READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!đ¤ (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸ (Samantha) "GOODBYE, MA'AM!" Masaya siyang kumaway sa mga grade one students niya ng magpaalam na ang mga ito. Alas kwarto na nang hapon at uwian na. Pagkatapos maglagay ng baby powder sa mukha at magpahid ng manipis na lipstick sa labi ay kinuha na niya ang mga gamit. Bago umalis ay sinuri muna niya ang mukha sa handy mirror na palagi niyang dala. Gusto niya kasi na maganda siyang haharap mamaya kay Jc, ang nobyo niya. "Maganda ka na, girl!" Muntik na niya mabitiwan ang hawak na salamin dahil sa gulat sa kaibigan na bigla nalang sumulpot. "Wina naman, pwede ba wag kang nanggugulat." Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa gulat. Katulad niya ay isa rin itong teacher dito sa Makabuhay Elementary School. "Sorry girl," pumilantik ang kamay nito. "Ikaw naman kasi, masyado kang busy sa pagpapaganda. Hindi mo tuloy napansin ang paglapit ko." Matalik niya itong kaibigan. Lalaki ang panlabas nito pero pusong babaeâ Oo, isa itong binabae. Pero hindi ito katulad ng ibang binabae na lantad, ito ay nakapanlalaki pa rin ng kasuotan saan man magpunta at kahit na isa itong binabae ay marami parin ang nagkakagusto dito dahil bukod sa malaki ang katawan ay gwapo din ito, iyon nga lang ay lalaki din ang gusto. "Makikipagkita ka sa jowa mo, no?" Naniningkit ang matang tanong nito. Nginitian niya lang ito. "Naku ha, sinasabi ko sayo, Sam. Wag ka magpapagabi ng uwi. Isusumbong talaga kita sa mama mo." "Alam mo hindi ka lang tsismoso, sumbungero ka pa." Mga bata palang ay magkaibigan na sila kaya naman kilalang-kilala siya nito, at kilalang-kilala din siya nito. "Naman." Nag flipped hair pa ito na akala mo ay mahaba ang buhok kaya natawa siya. Isinukbit na niya ang bag niya. "Sige na, Wina, mauna na ako. Alam mo na, may lakad ang maganda mong kaibigan.â Hindi pa nakakalayo ay muli niya itong nilingon. "Sa sunod na tayo kumain sa Jollibee. Libre ko na." Agad na nagliwanag ang mukha nito sa narinig na parang bata. Kalalaking tao ay ang laki ng katawan pero hindi pa rin ito nagbabagoâ Pagkakain sila sa labas ay tuwang-tuwa ito. Bukod sa kaibigan na niya ito mga bata palang sila ay palagi pa silang magkasama. Ito ang tagapagtanggol niya sa tuwing may nambubully sa kanya. Ito rin ang tagasumbong sa mama niya sa tuwing may mga nanliligaw sa kanya sa kanilang school. Sa madaling salita, sumbungero ang kaibigan niya. Bigla ay naalala niya ang mama niya. Umuwi ito ng Antique para makasama ang kapatid nito na may sakit, isang taon na ro'n ang mama niya kaya naman mag-isa siya sa apartment na tinutuluyan. Matagal nang namayapa ang papa niya. Nag iisang anak lang din siya kaya naman dalawa nalang sila ng mama niya na magkasama sa buhay. Saglit na huminto siya sa paglalakad para basahin ang text ng nobyo niya. 'Dito na ako, Love' Pigil ang ngiti sa labi niya dahil sa kilig. Kapag tinatawag siya nitong love ay talaga namang kinikilig siya. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nagkaro'n siya ng boyfriend na katulad ni Jc. Para sa kanya ay perfect ito. Gwapo at masipag. Palagi itong busy sa maliit nitong business na itinayo nito kaya bihira lang sila magkita. Agad siyang bumaba sa tapat ng mall kung saan sila magkikita. NapadainÄĄ siya ng mahina ng bumangga siya sa matigas na paderâ "Pasensya na, hindi ko sinasadya." Nakangiwing yumuko siya. Pakiramdam niya ay nadurog ang buto niya sa ilong sa tigas ng katawan nito. Hindi pala siya sa pader nabangga, kundi sa isang malaking mama. Nang mag angat siya ng tingin ay