He is God
"There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah"
Kwak!
Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesson kay Maam Joymer nang marinig ko ang huni na iyon. Yong huni na tila ba tinatawag ako. Yong parang kinukuha nito ang aking atensyon para tingnan s'ya.
Awtomatiko akong dumungaw sa bintana upang pagmasdan ang pagdapo ng kulay itim na ibon sa sanga ng punong mangga na katabi ng classroom namin. Kasabay nang pag-ikom ng maitim n'yang pakpak ay ang tila pagsilay ng isang ngiti sa mahaba n'yang tuka at pagkislap ng kulay berde at mamula-mula n'yang mata. Weird. Hindi ko kasi alam kung ano ang talagang kulay ng kanyang mga mata.
Kung sa iba siguro matatakot kapag ang ibong iyon ay biglang ngumiti sayo o ako lamang ang weird dahil naiisip kong ngumiti nga ito sa akin at pagkatapos ay parang kinindatan pa. Pero imbis na matakot ay napangiti ako. Ngiti ng pilit kong tinatago.
Pakiramdam ko ay may mainit na humaplos sa aking dibdib sa kalse ng kanyang paninitig. Para bang gusto ko na lamang s'yang titigan at haplusin.
Hindi ako baliw. Sadyang may mga bagay lang talaga na ako lang ang nakakakita o nakararamdam. Normal ako, ordinaryo, mortal, ngunit may isang na hindi kapani- paniwalang bagay ang nangyayari sa akin. Iyon ay ang makisalamuha sa isang imortal.
Nang hindi ko na maitago ang pag ngiti ko ay sinuklian ko ang ngiti ng ibong iyon na parang kay saya na nagtatalon sa sanga ng puno. Nakakatuwa s'yang pagmasdan sa kanyang pagtalon-talon kasabay nang munting pagaspas ng kanyang itim na itim na mga pakpak na sa tuwing tatamaan ng sinag ng araw ay kumikinang ang mga balahibo nito.
Ang saya-saya nito. Kunsabagay ngayon na lamang ulit s'ya nagpakita sa akin sa loob ng halos dalawang linggo.
"Gaea dismiss na, tunganga nalang ateng?" Untag sa akin ni Latona o mas kilalang tawaging Leto. Hindi ko na pala namalayaang natapos ang klase namin na ang naalala ko lang ay reproduction. Tss. Gan'on na ba kabilis ang oras kapag nand'yan s'ya? Lumingon ako kay Leto na kasalukuyan naglalagay ng polbos sa makinis n'yang mukha matapos akong bigyan ng isang tingin.
Napakurap-kurap pa ako nang mabilis namang lumipad ang itim na ibon na iyon palayo. May bahagi sa puso ko ang naging malungkot habang tinitingnan ang kanyang pag-alis. I sighed. Kailan kaya ulit s'ya magpapakita? tanong ng isip ko.
"Asan si Amy? " Pag-iiba ko ng usapan. Nakaangat na kasi ang kilay ni Leto at alam kong medyo inis s'ya sa dahil parang nawala ako sa aking sarili ng kaunti.
"Nagmamadaling umuwi, pupunta na naman sa ilog," sagot naman nito bago hinatak ang kamay ko patayo at sabay na lumabas ng aming classroom.
Nasa ikalawang taon kami ng college sa isang pampublikong paaralan. Secondary Education ang kinukuha naming tatlo. Ako, si Leto at si Amymone. Magkakaibigan na kami simula pa noong highschool. Halos magkakapatid na ang turingan namin dahil, kami lang naman ang magkakabarkada. Hindi ko nga rin maintindihan. Hindi naman kami mga suplada. Katunayan nga ay mababait kami, kaya nakakapagtakang medyo ilag ang ilang kaklase namin sa aming tatlo. Marahil ang dahilan ay--- mahirap kami.
