READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ (Samantha) "KAYA AYAW KO UMAKYAT DITO!!!" Nakakapit pa sa kaniya si Wina habang naglalakad sila. Halos hindi na siya makapaglakad ng maayos dahil ang laki lang naman ng kaibigan niya na nakakapit sa kaniya. 'Isasabit daw sa muscles pero wala pa nga nakikitang multo ay nanginginig na sa takot' "Ang laki ng katawan mo tapos duwag ka." Natatawang sabi niya. Inirapan siya ng kaibigan. "Hindi ako duwag. T-talagang hindi ko lang gusto ang lugar na 'to. Tingnan mo ang makinis kong balat." Inginuso nito ang braso. "Girl, nakatayo ang mga balahibo ko, my gosh!" Nang makarating sila sa tapat ng apartment ay nauna pa itong pumasok na parang hinahabol ng sampong kabayo. "Kaya ayaw kong pumunta dito paghindi kita kasabay. Ayoko nga maglakad mag isa riyan sa hallway." Nakayakap sa sariling turan nito. Inabot sila ng gabi sa tatlong oras sa pagkukwentuhan hindi nila namalayan ang oras, kaya nagsimula na siyang maghanda ng lulutuin niya para sa gabihan. Habang hinahalo ang nilulutong adobong manok hindi pa rin nananahimik ang kaibigan niya. "Girl, ihatid mo ako sa baba ha, sige na." Pangungulit din nito sa kaniya. "Hoy, Darwin! kalalaki mong tao tapos ang duwag mo." Nanlaki ang butas ng ilong nito sa narinig at pinaningkitan siya nito ng mata. "Ano ulit iyon, Miss Samantha?" Gigil na tanong nito. Nagmamadali siyang tumakbo sa loob ng banyo habang tumatawa dahil tiyak na yari siya rito. "Bwisit kang babae ka, lumabas ka nga ri'yan ng makalbo kita." Tawa lang siya ng tawa hanggang sa tumigil ito sa pagkatok. Ayaw na ayaw nito na tinatawag niya ito sa tunay nitong pangalan. Parang nilapastangan daw niya ang pagkababae nito pag gano'n. Matagal din siya bago lumabas ng banyo. Sinigurado niya muna na kumalma na ang kaibigan. Pagkalabas niya ay nakita niya na naghahain na ito. Pigil ang tawa na naupo siya para kumain, ito naman ay umiirap pa ang mga mata na halatang inis pa rin. Pagkatapos nilang kumain ay umupo siya sa sofa habang naghuhugas ito ng plato. Pagnasa bahay niya ito ay ito ang naghuhugas ng plato na pinagkakainan nila. Minsan nga pagnakatulog siya ay nakapaglinis na ito at nilalabhan pa ang mga damit niya. Sanay na siya sa kaibigan. Mga bata palang sila ay ganito na ito. "Isara mong mabuti ang pinto mo. Wag ka nang lalabas para bumili ng kung ano-ano, lalo na pag madilim na sa labas." Bilin nito bago umalis. Tumango siya at nagbabye dito. "Ingat, Wina." Nagflipped hair pa ito bago tuluyang umalis. Naiwan na naman siyang mag isa. Bago matulog ay nagfacebook muna siya. Inupload niya ang pictures nila ni Wina kanina lang bago umalis. Halos lahat ng post niya ay kasama niya ang kaibigan. Iilan lang ang naglala-like dahil kakaunti lang ang f******k friends niya. Sinubukan niyang i- visit ang F******k account ni Jc, pero tulad ng dati ay wala itong post. Kung hindi lang niya kilala ang nobyo ay iisipin niya na baka hindi naman talaga nito account iyon. Pero dahil alam niya na sobrang busy nito ay naiintindihan niya. Tumunog ang cellphone niya, agad niyang binasa ang text ng nobyo ng ito ang magtext. 'See you on sunday, Love' Napapikit siya sa kilig. MABILIS siyang tumatakbo kahit hingal na hingal ay hindi siya tumitigil. Kailangan niyang makatakas sa taong iyon! Napadilim ang paligid. Kahit saan siya lumingon ay wala siyang makitang liwanag. Puro kadiliman. Nahihirapan na siyang huminga dahil tila nakakulong siya sa isang kahon na tanging sila lang dalawa ang nasa loob. Hindi na niya kaya... Nanghihina na siya... Tuluyan na siyang nadapa. Umiiyak na umatras siya ng maramdaman na nasa likuran na niya ito. Ramdam niya na papalit na ito ng papalapit... Wag kang