♥️
[Samantha] Hinagis ni Zandro ang hawak na baril at saka dinukot ang cellphone sa bulsa. "Take them, I think, they are still alive.." Nakitaan niya ng talim at galit ang mata ng binata habang nakatingin sa mga lalaking nakahandusay sa baitang ng hagdan. Kung titingnan ay parang galit ito dahil sa sinapit ng mga pulis. Pero alam niya na kabaligtaran iyon. Napapitlag siya at napapikit ng maramdaman ang kamay nito na ngayon ay nasa leeg niya. Sa palagay niya ay sasakalin siya nito. "Is it hurt?" Masuyo nitong tanong na ikinadilat niya. "H-Hayop ka talaga, no? Nagawa mo pang tanungin ako ng ganyan matapos mo akong ipadakip? Sa tingin mo ay habang buhay kang makakatakas sa batas—“ Gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya ng walang babalang sinakop nito ang labi niya. "Uhmmm!!!" Gusto niya itong sipain, pero nabasa nito ang balak niyang gawin kaya madaling hinarang nito ang tuhod sa hita niya. Halos mawalan siya ng hangin dahil sa paraan ng pagkakahalik nito. Nagawa pa nitong s****
[Samantha] Masama ang ipinupukol niyang tingin ngayon kay Zandro habang kumakain sila. Hindi na siya nakipagtalo pa rito dahil baka totohanin nito ang sinabi sa kanya. Sila lamang dalawa kaya hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin. Mabuti na iyong mag ingat muna siya sa kanyang galaw. Sa oras na makakita siya ng pagkakataong tumakas ay gagawin niya. Kailangan niyang makapagsumbong sa mga pulis tungkol sa ginawa nito. Dapat nitong pagbayaran ang kasalanan sa loob ng kulungan. Pigil niya ang sarili na huwag saksakin ito ng tinidor sa mukha dahil sa ginawa nito sa leeg niya. Halos punuin nito ang kiss mark ang kanyang leeg! Paano na lang kung mayro’ng makakita sa kanya na kapwa niya guro? Nakakahiya! Tiyak na pag uusapan siya ng mga ito. Iniwas niya ang tingin rito ng tumingin ito sa kanya. "Don't look at me like that, Sam. Gusto ko tuloy isipin na ako ang gusto mong kainin ngayon at hindi ang mga niluto ko." Nakangising turan nito na ikinaikot ng kanyang mata. Hindi na lam
[Samantha] Hindi niya nagawang sumagot. Nanlalamig siya sa takot. Naramdaman na lamang niya ang pag angat niya sa ere. Si Zandro ay buhat na siya ngayon habang tumatawa. Siya ay hindi napigilan ang maluha. Pigil na pala niya ang kanyang paghinga dahil sa takot. Tapos nagawa pa siyang tawanan nito? Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng tapang at nagawa niyang ipalibot ang braso sa leeg nito at saka madiin na kinagat ito sa pisngi. "Damn it, Sam! Let my cheeks go!" Reklamo nito. Mas idiniin niya ang pagkagat sa pisngi nito. Lintik lang ang walang ganti! Nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya ay bumitaw siya sa pagkagat sa pisngi nito at kinapa ang baril sa bulsa ng suot niyang pants. 'Looking for this?" Nakangising tanong nito na tila ba hindi nasaktan sa ginawa niya kanina. Napangiwi siya ng makita ang bakat ng ngipin niya sa pisngi nito. Tiyak siyang masakit ito, kaya paano nito nagagawang ngisihan siya? Umawang ang labi niya ng ibaba siya nito at ibinigay sa kanya a
[Samantha] Naiwan siyang tulala habang sinusundan ng tingin si Zandro. Kung umasta ito ay daig pa ang nobyo niya. Iba daw magselos? Ano ang karapatan nitong magselos 'eh wala naman talaga silang relasyon? Bukod pa ro'n ay labag sa loob niya ang pagsama rito, kaya wala itong karapatan na manduhan siya. Ang gwapo ni Miguel--- No, hindi lang si Miguel. Lahat ng mga kaibigan ni Zandro ay walang itulak kabigin sa angking kagwapuhan. Hindi kaya katulad ni Zandro ay mga baliw din ang mga ito? Napailing na lamang siya sa naisip. Kung ano-ano pa ang naiisip niya. Napabuga siya nang hangin ng maalala ang kaibigan na si Wina. Kung buhay lamang ito ay tiyak na matutuwa ito sa sasabihin niya na nakita niya ang artistang kinababaliwan nito. Inayos niya ang suot na loose pants bago sinubukan buksan ang pinto. Napangiti siya. Akala niya ay ila-lock ni Zandro ang pinto. Iniwan siya nito at hindi man lang ini-lock ang pinto. Mukhang abala ito dahil dumating ang mga kaibigan. Kailangan niyang
