Nang idinilat ni Eva ang mata at nakita ang pamilyar na mukha, tila nabunutan siya ng tinik.
Hinawakan ng mahigpit ang damit ng lalake gamit ang dalawang kamay, at nanghihinang sinabi, "Kuya, ilayo mo ko dito."
Ayaw niyang makita siya ni Lyxus sa ganoong estado ng kahihiyan. Ayaw niyang makita na kinakaawaan siya nito. Wala siyang kahit na anong gusto, gusto niya lang makaalis dito sa lalong madaling panahon.
Kinakabahang napatingin si Jaze sa kanya: "Paano ka babalik ng ganto? Dadalhin kita sa doktor."
"Hindi, Kuya! Gusto ko lang magdonate ng dugo at medyo nalula lang ako. Iuwi mo nalang ako."
Mayroong bahid ng sakit sa marahan na tingin ni Jaze. Yumuko ito at binuhat si Eva patagilid.
Bumulong ito ng kalmado: "Wag kang matakot, Ilalayo kita."
Nang humabol si Lyxus, nakita niya siya Eva karga papunta sa kotse ng isang lalake. Nakatingin ito sa dalaga na puno ng sakit at awa sa mata nito.
Kinuyom ni Lyxus ang kamay sa sobrang galit. Ang mata niya ay dumilim habang pinapanood niya ang kotse umandar paalis sa paningin niya.
**
Nang magising ulit si Eva, umaga na agad ng sumunod na araw.
Matapos hindi kumain ng araw at gabi, at dahil na din sa sobrang daming dugo ang nakuha. Pakiramdam niya ay walang laman ang tiyan niya.
Kakalabas niya palang sa kwarto nang may maamoy siyang masarap na pagkain. Tumingin siya papunta sa kusina na may gulat.
Isang matangkas at deretsong pigura ang naglakad palapit sa kanya.
May hawak na mangkok ng adobo si Jaze, may suot itong apron na may kulay rosas na baboy nakatali sa bewang nito, at nakatingin ito sa kanya na may ngiti sa mukha.
"Pumunta ako sa doktor kagabi. Sabi niya you were suffering from severe blood loss at kailangan madagdagan ulit ang dugo mo. Ginawan kita ng adobong atay ng baboy. Tara tikman mo."
Napangiti si Eva nang may konting hiya, "Kuya, pwede magtagal pako ng isang gabi. Libre nalang kita ng hapunan mamaya."
Siya at si Jaze ay parehas na top students sa Law ng Ateneo De Manila, at si Jaze ay dalawang taon ang tanda sa kanya. Sila ang huling naging tagasunod ni Jose Divina, isang leader pagdating sa legal field.
Tatlong taon ang nakalipas, nakagraduate si Jaze De Leon na may master's degree at pumunta sa ibang bansa para idevelop ang career nito, habang si Eva ay naging sekretarya ni Lyxus.
Ang dalawa ay naghiwalay ng landas ng propesyonal.
Ngumiti si Jaze at sinabing: "Sige, sinabi rin ni Maestro na sobrang namimiss ka na niya. Pag naging maayos na ang pakiramdam mo, pakiusapan natin siya na sumama satin."
Hinilot ni Eva ang ulo ng ilang beses bago ngumiti ng may pag-aalinlangan: "Nakapabait ni Maestro sakin. Hindi ako sumunod sa yapak niya, nakaramdam ako ng sobrang awa para sa kanya at nahihiya ako na makita siya."
Siya ang pinakamahalagang estudyante ni Mr. Divina.
May mataas na expectation para sa kanya si Mr. Divina at minsan nang sinabi na pag pumasok na ang estudyante niya sa legal world, magdudulot siya ng kaguluhan. Pero matapos ang graduation, para lang makasama si Lyxus, nagdesisyon siyang bitawan ang kanyang legal profession at maging isang sekretarya.
Sa kadahilanang ito, nakaramdam sa kanya ng awa si Mr. Divina sa mahabang panahon.
