Ang puso ni Eva ay parang pinipiga ng mahigpit ng isang malaking kamay at ang sakit ay sobrang lala na hindi siya makahinga. Nanigas siya sa kinatatayuan niya, ang katawan ay hindi mapigilan ang panginginig.Pakiramdam ni Ellie ay may mali, pumalakpak ito at sumigaw, "Evie, Evie."Matapos sumigaw ng ilang beses, sa wakas ay sumagot si Eva.Ang maliit nitong mukha na kasing laki lamg ng palad ay kasing putla ng papel. Dahan-dahan itong lumingon at tumingin sa babae na puno ng galit ang mata.Ang gilid ng labi nito ay kumibot ng ilang beses, at sinabi sa namamaos na boses: "Hindi nararapat sayo yon!"Matapos sabihin iyon, hinila niya si Ellie paounta sa kotse. Naupo siya sa driver's seat at nanginginig parin ang mga hita.Hinila siya pababa ni Ellie at sinabi ng malumanay, "Bumaba ka, ako na magmamaneho."Hindi na nagpumilit si Eva. Lumabas ito sa driver's seat at umupo sa passenger seat. Isinandal nito ang ulo niya sa likod ng upuan at gustong ipikit ang mata pero ang luha nito ay hind
Makalipas ang ilang minuto, kumatok si Eva sa pinto ng President's office. Ang mapagmataas na tingin sa mukha nito ay wala na, napalitan ito ng isang natural at kalmadong ngiti ng isang nagtatrabahong babae."Boss Villanueva, ano pong gusto niyong sabihin sakin?"Napatingin si Lyxus sa mga kamay ng dalaga na walang laman at bahagyang kumunot ang noo: "Asan ang almusal ko?"Dati pag wala siyang oras kumain ng agahan, ipaghahanda siya ni Eva at ilalagay ito sa isang insulated box tsaka ito dadalhin sa kanya sa kompanya niya.Mahinang napangiti si Eva at magalang na sinabi: "Mr. Villanueva, gusto mo ba kumain ng Filipino or Western na pagkain? Ipagoorder na kita ngayon.""Hindi ka gumawa para sakin?"Naiilang na ngumiti si Eva: "Mr. Villanueva, ang bagay na ito ay parang hindi kasama sa kontrata na pinirmahan ko."Napatitig si Lyxus kay Eva nang walang kurap-kurap. Nagpakahirap siya hanapin ang anino ng nakaraan nito sa mukha ng dalaga. Dati pag tinititigan siya nito, may mga bituin ito
Ang mga dokumento ay may mantsa at may mabahong amoy.Si Lyxus ay may matinding mysophobia. Pag ang dokumento na ito ay ibinigay sa kanya, kahit sino ay madaling maiisip kung anong sunod na mangyayari.Ang daliri ni Eva ay namuti habang hawak nito ang mga dokumento.Si Lea Evangelista, ang laki sa layaw na pinakamatandang anak na babae ng pamilya Evangelista, talagang bumaba ito para magtrabaho bilang assistant sa Villanueva Group. Paanong hindi alam ni Eva ang layunin nito?Lakas loob din ito na inisip na ang ganitong bagay ay madalas mangyayari sa susunod.Ang magandang labi ni Eva ay kumurba pataas, naglabas ng isang malamig na ngiti. Mahigit sampung minuto ang lumipas, pumasok muli sa meeting room si Eva.Nang makita na ang kamay nito ay walang laman. Nagpakita ng konting pagmamalaki sa mukha ni Lea pero agad din ito nawala na walang kahit anong bakas. Para bang mabait ito na kaya niyang makiusap para kay Eva, "Kuya Lyxus, kahit na ang kontrata na ito ay hindi matapos ngayong
Hindi pa nakaranas ng ganito si Lea dati. Nahihirapan siya at nagmura: "Eva, ang lakas ng loob mo saktan ako, sa maniwala ka o hindi, hahayaan kong mamatay ang tatay mo sa kulungan!"Nang marinig niya ang tungkol sa ama, lalong nagalit si Eva at tinindihan ang lakas ng kamay."Dahil hindi naman kayang turuan ng magulang mo ang anak nila, ako na ang gagawa ng daan para tulungan sila."Mas maliit si Lea kumpara kay Eva at dahil laki sa layaw na siya simula pagkabata ay wala siyang laban kay Eva. Ilang minuto ang nakalipas, ang mukha niya ay nabugbog na para bang ulo ng baboy."Nagngalit ang ngipin niya sa sakit at sinabi, "Maghintay ka lang, Eva!"Matapos sabihin jyon, tinakpan niya ang mukha at tumakbo palabas.Tinignan ni Eva ang mumula niyang palad at ang galit sa mata nito ay hindi nawala ng tuluyan. Ang problema na dinala sa kanya ni Lea ay hindi kagad matatapos ng ilang sampal lang.Nakaakyat na siya sa kumunoy ng nakaraan, at ngayon gusto ni Lea na itulak siya ulit pabalik dito.