[Samantha] Napangiti siya ng tuluyan silang makalabas ng gusali ni Liam. Pakiramdam niya ay ngayon na lang uli siya nakalabas ng matagal na panahon. "Salamat, Liam, huh. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat at ibabalik ang kabutihang ginawa mo." Kumikinang ang mata na sambit niya. "You don't have to thank me, Samantha." Mahinang natawa si Liam. "Mas tama sigurong murahin mo ako." Makahulugan nitong wika. "Ha?" Naguguluhan niyang tanong. Pero imbis sagutin siya ay umiling-iling lamang ito habang may ngisi sa labi. Mayamaya ay mayro'ng sasakyan na huminto sa harapan nila. "Sumakay ka na. Ihahatid ka niya sa tamang lugar na dapat mong puntahan sa ngayon." Wika nito sabay bukas nang pintuan ng itim na van. Nag-atubili siyang sumakay. "Nakakahiya naman-" "Don't worry, hindi naman ako ang maniningil sa'yo." Agad na putol ni Liam sa kanya. Nangunot ang noo niya. Kanina pa niya napansin ang pahapyaw nitong mga sinasabi. Nagkibitbalikat na lamang siya at muling nagpasalama
[Samantha] "NASAAN TAYO?! SAAN MO AKO DINALA?!" Nanlalaki ang mata na tanong niya kay Zandro nang bumaba sila ng chopper. Nakaramdam siya ng kaba ng mapansin na wala siyang ibang makita kundi puro tubig. Mayro'ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang pangunahan ang nasa isip niya. "We're here in our paradise, Sam." Sagot nang binata na tila balewala ang nakikitang galit sa kanya. "D-Dinala mo ako sa islang ito without asking my permission?" Galit na wika niya. "What is wrong with you, Zandro?! Talagang nababaliw ka na ba?" Mangiyak-ngiyak na iniwan niya ito. "Sam, where are you going?" Nanlilisik ang mata na nilingon niya ang binata. "Sa lugar na wala ang baliw na tulad mo!" Aniya sabay takbo palayo rito. Mas lalo lamang nag alburuto ang dibdib niya sa inis nang marinig ang malakas na pagtawa nito. Nalaglag ang balikat niya habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Wala siyang natatanaw kundi tubig. Mukhang mauubusan muna siya ng hininga bago makarating sa kabilang isla, o k
[Samantha] Handa na sana siyang bulyawan ito nang matigilan siya. Nakatingin si Zandro sa kanya ngayon nang puno ng emosyon ang mata na hindi niya mapangalanan. Ang kulay asul na mata nito ay tila hinihipnotismo siya ngayon--- mahina niyang kinurot ang sarili para matauhan. Ano ba itong naiisip niya?! Hindi siya dapat magpadala sa magandang mata nito! "Masarap ba?" Tanong ng binata. "H-Huh?" Mahina itong natawa. "Namumula ka, Sam. Ako ba ang nasa isip mo ngayon? Mahal mo na ba ako?" Dumiin ang pagkagat niya sa karne habang iniisip na ito ang dinudurog niya ngayon. "Bakit naman kita iisipin? Hindi ka naman special para paglaanan ko ng espasyo sa utak ko." Aniya na may halong pang-aasar. Imbis maasar ay ngumisi lang ang binata. "Sa ngayon ay wala pa, Sam." Dumukwang ito at inilapit sa kanya ang mukha kaya napausod ang ulo niya. Nalunok pa niya ang karne nang buo. "Sa oras na may espasyo na ako ri'yan ay titiyakin ko na wala nang magiging laman 'yan kundi ako lang." Inabuta
[Samantha] Nang magising siya kinabukasan ay wala na si Zandro sa kwarto. Nakaligpit na ang higaan nito. Nang lumabas siya ay wala rin ito sa kusina at sala pero mayro'n nang pagkain na nakahanda para sa kanya. Mainit pa ang kape na nakatimpla sa tasa. Pagkatapos niyang kumain ay lumabas siya para maglibot. Sa paglalakad niya ay nakarinig siya nang mga boses. Nagulat siya nang makakita ng mga tao bukod sa kanya. Buong akala niya ay sila lamang dalawa ni Zandro ang narito sa isla. "Magandang umaga, ma'am Samantha!" Bati na lalaki na sinundan din agad ng babae. Sa tingin niya ay nasa trenta na mahigit ang edad ng mga ito. Natigilan siya. Kilala siya nang dalawa? "Nabanggit sa amin ni sir Zandro ang tungkol sa'yo, ma'am." Nabasa nang babae ang nasa isip niya kaya nagpaliwanag ito. "Na-ikwento ka sa amin ni sir. Tama nga siya, napakaganda mo." Papuri pa nang babae. Kimi siyang ngumiti. Mukhang mabuting tao naman ang dalawa. Gusto man niya magtiwala ay may pumipigil sa kanya. Hindi