Maginoong naghila si Jaze ng isang dining chair para sa kanya at sinabi ng may ngiti: "Ang lahat ng tao ay may sari-sariling mithiin. Hindi ka sinisi ni Maestro kahit kailan."
Nakaramdam ng kirot sa puso si Eva.
Tumingin siya kay Jaze at nagtanong, "Kuya, ikaw na ang isa sa kilalang pinakamataas na abogado sa Northern Europe, na may taunang kita na mahigit sa sampung digit. Bakit ginusto mong bumalik sa Pilipinas para bumuo ng career?"
May kislap nang liwanag sa mata ni Jaze, pero mabilis din itong nawala.
Sinabi nito sa mahinahon na boses: "Hindi ako nasanay sa mga pagkain dun, kaya bumalik ako."
Nag-abot ito ng kutsara kay Eva at simpleng nagtanong, "Anong nangyari sa inyong dalawa?"
Ngumiti si Eva sa kanya nang may pag-aalinlangan at kalmadong sumagot, "Naghiwalay na kami."
Nanatili ang nag-aalab na tingin ni Jaze sa mukha niya ng ilang segundo, tsaka ito ngumiti at pasimpleng nagtanong: "Wag ka matakot, may senior ka, at hindi siya papayag na apihin ka nila."
Iniunat nito ang malaki nitong kamay at tinapik ng dahan-dahan sa ulo si Eva, para i-comfort ito.
Paanong hindi niya nalaman kung gaano kalala ang dinanas ng dalaga sa relasyon nito?
Kagabi, umiiyak parin ito kahit tulog.
Bago pa man mabawi ng binata ang kamay nito pabalik, ang pinto ng kwarto ay patulak na binuksan.
Nakatayo sa pinto si Lyxus na may malamig na tingin sa mukha nito. Ang mga mata nito ay tinitigan ang malaking kamay sa ibabaw ng ulo ni Eva.
Hindi na siya naghintay sa magiging reaksyon ng dalawa, naglakad siya palapit kay Eva gamit ang mahaba nitong biyas.
Inagaw niya ang kutsarang nasa kamay ni Eva, yumuko at binuhat ito mula sa upuan. Nagmamadali siya papunta sa kwarto at nilock ang pinto ng malakas.
Nang makapagreact si Eva, naidiin na siya ni Lyxus sa kama. Mayroon ding nagmamadali at sunod-sunod na katok sa pinto galing kay Jaze.
Masyadong malamig si Lyxus na nagpanginig sa labi nk Eva.
"Lyxus, Baliw ka na!"
Tumingin sa kanya si Lyxus na may namumugtong mata at namamaos na boses.
"Kaya ko pang maging mas baliw!"
Matapos sabihin iyon, ibinaba nito ang ulo at kinagat niya ang labi ng dalawa. Ang tanging nasa isip nito ay ang pagtingin ng lalake kanina kay Eva.
Kahit kailan hindi pa nasiraan ng ulo dahil lang sa babae katulad ng ginagawa niya ngayon.
Kinagat niya ang labi ni Eva at gumalaw pababa sa malasnow-white nitong leeg dahan-dahan.
Nahihirapan si Eva at nagmura: "Lyxus! Tarantado ka! Tapos na tayo, wag mong hayaan na bumaba ang tingin ko sayo!"
Hindi lamang hindi bumitaw si Lyxus pero mas lalo pa nitong siniil ang dalaga sa halik.
Kinagat niya ng matindi ang dibdib ni Eva at nagtanong sa mahinang boses, "Nakahanap ka agad ng panibagong mamahalin?"
"Naghiwalay na tayo, at wala ka na don kung sino man ang kasama ko!"
"Talaga? Kung gustohin ko siyang mawala sa legal world, walang kinalaman iyon sayo?"
"Lyxus, Napakahayop mo!"
"Ang lakas ng loob niya na hawakan ang babae ko, sa tingin mo malakas loob ko?"
"Senior ko lang siya. Wala kaming relasyon. Wag mo siyang targetin."
Alam ni Eva kung gaano kawalang awa na tao si Lyxus at hinding-hindi ito magpapakita ng awa sa kahit na sinong kumalaban sa kanya.