nalula siya sa tangkad nito. Mukhang nasa 6â2 ang taas nito. Malapad ang katawan, at kulay itim ang suot mula sumbrero, facemask, hanggang sa rubbershoes. Wala sa sariling tumingkayad siya para titigan ang mata nitoâ Oh my god, kulay asul ang mata! Nahihiyang nagbaba siya ng tingin ng mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha. Nadala siya ng pagkabelieve. Kakaiba kasi ang mata nitoâ Parang nakakahipnotismo sa ganda. Pagtingin niya sa lalaki ay wala na ito sa harapan niya. Grabe, ang bilis naman maglaho noân. Daig pa ang multo. Pumasok na siya sa restaurant na madalas nilang pagtagpuan ni Jc. "Love!" Masaya siyang sinalubong ng nobyo at hinalikan sa labi. Smack lang iyon pero kilig na kilig na siya. "Pasensya na naghintay ka ng matagal." Nahihiya na ngumiti siya rito. Sa dalawang taon nilang magkasintahan ay nahihiya pa rin siya sa tuwing magkasama sila. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya bagay sa binata. "Ayos lang na maghintay ako basta para sa 'yo." Lalo sumingkit ang mga mata nito nang ngumiti sa kanya. Pagkarating ng order nila ay agad silang kumain. Tulad ng dati ay nagkukwentuhan lang sila tungkol sa kani-kanilang trabaho. Hinawakan nito ang kamay niya at saka matamis na ngumiti. "Pagnakuha ko ang deal na 'to. Magpakasal na tayo next year." Napaawang ang labi niya sa sinabi nitoâ Sobrang saya niya! Nakangiti na tumango siya. "Sana nga makuha mo, goodluck, Jc." "Love, naman, hanggang ngayon Jc pa rin ang tawag mo sa akin. Dapat sanayin mo nang tawagin akong love para naman lalo akong ganahin sa trabaho.â Kimi lang siyang ngumiti rito. Ang totoo ay kinikilig siya pero hindi niya alam kung paano ipapakita, hanggang ngayon kasi ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkailang rito kahit na dalawang taon na ang relasyon nilang dalawa. Ito kasi ang kauna-unahang na naging nobyo niya, kaya siguro ganito ang akto niya. Ang sabi nga ng mga nakakakilala sa kaniya ay mahinhin siya at mahiyain. Pero hindi naman iyon ang nakikita niya sa sarili. Ganito lang siguro talaga siya kapag hindi sanay sa isang tao. Kapag nasa bahay ay maingay naman siya at alam iyon ng kaibigan niyang si Wina. "Love, take this." Maang siyang tumingin sa mga paper bag na iniabot ni Jc sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamaliâ Mamahalin ang mga ito at sa ibang bansa pa nabibili. "Ang dami naman nito, Jc. Nakakahiya naman kung tatanggapin ko lahat ng 'yan.â Tanggi niya. "Love naman, tanggapin mo na. Naka-sale naman 'yan no'ng binili ko kaya tanggapin mo na, please." Giit pa na sabi nito. Sale? Baka kahit mag sale ang ganitong brand ay hindi niya pa rin mabili. Sigurado siya na mahal talaga ito. Pilit ang ngiti na kinuha niya ang mga hawak nito. "Salamat." "I love you, Love." Gusto niya sana sagutin ito pero nagring ang cellphone nito. "Hello?" Napangiti ito sa sinabi ng kausap. Mukhang nakatanggap ito ng magandang balita. "Sige, I'm on my way." Nang ibaba nito ang cellphone ay tumingin ito sa kanya. "Love, pasensya ka na pero kailangan ko nang bumalik sa office. May meeting ako sa client ko. Sa sunod babawi ako, promise." Tumango siya. "Naiintindihan ko, Jc. Sige na mauna ka na dahil may bibilhin pa ako." Dahilan niya pero ang totoo ay nabitin siya sa oras na kasama niya ito. Natigilan ito saglit pero agad din ngumiti sa kanya. "Wag ka nang magtagal dito, umuwi ka na. Nakokonsensya ako na iwan ka dito ng mag-isa." Nahawa siya sa ngiti nito. Kahit kailan talaga ay napakasweet nito. "Oo na, uuwi na ako. Mag ingat ka, ha." Mabilis na humalik ulit ito sa labi niya bago umalis. Simula nang maging