Para makumpirma ang pagkakasala ni Eva, dinala mismo ni Mrs. Villanueva si Lyxus sa monitoring room. Nakasunod si Lea suot-suot ang isang mask.Pinanood niya ang surveillance video at nagngalit ang ngipin na sama ng loob. Dapat ay mapaalis na niya palayo ngayon si Eva!Ilang tao ang nakaupo sa monitoring room, nakatitig ng maigi sa playback ng surveillance. Sa isang kritikal na sandali, sinadya ni Lyxus na utusan ang isang tao na pabagalin ang video pero matapos tignan ng paulit-ulit, walang bakas ni Eva na kung saan pumasok si Lea sa palikuran.Napatitig si Lea sa screen at hindi makapaniwala: "Hindi maaari, yung video panigurado napeke na ni Eva. Pumasok siya bago ako, imposible na hindi napeke to!"Napatingin si Lyxus sa mga tao na nasa monitoring room na may mapagmataas na tingin: "Sinabihan ba kayo ni Secretary Tuason na palitan ang video?"Ilang trabahante sa monitoring room ang iniling ang ulo nila: "Boss Villanueva, ikaw ang nag-utos nung huli na walang pwede makanood ng vide
Matapos ni Lyxus isulat ang salita na yon, nilapag niya ang malaki niyang kamay sa hita ni Eva at inasar ito. Tumingin siya ng makahulugan kay Eva na para bang binabalaan ito: Pag nagsalita ka, hindi ko alam kung anong magagawa ng kamay ko.Gustong tumanggi ni Eva pero natatakot siya na malalaman ng Maestro niya ang kaugnayan niya kay Lyxus. Ang tanging nagawa lang niya ay magbaba ng ulo at kumain ng cake ng tahimik.Nang makita na kasing amo ng isang kuting ang dalaga, pakiramdam ni Lyxus ay parang nakuryente ang puso niya at isang kakaibang kilabot ang dumaloy sa buong katawan niya.Ang malaking kamay nito ay hindi mapigilan pisilin ang hita ni Eva, "Ang estudyante na to ay parang matalino, paanong mali ang pinili nitong tao?"Bumuntong hininga si Ginoong Jose: "Binitawan niya ang career niya bilang abogado para sa lalake na yon pero sino mag-aakala na ang tarantado na yon ay hindi lang marunong magpahalaga kundi inapi siya. Pumunta ako dito ngayon para may mapaglabasan siya ng sama
Nang marinig ni Eva ang salitang 'tahanan', ang puso niya ay parang tinutusok ng tinik.Minsan na niyang tinuring na tunay na tahanan ang lugar na yon bilang kanya. Pumunta siya sa mall para bumili ng mga dekorasyon at siya mismo ang nag-ayos ng bawat parte sa bahay na iyon.Ang paglipat niya ay nagdala ng init sa dating malamig na tahanan. Araw-araw pagkalabas niya sa trabaho, pupunta siya sa palengke para bumili ng gulay ang magluto ng pagkain na gusto ni Lyxus. Hintayin makauwi ang binata galing sa trabaho at kumain kasabay ito, pakiramdam niya iyon na ang pinakamasayang oras niya.Naramdaman din niya na kahit ayaw ikasal ni Lyxus, magiging okay sa kanya mamuhay ng ganito lang pero hindi niya akalain na simula sa umpisa hanggang dulo, siya lang ang tanging nagpapakasawa sa sarili niya, at si Lyxus ay hindi kailanman naging totoo sa kanya.Tinuring lamang siya nito bilang kapares sa kama, isang kagamitan para bigyang kasiyahan ang pang-sarili nitong pagnanasa.Nang maisip ang lahat n