Kakabalik palang ni Jaze galing sa ibang bansa at hindi pa maayos ang pundasyon nito. Kayang-kaya sirain ni Lyxus ang kinabukasan nito sa isang galaw lang.
Nakatingin lang si Lyxus sa kabadong itsura ng dalaga at ngumisi.
"Bumalik ka sakin, kung hindi, hindi ko masisigurado na magiging maayos siya."
Maya-maya lang, ang pinto ng kwarto ay sinipa pabukas.
Hindi na naghintay si Jaze sa reaksyon ni Eva, nagmamadali ito papasok sa kwarto at sinuntok si Lyxus. Matapos non, sunod-sunod na kaluskos ang maririnig sa kwarto.
Ang sigaw ni Eva ay tunog nang nanghihina. Hindi nito alam kung gaano katagal ang naganap, pero sa wakas ay bumalik na ang katahimikan sa kwarto.
Lumabas si Jaze na gusot-gusot ang damit at may dugo sa katawan. Naupo naman si Lyxus sa sahig at tinignan si Eva na may pighati.
"Eva, hindi nako magiging pabigat sayo para sumunod sa iba. Tumayo ka at kumain na."
Inilahad nito ang kamay at hinila patayo si Eva na nanginginig. Tinulungan niya ito maupo sa dining chair.
Tumingin sa kanya si Eva na may luha sa mga mata: "Pasensya na, Kuya."
"Di mo kailangan humingi ng pasensya sakin, parehas lang tayong tagasunod, at ang protektahan ka ang dapat kong gawin. Lumamig na yung adobo, iinit ko nalang para sayo."
Kinuha nito ang malamig na mangkok ng adobo at pumunta sa kusina. Sa mga oras na yon, kakalabas lang ng kwarto ni Lyxus. Kahit na hindi ito nahihiya katulad ni Jaze, meron parin itong pasa sa mukha.
Pinahid niya ang labi niya at tinignan si Eva nang madilim: "Sumama ka sakin, o manatili ka dito at kumain ng adobo, nasayo ang desisyon."
Malamig na tumingin sa kanya si Eva, "Tapos na tayo, hindi ako babalik kasama ka."
"Desisyon mo to, Eva, wag mo tong pagsisisihan!"
Kakatalikod palang nito at aalis na sana, nang tumawag sa kanya si Lea. Naiinip na sinagot niya agad ang tawag.
"Kuya Lyxus, binura na ni Secretary Tuason yung video sa coffee room. Pag nalaman ng magulang ko to, idedemanda nila siya para sa intentional injury. Dapat pumunta ka dito at kumbinsihin siya, kung hindi makukulong si Secretary Tuason."
Tumingin si Lyxus kay Eva ng mabagsik at sinabi ng walang pag-aalinlangan: "Then let her sit!"
