-- Here it comes.
"Kanina mo pa ako tinitingnan Amy, may problema ba?" Nakangisi kong tanong kay Amy habang nakaupo kami sa Canteen at nagmemeryenda. Sa buong period kasi ng Biology ay panaka-naka s'yang tumitingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Iwinaksi ko narin ang nangyari kaninang umaga. Sa tulong ni Kraneia ay unti unti akong kumalma kahit na marami akong katanungan sa sinasabi nitong propesiya. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nya. Wala rin kaming oras para makapag usap dahil mukha itong nagmamadali. Hindi narin naman ako nagtanong sa kadahilanang wala rin itong balak pag usapan kung ano ang kanyang nasimulan.
"W--Wala naman," mabini nitong saad. Siniko ko naman si Leto nang yumuko si Amy, para uminom ng softdrinks. Tumingin sa akin si Leto. Ininguso ko naman si Amy sa kanya dahil parang kakaiba talaga ang kilos nito. Okey naman s'ya kahapon bago kami umuwi, pero ngayong umaga ay mukhang hindi—kagaya ko.
"Amy, kung may problema ka, makikinig naman kami." Saad ni Leto. Dumiretso naman ng tingin sa amin si Amy, partikular sa akin. Pasimple naman akong sumimsim ng soft drinks at kumagat sa hawak kong sandwich habang palipat lipat ang paningin sa kanilang dalawa, hinihintay ang sagot ng huli.
"Parang kakaiba lang ang ihip ng hangin ngayon. Pansin mo ba Gaea?" Makahulugan nitong saad. Napakunot noo ako dahil doon. Hindi ko naintindihan agad ang sinabi n'ya ngunit may mumunting pakiramdam ako sa ibig n'yang sabihin.
"Anong kakaiba sa hangin?" Nakakunot noo na tanong ni Leto. Napakainosente nito sa sinabi ni Amy. Parehas kaming umayos ng upo ngunit nanatili ang titig ko kay Amy.
"Wala... parang mas mainit lang s'ya ngayon." sagot naman ni Amy, bago nag-iwas nang tingin at muli na naman itong sumimsim ng soft drinks. Tahimik ko namang pinakiramdaman ang hangin na sinasabi ni Amy. At oo nga, nararamdaman kong kakaiba iyon. Tiningnan kong muli si Amy. Nagtataka ako kung paano n'ya naramdaman ang bagay na iyon... Natutunan ko kasing maramdaman ang mga bagay sa paligid ko nang mapalapit sa akin si Hades---
Teka---Ngunit bago ko pa maisatinig iyon ay nagulat ako nang maramdaman ko ang malamig na tumama sa aking hita. Nanlaki ang mga mata kong kaagad na napatayo. Hindi ko namalayang tumapon ang softdrink na hawak ko. Tumayo na rin ang dalawa sa gulat sa nangyari. Kaagad akong inabutan ng tissue ni Leto. Narinig ko pa ang pagtawa nito. Nanatili namang nakatayo si Amy sa harapan ko habang pinupunusan ang nabasa kong pantalon. Nakatingin lang ito sa akin.
Kung nararamdaman ni Amy ang mga bagay na iyon, panigurado akong may nakakasalamuha s'yang kagaya ni Hades. Hindi ako maaring magkamali. Hindi mararamdaman ng pangkaraniwang tao ang pag-iiba ng ihip ng hangin. Hindi 'yon mararamdaman basta basta. Unless nalang na may kagaya si Hades sa buhay ni Amy ngayon.
Tahimik ko nalang pinunasan ang pantalon ko. Gustong-gusto ko s'yang tanungin sa bagay na iyon ngunit, minabuti kong manahimik nalang. Abot-abot ang pagpipigil kong magbitaw ng salita, lalo pa ngang kasama namin si Leto.
"L--Let's go." Aya ko nalang sa kanila. Kinuha ko na ang bag at naunang lumabas sa kanila. Hindi ako pinatahimik ng konsensya ko. Kung mayroon ngang kasama si Amy na kagaya ni Hades, sino ito at bakit at paano?