Nang makarating si Eva sa ospital, ang ama niya ay nasa emergency room parin. Pinilit niya ang sarili na maglakad palapit sa isang gwardiya sa kulungan, ang boses niya ang nanginginig."Kamusta po ang Dad ko?""Sinusubukan parin nila iligtas siya. Hindi parin namin alam kung anong nangyayari sa loon sa ngayon. Sinubukan niya magpakamatay sa paglalaslas ng braso niya. Maraming dugo na ang nawala sa kanya at kakagaling niya palang sa operasyon sa puso. Ang kondisyon niya ay medyo komplikado."Nang marinig ito, hindi mapigilan ni Eva na mapaatras at kamuntikan pa siyang mahulog sa sahig.Ang gwardya sa kulungan ay agad na tinulungan siya na may pag-aalala: "Ms. Tuason, wag kayo mag-alala. Kakapasok lang po ng eksperto at sa tingin ko magiging maayos naman po si Mr. Tuason."Sinubukan ni Eva na pigilan ang luha, tumingin sa gwardiya at nagtanong, "Paano sinubukan ng tatay ko magpakamatay?"Nag-alangan pa muna ang gwardiya at sinabi, "Napakababa po ng mood kahapon ni Mr. Tuason at ang mukh
Nagpalit na si Eva ng damit at tumayo sa harap ng salamin. Sobra siyang nabighani sa itsura niya sa harap ng salamin.Ang dress na suot niya ay ang paborito niyang kulay na starry blue.Tube top ang design nito, backless hanggang sa bewang at natatali ng isang manipis na strap. Ang dulo ng strap ay may tunay na kulay asul na paru-paro. Ang palda ay nakadesenyo na umabot sa sahig at ang kulay asul na tulle ay napupuno ng diyamante.Sa ilalim ng ilaw, ang mga diyamante ay naglalabas ng makulay na ilaw na para bang nagniningning na bituin sa kalangitan.Hindi maiwasan ng manager na mamangha: "Napakagaling pumili ni Boss Lyxus. Napakabagat sayo Secretary Tuason ang damit na to. Napakaelegante at marangal pero hindi ganoon kagarbo. Para kang isang anghel na lumipad pababa mula sa langit.Ang hindi maganda na mood ni Eva dahil sa panggugulo ni Jam kahapon ay nawala dahil sa ganda na idinulot ng dress na ito.Iniangat niya ng konti ang palda ng dress at napangiti ng bahagya. Iikot na sana si
Natigilan si Lyxus. Ang lumanay sa mukha nito ay nawawala agad.Ito ang pangalawang beses na narinig niya ang pangalan na ito mula kay Eva, at kada tawag ng dalaga dito ay masyadong magiliw.Gusto ng binata umaktong kalmado at magkunwari na wala itong nadinig. Gusto niya rin tanggalin ang tao na ito sa buhay ni Eva pero ang malakas na mapang-angkin na ugali nito ay nagpawala parin sa tamang wisyo.Hindi niya kayang hayaan na ibang lalake ang magiging inner support ni Eva at hindi niya hahayaan na ang taong tinatawag ng dalaga sa panaginip ay hindi siya.Nagdilim ang mata ni Lyxus at hindi na niya kayang kontrolin ang nararamdaman niya.Yumuko siya palapit sa labi ni Eva at nagsalita sa mahina at garalgal na boses, "Sige, hayaan mo kong halikan kita at hindi ako aalis."Matapos sabihin iyon, hindi na naghintay si Lyxus na magreact si Eva. Lalo pa itong nilapit ang ulo at kinagat ang labi ng dalaga. Ang halik nito ay mapang-angkin, mapaghari at nakakabaliw.Nagising si Eva dahil sa mag
Mahinang ngumiti si Eva: "Mr. Villanueva, eto po ay desisyon ni Mrs. Villanueva, wala po akong karapatan na magtanong."Bukod don, ayaw rin ng dalaga.Nakatitig lang si Lyxus sa malamig na mukha nito, ang kilay rin nito ay medyo nakaangat."Eva, alam mo kung anong ibig sabihin pag dinala ko sa anniversary party ngayong taon. Bakit hindi ka nagseselos?"Wala parin pagbabago sa tono ni Eva."Mr. Villanueva, wala pong karapatan ang isang Canary na kontrolin ang amo. Kailangan ko lang ay maging kapares mo