Sa sobrang lakas ng boses ni Lea ay malinaw na narinig ni Eva ito pati na rin ang nakakadurog ng puso na sinabi ni Lyxus ngayon lang. Pakiramdam ni Eva na ang pitong taon na pagmamahal niya ay nasayang lang.Tumingin siya ng malamig kay Lyxus, "Kakakausap ko lang kay Honey De Guzman na tulungan niya ako i-record ang video, at hindi ko siya sinabihan na burahin iyon."Walang emosyon na tumingin sa kanya si Lyxus: "Lahat ng ebidensya ay nandito, gusto mo parin umiwas sa usapan?"Ngumiti si Eva na parang may lungkot.Bakit ba siya nagpapaliwanag dito? Umaasa ba siyang paniniwalaan siya ni Lyxus?Tuwing may nangyayari na may kinalaman si Lea, kahit anong mangyari ay kakampihan ito ni Lyxus.Tinikom ni Eva ng mahigpit ang labi, sinusubukan nito pakalmahin ang sarili."Kung ganon, magbukas tayo ng case para sa imbestigasyon. Walang kahit na sino ang magpapaamin sakin sa bagay na hindi ko ginawa. Kahit pa ibig sabihin non ay mawala sakin ang pamilya Tuason. Lilinisin ko ang pangalan ko."Pal
"Anong sinabi mo? Ikaw ang nagtulak sakin kay Lyxus dati?"Malamig na natawa ang matandang ginang."Kung hindi, sa tingin mo ba isang bayani na nagliligtas lang ng maganda si Lyxus? Ni hindi mo nga ginamit ang utak mo para maisip yon. Paanong ang isang katulad ni si Lyxus Villanueva ay tatakbo papunta sa isang liblib na eskinita nang walang rason? Kung hindi kami gumawa ng kuya mo ng bitag para maloko siya na pumunta, hindi mo mararanasan mamuhay ng marangya sa nakalipas na tatlong taon. Pero hindi ka nakuntento at gusto mo pang umakyat sa posisyon bilang Mrs. Villanueva. Hindi mo ba naisip? Na may walang hiya kang ina, Sinong mayaman na pamilya sa buong Maynila ang maglalakas loob na pakasalan ka? Kahit anong mangyari dapat bumalik ka kay Lyxus, kung hindi, sasabihin ko lahat sayo tungkol sa ina mo."Nagngingitngit ang ginang habang sinasabi ito. Para bang hindi kadugo ang turing nito sa kay Eva.Ang dugo sa noo ni Eva ay umagos pababa sa pisngi at papunta sa bibig nito. Agad na kuma
Hindi na nag-isip si Eva at sumagot, "Maliban dito, kaya kong ipangako sayo ang lahat."Pinisil ni Lyxus ang baba niya at mahinang tumawa: "Pero ito lang ang gusto ko.""Lyxus, kahit pa sa tingin mo nagdadahilan lang ako para mapalapit sayo, Inalagaan na kita ng mabuti sa nakaraang tatlong taon. Wala akong kahit na anong utang sayo. Walang rason para hindi mo ko bitawan."Napatingin si Lyxus sa pasaway na tingin ni Eva at ang madaldal nitong bibig at sa manganinag na dibdib nito. Hindi niya mapigilan na lumunok ng ilang beses.Niayakap niya si Eva paupo sa hita niya, isinandal ang baba sa balikat ng dalaga, at sinabi sa namamaos na boses: "Kung ganon sabihin mo sakin ang detalye, paano mo ko inalagaan?"Ang malalim, malamagnet na boses nito ay nagpapangilabot sa anit ni Eva, at ang malaki nitong kamay ay gumapang sa damit ni Eva.Gusto ni Eva na makawala pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Lyxus. Sa desperasyon, ibinaba niya ang ulo at kinagat ang binata sa balikat.Lahat ng sa
