Share

Chapter 6

Author: stoutheart
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

-- Stop me...

"G--Gaea..." Nahihirapang saad ni Hades sa pagitan nang malalim nitong paghalik sa aking mga labi. Ang dalawang palad nito ay hindi ko na namalayang nakasapo na sa aking pisngi habang ako naman ay napakapit sa kanyang mga braso na parang doon  kumukuha nang lakas dahil pakiramdamn ko ay nalulunod na ako sa kanyang ginagawa.  Hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin.  Ang bawat haplos ng kanyang palad sa aking leeg at pisngi ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa aking pagkatao. Wala akong kakayahang magprotesta, kahit ang patigilan o itulak sya ay hindi ko magawa sapagkat tila nawalan ako ng lakas. Nakakapanghina. 

"M--Make me stop.." Daing nito. Ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko ay dahan-dahang dumausdos pababa sa aking leeg patungo sa aking bewang na naging dahilan kung bakit mas lalong napalapit ang katawang ko sa kanya. "Gaea, make me stop," dugtong nito sa pagitan ng kanyang paghalik. Tila ito nagsusumamo na pigilan ko sya ngunit wala akong lakas para doon. Ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga sa aking pisngi pababa sa aking leeg. Hindi ko masabi ang tamang salita na dapat kong gawin dahil ako mismo ay nalulunod sa kakaibang pakiramdam na namamagitan sa amin ngayon. Ni hindi ko kayang maglabas ni katiting na pagtutol.

Hanggang sa naramdaman ko ang isang mabilis na galaw ni Hades. Sa isang iglap ay naramdaman ko nalang na lumapat ang likod ko sa malambot kong kama na naroon. Ang mga kamay ni Hades ay nanatili sa aking bewang habang ang mga labi nito ay tumigil sa aking leeg. Napatingala ako sa init na naramdaman ko mula roon, ramdam na ramdam ko ang marahang pagdagan ng kanyang katawan sa akin nang may pag iingat. Mariin akong napapikit nang ang init na iyon ay unti-unti kong naramdaman sa akin puso na tila ba pinipigilan nito ang pagtibok at pati narin yata ang aking paghinga. 

Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman kong unti-unti nga  akong kinakapos nang paghinga. "H---Hades..." hirap kong tawag dito. Ang kamay kong nasa kanyang braso na mahigpit na nakakapit ay ginamit ko at pilit tumutulak palayo sa kanya ngunit, masyadong mabigat ang katawan nito kaya tila wala ring silbi ang ginagawa kong pagtulak. "H--Hades.." Muli kong protesta dito. Habol ko nalang ang hangin habang ang init na nararamdaman ko sa aking puso ay unti-unting kumalat sa buo kong katawan na tila apoy na tumutupok nito. Hindi ko na kaya ang init na iyon. Tila hinihigop non ang buong lakas ko dahil naramdaman ko ang unti-unting panghihina ng mga braso kong pilit na tumutulak sa kanya habang walang patid ang paghalik nito sa aking leeg. Nanlalabo narin ang aking paningin hindi dahil sa luhang unti-unting namumuo rito dahil narin sa unti-unting nararamdaman kong wala na akong hangin sa katawan...

Ngunit, bago pa ako tuluyang mawalan nang malay ay naramdaman ko ang marahang pag-angat ng katawan ni Hades at unti-unting pagluwag nang kung anong bagay na nasa puso ko. Ang tila apoy na lumulukob sa buo kong katawan ay unti unti ring nawala. Ang paghinga ko ay unti-unti ring naging maayos hanggang sa tuluyan itong naging maluwag. Nanatili akong nakahiga. Ang luha sa magkabila kong mata ay malayang tumulo. Hindi ako makagalaw nang tumama ang tingin ko kay Hades na nakatayo sa aking paanan. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata pati narin ang malalim nitong paghinga. Ang huling natandaan ko na lamang bago ako nawalan ng malay ay ang pagkuyom ng kamao ni Hades at ang mabilis nitong paglisan. 

________________________

Samantala...