sa kama at siguraduhin na mapapasaya kita sa kama. Pagdating naman sa ibang bagay, wala akong karapatan na magsalita, diba?"Ang mga salita na binitawan nito ay maingat at kaaya-aya pero bawat salita ay parang tinik na malalim na tumutusok sa puso ni Lyxus. Niyakap ni Lyxus ang dalaga, ang utak nito ay puno ng imahe ni Eva na nagseselos. Ang gusto niya ang ang mabait na si Eva, hindi ang masunurin at walang kamalian na Eva ngayon.Maingat na hinaplos ng binata ang ulo ni Eva: "Sumama ka
Agad na may lumabas na pagkabalisa sa mata ni Mrs. Villanueva pero agad din nawala ito at bumalik sa pagiging kalmado."Bakit mo naman nasabi yon? Namatay si Maria sa aksidente para lang maprotektahan ang anak niya na yon. Paano magiging hindi totoo yon? Yung itsura ni Lea at blood type ni Lea ay parehas nung kay John. Wag mo sasabihin to sa harap niya, kung hindi ay masyado niyang poprotektahan ang anak niya at wala siyang sasantohin."Sino bang kamag-anak non? Nung nakita ng pamilyang yon na bulag at walang silbi si Lyxus pinakiusapan nila ako para kanselahin ang engagement, matagal ko na dapat pinutol ang kaugnayan ko sa kanila para yung Lea na yon hindi na pinepeste ang apo ko buong araw."Mas lalong lumambot ang boses ni Mrs. Villanueva. "Mom, yung kasal ay si Lyxus mismo ang pumili nung bata pa siya. Sinabi niya sa harap ng mga nakakatanda na papakasalan niya ang bata na nasa sinapupunan ni Maria pag lumaki siya. Hindi tayo pwede umatras sa binitawan na salita."Napangisi ang ma
Sinabi ito ni Eva at tumalikod paalis. Pinanood lang ni Lyxus ang dalaga na umalis habang nakakuyom ang mga kamay.Sakto naman ang pagkalabas ni Lea. Nang makita nito ang madilim na mukha ni Lyxus, agad itong humagulgol ng iyak."Kuya Lyxus, hindi ko sinasadya na iframe-up si Secretary Tuason. Nung nalaman ko na ikaw at si Secretary Tuason ay may relasyon, hindi ko nakontrol ang nararamdaman ko kaya gusto ko siya sabuyan ng kape. Alam mo naman na pag umatake ang sakit ko, hindi yon kontrolado ng utak ko. Ano man yung nangyari, nangyari na at natakot ako na malalaman mo yung totoo at lalayuan ako kaya nakiusap ako kay tita na humanap ng paraan para mabura yung video. Kuya Lyxus, pakiusap wag mo ko sisihin, okay? Sa totoo lang ang dahilan non ay gusto kita ng sobra. Pag nakikita kita na mabait sa uba, hindi ko mapigilan na magkasakit."Habang nagsasalita ito ay mapait itong umiiyak.Agad naman lumapit ang lola ni Lea sa ama para damayan ang dalaga: "Lea, wag ka umiyak kung hindi nagkaka
Nakatayo si Lyxus sa pinto at nakasuot ng itim na suit at may seryosong mukha. Sa likod nito ay nakasunod ang magulong pag-iitsura ni Jacob.Tumingin ng malalim si Lyxus kay Eva ng ilang segundo, tsaka ibinigay si Jacob sa isang klerk at naupo sa upuan sa gallery.Naglakad papunta sa witness stand si Jacob na inalalayan ng isang klerk at nanghihinang sinabi: "Your honor, ako po si Jacob Lopez mula sa Technology Department ng Villanueva group. Siya po tinakot ako na burahin ang video kung hindi ay tatanggalin niya po ako sa kompanya. Bumibili po ako non ng bahay at ipinapaayos iyon para sa paghahanda para sa pagpapakasal. Nagkaroon po ako ng maraming utang at ayoko pong mawalan ng trabaho kaya pumayag po ako pero pinanghawakan ko lang po iyon at inedit ang video, naisip ko pong ibenta iyon kay Eva pero hindi ko po alam sino ang kumidnap sakin at seryoso po akong nasaktan.""Si Eva po ang nagligtas sakin at pumayag po ako maging witness niya. Sa hindi po inaasahan, nahanap po ako ng mga