Maari kayang kapatid ito ni Hades? Pero sino sa dalawang iyon at kung hindi naman maaring sa mga anak ng kapatid nito. SINO?
Nang tuluyan kaming makalabas ay sinalubong nga ako ng maalinsangang simoy ng hangin. Mas mainit iyon kumpara kahapon. Sa sobrang init ay nakakapanindig balahibo. Yong tipong nakakataas ng balahibo sa braso kapag tuluyang dumampi ang hangin sa balat.
"Hades, may problema ba?" Nag-aalala kong tanong sa isip. Alam kong naririnig n'ya ako ngunit hindi ako umaasang sya ay sasagot
"Tara na sa classroom." Untag ni Leto. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na sila. Tumango naman ako nang magsimula kaming maglakad. Panay ang kwento ni Leto sa lalaking nakilala nito sa internet kagabi, ngunit ang buong atensyon ko ay na kay Amy. Ayokong maniwala sa kutob ko, ngunit may malaking bahagi ng isip ko ang sumasang-ayon.
Nang dumating kami sa classroom ay saktong dumating rin ang panghapong professor namin. Itinutok ko ang buong atensyon ko sa kanya. Isinawalang bahala ko ang iniisip ko kay Amy, ngunit sadyang hindi iyon maalis sa isip ko. Lumingon ako sa katabi kong bintana. Tinitigan ko ang malaking puno na naroon. Umaasa akong makita si Hades, ngunit mukhang malabo dahil wala ang makulit na ibon na iyon. Gustong gusto ko na talagang tanungin si Amy, ngunit wala pa ako sa posisyon para doon.
"Huh..." Napaintad ako nang may dumantay sa braso ko. Nang lingunin ko ito ay sinalubong ako ng diretsong tingin ni Amy. Hinanap ng paningin ko si Leto. Natagpuan ko ito sa kabilang upuan at seryosong nagsusulat sa notebook. Nang tingnan ko si Amy ay nakangiti na ito sa akin.
"Alam ko ang tinatago mo, kasi tinatago ko rin ang meron ka." saad nito sa akin. Malakas na kumabog ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Hindi kaagad ako nakahuma. Wala akong makapang salita. Itinago ko sa kanila si Hades, dahil alam ko sa sarili ko na hindi pupwedeng malaman ng iba, kahit sa best friend ko pa ang tungkol sa kanya ay mananatiling sekreto. Hindi pwede, hindi maaring malaman ng iba.
" Matagal ko ng alam na may kakaiba sayo Gaea. Ayoko lang makialam dahil alam kong buhay mo iyan, at nakikita kong masaya ka sa kanya. Kaso, napansin ko nitong mga nakaraang araw na parang may kakaiba. Nararamdaman kong palaging may nakamasid sayo. Kakaiba rin ang pag ihip ng hangin. Para bang may babala na mag ingat ka." Diretso nitong saad. Napakunot ako ng noo at nilukuban ng kakaibang pangamba. Naramdaman ko na rin ang bagay na iyon, ngunit iniisip kong si Hades ang laging nakamasid sa akin.
"A--Anong ibig mong sabihin?" Pangamba kong tanong.
"Bago mo nakilala si Hades, ay kilala ko na ang kanyang kapatid. Si Poseidon." saad nito na bahagya pang tumawa. Nabigla ako roon. Hindi ko inakalang may itinatago si Amy. Hindi ko inakalang kilala nito ang isa pang kapatid ni Hades. Si Poseidon, 'yong kpatid n'ya na nagrurule ng Sea and water.
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kaba kung bakit sinasabi ni Amy ang mga ganitong bagay. Ang sabi ni Hades, hindi pwedeng sabihin sa ibang tao na nakakasalamuha ko s'ya dahil labag ito sa kanilang batas, pero si Amy... Bakit malaya n'yang nasasabi ang mga ganito.