boyfriend niya ito ay iisang beses palang siya nito naihahatid sa apartment niya. Sobrang busy kasi ito sa trabaho at naiintindihan niya iyon. Hindi nagtagal ay tumayo na siya para mag abang uli ng tricycle. Mabilis naman siyang nakasakay at umuwi sa maliit na apartment na tinutuluyan. Isa iyong compound kung saan kakaunti lang ang nakatira. Kaya nagmistula iyong mga haunted na apartment. Kapag naglakad nga siya sa hallway ay wala siyang makakasalubong kundi kadiliman at malamig na hangin. Ilang beses na siyang nagsabi sa landlady na palitan ang mga punding ilaw, noong una ay pinapalitan pa naman ito pero agad ding napupundi kaya naman nagsawa na siguro ang landlady sa kapapalit. Sa ikatlong palapag ang tinutuluyan niya. Noong unang lipat niya rito matapos ibenta ng ina ang maliit nilang lupa para makatulong sa kapatid ay hindi niya mapigilan ang takot. Bukod sa madilim ay wala siyang kapitbahay sa palapag na ito. Walang naglakas-loob na mangupahan dito kahit na mas mura kaysa sa una at pangalawang palapag dahil sa kadiliman at nakakatakot na atmosphere. Ilang beses na niyang niyaya ang kaibigan na si Wina para lumipat sa tabi ng apartment niya pero tumanggi ito. Hindi daw ito makakatagal na walang kapitbahay na gwapo. Kailangan daw nito ng inspirasyon araw-araw bago pumasok sa trabaho. Hingal na pumasok siya ng apartment. Ngayon lang niya naramdaman ang ngalay dahil sa mga bitbit na paper bag. Agad na kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at saka naupo sa kulay pink niyang sofa. Habang umiinom ng tubig ay binasa niya ang diyaryo na binili niya mga tatlong araw na ang nakalipas. Pulis na inalis sa pwesto, ginahasang kababaihan, pagnanakaw ng ilang kabataan na kapos sa buhay at mga kabataan na nahuling nagdodroga. Napailing siya sa mga nabasa at kinilabutan. Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Kung may balita man na nakapagbibigay takot sa kaniya iyon ay ang mga kababaihan at kabataan na nari-rape. Wala nang pinipili ang mga rapist ngayon. Nasa edad man o wala basta ma-i-raos lang nila ang pagnanasa o kabastusan na nasa isip ay nanggagahasa na sila. Napabuntong hininga siya. Kaya siya ay mas pinipili na lang na mapag-isa sa apartment niya at mag scroll sa f******k kaysa ang lumabas. Alas-otso na ng gabi. Lumapit siya sa bintana para isara ito. Natigilan siya. Mayroâng lalaki sa baba na nakakulay itim ang lahat ng suot, habang nakaupo ito sa motorsikloâ Napalunok siya at agad na isinara ang binata. Bakit ganoân? Pakiramdam niya ay nakatingin ito sa kanya kahit na nakasuot ito ng helmet at nakatingala? âMy god, Samantha! Pinapakaba mo lang ang sarili mo!â Gusto niyang isipin na sa katabing bintana ng apartment niya ito nakatinginâ Pero naalala niya na bakante ang lahat ng unit sa floor na ito! Inalis niya sa isip ang nakita at naligo. Sinuklay niya ang maikling buhok na tuwid na tuwid na umabot lamang hanggang balikat at nagpahid ng lip moisturizing sa manipis at mamula-mula niyang labi. Kitang-kita sa maliit niyang mukha ang saya, lalo na sa kanyang bilugan na mga mata. Hanggang sa pagtulog ay dala niya ang saya. Baka magpakasal sila ni Jc next year! **** Hindi na naman niya namalayan ang oras, uwian na naman. Habang inaayos ang mga dadalhin pauwi ay tinext na niya muna ang kaibigang si Wina. 'Tara na, Wina' Hindi nagtagal ay naririnig na niya ang yabag nito papalapit. "Girl, taralets na! Matagal tagal mo na rin akong hindi dini-date, hmm!