VERRYYYYYY SLOOOOOWWWWW UPDATE!!!!
[Samantha] Inayos niya ang suot na kulay purple na bestida at saka sinuklay ang maikling buhok. Inimbitahan siya ni Claire sa ika- eighteenth birthday nito at syempre ay kasama niya si Wina o mas kilala ng mama niya bilang Darwin. "Ma, alis na po ako." Paalam niya si ina. "Hindi mo ba hihintayin si Darwin?" Kunot ang noo na tanong nito. Umiling siya. "Hindi na, ma. Doon na lang daw kami magkita kila Claire." Aniya. "Oh siya, sige. Mag- iingat ka." Bilin ng mama niya. Medyo may kalayuan ang sakayan ng tricycle sa kanilang bahay kaya naman kailangan niya pang maglakad sa madilim na daanan patungo ro'n. Pero dahil sanay siya ay walang kaso iyon sa kanya. Pumikit siya ng masilaw sa ilaw ng kotseng paparating. Nanlaki ang mata niya ng mapansin na tinutumbok nito ang kinatatayuan niya. Mabilis ang takbo ng kotse at parang wala itong preno. Mabilis na tumakbo siya para umiwas, medyo nahirapan pa siya dahil mahaba ang suot niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang hindi bumangga a
[Samantha] NAKAHINGA siya ng maluwag ng wala siyang natanggap na death threats ngayong araw. Nakangiting binasa niya ang mga text messages ni Wina na nagsasabi na mag ingat siya dahil wala ito sa tabi niya. Napangiti siya ng makita na may tatlong bungkos ng bulaklak sa desk niya at mga chocolates. Nanggaling na naman pala si Jc rito. Hindi man lang niya ito inabutan. Kinuha niya ang cellphone para tawagan sana si Jc ng makarinig siya ng mahihinang tilian. Dumating ang mga co-teachers niya na mayro'ng panunuksong ngiti sa labi. "Miss De guzman, ikakasal ka na talaga? Ang swerte mo naman dahil sa anak pa talaga ng Direktor General ikaw ikakasal. Hindi mo man lang nabanggit sa amin na malaking isda pala ang nabingwit mo." Ani Marilyn. "Correction, hindi lang anak ng Director General kundi isa ring bilyonaryo!" Segunda ni Vina. "Hello, hindi niyo ba nabalitaan na natanggap siya sa pagiging Deputy Director General dahil kasabwat siya ng mga sindikato." Naka-ismid na wika ni Ange
[Samantha] Nang magising siya ay agad n'yang inobserbahan ang paligid, at base sa kanyang nakita ay tiyak siyang nasa hospital siya. Agad na niyakap niya ang sarili ng maalala ang nangyari at hindi niya napigilan ang umiyak dahil sa labis na takot. Nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Zandro ay nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Ano ang ginagawa mo dito?" Umiiyak n'yang tanong habang umuusod paatras. Tumiim-bagang ito. Mukhang galit ito base sa reaksyon nito. Galit ba ito dahil hindi ito nagtagumpay sa balak nito? Natigilan siya. Paano ay dumaan ang pag-aalala sa mga mata nito— pinilig niya ang ulo. Imposible ang nakita niya! "Sam—" "Lumayo ka sa akin! Please, tigilan mo na ako, Zandro! Layuan mo na ako!" Nagsisigaw siya sa labis na galit at takot. Dahil sa kanyang sigaw ay naalarma ang pulis sa labas ng kwartong kinaroroonan niya at agad na pumasok. "Miss De guzman, kumalma ka—" "No!" Putol niya si Pulis. Puno ng luha ang mukha na itinuro niya si Zandro. "Paano ako k
[Samantha] Lumipas ang dalawang araw bago siya nakauwi. Hinatid pa siya ng limang pulis sa tinitirhan niyang apartment. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa loob ng dalawang araw ay walang Zandro na nagpakita sa kanya, iyon nga lang ay nagtataka siya dahil hindi niya makontak sina Jc at Wina. Wala tuloy siyang mapagsabihan ng nangyari sa kanya. Nagpaalam siya na magli-leave ng isang linggo dahil sa nangyari, pero hindi pumayag ang principal na isang linggo lang ang leave niya— kundi isang buwan. Sabagay, mas mabuti na 'yon. Hindi niya sasayangin ang isang buwan— gagamitin niya ang isang buwan na ito para makahanap ng ebidensya na magdidiin kay Zandro para makulong na ito. Napabuntong-hininga siya. Hindi nga lang niya alam kung paano makakahanap ng ebidensya na kailangan niya. Habang nagluluto ay nagpasya siyang buksan ang telebisyon. Gano'n na lang ang pagkagimbal niya ng marinig ang balita. "Isang lalaki ang natagpuang wala ng buhay habang ito ay palutang-lutang sa ilog