lalapit!!! Wag!!!! Hinihingal na gumising siya mula sa isang panaginip. Umaagos ang pawis niya at nanginginig talaga ang katawan niya sa takot na para bang totoong may tao na humahabol sa kaniya. Niyakap niya ang sarili. Panaginip lang 'yon pero parang totoo. Pagtingin niya sa relo ay alas tres palang ng madaling araw. Ilang beses siyang bumuga ng hangin. "Panaginip lang iyon, Sam." Kausap niya sa sarili. Wala siyang dapat ipag-alala dahil isa lang naman iyong panaginip. Tama. Panaginip na kahit kailan ay hindi magkakatotoo! NANGINGITIM ANG ILALIM ng mga mata niya. Pakiramdam niya ay tila lumulutang siya sa sobrang antok dahil sa hindi na siya nakatulog ng maayos simula nang magising siya sa masamang panaginip kagabi. "Girl, anong nangyari sa 'yo?" Tanong ng kaibigan niyang tsismoso na si Wina. "Wag mo sabihin sa akin na nagbreak na kayo ng jowa mo?" Exaggerated na naitakip pa nito ang isang kamay sa bibig. "Hindi lang ako nakatulog nang maayos kagabi." Humikab siya. Talagang bumabagsak ang talukap ng mga mata niya dahil sa antok. "Wag mo sabihin sa akin na nakipag SOP ka sa jowa mo?" Muntik na niya batukan ang kaibigan. Mabuti nalang at wala ng estudyante sa paligid dahil break time. "Alam mo iba talaga ang takbo ng utak mo." Inirapan niya ito. "Kase naman hindi ako sanay na matamlay ka." Nakangusong sabi nito. Alam niya na nag-aalala lang ito sa kaniya. "Nanaginip kasi ako kagabi tapos nagising ako ng alas tres ng madaling araw kaya hindi na ako nakatulog." Pagnaaalala niya ang panaginip ay kinikilabutan siya. Nakakapagtaka. Hindi naman kasi siya nananaginip ng gano'n dati. "Iyon lang naman pala. Akala ko kung ano na." Seryoso siyang tumingin rito. "Kakaiba ang panaginip ko, Wina. P-parang totoo, basta nakakatakot." Napayakap siya sa sarili. "Sinasabi ko na nga ba, hindi maganda ang vibes ko riyan sa tinitirhan mo." Lumingon-lingon pa ito sa paligid bago bumulong sa kanya. "Nararamdaman ko na maraming multo sa building na tinitirhan mo, napi-feel ko pa nga sila." "Wina, naman!" Hindi niya alam kung matatawa o maiinis dito. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito. Tungkol lang pala sa multo. "Bakit ba, hindi mo lang naitatanong may third eye ako." Nilapit pa nito ang noo sa kaniya. "Invisible nga lang." Hindi na niya napigilan ang tumawa. Kahit kailan talaga ay palabiro ito. Simula bata palang sila ay ito ang nagpapatawa sa kaniya. Pagmay problema siya o inaaway ng mga nakakalaro niya no'n ay nandito ito para ipagtanggol siya. "Sige na girl, back to work na. Wag mo na isipin 'yon. Panaginip lang 'yon" Sabi nito bago kumikembot na umalis. Nakangiti na tinanaw niya ito paalis. "Tama ka, Wina. Panaginip lang iyon." Nang matapos ang break time ay muli na siyang nagturo. Inalis niya sa utak ang panaginip kagabi na naghatid sa kaniya ng hindi magandang pakiramdam. Hindi siya dapat magpaapekto dahil lang sa isang panaginip. Panaginip na hindi kailanman magkakatotoo. Matapos ang klase ay inihatid ulit siya ni Wina. Sa harap lang ng compound siya hinatid nito dahil may lakad daw ito. Ayon dito ay may aasikasuhin ito na mahalaga. Pagkasakay niya sa elevator ng building ay hindi niya napigilan ang sarili na punain ito. Sobrang luma na ang elevator. Halata na luma na tulad sa mga horror movie na napapanood niya. Bumuga siya ng hangin. Sanay na siya sa lugar na ito kaya bakit parang big deal sa kaniya ngayon ang nakikita niya. Marahil ay dahil ito sa napanaginipan niya kagabi. Kung ano-ano na ang naiisip niya. Nang makarating sa ikatlong palapag ay nagmamadali siyang lumabas ng elevator. Muntik pa siyang mapatili sa gulat ng masalubong ang janitor ng building na bihira lang din niya makita. Pareho pa silang nagkagulatan. Nakahawak