â Halatang nagtatampo ito. Napailing nalang siya. Madalas niya kasi itong nililibre sa Jollibee. Kahit bilhan lang ito fries, burger at coke float ay masaya na ito. "Girl, may binili pala ako. Gamitin mo ito ha, para pareho tayo." Iniabot nito sa kaniya ang maliit na paper bag na alam na niya ang laman. "Dapat pareho tayo ng gamit palagi para mamana mo ang ganda ko." Sabay halakhak nito. Every month ay binibigyan siya nito ng mga beauty products. Mula sa lotion, pabango, moisturizer sa labi at mukha, sabon sa katawan, shampoo at conditioner. Minsan ay hindi niya pa nga nauubos ay pinapadalhan na siya nito. "Alam mo na ba ang chika? Buntis daw si Angelica tapos wala daw ama, hindi daw pinanagutan. Puro puna sayo ang bruhang 'yon tapos siya pala 'tong may tinatagong landi sa katawan." Habang naglalakad sila ay wala itong tigil sa kakakwento tungkol sa isang kasamahan nilang guro na lagi siyang pinag-iinitan. "At ito pa, girl. Alam mo ba na kinaiinggitan ka ng lahat dahil halata daw na gusto ka ni papa Warren." Tukoy nito sa anak ng kanilang principal. Nagpapadyak pa ito na parang kilig na kilig kaya naman lahat ay napapalingon sa kanila. "Sinabi ko na nga na may boyfriend ka na, girl. Para naman ibaling niya sa akin ang nararamdaman niya kaso parang hindi naman niya ako type." Tumatawang itinuro niya ang braso nito. "Pa'no may magkakagusto sayo. Ang takot lang nila sa muscles mo." "Thank you sa pagpapalakas ng loob ko, ha. Napakabuti mong kaibigan." Sarkastikong sabi nito sabah irap sa kanya. Marami siyang inorder dahil napakalakas kumain ni Wina. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganito kalaki ang katawan nito. 5â9 ang taas nito, bukod sa matangkad ay malaki pa ang katawan. "Alam mo na ba ang tsismis tungkol sa sikat na sindikato na nandito sa pilipinas?" Ngumunguyang tanong nito. Umiling siya bago kumagat ng burger. "Hindi. Saka ano na naman 'yan. Pang worldwide talaga ang pagiging tsismoso mo, no." Nabilaukan ito sa sinabi niya. "Tsismoso agad? Di ba pwede na taga-kwento lang." "Ano ba 'yon?" Tanong nalang niya. "Mayroon daw mga sindikato na nahuli kamakailan lang. Buti nga nahuli ang ibang miyembro nila. Kawawa naman kase ang mga babae na biktima nila." Natigilan siya sa narinig. Talamak na talaga ang masasamang tao sa panahon ngayon. Tulad nga ng nababasa sa diyaryo, iba't ibang mga krimen araw-araw ang nagaganap hindi lang sa Pilipinas kundi saanman sulok ng mundo. "Simula ngayon ay ihahatid na kita. Sabi mo nga 'diba nakakatakot ang muscles ko. Kaya simula ngayon ihahatid na kita, para naman mapanatag na rin si tita." "Salamat, Wina. Isabit mo sila sa muscle mo pagnagtangka sila." Tumatawang biro niya. Ipinakita nito ang malaking muscles sa mga braso at tumayo pa. "Isasabit ko talaga sila dito."Trapped seriesđĽ Mature contentâźď¸ 1. Trapped with him: Alaric and Pamela's story 2. The lonely billionaire and his maid: Damon and Amelia's story 3. His intention: Zandro and Samantha's story 4. Trapped in his wrath: Red and Yuri's story 5. Broken hearts and promises: Miguel and Gail's story 6. The hidden wife tears: Nickolas and Catherinaâs story 7. The billionaireâs trick: Liam and Happyâs story 8. His dangerous trap: Tres and Bellaâs story 9. Forbidden desire: Jack and Farrahâs story 10. The billionaireâs secret love: Wendell and Donitaâs story
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸ (Samantha) "KAYA AYAW KO UMAKYAT DITO!!!" Nakakapit pa sa kaniya si Wina habang naglalakad sila. Halos hindi na siya makapaglakad ng maayos dahil ang laki lang naman ng kaibigan niya na nakakapit sa kaniya. 'Isasabit daw sa muscles pero wala pa nga nakikitang multo ay nanginginig na sa takot' "Ang laki ng katawan mo tapos duwag ka." Natatawang sabi niya. Inirapan siya ng kaibigan. "Hindi ako duwag. T-talagang hindi ko lang gusto ang lugar na 'to. Tingnan mo ang makinis kong balat." Inginuso nito ang braso. "Girl, nakatayo ang mga balahibo ko, my gosh!" Nang makarating sila sa tapat ng apartment ay nauna p
