating na court hearing ay wala na."Si Jacob Lopez ang iniligtas nila at ito rin ang tanging saksi. Tumakas ito sa napaka kritikal na sandali at alam ni Eva kung anong mangyayari kahit hindi niya ito pag-isipan ng maigi. Tinapakan niya ang brake at may matinis na tunog ng pagkayod ng gulong. Matapos marinig ito, nagmamadaling tumakbo papunta dito si Lyxus.Kinalabog nito ang pintuan ng kotse: "Eva, buksan mo ang pinto!"
Nang marinig ito, nanliit ang mata ni Lyxus. Ang madilim na mata nito ay parang nagyeyelong lawa. "Eva, maliban lang dito pwede mo ka humiling ng iba pa.""Pero ito lang ang gusto ko. Mr. Villanueva hindi ka umaatras sa mga sinasabi mo."Ang seryosong mukha ni Lyxus ay biglang nanlambot, ang matangkad at deretso nitong katawan ay nangingibabaw sa sa katawan ng dalaga. Ang mainit na hininga nito ay bumubuhos sa mukha ni Eva."Eva, gusto mo ba talagang mawala ako? Sobrang nagmamadali ka bang sumama sa ibang lalake?"Kalmadong tumingin si Eva sa binata: "Kahit ano pang isipin mo."Ang boses ni Lyxus ay naging malamig at walang awa: "Wag mo nang balakin. Hindi kita bibitawan kahit pa ang kontrata natin ay matatapos na sa sumunod na araw! Hahayaan ko ang pamilya Evangelista na bigyan ka ng paliwanag para sa bagay na to."Matapos sabihin iyon, isinara nito ng malakas ang pinto at umalis.Maya-maya pa, walang may alam kung paano pinilit at sinuhulan ni Lyxus si Lea, pero talagang humingi it
Hindi nakapagsalita si Lyxus matapos tanungin. Alam niya na na nanatili parin kay Eva kung anong nangyari dati. Subalit nagpadala na siya ng mga tao para hanapin ang ebidensya pero hindi niya alam kung sino ang nag-hijacked dito.Nang makita na hindi nagsalita ang binata sa mahabang panahon, malamig na napangisi si Eva."Hindi mo na kailangan sumagot, Alam ko na ang sagot. Pwede na kayong lahat umalis, Hindi ko kayo kailangan tungkol sa usapin na to."Sakto naman, maririnig ang boses ni Jaze mula sa pintuan."Kaya kong ibigay ang ebidensya na gusto ni Mr. Villanueva."Pumasok si Jaze kasama si Jean. Ang dalawa ay agad na naglakad palapit kay Eva at tinignan ang maputla nitong mukha. Hindi pa nawala sa pagiging kalmado si Jaze dati. Malamig ang binata na tumingin kay Lyxus, at may bahid ng panunuya sa gilid ng mga labi nito."Ganito ba protektahan ni Mr. Villanueva ang kanya? Ano pang kaya mong ibigay sa kanya na magpapanatili sa kanya sa tabi mo bukod sa pagdala sa kanya ng walang ka
Naupo si Lyxus sa tabi ng higaan ni Eva, hawak dalawang malambot at maputi na kamay ng dalaga tsaka paulit-ulit na hinalikan ito.Ang tanging naiisip nito ay tungkol sa sinabi ng doktor kanina lang.Alam niya na hindi kayang lumangoy ni Eva pero hindi niya alam na may takot siya dito. Ngayon ay naiintindihan na niya sa wakas kung bakit hindi pumupunta sa bathtub si Eva tuwing magtatalik sila sa bathroom, kahit anong subok nito akitin ang dalaga. Ang takot pala nito sa tubig ay umabot sa punto na to.Tinitigan lang ni Lyxus ang maputla at maliit na mukha ni Eva, tsaka nagsalita sa mahinang boses."Eva, ang daming tungkol sayo na hindi ko alam."Hindi niya alam ang tungkol sa broken relationships nito pitong taon ang nagdaan at hindi niya alam na meron pala itong lalake na minahal niya ng buong puso.Hindi niya rin alam kung may pagmamahal ba sa nakaraan na kabaitan nito sa kanya.Maingat na hinaplos ni Lyxus ang mukha ng dalaga at yumuko para halikan ang malamig nitong labi."Eva, gus