Nagtaas ng tingin si Eva sa binata.Ang mata nito ay malamig at medyo namumula."Pano kung sabihin ko, oo? Dadalhin ba ako ni Mr. Villanueva sa operating table para ipalaglag?Nadilim ang mata ni Lyxus habang tinititigan ng ilang minuto ang payat na muna ni Eva.Pagtapos ng mahabang panahon, nagsalita ito, "Bakit hindi mo sinabi sakin ang ganoong importanteng bagay?"Napangisi si Eva: "Sabihin ko sayo ng mas maaga, tsaka ipapalaglag ang bata ng mas maaga, tama?""Eva, pwede ba makinig ka sakin mabuti?" Pinisil ni Lyxus ang baba ng dalagaTumingin si Eva kay Lyxus na may mapulang mata, "Mr. Villanueva ikakasal ka na sa iba at magkakaanak. Kahit pa magkaroon ako ng anak, may pake ka pa ba?"Tinitigan ni Lyxus ang pasaway na mukha ni Eva at sekretong nagngangalot ang ngipin nito.Kahit pa gaano nahihirapan si Eva, hinatak nito ang braso niya at naglakad papunta sa obstetrics at gynecology operating room.Gusto ni Eva makawala, pero narinig niya ang boses ni Lyxus na hindi ito papayag sa
"Eva, Dahil lang nagalit ka at hindi kita pinansin, papalaglag mo na ang anak ko? Paanong hindi ko alam na kaya mo maging ganon kasama!"Tinitigan siya ni Eva na may namumugtong mata: "Sinabi ko na ngang Hindi! Hindi ako ang pumatay sa bata, ikaw yon!""Nakasulat na sa itim at puti, at gugustuhin mo parin makipagtalo?""Kung sasabihin ko ba na may nakialam sa mga medical records, maniniwala ka ba?"Biglang ngumisi si Lyxus, "Ang ospital na to ay pagmamay-ari namin. Pag ang isang case ay naipasok na sa database, nakalock na ito. Kahit ako hindi ko mapapalitan. Kung gusto mong magsinungaling, dapat nag-plano ka na in advance!"Niluwagan ng binata ang malaki nitong kamay at tinitigan ang pulang marka sa mala snow-white na leeg ni Eva, nakaramdam siya ng matulis na sakit sa puso niya.Tinitigan ng maputla na mukha ni Eva si Lyxus. Ito ang lalakeng minahal niya ng pitong taon at inalagaan niya ng tatlong taon. Kahit kailan at kahit anong oras hindi siya paniniwalaan nito.Malungkot na napa
Pagtapos sabihin iyon, hinablot niya ang braso ni Lea. Nakaramdam si Lea ng sakit na kumalat sa buong katawan niya."Eva, hindi pa magaling ang kamay ko. Pag ginalaw mo ko, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo to!"Napangisi si Eva: "Lea, hindi mo ba alam na kung sino ang mga nakapaa ay hindi natatakot sa mga nakasuot ng sapatos? Nagawa mo kong i-frame-up ng paulit-ulit. Paano ako magiging karapat-dapat sayo kung hindi ko tatapusin ang problema na sinimulan mo? Hindi ba pinagbintangan mo ko na sinaktan ko ang kamay mo at naging dahilan para sayo na makasali sa piano competition? Kung ganon, gagawin ko ang hiling mo at ipapaalam ko sayo kung ano ang ibig sabihin ng sinaktan!"Pagtapos niya magsalita, inilabas nito ang lakas niya at maririnig ang isang malutong na tunog. Pagtapos agad non, isang matinis na sigaw ni Lea ang maririnig."Aaaahhhh! Eva! Ang kamay ko! Binali mo talaga. Alam mo ba kung gaano kamahal ang kamay ko?! Kahit pa mawala sayo lahat ng meron ka, hindi mo kaya mabayaran
Ang mga luha ni Lea ay tumulo. Ang bali na kamay nito ay nakataas sa harap ni Lyxus.Tumakbo siya sa hospital para magpagamot at nagmadali bumalik ng hindi humihinto, gusto niyang mahuli si Eva pero hindi niya inaasahan na ganitong eksena ang aabutan niya.Alam ni Lyxus na nawala ang bata kay Eva, pero mabait parin ito sa kay Eva. Maari kayang nabigo na naman siya sa pinag-hirapan niyang ideya?Umiyak si Lea at sumandal papunta kay Lyxus pero bago pa siya makalapit, hinili ni Lyxus paatras si Eva.Malamig na tumingin ito kay Lea, at walang kahit isang emosyon ang maririnig sa boses nito."Lagi siyang nasa tabi ko. Kelan ka niya sinaktan?"Nang marinig ito, nagulat si Lea. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Lyxus, ang mata nito ay puno ng luha at sinabi, "Ngayon lang nung nasa palikuran si Eva, sinaktan niya ako. Kuya Lyxus, ang sinasabi ko ay totoo. Kung hindi ka naniniwala sakin, patignan mo ang video."Sinabi ni Lyxus sa katabing waiter: "Kunin mo ang video para sakin."Sampung