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!đ¤ (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸ (Samantha) 'NICE to meet you' Iyon lang ang tanging nasambit niya. Napalunok siya ng mapansin na parang may kakaiba sa tingin nito. Nakangiti man ang lalaki ay parang hindi 'yon umabot sa mata. May kakaiba rito na hindi niya mawari kung ano. Pinilig niya ang ulo. Guni-guni lang siguro niya 'yon. "Natapos mo na ba?" Tanong ni Jc kay Zandro. Tumango si Zandro. "Oo naipasa ko na. Nilinis ko na lahat para sigurado na pulido at walang mali." Nakangiti na bumaling sa kanya si Zandro. "Paupo, ha." At umupo nga 'to sa tabi niya. "Mabuti naman." Nakangiti at tila nakahinga ng maluwag ang nobyo niya. Nakaupo na
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahalâĽď¸ (Samantha) BIGLA ay gumapang ang kakaibang kaba sa pagkatao niya sa klase ng tingin na ibinibigay nito ngayon sa kanya. "Gusto lang naman kitang ihatid, Sam. Hindi naman ako nangangagat, kaya bakit parang takot na takot ka?" Ang mga mata nito ay malalim kung tumingin. Nanghihina na umiling siya. Gumuhit ang ngisi nito sa labi at nilapitan siya. Tinabig niya ang kamay nito ng hawakan siya nito sa baiwang pero hindi man lang ito natinag, dahil bukod sa nanghihina na siya ay malakas din ito. "B-bitiwan mo ako. Kaya ko maglakad mag isa." Sabi niya kahit ang totoo ay matutumba na siya. Ayaw lang talaga niya na
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#3) (Samantha) PAGKATAPOS ayusin ang mga gamit ay naglakad na siya para mag-abang ng tricycle. "Bye, ma'am. Ingat po." Nakangiti at magalang na sabi ng guard sa kanya. Ngumiti siya rito at tumango. Bukod sa mabait ang mga tao sa lugar ay sanay na siya na binabati ng lahat. Habang nag-aabang ay panay ang sulyap niya sa cellphone niya. Hindi pa siya nakakatanggap ng messages o tawag sa nobyo. Malungkot na binulsa niya ang cellphone. Alam niya na busy talaga ang nobyo pero hindi niya maiwasan na makaramdam minsan ng lungkot dahil namimiss niya ito. Hindi niya pinansin ang kulay pulang kotse na huminto sa harapan niya. Itinuon niya ang mga mata sa paahan niya. "Malungkot ka yata ngayon, Sam." Nanlaki ang mata niya ng mag-angat siya ng tingin ay ang binata na kinaiinisan niya ang nakita. Nakatayo ito sa harapan niya na para bang isang hari. Hindi niya ito sinagot
(Samantha) Kung pwede lang na hindi muna pumasok sa trabaho para iwasan si Zandro ay ginawa na niya. Maisip pa lamang niya ang binata ay nagsisimula ng uminit ang ulo niya. Malakas ang kutob niya na magpapakita na naman ito sa kanya ngayong araw. Matamlay na lumabas siya ng kanyang apartment matapos ayusin ang sarili at ihanda ang mga gamit. Habang nag aabang ng sasakyan ay panay ang libot ng kanyang tingin sa paligid. Wala ang bastos na lalaking kinaiinisan niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Pagdating sa eskwelahan ay binati siya ng lahat ng mga nakasalubong niya ng may panunuksong ngiti sa labi. "Ang sweet naman ng boyfriend mo, Miss De guzman." Kinikilig na wika ni Marilyn, isa sa mga co-teacher niya. "Hindi lang sweet, saksakan pa ng gwapo!" Segunda naman ni Vina, na isa ring guro. Lahat ng mga co-teachers ay kanya-kanya ng papuri sa boyfriend niya kaya parang tatalon ang puso niya sa tuwa. Lalo ng makita niya ang mga bungkos ng bulaklak at mga tsokolate na nasa mesa niya.
