Share

Chapter 4

Author: stoutheart
last update Last Updated: 2021-08-10 23:02:40

Protected--

-- Every end has its own start. And every start has its own ending ---

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagtakang tila may gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Tila may kakaiba sa paggising kong iyon dahil sumalubong sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang mga patak nito sa bubong ay tila galit at nais talaga akong gisingin. Alinsabay pa nito ay ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa buo kong katawan. Nagpalinga-linga upang tiyakin kung nasa sariling silid pa ako dahil kakaiba ang pag ngalit ng panahon. Hindi tugma sa nakasanayan kong pag ulan.

Ilang beses akong kumurap at maya maya pa ay bumangon. Dahan dahan akong naupo sa hangganan ng kama habang kipkip ang kumot sa kandungan. Lumingon ako sa salaaming bintana at doon ko napansin na napakadilim ang paligid ngunit kataka- takang maliwanag ang sikat ng buwan na s'yang nagbibigay nang liwanag sa silid kong iyon. Tila nakatunghay ang buwan na iyon para ako'y tanglawan magmula sa bukas na bintana kung saan palagi kaming nakatayo ni Hades.

" Hades" marahan kong pagtawag sa kanya ngunit, wala akong nakuhang sagot dito.

"Hades, nasaan ka?" muli kong pagtawag sa pangalan n'ya ngunit nanaig ang malakas na pagbagsak ng kidlat at malakas na dagundong ng kulog na tila nagpabingi sa akin. Napasiksik ako sa dulo ng kama kasabay nang mariin kong pagpikit at pagtakip sa magkabila kong tenga. Nagsimula naring bumigat ang aking paghinga at panginginig ng aking katawan tanda na natatakot ako. May kakaiba talagang nagyayari sa paligid. Hindi normal na kulog at kidlat ang nararanasan sa labas. Hindi rin normal ang lakas nang pagbuhos ng ulan kasabay nang pagngalit ng hangin na ramdam kong humahampas sa aking silid.

Muli akong napasigaw sa takot ng tumama ang isang malakas na kidlat sa di kalayuan. Isinigaw ko ang pangalan ni Hades, nagbabakasakaling bigla itong dumating at patigilin ang nangyayari sa labas. Ramdam ko na ang rumaragasang takot at panginginig. Hindi na rin mapuknat ang pag alpas ng aking luha dahil sa nakakatakot na bagsak ng ulan. Nakakatakot ang pagkislap ng kidlat habang nakatunghay ang buwan sa aking bintana. Napakaimposibleng mangyari.

Tahimik akong nanalangin na sana ay lumitaw na si Hades. Pilit kong hinanap ang presensya n'ya kahit nakapikit ako at nasa iisang p'westo lang. Gusto ko ng matapos ang nangyayari sa labas. Gusto ko nang kumalma sa yakap n'ya. Sya lang ang may kayang pakalmahin ang katawan kong punong puno ng takot.  Gusto kong maramdaman ang init ng kanyang katawan. Gusto ko nang matapos an nangyayaring iyon at dumilat na nasa kanyang mga bisig na.

Makalipas ang ilan sandali ay unti unti naging tahimik ang paligid. Kumalma na ang hangin. Nawalang bigla ang malalakas na kulog at kidlat. Naging mabini na rin ang patak ng ulan hanggang sa tuluyan na itong mawala. Ilang sandali pa'y kumalma na rin ang mabigat kong paghinga. Dahan-dahan din akong nagmulat ng mata at sumalubong sa akin ang liwanag ng buwan.

Parang walang nanyari.

Hiyaw ng isip ko.

Huminga ako nang malalim kasabay ng pagpunas ng luha. Dahan-dahan akong umalis kung nasaan ako. Natatakot man sa p'wedeng makita sa labas, pinilit kong humakbang patungo sa bintana upang alamin kung anong nangyari.

Naging mabigat ang paghakbang ko. Tila may Panghihina ang mga paa ko upang tuluyang makarating sa bintana at habang papalapit roon ay naramdaman ko ang mainit na pagdampi ng hangin na nanggagaling sa labas.

Walang nangyari!