Nakakunot ang noo na napatingin si Lyxus sa dalaga, ang tono nito ay hindi palakaibigan."Binigyan kita ng tiyansa pero ayaw mo. Ngayon nagsisisi ka at ang isusunod mo naman ang Lola ko?"Hindi maintindihan ni Eva ang nangyayari. Lumingon siya sa matandang ginang na nasa tabi niya at di makapaniwalang sinabi, "Siya po ba yung apo na tinutukoy niyo?"Ngumiti ang matandang ginang at tumango: "Oo, magkakilala ba kayo? Mabuti kung ganon, May pundasyon na ang nararamdaman niyo, at kayong dalawa, hindi kayo mapipigilan pag magkasama kayo."Naiilang na ngumiti si Eva: "Pasensya na po, Lola dahil nandito na ang pamilya niyo po para sunduin kayo, mauuna na po ako. May kailangan pa po kase akl gawin."Nang makatayo si Eva, hinablot ni Lyxus ang braso nito."May nasagasaan ka tas gusto mo nalang umalis ng ganito?"Malamig na ngumiti si Eva: "Mr. Villanueva, nakalimutan mo yata na may dashcam ang kotse ko. Kung gusto mo magorganisa ng grupo para iscammin ako, hindi yon gagana!"Tumalikod ito ng
Nakatayo si Lyxus sa pinto at nakasuot ng itim na suit at may seryosong mukha. Sa likod nito ay nakasunod ang magulong pag-iitsura ni Jacob.Tumingin ng malalim si Lyxus kay Eva ng ilang segundo, tsaka ibinigay si Jacob sa isang klerk at naupo sa upuan sa gallery.Naglakad papunta sa witness stand si Jacob na inalalayan ng isang klerk at nanghihinang sinabi: "Your honor, ako po si Jacob Lopez mula sa Technology Department ng Villanueva group. Siya po tinakot ako na burahin ang video kung hindi ay tatanggalin niya po ako sa kompanya. Bumibili po ako non ng bahay at ipinapaayos iyon para sa paghahanda para sa pagpapakasal. Nagkaroon po ako ng maraming utang at ayoko pong mawalan ng trabaho kaya pumayag po ako pero pinanghawakan ko lang po iyon at inedit ang video, naisip ko pong ibenta iyon kay Eva pero hindi ko po alam sino ang kumidnap sakin at seryoso po akong nasaktan.""Si Eva po ang nagligtas sakin at pumayag po ako maging witness niya. Sa hindi po inaasahan, nahanap po ako ng mga
Napangiti si Alexander at walang magawa: "Lyxus, sa totoo lang, matagal na ako pinagsabihan ng asawa ko na pag may sinabi akong kahit ano sayo, hihiwalayan niya ako. Tanging sinabi lang niya sakin ay hindi karapat-dapat sayo na malaman ang totoo. Pasensya na, kapatid."Hindi na hinintay nito ang sasabihin ni Lyxus, pinatay agad nito ang tawag. Napamura nalang si Lyxus sa sobrang galit.Maigsi palang ang distansya na dinaanan ni Eva nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jaze."Kuya, anong problema?""Nakatakas si Jacob. Ang tanging ebidensya na meron tayo para sa darating na court hearing ay wala na."Si Jacob Lopez ang iniligtas nila at ito rin ang tanging saksi. Tumakas ito sa napaka kritikal na sandali at alam ni Eva kung anong mangyayari kahit hindi niya ito pag-isipan ng maigi. Tinapakan niya ang brake at may matinis na tunog ng pagkayod ng gulong. Matapos marinig ito, nagmamadaling tumakbo papunta dito si Lyxus.Kinalabog nito ang pintuan ng kotse: "Eva, buksan mo ang pinto!"