[Samantha] Natigilan siya ng makita si Zandro sa isang sulok. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Jc. Mas lalo n'yang ibinaon ang mukha sa dibdib ni Jc para hindi nakita ang madilim na mukha ni Zandro. Kung makatingin ito ay parang may kasalanan silang ginawa, samantalang ito ang may kasalanan sa kanya. Magpasalamat nga ito dahil hindi pa siya nagsusumbong kay Jc. "Congrats, Jc, Samantha." Bati ni Zandro ng makalapit sa kanila. "Thanks, Zandro. Ikaw kailan mo balak magpakasal?" Tumatawang biro ni Jc sa matalik na kaibigan. Tumawa si Zandro at umiling- iling. "Hindi pa ngayon... may misyon pa kasi ako." Makahulugan nitong saad bago tumingin sa kanya ng nakatingiti. Ibang-iba si Zandro kapag kaharap nila si Jc. Mukha itong maamong tupa na hindi gagawa ng kabastusan. Kung alam lang ni Jc ang tunay na ugali ng matalik nitong kaibigan. Napabuntong-hininga siya. Nakaramdam siya ng awa sa nobyo niya. Hindi nito alam na nagpapanggap lang na mabuting tao itong
(Samantha) Dalawang araw ng hindi siya makatulog. Paulit-ulit na lumilitaw sa isip niya ang nangyaring halikan sa pagitan nila ni Zandro. Mukhang pinanindigan nito ang sinabi na hindi siya titigilan. Paano niya sasabihin ito kay Jc? Natigilan siya ng makarinig ng katok. Nag- atubili pa siya kung bubuksan ba niya ang pinto o hindi dahil baka mamaya ay si Zandro pala ang nasa labas. Sa huli ay nagdesisyon siya na buksan ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi si Zandro ang napagbuksan niya kundi isang malaking kahon. 'Teka, para kanino ang kahon na ito' Ani ng utak niya. Nagtaka siya ng mabasa na para ito sa kanya. Wala naman siyang natandaan na mayro'n siyang inorder online. Sa huli ay nagpasya siyang ipasok ito para buksan. Gano'n na lang ang tili niya ng tumambad sa kanya ang isang wedding dress na maraming bahid ng dugo. 'Don't get married, Samantha, or I will kill you' Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya ng mabasa ang nakasulat sa wedding dress gamit ang dugo
[Samantha] Mahaba talaga ang pasensya niyaâ pero kapag si Zandro ang kaharap niya ay agad itong nauubos. Tinaas niya ang kamay para sampalin ulit sana ito ng hawakan nito ang kamay niya. "So, you really want me to tell your beloved boyfriend that we kissed, huh?" Tumaas ang sulok ng labi nito ng makita na namutla siya. Hindi niya inasahan na hihilahin siya nito sa kamay at dinilaan ang gilid ng labi niya. Nagawa pa nitong tumawa ng pahirin niya ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad niya. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya at tumingin na lang sa labas ng bintana. Hindi na siya tumutol pa ng paandarin nito ang kotse para ihatid siya. Paano kung sabihin nga nito kay Jc ang tungkol sa paghalik nito sa kanya. Oo at si Zandro ang humalik sa kanya, pero paano kung hindi maniwala si Jc sa sasabihin niya? Nang bababa na siya sa kotse ay muling nagsalita si Zandro. "Break up with Jc, Sam... and stay away from Darwin. Katulad ng sinabi ko sa'yo... hindi ka mapapahamak kung susunod ka
[Zandro] âTsk. Hindi ako iiyak!â Iyan ang sinabi niya sa sarili ng araw ng nila si Sam. Humawak sa balikat niya ang ama. âSon, calm down. Baka maihi ka sa kaba niâyan.â Naghalakhakan ang mga kaibigan niya. Napatingin siya sa kanyang tuhod. Damn! Nanginginig nga siya at halatang-halaga âyon. Nang bumukas ang tarangkahan ng simbahan ay tuluyan na siyang natumba. NapaunÄĄol siya sa sobrang sakit ng tuhod niya. Ang mga gaÄĄong kaibigan niya ay muli na naman nagtawanan. Ang sabi niya ay hindi siya iiyakâ Pero pĂştang ina, umaagos na pala ang luha niya. Habang naglalakad si Samantha palapit sa kanya ay siya namang iyak niya na parang isang paslit. Gusto niyang alisin ang tingin sa napakaganda niyang mapapangasawa pero hindi magawa ng kanyang mata na lumihis ng tingin, gusto niya itong titigan lang. âAkala ko ba hindi ka iiyak?â May pang aasar na sabi ni Sam, namumula ang mata nito, mukhang nagpipigil na huwag umiyak. âH-hindi ko mapigilan. Masaya lang ako dahil akin ka na tal