sa dibdib ang matanda habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kaniya. "Nakakagulat kang bata ka." Tila aatakihin sa puso na sambit ng matanda bago umalis. Napahawak siya sa mukha. Pakiramdam niya ay nastress siya ng husto dahil lang sa panaginip na iyon. MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw hanggang sa sumapit ang linggo. Umikot siya sa harap ng salamin para tingnan ang sarili. Isang off shoulder dress na kulay puti ang kanyang suot, hindi aabot sa tuhod ang haba nito at isang flat na sandal na kulay puti din ang sa paa niya. Kinuha niya ang kaniyang makeup kit para maglagay ng make-up sa mukha. Hindi siya mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha pero pakiramdam niya ay special ang araw na ito. Paano kung nakuha na nito ang deal tapos bigla itong magpropose sa kanya? Kaya nag ayos talaga siya. Nagsuot siya ng kwintas na silver na may pendant na maliit na puso, ganoon din ang hikaw niya. Sinuklay niya ang maikling buhok na hindi lalagpas ng balikat. Dahil maliit ang mukha niya ay bagay na bagay sa kanya ang maikling buhok. Kahit hindi siya ganoon katangkad ay marami ang nagsasabi na maganda siya. Kahit noong high school siya ay marami na ang nanliligaw sa kaniya. Palagi din siya ang muse ng kanilang school. Sabi ng mama niya ay girl version siya ng kanyang namayapang ama. Maingat na nagpahid siya ng manipis na lipstick sa labi at napangiti sa resulta dahil bagay sa kaniya ang ayos niya. Dinampot niya ang sling bag na kulay beige at kumakanta pa habang sinasara ang pintuan ng apartment niya. Alas kwatro ng hapon ang usapan nila ni Jc. Tulad ng dati ay doon pa rin sila magkikita sa lugar kung saan palagi silang nagkikita. Hindi naman siya nahirapan sumakay dahil may dumaan agad na tricycle. Habang nasa biyahe palang ay hindi na siya mapakali. Iniisip niya palang na baka magpropose ito ay kinikilig na siya. Handa na siyang bumuo ng pamilya kasama ito. Alam niya na ito na ang lalaking para sa kaniya. Naalala niya pa noong una silang magkakilala. Nakabangga lang niya ito no'n dito sa lugar kung saan sila madalas magkita. Mula no'n nasundan pa ang pagkikita nilang 'yon hanggang sa tinanong na nito kung ano ang number niya. Dahil sa gusto niya rin ito ay hindi na siya nagpakipot. Sinagot niya rin ito matapos ang isang taon mahigit na panliligaw. Kilala na ito ng mama niya pero halatang hindi nito gusto ang boyfriend niya. Nakapagtataka man ay hinayaan nalang niya. Hindi naman siya nakarinig ng salita sa mama niya tungkol do'n, ang mahalaga ay iyong nagmamahalan silang dalawa ni Jc. Inilabas niya ang salamin sa bag para icheck ang mukha niya, nang masiguro na ayos ang itsura ay muli niyang ibinalik ang salamin sa bag. Agad siyang pumara nang makita na narito na siya. Pagkabayad ay nagmamadali siyang bumaba. Huminto muna siya saglit at napahawak sa dibdib. Nai-excite siya. "Sorry." Agad na sabi niya nang mabangga siya sa kung sino. Napangiwi siya dahil parang bumangga siya sa pader. Hindi na siya nag abalang tingnan kung sino iyon dahil sa pagmamadali. Agad na ngumiti siya ng makita si Jc na nakaupo. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa cellphone pero agad din ngumiti nang makita siya nang mag angat ito ng tingin. Kita niya ang paghanga sa mata nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi tuloy niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. "Napakaganda mo talaga." Nasa mukha ang labis na paghangang sabi nito. Nilapitan siya nito at mabilis na hinalikan sa labi. Inalalayan pa siya nitong maupo na para bang isang prinsesa. Matapos mag order ay panay ang tanong nito tungkol sa kanyang mga ginawa nitong nakalipas na araw. Sinagot niya