[Samantha] Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Zandro sa kanya. Bakit kung magsalita ito ay parang may ibig itong sabihin? Bumuntong hininga na lamang siya. Bakit ba iniisip pa niya ang tungkol sa lalaking ‘yon. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano siya makakahanap ng ebidensya laban dito. Sumulyap siya sa pagkain na nasa mesa. Masyado itong marami para sa kanya. Kung hindi niya sisimulan ang plano niya ngayon ay kailan pa? Nagdesisyon na siya. Hindi pwedeng umatras pa siya ngayon sa gagawin niya. Muli siyang bumuga ng hangin sa tapat ng apartment ni Zandro bago kumatok. Kunot ang noo nito ng mapagbuksan siya ng pinto. Halatang hindi nito inaasahan na kakatok siya, pero pagkaraan ng ilang sandali ay gumuhit din ang ngiti nito sa labi. “Sam, may kailangan ka?” Iniwas niya ang tingin rito. Hindi man lang ito nag abala na magsuot ng damit bago magbukas ng pinto. Mukhang katatapos lang nito maligo dahil basa pa ang buhok nito habang tumutulo pa ang tubig dito, wala ri
[Samantha] Napahawak siya sa tiyan ng tumunog ito.Ngayon lang siya naramdaman ang matinding gutom. Ilang araw na rin kasi siyang hindi kumakain ng maayos. Dahil sa gutom ay panandalian niyang inalis sa isip ang tungkol sa ebidensya. Daig pa niya ang patay-gutom sa harapan ni Zandro pero wala siyang pakialam sa iisipin nito. Saka mas maganda nga na maturn-off ito sa kanya nang sa gano’n ay tigilan na siya nito. Malakas siyang dumighay sa harapan nito na sinadya pa niya. Pero imbis na bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Zandro ay puno ng amusement ang mukha nito na nakatingin sa kanya. “You can’t fool me, Sam. I knew what were you trying to do.” Dumukwang ito at saka inilapit ang mukha sa kanya kaya naman halos magkanda-duling ang mata niya. “It will never happen ‘dahil para sa akin ay hindi ka nakaka-turn off, Sam… dahil mas nakaka-turn on ka para sa akin.” Tila umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo sa katawan niya. “AHHH, FVCK!!!” Malakas na da!ng at mura ni Zandro ng i-unt
[Samantha] Para makahanap ng ebidensya laban rito ay inalagaan niya ito kahit labag sa loob niya. Napailing-iling siya habang nakatingin rito. Pigil rin niya ang pagtawa niya. Paano ay naka-wheelchair pa ito habang nababalot ang buong katawan. Kung titingnan ay mukha talaga itong pinagtripan ng kaibigan. Hindi na siya nakatiis at inalis ang nakabalot sa katawan nito habang tumatawa na. "Hahahaha, parang suman hahaha." Pawis na pawis na si Zandro. Pero bakit ganon... ang bango pa rin nito? Ipinilig niya ang ulo at iniwas rito ang tingin. Kung ano-ano na naman ang iniisip niya. Kinagabihan ay siya ang nagluto para sa dinner nila. Sa apartment niya siya nagluto dahil ayaw niyang magluto sa apartment ni Zandro. Nakakailang gumalaw ng mayro'ng nakatingin. Simula ng alisin niya ang benda sa buo nitong katawan ay hindi na yata naalis ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos magluto ay dinala niya ito sa apartment ng binata. Pagkatapos maghain ay nagsimula na siyang kumain. Natigil siya sa pa
[Zandro] Ngingisi-ngisi si Zandro habang nagsusuot ng damit. Alam niya na kanina lamang ay nasa loob ng kwarto nito si Sam. Bata pa lamang ito ay malakas na ang pakiramdam nang. He was trained well to be like his father. Hindi lamang ang utak ang kailangan niyang paganahin, kailangan ang katawan niya rin. Sakay ng bagong kotse ay sinundan nito si Samatha. Tama ang hinala ng binata--- sa Police station ito pupunta. Dumilim ang mukha niya ng makita ang paghawak ni Samantha sa isa pulis na naroon. Halatang nag eenjoy pa ang loko. Namutla ang naturang pulis ng tawagan niya ito. "Let go of her hand, fvker, kung ayaw mong mawalan ka ng kamay." Nangangalit ang ngipin na banta niya. Muli siyang sumakay ng kotse niya para sundan ang dalaga. Natigilan siya ng mapansin ang isang motorsiko na nakasunod sa sinasakyan ni Sam. "Damn!" Malakas niyang mura ng maglabas ito ng baril at mag overtake sa sinasakyan ng dalaga. Agad na nilabas niya ang silencer niyang dala saka binuksan ang binata at