"Alam kong bawal sabihin ang mga ito Gaea, pero sinasabi ko 'to para bigyan ka ng babala. Hindi biro si Hades, Gaea. Sa kanilang tatlo, mas malawak ang sakop nito. Mas malalakas at walang puso ang hinahawakan n'ya. Kaya't hanggang maari 'wag na 'wag mong sasabihin na mahal mo s'ya.' Mariing saad nito. Bago pa ako muling magsalita ay tumayo na ito at iniwan ako. Gusto ko s'yang kausapin, ngunit nalunod na ako ng pangamba.
Hindi ko maaring sabihin na mahal ko si Hades? Ngunit bakit? Dahil ba mortal ako at imortal sya? Mahal? Mahal ko nga ba si Hades? Sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang sakit at lungkot, ngunit sa bandang huli, isa lang ang gusto kong malaman.
Bakit may mga babala sa akin? Ito ba ang propesiyang sinasabi ni Kraneia?
Sa buong hapon na iyon ay wala ako sa sarili. Mukhang iniwasan naman ako ni Amy para magtanong dahil nakadikit s'yang panay kay Leto. Hindi na ako sumubok. May iba pa sigurong pagkakataon para tanungin s'ya.
Nang hapon ay sabay kaming umuwi ni Leto. Hindi na rin ako nagtaka na mas nauna na naman si Amy. Alam ko naman ngayon ang kanyang sekreto, nasagot na kung bakit parati syang hindi sumasabay sap ag uwi- iba ang pinupuntahan nito.
Habang naglalakad ay tahimikkaming dalawa ni Leto hanggang makarating sa kanya-kanyang bahay. Kagaya ng dati ay tahimik kong nadatnan ang bahay. Wala na naman si Mama kaya mabilis na akong umakyat sa kwarto ko.
Pagpihit ko ng pinto ay kaagad bumungad sa aking ang pigura ni Hades. Nakayuko ito. Natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha. Nakapirmi ang dalawang kamay nito sa gilid. Napaatras ako dahil parang kakaiba ang kanyang aura. Napansin ko rin ang tila tattoo sa kanyang leeg na para bang umiilaw.
"H--Hades.." marahang tawag ko sa kanya. Mula sa kanyang pagkakayuko ay unti-unti sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Hades at namumula nitong mga mata. Hindi kaagad ako nakagalaw. Gusto kong umatras nang humakbang sya palapit sa akin, ngunit tila nakadikit nalang ang mga paa ko sa sahig. Wala akong lakas para gumalaw. Hindi ko nagawang humakbang palayo.
"G-Gaea.." Matalim nitong tawag sa akin. Natakot sa paraan ng pagtawag n'ya sa pangalan ko. Tila bulong na nahihirapan. At habang magkatitigan kaming dalawa ay unti unti kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa magkabila kong mga mata dahil sa takot.
"Gaea…" muling tawag nito sa akin, ngunit ngayon ay magkaharap na ang aming mga mukha at kaunti nalang ay magdidikit na ang mga ito.
"H--Hades.." nanginginig kong pagtawag sa kanya. Nagbabakasakali akong magbago ang kanyang aura sa pagtawag ko dito. Nagbabakasakaling kapag narinig nito ang boses ko ay unti unti syang kumalma. Napapikit ako nang maramdaman ko ang kanyang mainit na palad sa aking pisngi. Malayang tumulo ang luha roon. Kasabay ng mainit n'yang palad na dumampi sa aking pisngi ay ang malakas na kumabog ang dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang bumaba pa ang palad n'ya papunta sa aking leeg. Marahan iyong pumisil kaya napatingala ako sa kanya, ngunit nanatili akong napapikit.
Ito na ba ang sinasabi ni Amy?
Patuloy ang pag-iyak ko sa halo halong emosyon, ngunit lahat ng iyon ay unti unti nawala. Sandaling hindi ko naramdaman ang pagtibok ng aking dibdib. Nanginig ang mga kamay ko at hindi ako makahinga nang unti unting magdikit ang aming mga pisngi at ang mabilis na paglapat nang mainit na labi ni Hades sa aking labi.
