Trapped series🔥 Mature content‼️ 1. Trapped with him: Alaric and Pamela's story 2. The lonely billionaire and his maid: Damon and Amelia's story 3. His intention: Zandro and Samantha's story 4. Trapped in his wrath: Red and Yuri's story 5. Broken hearts and promises: Miguel and Gail's story 6. The hidden wife tears: Nickolas and Catherina’s story 7. The billionaire’s trick: Liam and Happy’s story 8. His dangerous trap: Tres and Bella’s story 9. Forbidden desire: Jack and Farrah’s story 10. The billionaire’s secret love: Wendell and Donita’s story
[Samantha] PAGMULAT ng mata ay agad niyang kinapa ang dibdib kung tumitibok pa ba ang puso niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil buhay pa pala siya. Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay natigilan siya. 'Dinala siya ni Zandro sa hospital?' Mayamaya ay mayro'ng pumasok na napakagwapong doktor at umupo sa upuang nasa gilid ng hospital bed niya. Napatulala pa siya rito. Katulad ni Zandro ay tila isa itong hollywood actor. Malaki ang pangangatawan. Napalunok siya nang magkakasunod— Paano ay bigla nalang siyang kinilabutan. Oo, gwapo nga ito subalit nakakatakot ang awra nito. "D-Doc, ayos lang naman ako, di'ba? P-Pwede na ba akong umuwi?" Wala sana siyang balak magtanong rito. Bukod sa mukha itong mapanganib ay napakadilim ng mukha nito— Na para bang nagbabanta wala pa mang sinasabi. Umiling ito sa kanya. "You can go home when that fvcker's arrive. Inutusan niya pa akong bantayan ka. Sa ngayon ay hintayin mo siya dahil bumili siya ng pagkain para sa'yo. Ang gagò, hindi na lang nag
[Samantha] Hindi siya makapaniwala na sasabihin ni Zandro iyon sa kanya. Paano nito nagawang magsalita laban kay Jc ng gano'n? Kung magsalita ito ay parang sinasabi nito na marami pa siyang hindi alam tungkol sa lalaking pakakasalan niya. Oo, marami pa nga siyang hindi alam pero alam naman niya na hindi ito gano'n ka-big deal sa kanilang relasyon dahil pwede pa naman nilang lalo pang kilalanin ang isa't isa sa oras na ikasal na sila. Katulad ng nangyari no'ng nakaraan ay mayro'n na namang nagpadala sa kanya ng kahon, hindi na wedding dress at pictures nila ni Jc ang pinadala ni Zandro kundi isa ng kutsilyo na mayro'ng dugo. 'I love you, Samantha. Pero sa oras na magpakasal ka kay Jc ay papatayin kita' Naluluhang tumawag siya ng pulis. Pagkarating ng mga ito ay agad niyang sinabi sa mga ito na si Zandro ang gumawa nito. Ito lang naman ang alam niya na gagawa sa kanya nito at sigurado siya sa bagay na 'to. Nang banggitin niya ang pangalan ni Zandro ay nagsitayo ng tuwid ang mga pul
[Samantha] Pagkalipas ng dalawang linggo ay mas lalong dumami ang pinapadala ni Zandro na mga death threats sa kanya. Sa tuwing magkikita din sila ni Jc ay palagi itong kasama ng nobyo niya. Gusto man niyang sabihin kay Jc ang mga kasalanan nito sa kanya ay hindi niya magawa. Nawawalan siya ng boses sa tuwing kaharap niya ito. Nagpasya sila ni Jc na magpakasal sa loob ng walong buwan. Kailangan pa kasi niya na hintayin ang mama niya na makauwi ito. Naiilang siya habang hawak ni Jc ang kamay niya at hinahalikan. Hindi siya naiilang dahil sa ginagawa ni Jc, kundi ay naiilang siya sa tingin ni Zandro sa kanila. Oo, nakangiti ito habang nakatingin sa kanila pero alam niya na peke ang ngiti nito. Nang tumayo si Jc para magtungo sa restroom ay lumipat si Zandro sa kanyang tabi pagkatapos nitong buhusan ng juice ang inuupuan nito kanina. "Opps, nabasa ang upuan ko. Patabi, ha." Nakangising wika nito. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang hita. Akmang sisigawan n
[Samantha] Inayos niya ang suot na kulay purple na bestida at saka sinuklay ang maikling buhok. Inimbitahan siya ni Claire sa ika- eighteenth birthday nito at syempre ay kasama niya si Wina o mas kilala ng mama niya bilang Darwin. "Ma, alis na po ako." Paalam niya si ina. "Hindi mo ba hihintayin si Darwin?" Kunot ang noo na tanong nito. Umiling siya. "Hindi na, ma. Doon na lang daw kami magkita kila Claire." Aniya. "Oh siya, sige. Mag- iingat ka." Bilin ng mama niya. Medyo may kalayuan ang sakayan ng tricycle sa kanilang bahay kaya naman kailangan niya pang maglakad sa madilim na daanan patungo ro'n. Pero dahil sanay siya ay walang kaso iyon sa kanya. Pumikit siya ng masilaw sa ilaw ng kotseng paparating. Nanlaki ang mata niya ng mapansin na tinutumbok nito ang kinatatayuan niya. Mabilis ang takbo ng kotse at parang wala itong preno. Mabilis na tumakbo siya para umiwas, medyo nahirapan pa siya dahil mahaba ang suot niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang hindi bumangga a