"You know it's forbidden Hades!" Dumagundong ang matinis at nakakakilabot na sigaw ni Persephone sa buong realm kung nasaan ako. Ang paligid nang lugar na iyon ay nababalutan nang kadiliman at tanging apoy lamang na nanggagaling sa pugon ang nagsisilbing liwanag sa paligid kung saan lalo nitong pinatitingkad ang kulay gintong sahig na may nakaukit na iba't-ibang simbolo. Simbolong sumisimbolo sa akin at sa kadiliman na s'ya ring nagbibigay ng kakaibang liwanag sa paligid. Ang simbolo ng mga namatay at isinumo ang kaluluwa na patuloy paring umaaligid sa aking kaharian na nababalutan ng kadiliman. Mga kaluluwang nanghihingi ng isa pang pagkakaton upang mabuhay muli. Ang pugon na iyon ay sya ring lagusan rin ng mga kaluluwang patuloy na pinaparusahan at nais makawala. At sa bawat pagningas ng pugon na iyon ay maririnig mo ang panaghoy ng mga kaluluwang humihingi ng isa pang pagkakataon. 

Sa lakas ng boses ni Persephone ay nagkaroon ang bitak ang gintong sahig na kinatatayuan nito. Ang apoy sa gilid nito ay mas malakas na nagningas habang naramdaman ko rin ang mahinang pagyanig. Hindi ko naman iyon pinansin. Sanay na ako sa kanya. Ilang libong taon ko na s'yang kasama dito. Ang bawat sigaw n'ya sa akin ay balewala lamang. Balewala lang rin sa akin kung may masira na naman itong gamit o mailabas na naman nito ang mga kaluluwang ligaw na nasa paligid lamang.

"Hindi mo maaring gawin ang bagay na 'yon. Ang bagay na iyon ang magtatakda ng iyong kamatayan at pagsilang ng kasamaan!" humihingal na patuloy nito. Hinawakan nito ang laylayan ng suot nitong kulay lilang damit na nagpalutang sa napakaputi nitong balat at nagbigay ningning sa mahabang buhok nito na kasing itim ng gabi. Napakaganda ni Persephone. Hindi maitatangging maraming kagaya ko ang umibig at nabigo sa kanya, ngunit ako ang itinakda para sa kanya. Dito sa aking realm. Sa aking tabi. Sa kaharian kung saan sya lamang ang nagbibigay kulay at buhay.

Nagpalakad-lakad ito sa aking harapan na tila hirap itong isiwalat ang nais sabihin. Matalim itong tumingin sa akin. Nakita ko ang pagkinang ng kanyang itim na itim na mga mata. Hindi talaga nito maitago ang galit.

Mula sa kinauupuan ko ay dahan dahan akong tumungo sa kanya. Bawat paghakbang ko sa baitang ng hagdan ay gumagawa ng maliliit na bitak. Hindi maitatangging may nangyayari sa aking kakaiba na kahit ako na mismong Hari ng impyerno ay hindi kayang pigilan. Kahit ako na Hari ng Impyerno ay hindi mabali ang nakasulat sa propesiya, kahit na napakalakas ko.

Nang makarating ako sa kanyang harapan ay mabilis kong hinagilap ang kanyang braso at hinatak patungo sa aking dibdib. Sa biglaang paggalaw na ginawa ko ay bumahid ang gulat sa kanyang mukha. Ang palad nito ay lumapat sa aking dibdib habang ang kamay ko ay mabilis na pumaikot sa maliit nitong bewang. Ang noo kong natatabunan ng itim na hood ay dumikit sa noo ni Persephone. Ang libre kong kamay ay mahigpit na kumapit sa isang kamay ni Persephone. Marahan ko s'yang isinayaw sa ilalim ng mga nakakatakot at nakakakilabot na tunog na nanggagaling sa mas malalim pang impyerno. Kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo at pagtaas ng kilay. Hindi ko matandaan ang huling beses na ganito kami kalapit. Napakatagal na nung huli. Sa sobrang tagal ay nakalimutan ko na ang pakiramdam. 