Paghuhumiyaw ng utak ko nang tuluyan ko nang marating ang salaaming bintana. Hindi man lang nabasa ang kalsada. Ni walang punong natumba. Walang dahong nagkalat sa paligid. Kalmado ang lahat. Pero, iyong kanina? Imahinasyon ko lamang ba iyon? Gawa gawa nga lang ba 'yon nang malikot kong imashinasyon? Ilang beses akong napakurap, hindi makapaniwala sa nangyari.

Isang maliit na hakbang paatras ang ginawa ko upang makalayo roon ngunit, kasabay noon ay ang pagkidlat na tumama sa kalsada. Sa pagtama ng kidlat na 'yon ay may nabuong isang pigura. Isang piguro ng tao na nakatayo habang nakayuko. Nasa gilid nito ang magkabilang kamay. Naka itim ito ng kasuotan.

Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko nang mapagtantong si Hades 'yon. Hindi ako maaring magkamali.

"Hades! " malakas kong tawag sa kanya ngunit, hindi man lang s'ya tuminag mula sa pagkakatayo nang nakayuko.

"Hades!" muli kong tawag pero sa pagkakataong iyon ay nag angat s'ya ng ulo at sumalubong sa akin ang nanlilisik at namumula nitong mata na tila sa apoy.

"Hades..." naging mahina ang pagtawag ko sa pangalan n'ya. Nakakatitig lang kami sa isa't isa hanggang- napahiyawa at kaagad akong napahawak sa aking puson nang maramdaman ko ang pagsigid ng kirot na tila may kung anong bagay ang gumalaw. Hindi maipaliwanag na sakit ang naramdaman ko galing doon.  Tila ba may sumisiksik na kung ano sa aking puson na gusting lumabas.

"Ahhhhh!" muli akong napasigaw kasabay nang pagkapit ko sa bintana upang kumuha ng lakas upang manatiling nakatayo. Ayokong mawala sa aking paningin si Hades. Kailangan ko sya. Mas sumigid ang kirot. Mas naging marahas ang paggalaw ng kung ano sa aking tyan. Tila nagpupumilit itong makaalpas. Tila pinupunit nito ang aking sinapupunan.

Sinapupunan?

Nanlalaki ang matang realisasyon ko.

Paanong?

Hindi nasagot ang tanong kong iyon ng may maramdaman akong mainit na likidong nagsimulang dumaloy sa pagitan ng aking mga hita. Nagbaba ako nang paningin para lang magimbal sa dugo na umaagos mula roon.

Muli akong tumingin kay Hades— at nang magtama ang aming mga mata ay unti-unting nawala ang panlilisik roon.

"Hades!" muli kong tawag. Kasabay noon ay ang pagguhit ng kidlat at pagtama nang liwanag sa kanyang kabuuan at doon ko nakita ang emosyon sa kanyang mata.

Lungkot.

Dahan-dahan s'yang lumakad palayo kasabay nang pagbagsak ng katawan ko sa sahig sa hindi maipaliwanag na sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit sya lumayo. Kailangan ko sya.

Patuloy ang pag iyak ko at pag- agos ng dugo sa pagitan ng aking mga hita. Nakararamdam na rin ako ng panghihina. May nararamdaman na rin akong may bagay na lumalabas magmula sa akin. Mainit ang bagay na iyon. Mainit na habang lumalabas ay tinutupok ako.

"Ahhhhhhhhh!" isang sigaw ang kumawala sa akin kasabay nang malalakas na pagkulog at pagkidlat. Tila namanhid ako sa kakaibang init na unti unti lumulukob sa aking katawan kasabay nang paglabas ng isang sanggol at ang nakakabinging pag iyak nito.

"Gaea!"

Napabalikwas ako nang bangon. Abot-abot ang paghinga ko. Malakas rin ang pagkalabog ng dibdib ko na sinamahan nang panginginig ng katawan.

Panaginip. Pero bakit ramdam ko ang sakit. Parang nanuot sa buong sistema ko ang paglayo sa akin ni Hades.

At— isang sanggol?