Nang marinig ito, nanliit ang mata ni Lyxus. Ang madilim na mata nito ay parang nagyeyelong lawa. "Eva, maliban lang dito pwede mo ka humiling ng iba pa.""Pero ito lang ang gusto ko. Mr. Villanueva hindi ka umaatras sa mga sinasabi mo."Ang seryosong mukha ni Lyxus ay biglang nanlambot, ang matangkad at deretso nitong katawan ay nangingibabaw sa sa katawan ng dalaga. Ang mainit na hininga nito ay bumubuhos sa mukha ni Eva."Eva, gusto mo ba talagang mawala ako? Sobrang nagmamadali ka bang sumama sa ibang lalake?"Kalmadong tumingin si Eva sa binata: "Kahit ano pang isipin mo."Ang boses ni Lyxus ay naging malamig at walang awa: "Wag mo nang balakin. Hindi kita bibitawan kahit pa ang kontrata natin ay matatapos na sa sumunod na araw! Hahayaan ko ang pamilya Evangelista na bigyan ka ng paliwanag para sa bagay na to."Matapos sabihin iyon, isinara nito ng malakas ang pinto at umalis.Maya-maya pa, walang may alam kung paano pinilit at sinuhulan ni Lyxus si Lea, pero talagang humingi it
Hindi nakapagsalita si Lyxus matapos tanungin. Alam niya na na nanatili parin kay Eva kung anong nangyari dati. Subalit nagpadala na siya ng mga tao para hanapin ang ebidensya pero hindi niya alam kung sino ang nag-hijacked dito.Nang makita na hindi nagsalita ang binata sa mahabang panahon, malamig na napangisi si Eva."Hindi mo na kailangan sumagot, Alam ko na ang sagot. Pwede na kayong lahat umalis, Hindi ko kayo kailangan tungkol sa usapin na to."Sakto naman, maririnig ang boses ni Jaze mula sa pintuan."Kaya kong ibigay ang ebidensya na gusto ni Mr. Villanueva."Pumasok si Jaze kasama si Jean. Ang dalawa ay agad na naglakad palapit kay Eva at tinignan ang maputla nitong mukha. Hindi pa nawala sa pagiging kalmado si Jaze dati. Malamig ang binata na tumingin kay Lyxus, at may bahid ng panunuya sa gilid ng mga labi nito."Ganito ba protektahan ni Mr. Villanueva ang kanya? Ano pang kaya mong ibigay sa kanya na magpapanatili sa kanya sa tabi mo bukod sa pagdala sa kanya ng walang ka
Naupo si Lyxus sa tabi ng higaan ni Eva, hawak dalawang malambot at maputi na kamay ng dalaga tsaka paulit-ulit na hinalikan ito.Ang tanging naiisip nito ay tungkol sa sinabi ng doktor kanina lang.Alam niya na hindi kayang lumangoy ni Eva pero hindi niya alam na may takot siya dito. Ngayon ay naiintindihan na niya sa wakas kung bakit hindi pumupunta sa bathtub si Eva tuwing magtatalik sila sa bathroom, kahit anong subok nito akitin ang dalaga. Ang takot pala nito sa tubig ay umabot sa punto na to.Tinitigan lang ni Lyxus ang maputla at maliit na mukha ni Eva, tsaka nagsalita sa mahinang boses."Eva, ang daming tungkol sayo na hindi ko alam."Hindi niya alam ang tungkol sa broken relationships nito pitong taon ang nagdaan at hindi niya alam na meron pala itong lalake na minahal niya ng buong puso.Hindi niya rin alam kung may pagmamahal ba sa nakaraan na kabaitan nito sa kanya.Maingat na hinaplos ni Lyxus ang mukha ng dalaga at yumuko para halikan ang malamig nitong labi."Eva, gus
Pag ang usapan ay tungkol sa bata, nagagalit si Eva. Inilabas niya lahat ng lakas bigla at tinulak palayo si Lyxus. Napaatras ang binata ng ilang hakbang, ang ngiti sa mukha nito ay naging mapait at malamig."Mr. Villanueva, nagkakamali kayo ng sinabihan. Ang mahal mo ay nasa taas. Kung gusto mo magkaanak, hanapin mo siya. Kahit pa mamatay ako, hinding-hindi ako magaanak para sayo!"Matapos sabihin iyon, naglakad siya papunta sa likod na hardin nang hindi lumilingon.Kalokohan. Ito ba at si Lea ay nagkakaisa para apihin siya? Yung isa sinabihan siya na maging surrogate mother at ang isa ay minamadali siya magkaanak.Sa isip-isip ni Eva: Tarantado ka Lyxus! Wala akong pake kung magkaroon ka ng anak sa aso!Mag-isa siyang naupo sa gilid ng lawa at tahimik na iniinda ang sugat. Ang nakaraan nila ni Lyxus ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Nang isinusumpa na niya si Lyxus at nagtatapon ng bato sa tubig, narinig niya ang boses ni Lea mula sa likuran niya."Secretary Tuason, pinakiu
