Share

Chapter 2

    Baon ang lakas ng loob, isang pakete ng skyflakes at isang bote ng minute maid na hangang ngayon ay hindi ko pa nabubuksan, dahil sa sobrang kaba. Pinipilit kung pigilan ang pangangatal nang aking  katawan dahil sa nerbiyos, kanina ko pa pinipiga ang mga kamay na malamig at nanginginig. Pakiramdam ko namumula na ang kawawa kung kamay. Hindi dahil sa malamig na aircon kundi sa nararamdaman kung nerbiyos ngayon.

    Nasa opisina na ako ngayon ng Montejo Development Corp. Isa sa pinakasikat na construction company, hindi lang local dahil pati na rin sa international ay na invade na nila. Grabe ang paghanga ko kanina noong nasalabas pa lang ko ng naturang gusali. Isa sa matayog na building sa Makati ang Montejo Corp. Kaya hindi ako naligaw kahit sabihing first time niyang pumunta rito, dahil sa labas palang ng building ay nagsusumigaw na ang matayog na instraktura ng kompanyang pagt-trabahuhan ko.

    Oo, inangkin ko na. Ako si Brittany De Salve magiging secretary ni Eng. Jonathan Montejo. Ganoon ka lakas ang aking loob kahit  nanginginig na ako sa nerbiyos.

    Bakit ba! Lakasan lang ng loob 'yan! Piping usal ko sa sarili.

    "Kaya mo `yan! Lahat nang ito may hangganan, may katapusan, may ending! Edishing!" Sinubukan kung gawing biro ang aking nararamdaman pero nabigo lang ako. Malakas ang hatak nang kaba sa aking sistema, hindi naman ako mahilig sa kape. Pero dinaig ko pa ang naka-laklak nang isang litrong kape.

    Damn!

    Ngayon kasi ay nasa final interview na ako, at ang balita’y si Mr. Jonathan Montejo mismo ang magsasagawa ng final interview. Na mas lalong nagpadagdag ng kaba sa aking sistema. Magkaka-nervous breakdown na yata ako.

    Langya! Si pantasya ng mga keps pa talaga! Kung sinuswerte ka nga naman.

    Simple lamang ang hitsura ko ngayon. Trademark ng isang Brittany De Salve. Ang mahaba at makapal at itim na itim kung buhok na abot hanggang baywang, na ngayon ay naka-perfect bun. Maputi ako, malaki ang pasasalamat ko sa namayapa kung ina. Maputi kasi siya at sa kanya ko namana ang aking mala-porselanang kutis, pressed powder at liptint lang ang palagi kung ginagamit. Hindi ko kilala ang eyeshadow, eyeliner at kung ano pang anik-anik sa mukha. Palagi akong may suot na makapal na salamin sa mga mata, dahil medyo may kalabuan na ang aking paningin. Kung titingnan ay mas mukha siyang librarian kaysa sekretarya, dahil sa suot niyang simpleng white long-sleeved blouse na nakasara lahat ng butones, at palda na lampas kalahati sa aking tuhod ang haba.

    Perfect Miss Tapia na ang aking outfit, dahil sa pagiging old fashioned ng king tiya na matandang dalaga. Pinamana sa akin ang pamamaraan ng pananamit nito, na hangang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Na labis na kina-iinisan ng akinng mga kaibigan, like do I have a choice? I love my medieval outfit.

    Kabadong hinihila ko ang laylayan ng aking palda na bahagyang napataas sa tuhod. 'Yung kaba ko bumaba sa tiyan ko at ngayon natatae na ako dahil sa subrang kaba. Sakit ko na yata iyon, o ng kahit sino. Siguro bibigwasan niya kung sino man ang taong magsasabing hindi kinabahan sa interviews. Na kahit lumaklak pa yata siya ng sangkatutak na pampalakas ng loob, ay palagi pa rin mangunguna ang kaniyang kaba sa tuwing may job interview. Lalo na at final boss ang makakaharap ko ngayon.

    Buti nalang talaga si Tita Cynthia ang nag-interview sa akin kahapon, kaya kinaya ko ang bawat tanong nito. Easy as one, two, three. Ang mga tanong ni Tita Cynthia, kaya madali akong nakapasa kaagad, ngunit ngayon ay mas malaki ang tiyansang hindi siya matanggap.

    Agad akong napabaling sa pintuan ng bigla iyon bumukas.

    Mula sa pinto ng opisina ni Mr. Montejo ay tumatawang lumabas ang babaeng nauna sa akin. Matangkad ito at sexy. Nakalugay ang mahab at kulay ginto nitong buhok, bright red ang suot nitong formal business suit. Na mas lalong nag pa tingkad sa akin nitong ganda at ka-sexyhan.