Para sa amin na may simpleng pamumuhay, malaking karangalan na ang makatungtong sa paaralan ng Sta.Catalina Memorial College. Nag-ooffer sila ng scholar ship sa mga katulad naming salat sa pamumuhay ngunit may angking talinong taglay at masasabi kong mas'werte kami sa mga napabilang na mga estudyanteng katulad n'on.
"Bakit ba parating nagpupunta sa ilog si Amy? " Tanong ko sa kanya. Palabas na kami ng gate. Kipkip ko ang ilang libro, habang si Leto naman ay nakaangkla sa braso ko.
"Ewan ko ba. Nitong mga ilang araw ang weird n'yang magkikilos." Sagot naman nito sabay tingin sa madilim na kalangitan na tila nagbabadya nang malakas na ulan.
Madilim nga ng hapon na iyon. Malamig din ang paghampas ng hangin. Ang sanga ng mga punong nadadaanan namin pauwi ay sumasabay sa malakas na pag-ihip ng hangin.
Kwak!
Napatingala ako ng muli kong marinig ang huni na iyon. Napangiti ako nang makita kong nakasunod s'ya samin ni Leto. Paikot-ikot s'ya sa himpapawid. Tila nagdiriwang.
"Ang creepy naman ng ibon na 'yan. Akala ko last week tuluyang nawala na 'yan. Pero tingnan mo, nakasunod na naman sa atin." Naiiritang saad ni Leto na medyo binilisan ang paglalakad.
Napangiti na lamang ako at sumabay sa paglalakad pauwi. Malapit lang naman ang bahay namin sa eskwelahan, isang kanto lamang ang layo.
Mahilig si mama sa Greek myths kaya hindi na ako magtataka kung bakit Gaea ang ibinigay nitong pangalang sa akin. Si mama nalang ang kasama ko sa buhay dahil namatay si papa noong nakaraang taon dahil sa isang aksidente.
Totoo pala ang sinasabi nila na kapag may umalis na mahal mo sa buhay siguradong may pupuno sa pwesto n'yang naiwa. Nang mamatay si papa ay nakilala ko naman s'ya. S'ya na naging sandalan ko sa panahong bumitaw sa akin si mama dahil di nito nakayanan ang lungkot nang paglisan ni papa. Hindi namin matanggap dahil biglaan. Ni hindi ko man lang nasabing mahal ko si papa o ang mayakap man lang sya.
Sa panahong nagluluksa ako ay s'ya ang naging karamay ko. Hanggang isang araw nagising na lamang ako na mahal ko na s'ya.
Mahal ko s'ya. Ngunit, sa tuwing sasabihin ko ang katagang iyon ay may p'wersang pumipigil upang hindi ko sambitin ang salitang iyon. Isang p'wersang nagbibigay babala na hindi ko maaring isa-tinig kung ano man ang aking nararamdaman kaya't, nagkasya na lamang akong kimkimin ang pagmamahal na iyon.
"Gaea, dito na ako. Okey kana bang umuwi mag-isa? " Untag ni Leto ng nasa tapat na s'ya ng kanilang tahanan.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. "Para kang ewan Leto dalawang bahay lang naman ang pagitan ng bahay natin. Mauuna lang 'yong sa inyo. " nakangiti kong saad.
"Oo na oo na. Bukas kausapin nga natin si Amy, baka gusto ng maging sirena n'on at laging tambay sa ilog." Ungos nitong sambit bago pumasok sa gate ng kanilang bahay.
"Oo." Sagot ko dito. "O s'ya uuwi na ako. Bukas nalang.." Paalam ko dito.
Tumango lamang si Leto at kinawayan ako bago isinara ang gate. Muli na naman akong tumingala upang tingnan kung nakasunod paba ang ibon na iyon ngunit, nadismaya lang ako na wala na ito sa himpapawid. Napabuntong hininga ako at pumikit. Hindi ko sigurado kung tama nga bang hintayin ang taong iyon~~ o tao nga ba nga syang matutukoy. Dumilat ako at napailing, kung anu-ano naman ang naiisip ko.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang marating ko ang aming tahanan. Kaagad kong binuksan ang kulay itim na gate at kaagad ding pumasok sa loob ng bahay.
