Share

Chapter 3

Author: stoutheart
last update Last Updated: 2021-08-06 22:19:01

The Prophecy

"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdib para makatsansing-- este... Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan.  Parang nawawala ang pagtatampo ko. Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari.

May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal dito sa Earth ng isang buong araw. Tuwing gabi ko lang s'ya nakakasama. Sa araw naman 'yong mga letseng ibon o kaya naman aso, o di kaya'y mga pusa ang buntot nang buntot sa akin. Minsanan lang kung s'ya mismo ang magbantay sa akin, katulad kanina. Iyong itim na ibon, s'ya 'yon--alam kong s'ya 'yon dahil kakaiba ang kanyang mga mata.

Itinaas n'ya ang kanyang dalawang kamay tanda nang pagsuko at umiling-iling na tumalikod at tinungo ang pinto.

"Oy! Saan ka pupunta?" hiyaw ko sa kanya nang pihitin n'ya ang seradura ng pinto.

Nilingon naman n'ya ako nang nakangisi.

''Ipaghahanda kita ng hapunan. Wag kang O.A, hindi pa ako aalis" saad n'ya bago tuluyang naglakad palabas ng pinto.

I sighed.

Palagi namang gan'on e... kapag tumalikod s'ya, kinakabahan na akong hindi na s'ya lumingon at bumalik sa akin...

Kung bakit ba naman kasi hindi ko masabi-sabi na mahal ko s'ya tuwing nabibigyan na nang pagkakataon-- para kasing may dark spell na nakapalibot sa buong pagkatao ko-- wait... Dark spell-- Di kaya... Di kaya.... Namaligno ako?

Wahhhh....

Sa kaisipang iyon ay mabilis kong tinanggal ang t'walya sa ulo ko at nagtatakbong lumabas para lang matigilan ulit sa bukana ng hagdanan..

Tanga lang ba Gaea? sa maligno natatakot ka, sa hari nang impyerno sobrang inlove ka, gaga!

Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman kay Hades ang nararamdaman ko ngayon, pero alam kong pag ibig ang meron ako para sa kanya.

Napailing-iling nalang ako at dahan-dahang bumaba nang makarinig ako ng kakaibang boses na nanggagaling sa kusina.

"Hala! Diba sabi mo Letchugas? Letchugas naman 'yan boss! " sabi nong tinig..

"Tss Sige na lumayas kana at baka makita ka ng Gaea ko."

Wait-- Gaea ko..

Gaea ko..

Gaea ko..

Napahangos tuloy ako sa kusina. Ngunit, laking gulat ko kung sino ang kausap ni Hades kaya....

"Ahhhhh!" sabay naming sigaw n'ong kausap ni Hades sabay tago sa likod n'ya.

"Ano ka!?" nanghihilakbot kong tanong, matapos kong makabawi sa pag hiyaw.

"Ayy! Nakakasakit ka ng loob aa! P'wede bang sino ako?" nanlalaki ang matang hiyaw n'ya sa'kin.

"Hades?" mahinang usal ko.. Umiling-iling naman si Hades, bago hinapit ang katawan ko mula sa kanyang likuran at dinala sa kanyang tabi.

"S'ya si Raphaella. Isang Sileni." Paliwanag ni Hades, gamit ang kanyang blangkong ekspresyon

"Sileni?" kunot noong ulit ko ko.

"Sileni, they are creatures part man and part horse. You see they have horses hoofs, ears and horses tails. " sagot naman ni Hades with his poker face.

"Hindi ba s'ya tikbalang?"bulong ko kay Hades, habang hindi inaalis ang tingin kay Raphaella.

Tama, 'yong pang ibabang katawan ni Raphaella ay sa kabayo, mula baywang hanggang paa. Kulay dark brown 'yon at itim na itim naman ang kanyang buntot na tila kumikinang kapag tinatamaan ng liwanag. Iyong pang itaas namang bahagi ay katawan ng isang babae, natatakpan ng kanyang mahabang brown na buhok ang kanyang dibdib kaya hindi ko alam kung may saplot ba sya o wala.

"Hindi ako tikbalang aa! Mas magaganda naman kami d'on, dahil hindi kabayo 'yong mukha namin." nakairap n'yang sagot.

Ahe.. Narinig pala nya. Peace Raphaella.

"Sige na boss, makalayas na nga at baka masipa ko 'yang Gaea mo. Tss" Tinaasan n'ya pa ako ng kilay bago tumalikod at nilampasan kami ni Hades.

"Raphaella!" biglang tawag ko sa kanya. Nahiya naman kasi ako na tinawag ko s'yang tikbalang. Baka mamaya resbakan ako ng kalahi n'yan ee mahirap na.

Nakapamewang naman itong lumingon sakin.

"Gu--Gusto mo bang sumabay sa aming maghapunan?" tanong ko sa kanya bago ko lingunin si Hades, na sambakol ang mukha.

Nagliwanag naman ang mukha ni Raphaella, kasabay nang mumunting pagkislap ng kanyang mata at marahang pagbalik sa kusina.