lahat iyon. Alam niyang namiss siya nito at ganun din naman siya. Napansin niya sa binata na panay ang tingin nito sa suot na relo. Mayamaya pa ay rinig niya ang pagtunog ng cellphone nito. Kumunot naman ang noo nito sa nabasa. "Love, ayos lang ba sa 'yo na dadaan lang dito ang kaibigan ko, importante lang." Sabi nito na para bang hindi mapakali. "Sige ayos lang." Tumatango na sagot niya. Naiintindihan naman niya si Jc. Buti nga kahit busy ito ay naglalaan pa rin ito ng oras para sa kanya. "Tamang tama, Love, gusto talaga kitang ipakilala sa kaibigan ko. Ahmm, actually hindi ko lang siya basta kaibigan. He's my bestfriend." Sabi nito sa pagitan ng pagnguya. Nakaramdam siya ng tuwa. Dahil sa wakas ay ipapakilala siya nito sa mga taong malapit dito. Wala nang magulang ang nobyo niya. Ayon dito ay isa itong ulilang lubos. Kaya bilib siya rito dahil nakaya nitong mabuhay at maitaguyod ang sarili ng mag isa. Ang akala niya noong una ay kahit kaibigan ay wala ito, meron naman pala. Tumayo si Jc mula sa pagkakaupo. Inalalayan siya nitong tumayo at saka inakbayan. "Love, meet Zandro." Mula sa paa ay nag angat siya ng tingin sa taong nasa harap nila ngayon. Napatingla pa siya dahil matangkad ito, nasa anim na talampakan yata ito o higit pa. Nang magsalubong ang mga mata nila ay bigla nalang siyang nakaramdam ng kakaiba. "Zandro, girlfriend ko nga pala, si Samantha." Proud pa na pakilala ni Jc sa kaniya. "Samantha, nice to meet you." Nakangiti ito sa kaniya. Lalaking lalaki ang boses, malaki at medyo nakakatakot. "N-nice to meet you."Trapped series🔥 Mature content‼️ 1. Trapped with him: Alaric and Pamela's story 2. The lonely billionaire and his maid: Damon and Amelia's story 3. His intention: Zandro and Samantha's story 4. Trapped in his wrath: Red and Yuri's story 5. Broken hearts and promises: Miguel and Gail's story 6. The hidden wife tears: Nickolas and Catherina’s story 7. The billionaire’s trick: Liam and Happy’s story 8. His dangerous trap: Tres and Bella’s story 9. Forbidden desire: Jack and Farrah’s story 10. The billionaire’s secret love: Wendell and Donita’s story
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!🖤 (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ (Samantha) 'NICE to meet you' Iyon lang ang tanging nasambit niya. Napalunok siya ng mapansin na parang may kakaiba sa tingin nito. Nakangiti man ang lalaki ay parang hindi 'yon umabot sa mata. May kakaiba rito na hindi niya mawari kung ano. Pinilig niya ang ulo. Guni-guni lang siguro niya 'yon. "Natapos mo na ba?" Tanong ni Jc kay Zandro. Tumango si Zandro. "Oo naipasa ko na. Nilinis ko na lahat para sigurado na pulido at walang mali." Nakangiti na bumaling sa kanya si Zandro. "Paupo, ha." At umupo nga 'to sa tabi niya. "Mabuti naman." Nakangiti at tila nakahinga ng maluwag ang nobyo niya. Nakaupo na
READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ (Samantha) BIGLA ay gumapang ang kakaibang kaba sa pagkatao niya sa klase ng tingin na ibinibigay nito ngayon sa kanya. "Gusto lang naman kitang ihatid, Sam. Hindi naman ako nangangagat, kaya bakit parang takot na takot ka?" Ang mga mata nito ay malalim kung tumingin. Nanghihina na umiling siya. Gumuhit ang ngisi nito sa labi at nilapitan siya. Tinabig niya ang kamay nito ng hawakan siya nito sa baiwang pero hindi man lang ito natinag, dahil bukod sa nanghihina na siya ay malakas din ito. "B-bitiwan mo ako. Kaya ko maglakad mag isa." Sabi niya kahit ang totoo ay matutumba na siya. Ayaw lang talaga niya na