    Napakagat-labi na lamang ako. Hindi ko na yata makukuha ang trabahong ito, sa masayang hitsura pa lang ng babaeng kakalabas ay halatang nakuha na nito ang pagiging secretarya. Higit sa lahat ay mukhang nagkakaigihan na yata sila ng binatang boss.

    Pantasya ng mga kepay nga naman, ano pa ba ang aasahan ko. Langhiya! May nanalo na! Ngayon nagsisisi na ako, kung bakit hindi ko pa kasi sinunod ang advice ni bakla na mag paganda? Grabe! E sa ganitong hitsura ako komportable. Nakakapanghinayang ang trabahong ito! Usal niya sa sarili sabay buntong hininga.

    “Expect a call from my secretary, Miss Janoras,” sabi ng isang baritonong boses ng lalaki. Hindi ko pa ito nakikita dahil nakaharang ang isang malandutay na nilalang.

    “I will, Sir. Thank you, Mr. Montejo." humahagikgik pa rin na turan ng magandang aplikante.

    I can't help to roll my eyeballs, really? Ang landi lang ha! Hindi ko maiwasan ang mainis sa babaeng malandi, at the same time, nagdadasal ako na sana bigyan pa nang pagkakataon ang mga kagaya ko. Hindi man ako pretty atleast brainy, pwede na 'yun!

    Nang humarap sa kaniya ang babae at ngumiti sabay lakad paalis ay hindi ko alam kung tatayo rin ba ako at sasabay sa babaeng papalabas ng opisina. Pinanghinaan na talaga ako, nawala na 'yung kakarampot na self confidence ko kanina. Kaya tumayo ako at wala sa sariling hahakbang na sana palabas ng opisina, nang narinig ang aking pangalan mula sa lalaking naka tayo sa hamba ng pintoan.

    "Miss Brittany De Salve?"

    Napabaling siya rito at hindi ko mapigilan ang mapatulala.

    Tila may musikang tumugtog sa kaniyang isipan dahil sa nakikita ngayon ng aking mga mata. Tugmang-tugma iyon sa nararamdaman niya at gusto niyang palakpakan ang kumanta nang kantang ito.

    'Mr. Dreamboy, O Mr. Dreamboy... 

    Ikaw ang laging nasa isip ko...

    Mr. Dreamboy O Mr. Dreamboy,

    This man is an epitome of gorgeousness, a Greek God. Nakasuot ito ng three piece suit na bakat ang matipuno nitong katawan. Umakyat ang tingin ko sa mukha ng lalaki at hindi ko mapigilan ang panghinaan, naramdaman ko pa na parang may mga paru-paro sa loob ng aking tiyan.

    Panandaliang nagtagpo ang aming mga mata bago ito yumuko. Tiningnan nito ang hawak-hawak na mga papel sa hula ko ay ang aking resume. 

    Holy crap! His eyes! Hindi ko natitigan nang maayos ang picture mo kahapon bebe ko! Biglang na-lowbat ang mumurahing cellphone ni bakla, pero langya! Ang ganda ng mga mata mo sa personal! Nakakalunod sa subrang ganda.

    Ang lalaking Ito na yata ang may pinakamagandang mata na nakita ko simula noong ako'y isinilang. Asul ang kulay ng mga mata nito na nakakapanghina kung tititigan. Ang natural at matangos na ilong ay bumagay sa maninipis nitong labi na mamula-mula. May natural na tan ang kulay ng balat nito na mas lalong nag pa kisig rito, at bagsak ang unat na unat nitong buhok.

    'Ikaw ang tanging Dreamboy ko.

     Ikaw ang tanging Dreamboy ko...'

    “Miss De Salve?” Mula sa hawak na clipboard ay lumipat ang tingin nito sa akin. Napabalik naman siya sa ulirat dahil doon. 

    At biglang nawala ang kantang tumutugtug sa kanyang isipan. Hindi niya maiwasang mapailing nang wala sa oras. Ibang klaseng kahibangan itong ginagawa niya.

    “A-ah, y-yes, S-sir,” utal na sagot niya rito.

    Tila matutunaw yata siya sa pamamaraan ng pagtitig nito, bumabalik ang kabang nararamdaman ko kanina.

    Oh ghad! Snap it out! Brittany, mas kailangan mo ang trabaho kaysa sa Mr. Dream boy mo! Kastigo ko sa sariling nahihibang na naman.

    “Come inside,” wika ni Mr. Montejo, bago siya nito binigyan ng isang pamatay na ngiti sabay tumalikod.

    Magd-day dreaming sana ako ulit, ngunit mabilis na binigyan niya ng mahinang sampal ang sarili, at pinilit na humakbang papasok sa opisina. Pinasadahan niya ng tingin ang napakagandang opisina nito, hindi ko alam na may pagka-neat freak pala ang lalaki. Lahat ng mga gamit ay nasa ayos, sobrang luwag ng opisina at nagsusumigaw ang itim at gray na tema nito.