[Samantha] NAKAHINGA siya ng maluwag ng wala siyang natanggap na death threats ngayong araw. Nakangiting binasa niya ang mga text messages ni Wina na nagsasabi na mag ingat siya dahil wala ito sa tabi niya. Napangiti siya ng makita na may tatlong bungkos ng bulaklak sa desk niya at mga chocolates. Nanggaling na naman pala si Jc rito. Hindi man lang niya ito inabutan. Kinuha niya ang cellphone para tawagan sana si Jc ng makarinig siya ng mahihinang tilian. Dumating ang mga co-teachers niya na mayro'ng panunuksong ngiti sa labi. "Miss De guzman, ikakasal ka na talaga? Ang swerte mo naman dahil sa anak pa talaga ng Direktor General ikaw ikakasal. Hindi mo man lang nabanggit sa amin na malaking isda pala ang nabingwit mo." Ani Marilyn. "Correction, hindi lang anak ng Director General kundi isa ring bilyonaryo!" Segunda ni Vina. "Hello, hindi niyo ba nabalitaan na natanggap siya sa pagiging Deputy Director General dahil kasabwat siya ng mga sindikato." Naka-ismid na wika ni Ange
[Samantha] Nang magising siya ay agad n'yang inobserbahan ang paligid, at base sa kanyang nakita ay tiyak siyang nasa hospital siya. Agad na niyakap niya ang sarili ng maalala ang nangyari at hindi niya napigilan ang umiyak dahil sa labis na takot. Nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Zandro ay nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Ano ang ginagawa mo dito?" Umiiyak n'yang tanong habang umuusod paatras. Tumiim-bagang ito. Mukhang galit ito base sa reaksyon nito. Galit ba ito dahil hindi ito nagtagumpay sa balak nito? Natigilan siya. Paano ay dumaan ang pag-aalala sa mga mata nito— pinilig niya ang ulo. Imposible ang nakita niya! "Sam—" "Lumayo ka sa akin! Please, tigilan mo na ako, Zandro! Layuan mo na ako!" Nagsisigaw siya sa labis na galit at takot. Dahil sa kanyang sigaw ay naalarma ang pulis sa labas ng kwartong kinaroroonan niya at agad na pumasok. "Miss De guzman, kumalma ka—" "No!" Putol niya si Pulis. Puno ng luha ang mukha na itinuro niya si Zandro. "Paano ako k
[Samantha] Lumipas ang dalawang araw bago siya nakauwi. Hinatid pa siya ng limang pulis sa tinitirhan niyang apartment. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa loob ng dalawang araw ay walang Zandro na nagpakita sa kanya, iyon nga lang ay nagtataka siya dahil hindi niya makontak sina Jc at Wina. Wala tuloy siyang mapagsabihan ng nangyari sa kanya. Nagpaalam siya na magli-leave ng isang linggo dahil sa nangyari, pero hindi pumayag ang principal na isang linggo lang ang leave niya— kundi isang buwan. Sabagay, mas mabuti na 'yon. Hindi niya sasayangin ang isang buwan— gagamitin niya ang isang buwan na ito para makahanap ng ebidensya na magdidiin kay Zandro para makulong na ito. Napabuntong-hininga siya. Hindi nga lang niya alam kung paano makakahanap ng ebidensya na kailangan niya. Habang nagluluto ay nagpasya siyang buksan ang telebisyon. Gano'n na lang ang pagkagimbal niya ng marinig ang balita. "Isang lalaki ang natagpuang wala ng buhay habang ito ay palutang-lutang sa ilog
[Samantha] Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Zandro sa kanya. Bakit kung magsalita ito ay parang may ibig itong sabihin? Bumuntong hininga na lamang siya. Bakit ba iniisip pa niya ang tungkol sa lalaking ‘yon. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano siya makakahanap ng ebidensya laban dito. Sumulyap siya sa pagkain na nasa mesa. Masyado itong marami para sa kanya. Kung hindi niya sisimulan ang plano niya ngayon ay kailan pa? Nagdesisyon na siya. Hindi pwedeng umatras pa siya ngayon sa gagawin niya. Muli siyang bumuga ng hangin sa tapat ng apartment ni Zandro bago kumatok. Kunot ang noo nito ng mapagbuksan siya ng pinto. Halatang hindi nito inaasahan na kakatok siya, pero pagkaraan ng ilang sandali ay gumuhit din ang ngiti nito sa labi. “Sam, may kailangan ka?” Iniwas niya ang tingin rito. Hindi man lang ito nag abala na magsuot ng damit bago magbukas ng pinto. Mukhang katatapos lang nito maligo dahil basa pa ang buhok nito habang tumutulo pa ang tubig dito, wala ri