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#3) (Samantha) PAGKATAPOS ayusin ang mga gamit ay naglakad na siya para mag-abang ng tricycle. "Bye, ma'am. Ingat po." Nakangiti at magalang na sabi ng guard sa kanya. Ngumiti siya rito at tumango. Bukod sa mabait ang mga tao sa lugar ay sanay na siya na binabati ng lahat. Habang nag-aabang ay panay ang sulyap niya sa cellphone niya. Hindi pa siya nakakatanggap ng messages o tawag sa nobyo. Malungkot na binulsa niya ang cellphone. Alam niya na busy talaga ang nobyo pero hindi niya maiwasan na makaramdam minsan ng lungkot dahil namimiss niya ito. Hindi niya pinansin ang kulay pulang kotse na huminto sa harapan niya. Itinuon niya ang mga mata sa paahan niya. "Malungkot ka yata ngayon, Sam." Nanlaki ang mata niya ng mag-angat siya ng tingin ay ang binata na kinaiinisan niya ang nakita. Nakatayo ito sa harapan niya na para bang isang hari. Hindi niya ito sinagot
(Samantha) Kung pwede lang na hindi muna pumasok sa trabaho para iwasan si Zandro ay ginawa na niya. Maisip pa lamang niya ang binata ay nagsisimula ng uminit ang ulo niya. Malakas ang kutob niya na magpapakita na naman ito sa kanya ngayong araw. Matamlay na lumabas siya ng kanyang apartment matapos ayusin ang sarili at ihanda ang mga gamit. Habang nag aabang ng sasakyan ay panay ang libot ng kanyang tingin sa paligid. Wala ang bastos na lalaking kinaiinisan niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Pagdating sa eskwelahan ay binati siya ng lahat ng mga nakasalubong niya ng may panunuksong ngiti sa labi. "Ang sweet naman ng boyfriend mo, Miss De guzman." Kinikilig na wika ni Marilyn, isa sa mga co-teacher niya. "Hindi lang sweet, saksakan pa ng gwapo!" Segunda naman ni Vina, na isa ring guro. Lahat ng mga co-teachers ay kanya-kanya ng papuri sa boyfriend niya kaya parang tatalon ang puso niya sa tuwa. Lalo ng makita niya ang mga bungkos ng bulaklak at mga tsokolate na nasa mesa niya.
[Samantha] Natigilan siya ng makita si Zandro sa isang sulok. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Jc. Mas lalo n'yang ibinaon ang mukha sa dibdib ni Jc para hindi nakita ang madilim na mukha ni Zandro. Kung makatingin ito ay parang may kasalanan silang ginawa, samantalang ito ang may kasalanan sa kanya. Magpasalamat nga ito dahil hindi pa siya nagsusumbong kay Jc. "Congrats, Jc, Samantha." Bati ni Zandro ng makalapit sa kanila. "Thanks, Zandro. Ikaw kailan mo balak magpakasal?" Tumatawang biro ni Jc sa matalik na kaibigan. Tumawa si Zandro at umiling- iling. "Hindi pa ngayon... may misyon pa kasi ako." Makahulugan nitong saad bago tumingin sa kanya ng nakatingiti. Ibang-iba si Zandro kapag kaharap nila si Jc. Mukha itong maamong tupa na hindi gagawa ng kabastusan. Kung alam lang ni Jc ang tunay na ugali ng matalik nitong kaibigan. Napabuntong-hininga siya. Nakaramdam siya ng awa sa nobyo niya. Hindi nito alam na nagpapanggap lang na mabuting tao itong
(Samantha) Dalawang araw ng hindi siya makatulog. Paulit-ulit na lumilitaw sa isip niya ang nangyaring halikan sa pagitan nila ni Zandro. Mukhang pinanindigan nito ang sinabi na hindi siya titigilan. Paano niya sasabihin ito kay Jc? Natigilan siya ng makarinig ng katok. Nag- atubili pa siya kung bubuksan ba niya ang pinto o hindi dahil baka mamaya ay si Zandro pala ang nasa labas. Sa huli ay nagdesisyon siya na buksan ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi si Zandro ang napagbuksan niya kundi isang malaking kahon. 'Teka, para kanino ang kahon na ito' Ani ng utak niya. Nagtaka siya ng mabasa na para ito sa kanya. Wala naman siyang natandaan na mayro'n siyang inorder online. Sa huli ay nagpasya siyang ipasok ito para buksan. Gano'n na lang ang tili niya ng tumambad sa kanya ang isang wedding dress na maraming bahid ng dugo. 'Don't get married, Samantha, or I will kill you' Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya ng mabasa ang nakasulat sa wedding dress gamit ang dugo