Ilang araw nang hindi nakikita ni Eva si Lyxus. Nasa business trip ito sa ibang bansa at dinala si Lea.Ibinahagi din ni Lea ang mga larawan sa group chat ng kompanya nila araw-araw. Kalaunan, ang bali-balita na si Secretary na inlove sa boss nila ay nawala at imbes ay napabalita na ang boss nila at ang first love nito ay magpapakasal na.May isa pa na lumapit kay Madam Lu para magtanong pero hindi man lang umamin o itinanggi ito.Walang pakeelam si Eva at tinawanan lang ang tsismis. Nang biglang may tumunog ang telepono niya. Ang tumatawag ay ang dating chief secretary na si Jean Ayala at agad na sinagot ni Eva ang tawag."Ate Jean.""Eva, hindi ka pa ba nakakaalis sa trabaho? Kailangan mo pumunta ng maaga. Wag ka papahuli.""Malapit nako umalis, kita nalang tayo mamaya."Si Jean Ayala ang dating chief secretary ni Lyxus at ito rin ang naging guro niya na nagpakilala sa kanya nitong posisyon na to. Simula nang pinakasalan nito si Alexander Ayala, ang anak ng pamilya Ayala, naging ful
Sinampal ni Eva sa Lyxus sa mukha. Kahit na ang lakas nito ay hindi gaano, masyado itong nakakainsulto para sa binata.Sino si Lyxus Villanueva? Siya lang naman ang isang big shot at nasa pinakaitaas ng pyramid sa buong lungsod nila, isang malaking demonyo na walang maglalakas loob na kalabanin ito at ang malamig at walang awa na prinsipe ng pamilya Villanueva.Hindi na kailangan banggitin na masampal sa mukha, kahit pa may magsabi ng hindi kaaya-ayang bagay sa mukha nito, talagang magdudulot ito ng matinding sakuna.Kahit si Felix ay nag-aalala kay Eva. Hinablot nito ni Lyxus at sinubukan ito mabait na hinikayat ito."Lyxus, lasing lang siya. Wag mo siya itrato na parang lasing na ibang tao. Tara na, mag-uutos ako na iuwi ka na.'Nang sabihin niya ito, gusto na niyang hilahin si Lyxus palabas pero tinulak siya nito palayo.Tumingin ito kay Eva na may madilim na mukha. Nang makita siyang ganito, agad na prinotektahan ni Jaze si Eva at tinago ang dalaga sa likuran nito."Mr. Villanueva,
Lumalabas na alam ni Lyxus matagal na na ang ina niya ang muntik nang pumatay sa ama ni Eva pero hindi nito sinabi sa dalaga.Sinamahan siya ng binata na umarte sa harap ng ama niya, hindi dahil naaawa ito sa kanya pero para maging kabayaran sa sala ng ina nito. Kung tutuusin, kung mamatay nga talaga ang ama niya, bibitbitin din ng ina ni Lyxus ang legal responsibility dahil dito.Lamig lang ang tanging naramdaman ni Eva sa buo niyang katawan.Lahat ng good feelings na inipon niya kay Lyxus sa nakalipas na araw ay nabura lahat ng dahil sa mga nadinig ng dalaga. Natawa siya sa sarili at ibinalik sa opisina bitbit ang mga dokumento.Pagpasok na pagpasok niya, narinig niya ang sinabi ni Honey sa isang sarkastikong tono: "Nakuha mo na ang suporta ni Mr. Villanueva, may pake ka pa ba sa maliit na pera na inutang ko sayo?"Agad na hinila ni Eva ang sarili sa kaninang kalagayan niya.Ngumisi si Eva: "Sige lang kung ayaw mong bayaran, magkikita naman tayo sa korte.""Eva, napakasama mo! Bigay