Pag ang usapan ay tungkol sa bata, nagagalit si Eva. Inilabas niya lahat ng lakas bigla at tinulak palayo si Lyxus. Napaatras ang binata ng ilang hakbang, ang ngiti sa mukha nito ay naging mapait at malamig."Mr. Villanueva, nagkakamali kayo ng sinabihan. Ang mahal mo ay nasa taas. Kung gusto mo magkaanak, hanapin mo siya. Kahit pa mamatay ako, hinding-hindi ako magaanak para sayo!"Matapos sabihin iyon, naglakad siya papunta sa likod na hardin nang hindi lumilingon.Kalokohan. Ito ba at si Lea ay nagkakaisa para apihin siya? Yung isa sinabihan siya na maging surrogate mother at ang isa ay minamadali siya magkaanak.Sa isip-isip ni Eva: Tarantado ka Lyxus! Wala akong pake kung magkaroon ka ng anak sa aso!Mag-isa siyang naupo sa gilid ng lawa at tahimik na iniinda ang sugat. Ang nakaraan nila ni Lyxus ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Nang isinusumpa na niya si Lyxus at nagtatapon ng bato sa tubig, narinig niya ang boses ni Lea mula sa likuran niya."Secretary Tuason, pinakiu
Ilang araw nang hindi nakikita ni Eva si Lyxus. Nasa business trip ito sa ibang bansa at dinala si Lea.Ibinahagi din ni Lea ang mga larawan sa group chat ng kompanya nila araw-araw. Kalaunan, ang bali-balita na si Secretary na inlove sa boss nila ay nawala at imbes ay napabalita na ang boss nila at ang first love nito ay magpapakasal na.May isa pa na lumapit kay Madam Lu para magtanong pero hindi man lang umamin o itinanggi ito.Walang pakeelam si Eva at tinawanan lang ang tsismis. Nang biglang may tumunog ang telepono niya. Ang tumatawag ay ang dating chief secretary na si Jean Ayala at agad na sinagot ni Eva ang tawag."Ate Jean.""Eva, hindi ka pa ba nakakaalis sa trabaho? Kailangan mo pumunta ng maaga. Wag ka papahuli.""Malapit nako umalis, kita nalang tayo mamaya."Si Jean Ayala ang dating chief secretary ni Lyxus at ito rin ang naging guro niya na nagpakilala sa kanya nitong posisyon na to. Simula nang pinakasalan nito si Alexander Ayala, ang anak ng pamilya Ayala, naging ful
Sinampal ni Eva sa Lyxus sa mukha. Kahit na ang lakas nito ay hindi gaano, masyado itong nakakainsulto para sa binata.Sino si Lyxus Villanueva? Siya lang naman ang isang big shot at nasa pinakaitaas ng pyramid sa buong lungsod nila, isang malaking demonyo na walang maglalakas loob na kalabanin ito at ang malamig at walang awa na prinsipe ng pamilya Villanueva.Hindi na kailangan banggitin na masampal sa mukha, kahit pa may magsabi ng hindi kaaya-ayang bagay sa mukha nito, talagang magdudulot ito ng matinding sakuna.Kahit si Felix ay nag-aalala kay Eva. Hinablot nito ni Lyxus at sinubukan ito mabait na hinikayat ito."Lyxus, lasing lang siya. Wag mo siya itrato na parang lasing na ibang tao. Tara na, mag-uutos ako na iuwi ka na.'Nang sabihin niya ito, gusto na niyang hilahin si Lyxus palabas pero tinulak siya nito palayo.Tumingin ito kay Eva na may madilim na mukha. Nang makita siyang ganito, agad na prinotektahan ni Jaze si Eva at tinago ang dalaga sa likuran nito."Mr. Villanueva,
Lumalabas na alam ni Lyxus matagal na na ang ina niya ang muntik nang pumatay sa ama ni Eva pero hindi nito sinabi sa dalaga.Sinamahan siya ng binata na umarte sa harap ng ama niya, hindi dahil naaawa ito sa kanya pero para maging kabayaran sa sala ng ina nito. Kung tutuusin, kung mamatay nga talaga ang ama niya, bibitbitin din ng ina ni Lyxus ang legal responsibility dahil dito.Lamig lang ang tanging naramdaman ni Eva sa buo niyang katawan.Lahat ng good feelings na inipon niya kay Lyxus sa nakalipas na araw ay nabura lahat ng dahil sa mga nadinig ng dalaga. Natawa siya sa sarili at ibinalik sa opisina bitbit ang mga dokumento.Pagpasok na pagpasok niya, narinig niya ang sinabi ni Honey sa isang sarkastikong tono: "Nakuha mo na ang suporta ni Mr. Villanueva, may pake ka pa ba sa maliit na pera na inutang ko sayo?"Agad na hinila ni Eva ang sarili sa kaninang kalagayan niya.Ngumisi si Eva: "Sige lang kung ayaw mong bayaran, magkikita naman tayo sa korte.""Eva, napakasama mo! Bigay