[Samantha] Mahaba talaga ang pasensya niya— pero kapag si Zandro ang kaharap niya ay agad itong nauubos. Tinaas niya ang kamay para sampalin ulit sana ito ng hawakan nito ang kamay niya. "So, you really want me to tell your beloved boyfriend that we kissed, huh?" Tumaas ang sulok ng labi nito ng makita na namutla siya. Hindi niya inasahan na hihilahin siya nito sa kamay at dinilaan ang gilid ng labi niya. Nagawa pa nitong tumawa ng pahirin niya ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad niya. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya at tumingin na lang sa labas ng bintana. Hindi na siya tumutol pa ng paandarin nito ang kotse para ihatid siya. Paano kung sabihin nga nito kay Jc ang tungkol sa paghalik nito sa kanya. Oo at si Zandro ang humalik sa kanya, pero paano kung hindi maniwala si Jc sa sasabihin niya? Nang bababa na siya sa kotse ay muling nagsalita si Zandro. "Break up with Jc, Sam... and stay away from Darwin. Katulad ng sinabi ko sa'yo... hindi ka mapapahamak kung susunod ka
[Samantha] Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga pulis. "Ano ho ang ibig ninyong sabihin?" Tumikhim ang pulis at bumaling sa kanya. "Ma'am, ang ibig niyang sabihin ay huwag na kayo mag-alala dahil kami na ang bahala sa kaso ninyo. Aalamin namin kung sino ang may gawa nito sa 'yo." Sumenyas ang pulis sa kasama para dalhin ang mga ebidensya. May mga itinanong pa ang mga ito bago tuluyan umalis sa apartment niya. Lahat ng pwedeng ibintang kay Zandro ay ginawa na niya. Sinabi din niya na hinaharass siya nito. Umupo siya sa sofa at binuksan ang telebisyon. Gano'n na lamang ang panlulumo niya ng mapanood ang balita tungkol sa nangyaring barilan kung saan nagpropose si Jc sa kanya. Tatlong araw na pero laman pa rin ng telebisyon ang nangyari. Mayro'ng walong katao ang namatàý, at sampong sugatan. Mabuti na lang at ligtas silang dalawa ni Jc ng mangyari ang sagupaan laban sa pulisya at lider daw ng sindikato. Humiga siya at humawak sa labi. Mukhang naligtas pa siya ng 'halik' ni Zandro—
[Zandro] ‘Tsk. Hindi ako iiyak!’ Iyan ang sinabi niya sa sarili ng araw ng nila si Sam. Humawak sa balikat niya ang ama. “Son, calm down. Baka maihi ka sa kaba ni’yan.” Naghalakhakan ang mga kaibigan niya. Napatingin siya sa kanyang tuhod. Damn! Nanginginig nga siya at halatang-halaga ‘yon. Nang bumukas ang tarangkahan ng simbahan ay tuluyan na siyang natumba. Napaunġol siya sa sobrang sakit ng tuhod niya. Ang mga gaġong kaibigan niya ay muli na naman nagtawanan. Ang sabi niya ay hindi siya iiyak— Pero pútang ina, umaagos na pala ang luha niya. Habang naglalakad si Samantha palapit sa kanya ay siya namang iyak niya na parang isang paslit. Gusto niyang alisin ang tingin sa napakaganda niyang mapapangasawa pero hindi magawa ng kanyang mata na lumihis ng tingin, gusto niya itong titigan lang. “Akala ko ba hindi ka iiyak?” May pang aasar na sabi ni Sam, namumula ang mata nito, mukhang nagpipigil na huwag umiyak. “H-hindi ko mapigilan. Masaya lang ako dahil akin ka na tal
[Zandro] "Ang Police Lieutenant General na si Zandro Alejo ay agad na sinibak sa pwesto dahil sa patong-patong na kasong kanyang kinahaharap ngayon. Ayon sa mga opisyal na kapulisan na nag-imbestiga ay napatunayan na isa siya sa mga tiwaling opisyal ng Gobyerno. Ginagamit umano nito ang pwesto para makabenta ng mga pinagbabawal na gamot sa malalaki at mga sikat na tao dito sa iba't ibang panig ng mundo. Ngayong napatunayan na isa siyang tiwali ay tuluyan na nga itong inalis sa kanyang pwesto bilang Police Lieutenant General at papatawan ng kaukulang parusa bilang pagsuway sa ating batas." Humigop ng kape si Zandro habang pinapanood ang balita tungkol sa kanya. Umaayon ang lahat sa plano nila— Yes, plano nila. Ang pagtanggal sa kanya sa pwesto ay kailangan sa 'misyon' na kanyang gagawin. Kailangan n'yang mapaniwala ang lahat na isa siyang tiwaling pulis para makapasok siya sa pinakamalaking sindikato na narito ngayon sa Pilipinas. "Goodluck, Sir!" Nakasaludong wika ng mga katulad