Ipinalibot ko ang aking paningin sa loob niyon at muli, naramdaman ko ang hugkang dito sa aking sarili. Dati-rati kasi ang bahay naming iyon ay puno ng saya at liwanag, ngunit ngayon, naging napakalungkot nito. Kung dati ay excited akong umuwi, parang ngayon ay nag aalinlangan ako dahil sa lungkot na nararamdaman ko` katotohanang hindi na buo ang aking pamilya, Idagdag pa na tuwing gabi ang trabaho ni mama.
Dumiretso ako sa maliit naming kusina. Diretso kaagad sa ref at tiningnan ang iniwan ni mama. Hindi nga ako nagkamali, dahil sa pintuan ng ref nakadikit ang yellow sticky note na may nakasulat na,
Anak,Pinaghanda na kita ng hapunan, nand'yan sa ref. Madaling araw pa ang off ko. I-lock mo ang mga pinto at 'wag kang magpapasok ng hindi mo kilala. Mag-iingat ka anak.
---Mama
Nang mabasa ko iyon, umakyat na ako sa aking silid upang makapagpahinga kahit sandali bago maghapunan, tutal ay maaga pa naman. Pag-pihit ko ng seradura ng pinto, bumulaga sa akin ang madilim na paligid kaya kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto.
Click!
Pagkapindot ko ng button na iyon ay sumabog ang liwanag sa apat na sulok ng aking silid, at sa liwanag na iyon ay bumungad sa akin ang isang napakagwapong lalaki na cool na cool na nakaupo sa itim na sofa malapit sa salaming bintana.
Nakapaskil sa kanyang mapulang labi ang kanyang ngiti. Ang mata nitong kulay berde na mamula mula ay makikitaan nang pagkislap. Pagkislap na maaring sa iba ay nakakatakot sapagkat naaninag ko ang kadiliman sa mapanuring mga matang iyon.
Ilang sandali akong napatda at tila hindi makagalaw. Para bang lumukso bigla ang puso ko nang makita ko ang maamong mukhang iyon. Iyong pakiramdam kong hugkang ay tila naglaho, napalitan na ng saya at ang tanging nais ko na lamang ay ihagis ang aking sarili sa kanyang mga bisig upang maramdaman ko ang mainit n'yang katawan.
Ngunit, hindi ganoon ang nangyari. Bagku's ay hindi ko s'ya pinansin. Pagkasara ko nang mahina sa pinto ay nagdiretso ako sa single bed kong kama na nababalutan ng kulay abong bedsheet. Umupo ako sa dulo n'on at nagsimulang hubarin ang suot kong sapatos nang maramdaman ko ang pagtayo n'ya at paglapit sa akin.
Unti-unti s'yang lumuhod sa harapan ko. Iniyakap n'ya ang matipuno n'yang braso sa aking bewang at inilapat ang kanyang ulo sa ibabaw ng aking mga hita. Ramdam ko ang mabigat n'yang paghinga kasabay rin nang mabigat kong paghinga dahil sa kanyang ginawa, ngunit hindi lamang ang paghinga naming dalawa ang lumukob sa aking katawan. Ramdam ko rin ang init na nanggagaling sa kanyang katawan.
Mainit ngunit hindi nakakapaso.
Napakagat labi na lamang ako at iniangat ang aking kamay at marahang sinuklay ang magulo at itim na itim nitong buhok. Tahimik lamang kaming dalawa. Pinapakiramdaman ang mumunting ingay na gawa ng aming paghinga. Ninanamnam ang mainit na sandal sa pagitan naming dalawa saksi ang apat na sulok ng kwartong iyon.
Ilang sandali kaming nasa gan'ong posisyon nang basagin n'ya ang katahimikan.
"I miss you Gaea." Usal ng baritono n'yang tinig na tila nanggagaling sa pinakailalim ng lupa.
Nakakatakot ngunit nakakahalina.
Napangiti ako.