Napangiti si Alexander at walang magawa: "Lyxus, sa totoo lang, matagal na ako pinagsabihan ng asawa ko na pag may sinabi akong kahit ano sayo, hihiwalayan niya ako. Tanging sinabi lang niya sakin ay hindi karapat-dapat sayo na malaman ang totoo. Pasensya na, kapatid."Hindi na hinintay nito ang sasabihin ni Lyxus, pinatay agad nito ang tawag. Napamura nalang si Lyxus sa sobrang galit.Maigsi palang ang distansya na dinaanan ni Eva nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jaze."Kuya, anong problema?""Nakatakas si Jacob. Ang tanging ebidensya na meron tayo para sa darating na court hearing ay wala na."Si Jacob Lopez ang iniligtas nila at ito rin ang tanging saksi. Tumakas ito sa napaka kritikal na sandali at alam ni Eva kung anong mangyayari kahit hindi niya ito pag-isipan ng maigi. Tinapakan niya ang brake at may matinis na tunog ng pagkayod ng gulong. Matapos marinig ito, nagmamadaling tumakbo papunta dito si Lyxus.Kinalabog nito ang pintuan ng kotse: "Eva, buksan mo ang pinto!"
Nang marinig ito, nanliit ang mata ni Lyxus. Ang madilim na mata nito ay parang nagyeyelong lawa. "Eva, maliban lang dito pwede mo ka humiling ng iba pa.""Pero ito lang ang gusto ko. Mr. Villanueva hindi ka umaatras sa mga sinasabi mo."Ang seryosong mukha ni Lyxus ay biglang nanlambot, ang matangkad at deretso nitong katawan ay nangingibabaw sa sa katawan ng dalaga. Ang mainit na hininga nito ay bumubuhos sa mukha ni Eva."Eva, gusto mo ba talagang mawala ako? Sobrang nagmamadali ka bang sumama sa ibang lalake?"Kalmadong tumingin si Eva sa binata: "Kahit ano pang isipin mo."Ang boses ni Lyxus ay naging malamig at walang awa: "Wag mo nang balakin. Hindi kita bibitawan kahit pa ang kontrata natin ay matatapos na sa sumunod na araw! Hahayaan ko ang pamilya Evangelista na bigyan ka ng paliwanag para sa bagay na to."Matapos sabihin iyon, isinara nito ng malakas ang pinto at umalis.Maya-maya pa, walang may alam kung paano pinilit at sinuhulan ni Lyxus si Lea, pero talagang humingi it
Hindi nakapagsalita si Lyxus matapos tanungin. Alam niya na na nanatili parin kay Eva kung anong nangyari dati. Subalit nagpadala na siya ng mga tao para hanapin ang ebidensya pero hindi niya alam kung sino ang nag-hijacked dito.Nang makita na hindi nagsalita ang binata sa mahabang panahon, malamig na napangisi si Eva."Hindi mo na kailangan sumagot, Alam ko na ang sagot. Pwede na kayong lahat umalis, Hindi ko kayo kailangan tungkol sa usapin na to."Sakto naman, maririnig ang boses ni Jaze mula sa pintuan."Kaya kong ibigay ang ebidensya na gusto ni Mr. Villanueva."Pumasok si Jaze kasama si Jean. Ang dalawa ay agad na naglakad palapit kay Eva at tinignan ang maputla nitong mukha. Hindi pa nawala sa pagiging kalmado si Jaze dati. Malamig ang binata na tumingin kay Lyxus, at may bahid ng panunuya sa gilid ng mga labi nito."Ganito ba protektahan ni Mr. Villanueva ang kanya? Ano pang kaya mong ibigay sa kanya na magpapanatili sa kanya sa tabi mo bukod sa pagdala sa kanya ng walang ka