[Samantha] Napahawak siya sa tiyan ng tumunog ito.Ngayon lang siya naramdaman ang matinding gutom. Ilang araw na rin kasi siyang hindi kumakain ng maayos. Dahil sa gutom ay panandalian niyang inalis sa isip ang tungkol sa ebidensya. Daig pa niya ang patay-gutom sa harapan ni Zandro pero wala siyang pakialam sa iisipin nito. Saka mas maganda nga na maturn-off ito sa kanya nang sa gano’n ay tigilan na siya nito. Malakas siyang dumighay sa harapan nito na sinadya pa niya. Pero imbis na bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Zandro ay puno ng amusement ang mukha nito na nakatingin sa kanya. “You can’t fool me, Sam. I knew what were you trying to do.” Dumukwang ito at saka inilapit ang mukha sa kanya kaya naman halos magkanda-duling ang mata niya. “It will never happen ‘dahil para sa akin ay hindi ka nakaka-turn off, Sam… dahil mas nakaka-turn on ka para sa akin.” Tila umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo sa katawan niya. “AHHH, FVCK!!!” Malakas na da!ng at mura ni Zandro ng i-unt
[Samantha] Para makahanap ng ebidensya laban rito ay inalagaan niya ito kahit labag sa loob niya. Napailing-iling siya habang nakatingin rito. Pigil rin niya ang pagtawa niya. Paano ay naka-wheelchair pa ito habang nababalot ang buong katawan. Kung titingnan ay mukha talaga itong pinagtripan ng kaibigan. Hindi na siya nakatiis at inalis ang nakabalot sa katawan nito habang tumatawa na. "Hahahaha, parang suman hahaha." Pawis na pawis na si Zandro. Pero bakit ganon... ang bango pa rin nito? Ipinilig niya ang ulo at iniwas rito ang tingin. Kung ano-ano na naman ang iniisip niya. Kinagabihan ay siya ang nagluto para sa dinner nila. Sa apartment niya siya nagluto dahil ayaw niyang magluto sa apartment ni Zandro. Nakakailang gumalaw ng mayro'ng nakatingin. Simula ng alisin niya ang benda sa buo nitong katawan ay hindi na yata naalis ang tingin nito sa kanya. Pagkatapos magluto ay dinala niya ito sa apartment ng binata. Pagkatapos maghain ay nagsimula na siyang kumain. Natigil siya sa pa
[Zandro] Ngingisi-ngisi si Zandro habang nagsusuot ng damit. Alam niya na kanina lamang ay nasa loob ng kwarto nito si Sam. Bata pa lamang ito ay malakas na ang pakiramdam nang. He was trained well to be like his father. Hindi lamang ang utak ang kailangan niyang paganahin, kailangan ang katawan niya rin. Sakay ng bagong kotse ay sinundan nito si Samatha. Tama ang hinala ng binata--- sa Police station ito pupunta. Dumilim ang mukha niya ng makita ang paghawak ni Samantha sa isa pulis na naroon. Halatang nag eenjoy pa ang loko. Namutla ang naturang pulis ng tawagan niya ito. "Let go of her hand, fvker, kung ayaw mong mawalan ka ng kamay." Nangangalit ang ngipin na banta niya. Muli siyang sumakay ng kotse niya para sundan ang dalaga. Natigilan siya ng mapansin ang isang motorsiko na nakasunod sa sinasakyan ni Sam. "Damn!" Malakas niyang mura ng maglabas ito ng baril at mag overtake sa sinasakyan ng dalaga. Agad na nilabas niya ang silencer niyang dala saka binuksan ang binata at
[Zandro] Agad na tumayo si Zandro nang makita si Jc na nakaposas kasama ang dalawang pulis na bantay nito. May ngisi ito sa labi na tila ba alam nito kung bakit niya ito pinuntahan ngayon. Kumuyom ang kamao niya sa tindi ng galit niya. "Long time no see, Zandro my friend--" Hindi niya pinansin ang mapang asar na bati nito. Agad na inundayan niya ito ng suntok sa sikmura na ikinaungol nito ng malakas. Hindi pa siya nakontento ay maging sa mukha ay pinagsusuntok niya ito. Kung hindi lamang nila ito kailangan ng buhay ay baka matagal na niya itong napatay. Isa-isang nag alisan ang mga pulis na naroon at hinayaan siya sa ginawang pagbugbog kay Jc. Mas lalo lamang nangalit ang ngipin niya ng magawa pa nitong tawanan siya kasabay ng panaka-nakang pag ung0l nito dahil sa sakit. "A-Ano ba ang ikinagagalit mo, ha? Dahil ba sa nobya ko?" Nang makita ni Jc ang paggalawan ng kanyang panga ay ngumisi ito na tila inaasar siya. "Sinabi ko naman sayo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya
[Samantha] Huminto si Samantha sa paglalakad at luminga sa paligid. Pakiramdam niya ay mayro'ng sumusunod sa kanya. Ito ang madalas niyang maramdaman simula ng manggaling siya sa police station dalawang linggo na ang nakakaraan. Dalawang linggo na rin siyang naghihintay ng tawag mula sa mga pulis tungkol sa pagkakahuli kay Zandro. May palagay siyang nakakulong na ito. Nang bumalik siya sa apartment nito ay wala ng mga gamit rito. Kaya sa palagay niya ay nakakulong na ito. Naghihintay na lamang siya ng kumpirmasyon sa pulisya subalit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol rito--- na siyang nakapagtataka. Dahil on-leave pa siya ay nagagawa niyang mamasyal at aliwin ang sarili. Namimiss niya si Wina. Ito kasi ang madalas niyang kasama sa tuwing namamasyal siya. Pero ngayon ay wala na ito at kailangan niya iyong tanggapin. "Samantha!" Ngumiti siya sa kina Marilyn at Vina, mga co-teachers niya. "Condolence nga pala sa nangyari kay Darwin. Hindi namin lubos akalain na sasapi
[Samantha] Hindi siya mapakali habang hinihintay ang mga pulis na darating para sunduin siya. Sobra na siyang nag aalala kay Jc. Hindi niya alam kung nasaan ito, at kung ano ang maaaring gawin rito ni Zandro. Tama nga siya sa hinala niya tungkol kay Zandro-- na ito ang dahilan kung bakit biglang hindi nagparamdam sa kanya ang nobyo. Nang marinig ang pagkatok sa kanyang apartment ay agad siyang tumayo at binuksan ito. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang limang kalalakihan na nakasuot ng uniporme ng pulis. Hindi pamilyar sa kanya ang mga mukha nito, pero sa tingin naman niya ay ito na ang hinihintay niya. "Tara na, ma'am, dadalhin namin kayo sa headquarter--" Habang nagsasalita ang lalaki ay hindi sinasadyang napatingin siya sa suot nito. Napansin niya na masikip rito ang uniporme nito. Ilang beses siyang napalunok ng makita ang kulay pula sa bandang ibaba ng suot nito. Nang tingnan niya ang mga kasamahan nito ay gano'n din ang napansin niya--- tila maliliit sa mga ito ang suot.
[Samantha] Hinagis ni Zandro ang hawak na baril at saka dinukot ang cellphone sa bulsa. "Take them, I think, they are still alive.." Nakitaan niya ng talim at galit ang mata ng binata habang nakatingin sa mga lalaking nakahandusay sa baitang ng hagdan. Kung titingnan ay parang galit ito dahil sa sinapit ng mga pulis. Pero alam niya na kabaligtaran iyon. Napapitlag siya at napapikit ng maramdaman ang kamay nito na ngayon ay nasa leeg niya. Sa palagay niya ay sasakalin siya nito. "Is it hurt?" Masuyo nitong tanong na ikinadilat niya. "H-Hayop ka talaga, no? Nagawa mo pang tanungin ako ng ganyan matapos mo akong ipadakip? Sa tingin mo ay habang buhay kang makakatakas sa batas—“ Gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya ng walang babalang sinakop nito ang labi niya. "Uhmmm!!!" Gusto niya itong sipain, pero nabasa nito ang balak niyang gawin kaya madaling hinarang nito ang tuhod sa hita niya. Halos mawalan siya ng hangin dahil sa paraan ng pagkakahalik nito. Nagawa pa nitong s****
[Samantha] Masama ang ipinupukol niyang tingin ngayon kay Zandro habang kumakain sila. Hindi na siya nakipagtalo pa rito dahil baka totohanin nito ang sinabi sa kanya. Sila lamang dalawa kaya hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin. Mabuti na iyong mag ingat muna siya sa kanyang galaw. Sa oras na makakita siya ng pagkakataong tumakas ay gagawin niya. Kailangan niyang makapagsumbong sa mga pulis tungkol sa ginawa nito. Dapat nitong pagbayaran ang kasalanan sa loob ng kulungan. Pigil niya ang sarili na huwag saksakin ito ng tinidor sa mukha dahil sa ginawa nito sa leeg niya. Halos punuin nito ang kiss mark ang kanyang leeg! Paano na lang kung mayro’ng makakita sa kanya na kapwa niya guro? Nakakahiya! Tiyak na pag uusapan siya ng mga ito. Iniwas niya ang tingin rito ng tumingin ito sa kanya. "Don't look at me like that, Sam. Gusto ko tuloy isipin na ako ang gusto mong kainin ngayon at hindi ang mga niluto ko." Nakangising turan nito na ikinaikot ng kanyang mata. Hindi na lam