Wala sa sariling napahagod ako ng sarili kong buhok. Napa-iyak narin ako. Hindi ko alam kung para saan ang pagluha kong iyon pero naiiyak pa rin ako. Napahawak na rin ko sa sarili kong t'yan at doon mas lalo akong napaiyak.

Isang bangungot iyon na naglagay ng takot sa sistema ko. Isang bangungot na ayokong mangyari.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoong posisyon ng may dumantay na malamig na kamay sa kamay ko. Napaangat ang tingin ko sa nagmamay-ari ng kamay na iyon at hindi na ako nagulat ng isa na namang kakaibang nilalang ang sumalubong sakin.

Nakangiti s'ya, ngunit mababanaag ang takot sa kulay brown nitong mga mata. May pag-aanlingan din sa kanyang boses ng sabihin n'ya ang katagang.

"Panaginip lang 'yon." wika n'ya.

Napabuntong hininga lang ako kasabay nang pagpunas ng luha.

Hinagod kong muli ang mahaba kong buhok at muling pinasadahan ang babaeng nakatayo sa paanan ko.

"Isa akong Hamadryads" nakangiti n'yang sambit bago pa ako nakapagtanong. Mukhang nabasa nito kung ano ang nasa isip ko. Kahit nakadarama ng takot sa bangungot na iyon ay sinuklian ko nang ngiti ang kanyang ngiti. Unti-unti ko ring kinalma ang bawat paghinga ko hanggang maging kalmado narin ang pagkabog ng dibdib ko.

"Ba--Bakit ka nandito?" nauutal kong tanong. Hindi ko alam kung bakit nanginig ang pagsasalita ko. Marahil dala iyon ng sobrang takot.

"Kumalma ka Gaea. Panaginip lang iyon." Muli ay turan n'ya. Ngumiti s'ya sakin bago tinungo ang bintanang salamin. Tumayo s'ya doon at tila may ibinulong.

Kahit may takot na nararamdam ay hindi nakaligtas sa akin ang paghanga sa kanyang ganda. Ang katawan kasi nito ay tila balat ng punong kahoy. Magmula sa dibdib hanggang sa paa. Makinis ang braso nitong tila kumikinang sa kaputian kapag nasisinagan ng araw. Matangos ang ilong nito at mapula ang labi. May kalakihang ang mata ngunit tila singkit ang magkabilang dulo na nagbigay ng magandang hugis roon.

Nang lumingon s'ya sa akin ay seryoso na ang ekpresyon ng kanyang mukha.

"Kailangan mong mag-ingat Gaea. Hindi ka dapat magtiwala sa mga makakasalamuha mo." Turan n'ya. Kahit naguguluhan ay napatango ako. Hindi ko alam kung bakit, pero tumango ako.

"Kailangan mo nang gumayak Gaea." Muli n'yang wika na may ngiti na muli sa mga labi n'ya.

"Aa. Oo!" pagbawi ko. "Teka, ano nga palang pangalan mo. At kanina ka paba rito?" magkasunod kong tanong habang pababa ng kama.

"Palagi kaming nakamasid sayo Gaea." Tumingin s'ya sa bintana, at teka, imahinasyon ko lamang ba na tila kumaway sa 'kin ang sanga ng mga puno?

"Huh?" gulat kong reaksyon na tinawanan n'ya.

"I'm Kraneia. Goddess of tree." Nagbow pa s'ya sa akin. Alinsaba'y n'on ay ang paghatak n'ya sa braso ko.

"They are the Dryads." Tinuro n'ya ang mga puno. At this time hindi na talaga imahinasyon o ilusyon ang nakikita kong pagkaway ng mga sangang iyon.

Pilit akong ngumiti.

" They are spirit guardian of every tree. Sila ang mga espiritong proprotekta sa'yo Gaea."

"Proprotekta? Saan? Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Sa mga taong mananakit sayo, ano kaba. Utos 'yon ni boss" nakangiti n'yang saad sabay nguso sa sahig.

Alam ko na kung sino ang tinutukoy n'ya. Si Hades.

"Kraneia." tawag ko sa kanya. Tumingin naman s'ya sakin.