Maaring sa kanyang mundo ay hindi p'wede ang ganito. Sa kanyang mundo ay tanaw lang ang maari kong gawin. Sa kanyang mundo ay hindi ko sya maaring hawakan. Ni tingnan ng diretso sa kanyang mga mata ay bawal. Pero rito sa aking lugar ay p'wede. Dito sa aking mundo ay puwede n'ya akong yakapin at hagkan. P'wede kaming magtawanan at maging masaya. Pwede kaming dalawa.
I know. He is living with darkness, sorrow and pain.
We are living in an opposite world. We're dealing with different people. We are different from each other. But those situations are not enough to stop me from loving him. I love him as what and who he is, even people say he is a foe, but I don't care. I really don’t care. All I know is his presence. As long as he is with me.
Maybe he was living in a shadow, a place where things aren't true, where dead existed, where ghost are broken dreams.
He is not an evil nor a demon.
He is God.
A Ruler.
Ruler of the underworld.
And he is my savior.
My Hades.
Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.
The Prophecy"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdibparamakatsansing--este...Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan. Parang nawawala ang pagtatampo ko.Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari. May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal
Protected----Every end has its own start.Andeverystarthasitsownending---Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagtakang tila may gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Tila may kakaiba sa paggising kong iyon dahil sumalubong sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang mga patak nito sa bubong ay tila galit at nais talaga akong gisingin. Alinsabay pa nito ay ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa buo kong katawan. Nagpalinga-linga upang tiyakin kung nasa sariling silid pa ako dahil kakaiba ang pag ngalit ng panahon. Hindi tugma sa nakasanayan kong pag ulan.Ilang beses akong kumurap at maya maya pa ay bumangon. Dahan dahan akong naupo sa hangganan ng kama habang kipkip ang kumot sa kandungan. Lumingon ako sa salaaming bintana at doon ko napansin na napakadilim ang paligid ngunit kataka- takang maliwanag ang sikat ng buwan na s'yang nagbibigay nang liwan
-- Here it comes."Kanina mo pa ako tinitingnan Amy, may problema ba?" Nakangisi kong tanong kay Amy habang nakaupo kami sa Canteen at nagmemeryenda. Sa buong period kasi ng Biology ay panaka-naka s'yang tumitingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Iwinaksi ko narin ang nangyari kaninang umaga. Sa tulong ni Kraneia ay unti unti akong kumalma kahit na marami akong katanungan sa sinasabi nitong propesiya. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nya. Wala rin kaming oras para makapag usap dahil mukha itong nagmamadali. Hindi narin naman ako nagtanong sa kadahilanang wala rin itong balak pag usapan kung ano ang kanyang nasimulan."W--Wala naman," mabini nitong saad. Siniko ko naman si Leto nang yumuko si Amy, para uminom ng softdrinks. Tumingin sa akin si Leto. Ininguso ko naman si Amy sa kanya dahil parang kakaiba talaga ang kilos nito. Okey naman s'ya kahapon bago kami umuwi, pero ngayong umaga ay mukhang hindi—kagaya ko."Amy, kung may problema ka, maki
-- Stop me..."G--Gaea..." Nahihirapang saad ni Hades sa pagitan nang malalim nitong paghalik sa aking mga labi. Ang dalawang palad nito ay hindi ko na namalayang nakasapo na sa aking pisngi habang ako naman ay napakapit sa kanyang mga braso na parang doon kumukuha nang lakas dahil pakiramdamn ko ay nalulunod na ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Ang bawat haplos ng kanyang palad sa aking leeg at pisngi ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa aking pagkatao. Wala akong kakayahang magprotesta, kahit ang patigilan o itulak sya ay hindi ko magawa sapagkat tila nawalan ako ng lakas. Nakakapanghina."M--Make me stop.." Daing nito. Ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko ay dahan-dahang dumausdos pababa sa aking leeg patungo sa aking bewang na naging dahilan kung bakit mas lalong napalapit ang katawang ko sa kanya. "Gaea, make me stop," dugtong nito sa pagitan ng kanyan

He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso