Share

Chapter 5

    "Please, don't get me wrong Brittany. I just said those cringy pick up lines. So that Desmund will not pester you. And beside those 'halaga' lines are meant for a punctual employee, like you. I've value punctuality it means those people manage there time properly," he calmly said. And go on with his job, leaving me dumbfounded.

    It's been what? 

    One hell week and half? Simula mangyari ang paasang pick-up lines na 'yun. Pero kapag may naririnig akung salitang 'halaga' sinasadiya man o hindi naba-badtrip na ako sa 'di malamang dahilan. Automatic na nasisira na araw ko.

    May halaga syndrome na yata ako. Hindi na kasi maganda ang nagyayari sa akin, tulad na lang noong isang araw.

    "Brittany, mahalaga itong files para sa board meeting mamaya. Puwede mo bang tapusin?" utos ni Tita Cynthia sa akin.

    Lihim na nabubuhay ang inis ko dahil mas mahalaga pa ayata ang files na 'yun kaysa sa akin. Dahil sa nangyari naging masama na buong araw ko. She's starting to get grumpy and unproductive.

    "Hindi mahalaga ang ganda lang Brittany. You have to feel it. Claim it. Owned it. You are beautiful inside and out." Pangaral ni Rose sa akin. Isang araw ng maisipan nito'ng isilid sa malaking cartoon ang mga damit na minana ko mula sa aking masungit na tiyahin. 

    Laking gulat nalang ni Rose ng bigla nalang akong sumigaw sa subrang inis.

    Argh. Aminin ko man o hindi umasa talaga puso ko doon sa pesteng pick-up lines. Who woudn't? 'Yung pakiramdam na bigla akong itinaas, 'yung feeling na nasa pedesal ako ni cloud nine. Ganoon ka taas na level. Tapos bigla-bigla rin pa lang akong bibitawan. Grabe, damang-dama ko ang sakit hindi man ako literal na nahulog sa sahig. Para naman akong sinuntok sa dibdib nang pagkalakas-lakas. Ganon ang effect sa akin, pero wala akong magawa. Gusto ko man dibdibin ang lahat. Wala naman akong karapatan sino nga lang naman ba ako? Isang hamak na empleyada, and I'm dealing it every single day.

    Truth hurts!

    Hindi ko rin naman masisi ang sarili ko kung iba ang pagkakaintindi ko sa 'halaga' pick-up lines na 'yun. Pakiramdam ko kasi sa tanang buhay ko noong araw lang na 'yun ako nakadama, na sa ibang tao may halaga pala ako, sa ibang tao worth it pala ang isang tulad ko.

    Minsan hindi rin kasi sumasagi sa isipan ko na dapat sa sarili ko mismo, ma-realize ko at maramdaman kung may halaga pala ako. Na sa lahat ng bagay worth it pala ang tulad ko. Na-realize kolang 'yun noong dumating sa bahay ko ang kaibigang kung si Daniella, umiiyak ito at hindi alam kung ano ang gagawin.

    "I don't know Brit. Ibinigay ko naman ang lahat ah, minahal ko naman siya ng buong-buo pero bakit ganoon? Bakit iba sinukli niya sa pagmamahal ko? Mas pinili niya pa rin paniwalaan ang sinasabi ng iba! Wala ba akong halaga sa kanya? Wala bang halaga sa kanya pinagsamahan namin? Tangina! nakakabobo pala ang mag mahal ng taong 'di marunong magbigay ng halaga sa taong nagmamahal sa kanila. Langya! Inom pa!!!" Sigaw ni Daniella. With all of her uhog, tears and with matching hagolhul on the side. She's drunk, hopeless and brokenhearted.

    Sa kanilang magkakaibigan si Daniella ang madaling ma-fall O sa madaling salita, madaling maniwala sa simpleng salita ng mga lalaki. Kaya madli lang siyang maloko lalong-lalo na sa mga lalaking fuckboi. Hindi ito ang unang beses na umuwi itong luhaan at sugatan ang puso.

    "Walang mali sa pagmamahal na ibinibigay natin sa isang tao. It's human nature. We love, we feel love, so we share our love. Ang mali ay iyong subra-subra ang pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila. Dapat matuto tayong mag tira para sa sarili natin. Bigyan ng halaga sarili natin, mahalin muna ang sarili, bago tayo mag mahal ng iba. Tayo muna bago sila. 'Wag natin i-asa sa iba 'yun. Responsibilidad natin sa sarili 'yun, kasi kapag nakikita na natin ang halaga sa sarili natin mismo. Unti-unti makikita din ng ibang tao 'yun, it will mirrored outside cause' we are worth it! We are worth it to be loved back! We are worth it to give love." nakangiting saad ni Ashley. "Then, isa pa Daniella why are you rushing things? Why are you rushing love? May deadline ba na ibinigay ang diyos sa iyo? Wala naman ah, minamadali ka ba ng magulang mo? Hindi naman ah, nakita mo ba kami ni Brittany na nag-a-asawa na? Wala pa naman ah, Bat' ka ba nape-presure? Little by little, day by day, what is meant for you will find it's way. So, why rush things? Just enjoy the moment and feel the love that we give you, we love you Daniella always remember that." At isang yakap ang ibinigay ni Ashley kay Daniella. And we cried with so much realization that night. We're drunk and slap by reality itself.

    Kapag itong si Ashley ang magsalita tagos hangang balon-balonan mo talaga. At sa lahat ng mga sinabi nito, pati ako ay hindi nakaligtas natamaan din. Hindi ako naka ilag. Tsaka tama nga naman si Ash. Bakit ako mag papa-apekto ng dahil lamang sa sinabi ng bago kung boss. Dapat nga ay pasalamatan ko pa si Boss Jonathan. Dahil nakikita nito ang halaga ko bilang isang tao at isang mabuting empleyada nito

    "Goodmorning Sunshine," 

    Ang boses na 'yun ang nag pabalik sa realidad ni Brittany. Isa lang ang kilala niyang lalaki na may magandang timbre ng boses. Na kapag naririnig mo ay agad nang gigitaw sa isip mo na guwapong lalaki ang nagmamay-ari niyon. Ang boses na kayang mag bigay ng kakaibang atake sa puso ko. Ang boses ng Boss kong pantasya ng lahat. Ang lalaking naging dahilan kung bakit, matagal akong naka-move on sa salitang 'halaga'.

    Ngayon ay parang guto kung mainis ulit sa binata. Binibigyan niya kasi ako ng sakit sa ulo. Kung tatawagin niya kasi ako ay walang habas na 'sunshine' sa tuwing umaga. Ang sabi nga ni Tita Cynthia nnoong minsan na nag tanong ako, ngayon lang daw laging maaga kung pumapasok si Boss. Dati rati ay lage daw itong late. Minsan nga ay alas nuwebe o alas otso y medya na ng umaga kung ito raw ay papasok sa opisina.

    Ngayon, para na itong nakikipag kompetinsya sa akin. Nakikipag-unahan kung sino ang maka-perfect attendance sa aming dalawa.

    Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa binatang boss. 

    "Goodmorning, din po Boss, But my name is Brittany not sunshine." Binigyan ko ito ng blankong tingin. Palihim kung kinokurot ang aking daliri, huwag lang pasadahan ng tingin ang binatang araw-araw ay mas lalong guma-guwapo sa piningin ko.

     I want to keep this job. I have a goal in life that's why as much as possible alam ko kung saan ako lulugar. Tinaasan ko ng kilay ang binata. Buong akala ko dati'y kapag ito ang naging Boss ko magiging strict ito. Jonathan Montejo has this kind of aura that demands authority. He talked and walked with so much confident and in such a dignified manner. Kaya buong akala ko ay uulanin ako ng sangkatotak na rules and regulations. But to my dismay, nada! Wala, as in zero. Napaka-jolly nito palangiti mahilig din itong mag biro. Half of his employee's ay kinakausap nito, kung may pagkakataon ka-chikahan niya pa 'yung iba. Sabi pa nga ng ibang employee nalalapitan pa raw nila si Eng. Jonathan. Lalo na ang mga tauhan nito sa construction site. That's why they respect him so much. Maganda ang pamamalakad nito sa kompanya, lalo na sa mga empleyado nito. Napaka-swerte ko at isa ako sa mga empleyada nito.

    "Coffee niyo po Boss. Just pure black no sugar added. Just like how you wanted," agaran kung inabot dito ang kapeng nakalapag sa table, at nauna na akong nag lakad binuksan ko ang nakapinid na pintoan ng opisina nito. 

    "Minsan talaga Brittany ngitian mo naman ang umaga. Kaya nga kita tinatawag na sunshine, cause' I want your day and my day to be light and productive. I don't know why your so grampy sometimes," maktol ni Jonathan habang papasok na nang opisina nito. At binigyan niya na naman ako ng isang makalaglag panty na ngiti. Sabay isinimsim ang mainit-init pa na kapeng itinimpla ko rito. "Ah. I don't know why your coffee is remarkable. I always love how you make my morning coffe. Thank you, sunshine. Smile okay, marami tayong gagawin ngayong araw. Now, that your my official secretary no more Tita Cynthia,"

    Hindi ko maiwasang mapa-ngiti sa sinabi nito. Official ng huminto sa trabaho si Tita Cynthia, dapat daw dalawang linggo niya akong iti-train, pero isang linggo palang ay nakuha niya na agad ang mga ipinapagawa nito. Fast learner daw siya komento ni Tita Cynthia 'di man lang daw ito nahirapang e train siya. Kaya ayon excited itong nag retiro sa trabaho. Satisfied naman ang boss ko sa mga gawa ko, kaya wala rin itong kontra sa naging desisyon ng dating secretarya.

    Work first before landi! 'Yan ang pangmalakasang mantra na laging isinasa-isip at isinasa-puso ni Brittany. Dapat malakas kontrol o sa sarili kapag itong si Boss Jonathan kaharap ko.

    'Yung salitang 'halaga' matagal akong naka move on. Langya! baka dumagdag pa sa listahan itong si sunshine.

    Sumasakit ulo ko. Sino ba naman kasi ang hindi makakamove-on sa pagiging sweet ng boss ko! Sige daw paano mag move on!

    Pero kinakailangan kung limitahan ang emotion  pag dating sa lalaki. Magkaiba sila ng antas sa lipunan. Iba ang buhay nito sa buhay ko, kaya malabong bigyan ko ng kahulugan ang mga sinasabi at ikinikilos nito.

    Alam ko kung saan ako lulugar.

    "Yes boss. I already arrange your schedule for the whole week. Today may meeting kayo with the board..." And ibinigay ko na rito ang schedule nito sa buong araw, "Remind ko lang din po 'yung dinner date niyo po with Miss Hanna. Kahapon pa po nangungulit si Mrs. Montejo about your dinner date later tonight," dagdag ko pa.

    Tumango lang ang binatang boss at nag pasalamat na sa akin. Sabay harap sa laptop nito at sinimulan na ang trabaho.

    Palihim akong napabuntong-hiniga at nag paalam na sa Boss ko. 

    Isa iyon sa mga dahilan kung bakit alam na alam ko kung saan ako lulugar. Kung bakit kailangan kung rendahan ang emosyon na pilit kumakawala sa aking puso.


 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status