[Zandro] Sinamaan ni Zandro nang tingin ang mga kaibigan niya nang makita na nagpipigil nang tawa ang mga ‘to sa tuwing mapapagawi ang tingin sa kanya. “Damn!” Galit niyang tinadtad nang bala ang human puppet target at lahat ng balang pinakawalan niya ay tumama sa ulo nito. Narito silang magkakaibigan sa kanilang private gun shooting range. “Chill, fvcker. Wala ka nang magagawa kung natauhan na si Samantha at inayawan ka na.” Tumatawang ani ni Liam habang bumabarik din, at katulad niya ay sapol din nito ang target. “It was his fault. Palaging nakabantay ay nakadikit kaya naumay na sa kanya.” Segunda ni Jack na nakaupo lang at nakatingin lang sa screen nang cellphone. Tinapik ni Nickolas ang balikat niya— Pero hindi awa ang nakikita ni Zandro sa mukha ng kaibigan kundi pang aasar. “Maybe she found someone better—“ “Damn all of you!” He hissed. All this fvcker made it worse! Mas lalo lang gumugulo ang utak niya at kung ano-ano pa ang naiisip niya. Samantha is avoiding him
[Samantha] Maraming nailigtas na kababaihan, may ilang nasaktan at namataý, may mga babaeng hanggang ngayon ay lango parin sa dróga. Ang lahat nang mga tauhan ni Jc ay nahuli na maging ang mga naka-transaksyon nito. Tapos na… Makakahinga na siya— Sila nang maluwag. “Papataýin kita, Samantha! Tandaan mo babalikan ko kayo!!!” Malakas na hiyaw ni Mila habang hawak ito ng mga pulis para sampahan nang kaso at ikulong. “Should I kill her now, darling?” Madilim ang mukha na tumingin si Zandro sa babae na ikinalunok nito. “Hindi ko gusto ang binabantaan ka. Gusto mo bang isunod ko siya kay Jc?” Nagkibitbalikat siya. “It’s up to you, Zandro.” Aniya. Namumutla na si Mila sa dami nang dugong nawala rito pero parang hindi na ito makaramdam nang sakit. May palagay siyang high rin ito sa pinagbabawal na gamot. “Can I have her? Gusto ko siyang idagdag sa mga pagkain ng mga alaga ko.” Bigla nalang sumulpot si Tres sa likuran nila ni Zandro. Hindi niya alam kung ngingiwi ba siya, o matatawa. S
[Samantha] Nang makaalis si Jc kasama ang mga tauhan nito ay saka lang siya lumabas sa pinagtataguan. Agad na nagliwanag ang mukha ni Mila nang makita siya. “Samantha!” Puno nang pagsamo na tumingin ito sa kanya. “N-Nariyan ka? Ibig sabihin ay narinig mo ang lahat.” Pinahid niya ang luha at hindi sumagot. “Siya si Jc! Ginamit niya ang mukha ni Troy para makalapit uli sa’yo. Ngayong alam mo na, siguro naman may balak kang tulungan at pakawalan ako. Hindi ako ang kalaban mo, Samantha, kundi si Jc!” Tinakpan niya ang sariling bibig para hindi umalpas ang tawa sa kanya— Kung kanina ay umiiyak siya, ngayon ay natatawa siya. “So, porke nalaman kong si Jc ang hayòp na akala ko ay pinsan mo sa tingin mo ay tutulungan at pakakawalan kita?” Pagak siyang natawa. Lumapit siya rito at nginisihan ito. “Ang kapal din ng pagmumukha mo, noh? Anong akala mo sa ‘kin tanġa? Pakakawaan kita matapos lahat ng ginawa mo sa akin?” “S-Samantha, n-nagmamakaawa ako sa’yo—“ “Kahit mamatay ka pa sa harap