"Paano ko matatalo ang Propesiya?" Marahan kong tanong sa kanya. Sa ilalim ng hood kong suot ay ramdam na ramdam ko ang pagniningas ng aking mga mata. Hindi ko maitatangging hindi ko na kayang kontrolin ang nakasulat sa propesiyang iyon. Ang dapat na mangyayari ay mangyayari. Ang isisilang ay dapat isilang. Ang dapat mamatay ay mamatay.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Ang paligid naming puno nang nakakakilabot na mga ungol at tunog ay unti-unting tumahimik. Ang apoy na nasa paligid ng aking realm ay unti-unting namatay hanggang bumalot ang nakakatakot na kadiliman sa aming dalawa.

Patuloy kaming dalawa sa mararahang paggalaw na parang doon ako kumukuha ng lakas para kumalma. Muntik ko nang mapatay si Gaea. Muntik ko nang maisakatuparan ang nasa propesiya. Munting nang mangyari ang hindi dapat mangyari... Pero alam kong simula palang ito nang mas nakakatakot na enkwentro. Alam ko sa sarili ko na mauulit at mauulit ang nangyari ngayong gabi. Alam kong isa sa mga araw ay maisasakatuparan ko ang nasa propesiya at aaminin kong may bahagi ng pagkatao ko ang nakakaramdam ng mumunting takot. Takot na hindi ko kayang bigyan ng paliwanag. Saan nga ba ako natatakot? sa pagsilang ng kasamaan o sa kamatayan ni Gaea? 

Mula sa malalim na pag iisip ay naramdaman ko ang mga palad ni Persephone na malayang sinapo ang magkabila kong pisngi. Napahinga ako nang malalim nang maramdaman ko ang lamig na nagmumula roon na unti unting nagpakalma sa nagwawalang demonyo sa loob ng aking katawan. Huminga ito nang malalim at diretsong tumingin sa aking mga mata. Marahan itong ngumiti kasabay ng pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata. Kulay na ngayon ko lamang napagtanto. Mabuti na lamang at nandito si Persophone. Napagtanto kong tama ang desisyon kong kuhanin sya sa lupa at iluklok kasama ko dito. 

"Hindi mo kailangang pigilan ang nasa propesiya Hades. Ang kailangan mo ay iligtas ang taong nagmamay-ari nito," malambing ngunit nakakatakot nitong saad. Ang mga palad nito ay muling lumapat sa aking dibdib. Dumiin ang palad nito sa akin at doon kumalma ng tuluyan ang aking sarili. Kumalma dahil muli kong naramdaman ang kabog ng aking dibdib.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
rona lola
bkit wala nang kasunod?
goodnovel comment avatar
rona lola
magandang kwento ito,,bakit di maituloy sa pagbbsa,......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 1

    He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 2

    Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 3

    The Prophecy"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdibparamakatsansing--este...Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan. Parang nawawala ang pagtatampo ko.Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari. May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 4

    Protected----Every end has its own start.Andeverystarthasitsownending---Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagtakang tila may gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Tila may kakaiba sa paggising kong iyon dahil sumalubong sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang mga patak nito sa bubong ay tila galit at nais talaga akong gisingin. Alinsabay pa nito ay ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa buo kong katawan. Nagpalinga-linga upang tiyakin kung nasa sariling silid pa ako dahil kakaiba ang pag ngalit ng panahon. Hindi tugma sa nakasanayan kong pag ulan.Ilang beses akong kumurap at maya maya pa ay bumangon. Dahan dahan akong naupo sa hangganan ng kama habang kipkip ang kumot sa kandungan. Lumingon ako sa salaaming bintana at doon ko napansin na napakadilim ang paligid ngunit kataka- takang maliwanag ang sikat ng buwan na s'yang nagbibigay nang liwan