-- Stop me..."G--Gaea..." Nahihirapang saad ni Hades sa pagitan nang malalim nitong paghalik sa aking mga labi. Ang dalawang palad nito ay hindi ko na namalayang nakasapo na sa aking pisngi habang ako naman ay napakapit sa kanyang mga braso na parang doon kumukuha nang lakas dahil pakiramdamn ko ay nalulunod na ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Ang bawat haplos ng kanyang palad sa aking leeg at pisngi ay nagbibigay ng kakaibang kilabot sa aking pagkatao. Wala akong kakayahang magprotesta, kahit ang patigilan o itulak sya ay hindi ko magawa sapagkat tila nawalan ako ng lakas. Nakakapanghina."M--Make me stop.." Daing nito. Ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko ay dahan-dahang dumausdos pababa sa aking leeg patungo sa aking bewang na naging dahilan kung bakit mas lalong napalapit ang katawang ko sa kanya. "Gaea, make me stop," dugtong nito sa pagitan ng kanyan
He is God "There are two types of Reproduction. The Sexual and the Asexual Reproduction blah blah blah" Kwak! Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig ng lesso
Choosing YouPaanongabaakonapuntasapaniniwalangmay Hades?Nagsimula'yonnoongmabasakosaisanginternet siteangtungkolsamgaGod and Goddesses.Noongunanga,nasabikosasarilikong—kalokohan. Kalokohan lamanganglahatngiyon.Tanongko--Paanongmagkakaroonngpinunoanglangit,karagatanatangimpyernokungmayroontayongJesus Christhindiba?Atdoonkonapagtantoanglahat.Naangmganilalangnaitoaynabubuhayupangbalansehinangmgabagaysamundoatupangmamuhayng normalangmgatao.
The Prophecy"Wag mo nga akong ginagamitan ng power's mo Hades! " naiirita kong saad sa kanya, sabay tulak sa kanyang matipunong dibdibparamakatsansing--este...Mapalayo s'ya sa akin. Tinatraydor ako ng mainit nyang katawan. Parang nawawala ang pagtatampo ko.Nagiging marupok ako sa kanyang mga mumunting haplos at hindi iyon maaari. May pa I choose you I choose pa s'ya, lelang n'ya! Ni hindi nga s'ya makatagal
Protected----Every end has its own start.Andeverystarthasitsownending---Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagtakang tila may gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Tila may kakaiba sa paggising kong iyon dahil sumalubong sa akin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ang mga patak nito sa bubong ay tila galit at nais talaga akong gisingin. Alinsabay pa nito ay ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa buo kong katawan. Nagpalinga-linga upang tiyakin kung nasa sariling silid pa ako dahil kakaiba ang pag ngalit ng panahon. Hindi tugma sa nakasanayan kong pag ulan.Ilang beses akong kumurap at maya maya pa ay bumangon. Dahan dahan akong naupo sa hangganan ng kama habang kipkip ang kumot sa kandungan. Lumingon ako sa salaaming bintana at doon ko napansin na napakadilim ang paligid ngunit kataka- takang maliwanag ang sikat ng buwan na s'yang nagbibigay nang liwan

-- Here it comes."Kanina mo pa ako tinitingnan Amy, may problema ba?" Nakangisi kong tanong kay Amy habang nakaupo kami sa Canteen at nagmemeryenda. Sa buong period kasi ng Biology ay panaka-naka s'yang tumitingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Iwinaksi ko narin ang nangyari kaninang umaga. Sa tulong ni Kraneia ay unti unti akong kumalma kahit na marami akong katanungan sa sinasabi nitong propesiya. Hindi ko maintindihan ang tinutukoy nya. Wala rin kaming oras para makapag usap dahil mukha itong nagmamadali. Hindi narin naman ako nagtanong sa kadahilanang wala rin itong balak pag usapan kung ano ang kanyang nasimulan."W--Wala naman," mabini nitong saad. Siniko ko naman si Leto nang yumuko si Amy, para uminom ng softdrinks. Tumingin sa akin si Leto. Ininguso ko naman si Amy sa kanya dahil parang kakaiba talaga ang kilos nito. Okey naman s'ya kahapon bago kami umuwi, pero ngayong umaga ay mukhang hindi—kagaya ko."Amy, kung may problema ka, maki