" 'Yong panaginip ko." mahina kong saad. Hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay at muli naramdaman ko ang lamig mula roon.

"Hindi mangyayari 'yon. Lahat gagawin n'ya para sayo." punong- puno ng emosyong turan n'ya na nagbigay ng gulo sa utak ko.

"May posibilidad ngang mangyari 'yon?" takot kong tanong.

"Hindi mangyayari 'yon." Pagpapakalma n'ya sa'kin. "Proprotektahan ka namin." dagdag n'ya pa.

"Pero saan?" iling kong tanong. Napabuntong hininga muna ito bago sumagot.

"Sa propesiya."

Related chapters

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 5

    -- Here it comes."Kanina mo pa ako tinitingnan Amy, may problema ba?" Nakangisi kong tanong kay Amy habang nakaupo kami sa Canteen at nagmemeryenda. Sa buong period kasi ng Biology ay panaka-naka s'yang tumitingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Iwinaksi ko narin ang nangyari kaninang umaga. Sa tulong ni Kraneia ay unti unti akong kumalma kahit na marami akong katanungan sa sinasabi nitong propesiya. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nya. Wala rin kaming oras para makapag usap dahil mukha itong nagmamadali. Hindi narin naman ako nagtanong sa kadahilanang wala rin itong balak pag usapan kung ano ang kanyang nasimulan."W--Wala naman," mabini nitong saad. Siniko ko naman si Leto nang yumuko si Amy, para uminom ng softdrinks. Tumingin sa akin si Leto. Ininguso ko naman si Amy sa kanya dahil parang kakaiba talaga ang kilos nito. Okey naman s'ya kahapon bago kami umuwi, pero ngayong umaga ay mukhang hindi—kagaya ko."Amy, kung may problema ka, maki

    Last Updated : 2021-08-11
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 6

    -- Stop me..."G--Gaea..." Nahihirapang saad ni Hades sa pagitan nang malalim nitong paghalik sa aking mga labi. Ang dalawang palad nito ay hindi ko na namalayang nakasapo na sa aking pisngi habang ako naman ay napakapit sa kanyang mga braso na parang doon kumukuha nang lakas dahil pakiramdamn ko ay nalulunod na ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Ang bawat haplos ng kanyang palad sa aking leeg at pisngi ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa aking pagkatao. Wala akong kakayahang magprotesta, kahit ang patigilan o itulak sya ay hindi ko magawa sapagkat tila nawalan ako ng lakas. Nakakapanghina."M--Make me stop.." Daing nito. Ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko ay dahan-dahang dumausdos pababa sa aking leeg patungo sa aking bewang na naging dahilan kung bakit mas lalong napalapit ang katawang ko sa kanya. "Gaea, make me stop," dugtong nito sa pagitan ng kanyan

    Last Updated : 2021-08-15
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 1

    He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso

    Last Updated : 2021-08-06
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 2

    Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.

    Last Updated : 2021-08-06
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 3

    The Prophecy"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdibparamakatsansing--este...Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan. Parang nawawala ang pagtatampo ko.Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari. May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal

    Last Updated : 2021-08-06

Latest chapter

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 4

    Protected----Every end has its own start.Andeverystarthasitsownending---Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagtakang tila may gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Tila may kakaiba sa paggising kong iyon dahil sumalubong sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang mga patak nito sa bubong ay tila galit at nais talaga akong gisingin. Alinsabay pa nito ay ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa buo kong katawan. Nagpalinga-linga upang tiyakin kung nasa sariling silid pa ako dahil kakaiba ang pag ngalit ng panahon. Hindi tugma sa nakasanayan kong pag ulan.Ilang beses akong kumurap at maya maya pa ay bumangon. Dahan dahan akong naupo sa hangganan ng kama habang kipkip ang kumot sa kandungan. Lumingon ako sa salaaming bintana at doon ko napansin na napakadilim ang paligid ngunit kataka- takang maliwanag ang sikat ng buwan na s'yang nagbibigay nang liwan

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 3

    The Prophecy"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdibparamakatsansing--este...Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan. Parang nawawala ang pagtatampo ko.Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari. May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 2

    Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 1

    He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso

DMCA.com Protection Status