"Naku boss! Mabait naman pala ang girlfriend mo ee!" masigla n'yang saad.

"Ayy, hindi nya ako Girlfriend." agad kong sagot.

"Ayy hindi obvious! Kunyari naniniwala ako. Kain na tayo!" s'ya pa ang nag yaya at nauna pang kumuha ng pagkain sa lamesa.

" 'Wag mong kuhanin 'yan." Malamig na sambit ni Hades nang akmang kukuha ng gulay na nasa malaking bowl si Raphaella. Ipinaghili nya ako ng upuan habang nanatiling nakatayo ang nauna.

I think, letchugas 'yon at pipino. Sa tabi nito ay may maliit namang bowl na sawsawan. Pinaghalong mayonaise at ketchup.

Napangiti ako.

Kahit papano, alam ni Hades kung ano ang paborito ko.

Nagsimula kaming kumain na si Raphaella lang ang daldal nang daldal. Tahimik lang si Hades sa tabi ko habang nakikinig naman ako sa kwento ni Raphaella.

Nalaman ko na magkaiba pala sila ng mga Centaur.

CENTAURS are half man, half horse, like SELINE, but the difference between them, they using four legs While them (SELINE), using only two.

SATYRS- were the goat-men, and like them, they had their home in the wild places of the earth.

Marami pa s'yang ikinuwento na tinatango-tanguan ko nalang. Kasi ang creepy naman hindi ba? Hindi lang pala mga tao ang umaangkin sa planet Earth, marami pala tayong naghahati- hati.

Like, Nymphs of the mountains, trees, waters, and winds.

Pero ang pinaka agaw atensyon sakin sa mga sinabi ni Raphaella ay ang tinatawag nilang MOIRAE (The Fates). "Give to men at birth evil and good to have". Sila ang humahawak ng kapalaran ng bawat nilalang sa ibabaw ng mundo. Sila ang nagtatakda kung paano mabubuhay ang mga tao, sila rin ang magtatakda kung kailan, saan, at papaano mamatay ang isang tao.

Pero bago pa maikwento ni Raphaella ang tungol sa mga Moirae ay pinaalis na s'ya ni Hades.

Nakasimangot itong humakbang palayo ngunit nang humarap ito sakin ay nakangiti.

"Salamat sa hapunan! Sana may susunod ulit, minus si boss. Masarap kang kausap Gaea.. Nag gigive way ka sa mga kwento ko." nakangiti nitong saad na tinawanan ko na lamang. Napawi lang ang ngiti n'ya nang tingnan s'ya ng masama ni Hades kaya--

"Oryt. Bye! " pagkasabi n'on mabilis pa sa hangin na nawala ito sa aming paningin.

Sabay na rin kaming umakyat ni Hades nang matapos kaming magligpit ng mga ginamit namin.

Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama ko, habang nakapatong ang ulo ko sa matipunong dibdib n'ya.

"Dahil ayaw mong ikwento ni Raphaella ang tungkol sa mga Moirae, p'wede bang ikaw nalang ang magkwento sa akin ng tungkol sa kanila?" Saad ko rito, habang pinaglalandas ko ang hintuturo ko sa kanyang dibdib.

"Gustong-gusto mong malaman ang mundo ko huh.." mabini n'yang saad, ngunit kalakip pa rin n'on ang nakakapanindig balahibong tinig..

"Ik'wento mo na please?"tumingala pa ako para ipakita ang napakaganda kong puppy eyes na tinawanan n'ya lang..

"Okey. So..... The Moirae.." umayos ito nang higa at hinigpitan ang yakap sa katawan ko..

"They are the Goddesses of Fate. Si Clotho ang taga-ikot

at tagahabi kung anong mangyayari sa buhay ng isang tao. Sya ang nagtatakda kung ano ang magiging kapalaran mo sa mundong ito Gaea. Si Lachesis ang bahala kung gaano kahaba ang buhay ng tao. S'ya rin ang humahawak nang tali ng buhay ng mga tao at ang huli-- Si Atropos. Hawak nito ang isang malaking gunting na s'yang puputol sa buhay ng tao. S'ya ang taga takda ng kamatayan Gaea.  S'ya ang magtatakda kung kailan ka nila kukuhanin." ani nito.

Napahigpit ang yakap ko kay Hades. Kung gan'on pala, bago pa ako naipanganak, nakatakda na ang kapalaran ko at kung gaano lang kahaba ang buhay ko.

"Takot ka sa kanila?" tanong ko.

"Dapat silang katakutan. Wala silang awa." Diretsong sagot nito.

Nang haplusin ni Hades ang ulo ko ay nakaramdam ako ng sobrang antok. Ngunit kahit gan'on pa man ay naihabol ko parin ang gusto kong sabihin..

"Kung friends kayo ni Lachesis--" napahikab ako."P'wede bang pakisabi sa kanya, na kung bibigyan n'ya ako ng kapalaran,-- Ikaw nalang. Ikaw nalang Hades. " Matapos n'on ay naramdaman ko ang paghila ng antok ngunit, bago pa ako tuluyang makatulog ay narinig ko ang sagot n'ya na nagpangiti sa akin..