[Zandro] "Ang Police Lieutenant General na si Zandro Alejo ay agad na sinibak sa pwesto dahil sa patong-patong na kasong kanyang kinahaharap ngayon. Ayon sa mga opisyal na kapulisan na nag-imbestiga ay napatunayan na isa siya sa mga tiwaling opisyal ng Gobyerno. Ginagamit umano nito ang pwesto para makabenta ng mga pinagbabawal na gamot sa malalaki at mga sikat na tao dito sa iba't ibang panig ng mundo. Ngayong napatunayan na isa siyang tiwali ay tuluyan na nga itong inalis sa kanyang pwesto bilang Police Lieutenant General at papatawan ng kaukulang parusa bilang pagsuway sa ating batas." Humigop ng kape si Zandro habang pinapanood ang balita tungkol sa kanya. Umaayon ang lahat sa plano nilaâ Yes, plano nila. Ang pagtanggal sa kanya sa pwesto ay kailangan sa 'misyon' na kanyang gagawin. Kailangan n'yang mapaniwala ang lahat na isa siyang tiwaling pulis para makapasok siya sa pinakamalaking sindikato na narito ngayon sa Pilipinas. "Goodluck, Sir!" Nakasaludong wika ng mga katulad
[Zandro] Sinamaan ni Zandro nang tingin ang mga kaibigan niya nang makita na nagpipigil nang tawa ang mga âto sa tuwing mapapagawi ang tingin sa kanya. âDamn!â Galit niyang tinadtad nang bala ang human puppet target at lahat ng balang pinakawalan niya ay tumama sa ulo nito. Narito silang magkakaibigan sa kanilang private gun shooting range. âChill, fvcker. Wala ka nang magagawa kung natauhan na si Samantha at inayawan ka na.â Tumatawang ani ni Liam habang bumabarik din, at katulad niya ay sapol din nito ang target. âIt was his fault. Palaging nakabantay ay nakadikit kaya naumay na sa kanya.â Segunda ni Jack na nakaupo lang at nakatingin lang sa screen nang cellphone. Tinapik ni Nickolas ang balikat niyaâ Pero hindi awa ang nakikita ni Zandro sa mukha ng kaibigan kundi pang aasar. âMaybe she found someone betterââ âDamn all of you!â He hissed. All this fvcker made it worse! Mas lalo lang gumugulo ang utak niya at kung ano-ano pa ang naiisip niya. Samantha is avoiding him
[Samantha] Maraming nailigtas na kababaihan, may ilang nasaktan at namataĂ˝, may mga babaeng hanggang ngayon ay lango parin sa drĂłga. Ang lahat nang mga tauhan ni Jc ay nahuli na maging ang mga naka-transaksyon nito. Tapos na⌠Makakahinga na siyaâ Sila nang maluwag. âPapataĂ˝in kita, Samantha! Tandaan mo babalikan ko kayo!!!â Malakas na hiyaw ni Mila habang hawak ito ng mga pulis para sampahan nang kaso at ikulong. âShould I kill her now, darling?â Madilim ang mukha na tumingin si Zandro sa babae na ikinalunok nito. âHindi ko gusto ang binabantaan ka. Gusto mo bang isunod ko siya kay Jc?â Nagkibitbalikat siya. âItâs up to you, Zandro.â Aniya. Namumutla na si Mila sa dami nang dugong nawala rito pero parang hindi na ito makaramdam nang sakit. May palagay siyang high rin ito sa pinagbabawal na gamot. âCan I have her? Gusto ko siyang idagdag sa mga pagkain ng mga alaga ko.â Bigla nalang sumulpot si Tres sa likuran nila ni Zandro. Hindi niya alam kung ngingiwi ba siya, o matatawa. S
[Samantha] Nang makaalis si Jc kasama ang mga tauhan nito ay saka lang siya lumabas sa pinagtataguan. Agad na nagliwanag ang mukha ni Mila nang makita siya. âSamantha!â Puno nang pagsamo na tumingin ito sa kanya. âN-Nariyan ka? Ibig sabihin ay narinig mo ang lahat.â Pinahid niya ang luha at hindi sumagot. âSiya si Jc! Ginamit niya ang mukha ni Troy para makalapit uli saâyo. Ngayong alam mo na, siguro naman may balak kang tulungan at pakawalan ako. Hindi ako ang kalaban mo, Samantha, kundi si Jc!â Tinakpan niya ang sariling bibig para hindi umalpas ang tawa sa kanyaâ Kung kanina ay umiiyak siya, ngayon ay natatawa siya. âSo, porke nalaman kong si Jc ang hayòp na akala ko ay pinsan mo sa tingin mo ay tutulungan at pakakawalan kita?â Pagak siyang natawa. Lumapit siya rito at nginisihan ito. âAng kapal din ng pagmumukha mo, noh? Anong akala mo sa âkin tanÄĄa? Pakakawaan kita matapos lahat ng ginawa mo sa akin?â âS-Samantha, n-nagmamakaawa ako saâyoââ âKahit mamatay ka pa sa harap