    Sa glild ng aking mga mata nakita kung umupo sa swivel chair si Mr. Montejo, at muling ngumiti sa gawi ko.

    Oh my ghad! Tama na sa kakangiti, please! Wala na akong panty! Saad niya sa sarili.

    Inabot nito ang kamay sa kaniya. “Hello, Miss De Salve. I’m Jonathan Montejo. Pleasure to meet you. Take a seat.”

    “Good morning, Sir. Nice to meet you too,” bati niya rito sabay abot ng kamay niyang nagyeyelo na yata sa sobrang lamig. 

    Nang magdaop ang aming mga palad ay parang may libo-libong at kakaibang kuryente ang biglang dumaloy sa aking katawan, na mas dumoble pa dahil naramdaman ko mahina nitong pagpisil. 

    “Thank you, Sir.” Pinigilan ko talaga ang hindi muling mautal sa harap nito.

    Alam ko na kasing-pula na ng kamatis ang aking mukha dahil sa pagpisil nito sa aking kamay.  

Mabuti nalang wala akong blush on. Nag natural ang pamumula ng aking pisngi. Nakakahiyang isipin na mukha akong espasol sa harap ni Boss. 

    Nang naupo na siya sa harapan nito ay nakita niyang pinasadahan nito ng tingin ang kaniyang resume. Kaya pa-simple siyang humugot nang malalim na hininga at marahan iyong nilabas upang pakalmahin ang sarili.

    Kung bakit naman kasi sobrang guwapo nitong lalaking kaharap niya, subrang makasalanan at gentleman pa. Hindi madamot sa makalaglag panty nitong ngiti. Total package ang lalaki, mayaman na, mabait pa.

    Nang ibaba nito ang kaniyang resume ay mataman niya akong pinagmasdan, tila nanikip ang aking dibdib dahil doon.

    “So...,” panimula nito na bahagyang nakangiti. “According to your resume, you had few units in Architecture. Bakit hindi mo ipinagpatuloy?”

    Nagbukas siya ng bibig para sana sumagot, ngunit walang tunog na lumabas roon. I cleared my throat before I started, “Hindi ko na po nakayang ipagpatuloy ang pag-aaral, Sir. May...b-biglaang nangyari po kasi.” Hindi ko na napigilan ang mautal, dahil biglang sumagi sa aking isipan ang kaniyang mga magulang. Na mag pa sa hanggang ngayon, masakit pa rin sa kaniya ang madilim na bahaging iyon ng kaniyang buhay. “Kung hindi niyo po sana mamasamaan, Sir. I'm sorry, pero personal reasons po.”

    “Ah.” Sumandal ito sa backrest ng swivel chair at tinitigan siya nang maigi. “I’m sorry. Na-curious lang ako.”

    “I understand, Sir,” mahina niyang sagot.

    Nakita ko itong ngumiti at maya-maya pa ay nagtanong na itong muli, patungkol na iyon sa mga professional experience niya. Minsan pa siya nitong napatawa nang magkuwento ito nang mga nakakatawang experience sa kaniyang buhay. Hindi ko maiwasan na humanga lalo sa kaharap hindi pala biro ang palaguin at panatalihin na matayog ang isang emperyo. Nang nagpasalamat ito sa kaniya at tumayo. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lungkot na aking nararamdaman. Gusto ko pa siyang makausap pa ng matagal ngunit hindi pwede. Lumapit ang binata sa kaniya at nakipag daopang palad.

    Isang malungkot na ngiti ang aking naibigay at nagpasalamat. Alam kung hindi ko nakuha ang trabaho. Malungkot din isipin dahil alam kung ito na ang huling beses na masisilayan ko ang guwapo nitong mukha.

    “Expect a call from my secretary, Miss De Salve,” anito. “It’s a pleasure having a conversation with you.”

    “The pleasure is all mine, Sir,” matipid kung turan. Inihatid ako nito sa pinto, katulad ng naunang aplikante kanina, at hindi pa man ako nakakalabas ay alam na kung nakalimutan na ako nito.

    Iyon na yata ang pinakamalungkot na realidad sa kaniyang buhay. Pinagtagpo, ngunit hindi itinadhana. Sa hitsura pa naman na mayroon siya ay dapat na siyang masanay, ngunit hindi niya maiwasang malungkot.

    Buhay nga naman. 

    “Thank you, Sir. Have a nice day.” Binigyan ko ito ng huling sulyap bago tinalikuran.

    Paalam aking dream boy. Malungkot kung usal.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
goodnovel comment avatar
Rossana Cadag
ka qbqng abang qng bawat exsena haiizzz grqbe nakaka adict namqn
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status