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 5

    -- Here it comes."Kanina mo pa ako tinitingnan Amy, may problema ba?" Nakangisi kong tanong kay Amy habang nakaupo kami sa Canteen at nagmemeryenda. Sa buong period kasi ng Biology ay panaka-naka s'yang tumitingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Iwinaksi ko narin ang nangyari kaninang umaga. Sa tulong ni Kraneia ay unti unti akong kumalma kahit na marami akong katanungan sa sinasabi nitong propesiya. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nya. Wala rin kaming oras para makapag usap dahil mukha itong nagmamadali. Hindi narin naman ako nagtanong sa kadahilanang wala rin itong balak pag usapan kung ano ang kanyang nasimulan."W--Wala naman," mabini nitong saad. Siniko ko naman si Leto nang yumuko si Amy, para uminom ng softdrinks. Tumingin sa akin si Leto. Ininguso ko naman si Amy sa kanya dahil parang kakaiba talaga ang kilos nito. Okey naman s'ya kahapon bago kami umuwi, pero ngayong umaga ay mukhang hindi—kagaya ko."Amy, kung may problema ka, maki

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 6

    -- Stop me..."G--Gaea..." Nahihirapang saad ni Hades sa pagitan nang malalim nitong paghalik sa aking mga labi. Ang dalawang palad nito ay hindi ko na namalayang nakasapo na sa aking pisngi habang ako naman ay napakapit sa kanyang mga braso na parang doon kumukuha nang lakas dahil pakiramdamn ko ay nalulunod na ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Ang bawat haplos ng kanyang palad sa aking leeg at pisngi ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa aking pagkatao. Wala akong kakayahang magprotesta, kahit ang patigilan o itulak sya ay hindi ko magawa sapagkat tila nawalan ako ng lakas. Nakakapanghina."M--Make me stop.." Daing nito. Ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko ay dahan-dahang dumausdos pababa sa aking leeg patungo sa aking bewang na naging dahilan kung bakit mas lalong napalapit ang katawang ko sa kanya. "Gaea, make me stop," dugtong nito sa pagitan ng kanyan

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 5

    -- Here it comes."Kanina mo pa ako tinitingnan Amy, may problema ba?" Nakangisi kong tanong kay Amy habang nakaupo kami sa Canteen at nagmemeryenda. Sa buong period kasi ng Biology ay panaka-naka s'yang tumitingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Iwinaksi ko narin ang nangyari kaninang umaga. Sa tulong ni Kraneia ay unti unti akong kumalma kahit na marami akong katanungan sa sinasabi nitong propesiya. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nya. Wala rin kaming oras para makapag usap dahil mukha itong nagmamadali. Hindi narin naman ako nagtanong sa kadahilanang wala rin itong balak pag usapan kung ano ang kanyang nasimulan."W--Wala naman," mabini nitong saad. Siniko ko naman si Leto nang yumuko si Amy, para uminom ng softdrinks. Tumingin sa akin si Leto. Ininguso ko naman si Amy sa kanya dahil parang kakaiba talaga ang kilos nito. Okey naman s'ya kahapon bago kami umuwi, pero ngayong umaga ay mukhang hindi—kagaya ko."Amy, kung may problema ka, maki

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 4

    Protected----Every end has its own start.Andeverystarthasitsownending---Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagtakang tila may gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Tila may kakaiba sa paggising kong iyon dahil sumalubong sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang mga patak nito sa bubong ay tila galit at nais talaga akong gisingin. Alinsabay pa nito ay ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa buo kong katawan. Nagpalinga-linga upang tiyakin kung nasa sariling silid pa ako dahil kakaiba ang pag ngalit ng panahon. Hindi tugma sa nakasanayan kong pag ulan.Ilang beses akong kumurap at maya maya pa ay bumangon. Dahan dahan akong naupo sa hangganan ng kama habang kipkip ang kumot sa kandungan. Lumingon ako sa salaaming bintana at doon ko napansin na napakadilim ang paligid ngunit kataka- takang maliwanag ang sikat ng buwan na s'yang nagbibigay nang liwan

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 3

    The Prophecy"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdibparamakatsansing--este...Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan. Parang nawawala ang pagtatampo ko.Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari. May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 2

    Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 1

    He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso

DMCA.com Protection Status