I will...

_________________________________

HADES

Nang maramdaman kong mahimbing na ang tulog ni Gaea ay dahan-dahan akong bumangon. Kinumutan ko pa s'ya at kinintalan ng halik ang kanyang noo bago ako nagtungo sa tabi ng salaming bintana upang mula roon ay mapagmasdan s'ya. naramdaman ko ang kakaibang init sa kwarto ni Gaea.  Kasabay ng isang malalim na tinig.

"You cast a spell on that lady, didn't you Hades?"

Hindi na ako nagulat ng bigla na lamang sumulpot sa aking tabi ang isang nilalang na kasama ko sa aking kaharian.

"You sealed her heart. You put a barrier on her lips. But the Prophecy has been written. Soon, she will bear your child and died." dugtong nito sa tinig na kahit sinong makakarinig ay talaga naman kikilabutan maliban sa akin. 

"I will do everything to change the prophecy Persephone. I will use every power I have to change our destiny." mariin kong sagot dito sabay kuyom ng mga palad. Gagawin ko lahat upang hindi matuloy ang propesiya. 

"The love that she has for you is much stronger than the power that you have. She is going to die Hades. Atropos already have the scissor for her." matapos n'yang sabihin ang katagang iyon ay umihip nang malakas ang hangin at sa isang iglap nawala ang aninong 'yon.

The prophecy.

The curse of being a Ruler. Our destiny has been written, before we were born.

Related chapters

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 4

    Protected----Every end has its own start.Andeverystarthasitsownending---Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagtakang tila may gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Tila may kakaiba sa paggising kong iyon dahil sumalubong sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang mga patak nito sa bubong ay tila galit at nais talaga akong gisingin. Alinsabay pa nito ay ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa buo kong katawan. Nagpalinga-linga upang tiyakin kung nasa sariling silid pa ako dahil kakaiba ang pag ngalit ng panahon. Hindi tugma sa nakasanayan kong pag ulan.Ilang beses akong kumurap at maya maya pa ay bumangon. Dahan dahan akong naupo sa hangganan ng kama habang kipkip ang kumot sa kandungan. Lumingon ako sa salaaming bintana at doon ko napansin na napakadilim ang paligid ngunit kataka- takang maliwanag ang sikat ng buwan na s'yang nagbibigay nang liwan

    Last Updated : 2021-08-10
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 5

    -- Here it comes."Kanina mo pa ako tinitingnan Amy, may problema ba?" Nakangisi kong tanong kay Amy habang nakaupo kami sa Canteen at nagmemeryenda. Sa buong period kasi ng Biology ay panaka-naka s'yang tumitingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Iwinaksi ko narin ang nangyari kaninang umaga. Sa tulong ni Kraneia ay unti unti akong kumalma kahit na marami akong katanungan sa sinasabi nitong propesiya. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nya. Wala rin kaming oras para makapag usap dahil mukha itong nagmamadali. Hindi narin naman ako nagtanong sa kadahilanang wala rin itong balak pag usapan kung ano ang kanyang nasimulan."W--Wala naman," mabini nitong saad. Siniko ko naman si Leto nang yumuko si Amy, para uminom ng softdrinks. Tumingin sa akin si Leto. Ininguso ko naman si Amy sa kanya dahil parang kakaiba talaga ang kilos nito. Okey naman s'ya kahapon bago kami umuwi, pero ngayong umaga ay mukhang hindi—kagaya ko."Amy, kung may problema ka, maki

    Last Updated : 2021-08-11
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 6

    -- Stop me..."G--Gaea..." Nahihirapang saad ni Hades sa pagitan nang malalim nitong paghalik sa aking mga labi. Ang dalawang palad nito ay hindi ko na namalayang nakasapo na sa aking pisngi habang ako naman ay napakapit sa kanyang mga braso na parang doon kumukuha nang lakas dahil pakiramdamn ko ay nalulunod na ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Ang bawat haplos ng kanyang palad sa aking leeg at pisngi ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa aking pagkatao. Wala akong kakayahang magprotesta, kahit ang patigilan o itulak sya ay hindi ko magawa sapagkat tila nawalan ako ng lakas. Nakakapanghina."M--Make me stop.." Daing nito. Ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko ay dahan-dahang dumausdos pababa sa aking leeg patungo sa aking bewang na naging dahilan kung bakit mas lalong napalapit ang katawang ko sa kanya. "Gaea, make me stop," dugtong nito sa pagitan ng kanyan

    Last Updated : 2021-08-15
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 1

    He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso

    Last Updated : 2021-08-06
  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 2

    Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.

    Last Updated : 2021-08-06

Latest chapter

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 3

    The Prophecy"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdibparamakatsansing--este...Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan. Parang nawawala ang pagtatampo ko.Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari. May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 2

    Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.

  • Hades (Ruler of the Underworld)   Chapter 1

    He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso

DMCA.com Protection Status