[Samantha] Walang kaingay-ingay na lumabas siya nang kwarto. Kapag nakikita niyang may tauhan si Troy na makakasalubong niya ay agad siyang umiiwas. Tinakpan niya ang bibig. Halos masuka siya sa mga nakikita sa bawat kwartong nasisilip niya. May mga lalaki na sabay-sabay ginagalaw ang isang babae, may mga babae naman na sabay-sabay pinapaligaya ang isang lalaki. Hindi niya matukoy kung napipilitan ba ang mga ito, o nasisiyahan. Dahil kung pagbabasehan ang nakikita at naririnig niya ay tila nasisiyahan ang mga itoâ O kung tama ang isa sa hinala niya ay baka may itinurok na drĂłga sa mga babae. Hindi malabong mangyari âyon lalo na sa mga katulad nila Troy at mga tauhan nito na mga hayòp. Pumikit siya at sumandal sa pader habang namumutla. Kapag nahuli siya ni Troy ay sigurado na magiging ganoân ang kahihinatnan niya. âHindi ka matutulad sa kanila, Samantha! Magagawa mo ang plano mo at darating si Zandro para iligtas ka!â Pagpapalakas niya ng loob. Nakarating siya sa may dulo. Dahil
[Samantha] Sa harapan niya nawalan nang malay si Mila dahil sa pagkakasakal rito ni Troy na ngayon ay namumula sa sobrang galit. Ang janitor naman ay malakas na sinuntok nang tauhan nito nang dalawang beses sa tiyan kaya nalugmok ito sa sobrang sakit. âItali niyo ang dalawang âyan, mga walang kwentang kausap!â Lumapit sa kanya si Troy at binuhat pa siya para ihiga sa kama. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag itong ikutan nang mata. May awa at pag aalala parin pala ang hayòp na lalaking âto sa kanya. Ibang klase rin ang lalaking âtoâ Handang patayin si Mila na sarili nitong pinsan para lang sa kanya. Nakakatakot ang ganitong klase nang tao! âDonât worry, Love. Wala nang makakapanakit saâyo. Kaya hindi mo na kailangan matakot. Hmm.â Yumakap pa ito sa kanya at hinalikan siya sa ulo. Halatang tuwang-tuwa ito. âTotoo ba ang sinabi mo kanina? Wala ka nang balak tumakas sa akin?â Sabi na nga ba, iyon ang ikinatutuwa nito ngayonâ Ang narinig nito sa kanya kanina. Kunwari ay tumang
[Samantha] Paanong nangyari na si Jc ang punoât dulo ng gulong nangyayari sa buhay niya gayong si Troy ang lahat nang nagdala ng kamalasan sa kanya. Nabaling ang mukha niya ng iwasiwas ni Mila ang hawak na patalim. Ramdam niya ang paghiwa nito sa kaliwa niyang pisngi. Dama niya ang hapdi. Imposibleâ Iyon ang sinasabi ng utak niya. Pero hindi naman magsasalita ng ganito si Mila nang walang basehan. âSabihin mo sa akin. Ano ang ibig mong sabihin kanina?â Gusto niyang malinawan. Ang daming tanong sa utak niya na hindi masagot. âAng dami mong tanong, Samantha! MamataĂ˝ ka nalang!â Inundayan siya ng saksak ni Mila sa tiyan. Ganoân nalang ang panlalaki ng mata nito ng hawakan niya ang kamay nito bago pa siya nito masaktan ulit. Napangiwi ito ng dumiin ang hawak niya sa kamay nito dahilan para mabitiwan nito ang kutsilyo. Galit na galit siyaâ At dito marahil nanggaling ang lakas niya ngayon. Tatakbo sana si Mila nang bitiwan niya ito pero mabilis na hinatak niya ang buhok nito. âB-Bi
Kinuha ni Zandro ang kanyang HK 416 na baril. He is furious right now because of what he heard. Base sa kanyang hinala ay wala sa paligid si Samantha. Mukhang nalaglag mula rito ang chip device na inilagay sa likuran ng ulo nito. Damn that bastard! Sisiguraduhin niya na mamamatay na ito sa kamay niya sa pagkakataong 'to. "Lieutenant-" Napakamot sa ulo si SPO3 Sulinap. "I'm sorry, sir. Hanggang ngayon ay sanay parin akong tawagin kang Lieutenant." Napakamot sa ulong sabi nito. "Bakit naman kasi nagresign kayo sir. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nakatakas ang kriminal na 'yon." Hindi na lamang kumibo ang binata. Well, he has plan that's why he chose to do that. Mas mabuti nang patayĂn niya ito nang hindi kinakaladkad ang pagiging pulis niya. Hindi na madadamay pa ang pangalan nang kanyang ama. Dahil sa pagkakataong âto ay wala nang batas ang makakapigil sa kanya. Pinilig ni Zandro ang ulo- He couldn't wait to kill that man. Kapag naaalala ng binata kung paano nito hawakan a