[Samantha] Walang kaingay-ingay na lumabas siya nang kwarto. Kapag nakikita niyang may tauhan si Troy na makakasalubong niya ay agad siyang umiiwas. Tinakpan niya ang bibig. Halos masuka siya sa mga nakikita sa bawat kwartong nasisilip niya. May mga lalaki na sabay-sabay ginagalaw ang isang babae, may mga babae naman na sabay-sabay pinapaligaya ang isang lalaki. Hindi niya matukoy kung napipilitan ba ang mga ito, o nasisiyahan. Dahil kung pagbabasehan ang nakikita at naririnig niya ay tila nasisiyahan ang mga ito— O kung tama ang isa sa hinala niya ay baka may itinurok na dróga sa mga babae. Hindi malabong mangyari ‘yon lalo na sa mga katulad nila Troy at mga tauhan nito na mga hayòp. Pumikit siya at sumandal sa pader habang namumutla. Kapag nahuli siya ni Troy ay sigurado na magiging gano’n ang kahihinatnan niya. ‘Hindi ka matutulad sa kanila, Samantha! Magagawa mo ang plano mo at darating si Zandro para iligtas ka!’ Pagpapalakas niya ng loob. Nakarating siya sa may dulo. Dahil
[Samantha] Sa harapan niya nawalan nang malay si Mila dahil sa pagkakasakal rito ni Troy na ngayon ay namumula sa sobrang galit. Ang janitor naman ay malakas na sinuntok nang tauhan nito nang dalawang beses sa tiyan kaya nalugmok ito sa sobrang sakit. “Itali niyo ang dalawang ‘yan, mga walang kwentang kausap!” Lumapit sa kanya si Troy at binuhat pa siya para ihiga sa kama. Pigil na pigil niya ang sarili na huwag itong ikutan nang mata. May awa at pag aalala parin pala ang hayòp na lalaking ‘to sa kanya. Ibang klase rin ang lalaking ‘to— Handang patayin si Mila na sarili nitong pinsan para lang sa kanya. Nakakatakot ang ganitong klase nang tao! “Don’t worry, Love. Wala nang makakapanakit sa’yo. Kaya hindi mo na kailangan matakot. Hmm.” Yumakap pa ito sa kanya at hinalikan siya sa ulo. Halatang tuwang-tuwa ito. “Totoo ba ang sinabi mo kanina? Wala ka nang balak tumakas sa akin?” Sabi na nga ba, iyon ang ikinatutuwa nito ngayon— Ang narinig nito sa kanya kanina. Kunwari ay tumang
[Samantha] Paanong nangyari na si Jc ang puno’t dulo ng gulong nangyayari sa buhay niya gayong si Troy ang lahat nang nagdala ng kamalasan sa kanya. Nabaling ang mukha niya ng iwasiwas ni Mila ang hawak na patalim. Ramdam niya ang paghiwa nito sa kaliwa niyang pisngi. Dama niya ang hapdi. Imposible— Iyon ang sinasabi ng utak niya. Pero hindi naman magsasalita ng ganito si Mila nang walang basehan. “Sabihin mo sa akin. Ano ang ibig mong sabihin kanina?” Gusto niyang malinawan. Ang daming tanong sa utak niya na hindi masagot. “Ang dami mong tanong, Samantha! Mamataý ka nalang!” Inundayan siya ng saksak ni Mila sa tiyan. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata nito ng hawakan niya ang kamay nito bago pa siya nito masaktan ulit. Napangiwi ito ng dumiin ang hawak niya sa kamay nito dahilan para mabitiwan nito ang kutsilyo. Galit na galit siya— At dito marahil nanggaling ang lakas niya ngayon. Tatakbo sana si Mila nang bitiwan niya ito pero mabilis na hinatak niya ang buhok nito. “B-Bi
Kinuha ni Zandro ang kanyang HK 416 na baril. He is furious right now because of what he heard. Base sa kanyang hinala ay wala sa paligid si Samantha. Mukhang nalaglag mula rito ang chip device na inilagay sa likuran ng ulo nito. Damn that bastard! Sisiguraduhin niya na mamamatay na ito sa kamay niya sa pagkakataong 'to. "Lieutenant-" Napakamot sa ulo si SPO3 Sulinap. "I'm sorry, sir. Hanggang ngayon ay sanay parin akong tawagin kang Lieutenant." Napakamot sa ulong sabi nito. "Bakit naman kasi nagresign kayo sir. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nakatakas ang kriminal na 'yon." Hindi na lamang kumibo ang binata. Well, he has plan that's why he chose to do that. Mas mabuti nang patayín niya ito nang hindi kinakaladkad ang pagiging pulis niya. Hindi na madadamay pa ang pangalan nang kanyang ama. Dahil sa pagkakataong ‘to ay wala nang batas ang makakapigil sa kanya. Pinilig ni Zandro ang ulo- He couldn't wait to kill that man. Kapag naaalala ng binata kung paano nito hawakan a