[Samantha] Nang magising siya kinabukasan ay wala na si Zandro sa kwarto. Nakaligpit na ang higaan nito. Nang lumabas siya ay wala rin ito sa kusina at sala pero mayro'n nang pagkain na nakahanda para sa kanya. Mainit pa ang kape na nakatimpla sa tasa. Pagkatapos niyang kumain ay lumabas siya para maglibot. Sa paglalakad niya ay nakarinig siya nang mga boses. Nagulat siya nang makakita ng mga tao bukod sa kanya. Buong akala niya ay sila lamang dalawa ni Zandro ang narito sa isla. "Magandang umaga, ma'am Samantha!" Bati na lalaki na sinundan din agad ng babae. Sa tingin niya ay nasa trenta na mahigit ang edad ng mga ito. Natigilan siya. Kilala siya nang dalawa? "Nabanggit sa amin ni sir Zandro ang tungkol sa'yo, ma'am." Nabasa nang babae ang nasa isip niya kaya nagpaliwanag ito. "Na-ikwento ka sa amin ni sir. Tama nga siya, napakaganda mo." Papuri pa nang babae. Kimi siyang ngumiti. Mukhang mabuting tao naman ang dalawa. Gusto man niya magtiwala ay may pumipigil sa kanya. Hindi
[Samantha] Tumikhim siya at pasimpleng nagtanong. "Mabuti at nagawa ninyo tumagal rito ng asawa mo sa isla. Hindi niyo ba naisip na umalis rito? I mean, hindi niyo ba naisip na humanap ng ibang amo, o trabaho?" Hindi ba alam ng mag asawa ang lihim ni Zandro? "Isa ako sa mga babaeng niligtas noon ni sir. Sobra ang pasasalamat namin dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakatakas at magkakaroon ng masayang buhay ngayon. Alam ni Sonny ang pinagdaanan ko. Katulad ko ay nagpapasalamat din siya dahil niligtas ako ni sir. Kung hindi dahil kay sir ay hindi ako makakabalik sa piling ng asawa ko... utang namin ang buhay namin sa kanya. Simula noon ay pinangako namin sa aming sarili na magsisilbi kami sa kanya hanggang sa tumanda kami." Natigil sila sa pag uusap nang magpaalam na si Lourdes para sundan ang asawa. Naiwan siyang nakatingin kay Zandro. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang mga sinabi ng babae. Sa kwento nito ay parang mabuting tao si Zandro at malayo sa inaa
[Samantha] Tatlong araw na niyang iniiwasan si Zandro. Simula nang mangyari ang mainit na halikan sa pagitan nilang dalawa ay napag-isip-isip niya na kailangan niyang sumipilin ang nagsisimulang umusbong na pakiramdam sa dibdib niya. Nakagawa ito nang kasalanan sa kaniya--- No, hindi lang sa kanya, kundi maging sa mga mahal niya. Napahinto siya sa paghakbang nang makasalubong niya si Zandro. Nang gumilid siya para makadaan ito ay gumulid din ito. Panay ang gilid niya sa kanan at kaliwa--- at gano'n din ito. Kung hindi niya nakita ang ngisi sa labi nito ay aakalain niya na nagkataon lang 'yon at hindi nito sinasadyang harangan siya. Pero sadyang nang aasar ang loko. Gusto yatang makipag-patintero sa kanya. Gusto man niya na bulyawan ito ay nagpigil siya. Pinili niyang kumalma at hindi patulan ang ginagawa nito. Sigurado siya na hindi ito titigil at mas lalo lamang siyang aasarin nito kapag pumatol pa siya. Tinalikuran na lang niya ito at saka iniwan, pero hindi pa man siya nakaka
[Samantha] Kumapit ang kamay niya sa suot nitong damit. Mahina siyang napapadain6 sa ginagawa nitong pagsipsip sa balat niya. Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa kanya nang madilim ang mukha--- dahil sa pagnanasa. "Admit it, Sam. Aminin mo na hindi lang ako ang nakakaramdam nang pagnanasa sa ating dalawa." Gusto niyang sabihin na 'mali ito--- pero walang salitang lumabas sa labi niya. Hindi niya alam kung dala ba ang tuba na nainom niya kaya hindi niya magawang itanggi ang sinasabi nito, pero isang bagay ang tiyak niya--- Tama ito! "Uhmp---" Nang hindi siya sumagot ay naging hudyat iyon sa binata para angkinin ng mapusok ang labi niya na agad niyang ginantihan. Maski maliit na pagtutol ay wala siyang makapa--- ang nais lamang niya ngayon ay matugunan ang init na nagmumula sa katawan niya na binuhay ng binata. Itinulak siya ni Zandro sa ibabaw ng higaan at agad na hinalikan muli. Ang init! Parehong nag aapoy ang katawan nila sa tindi nang pagnanasa na nadarama nila. Habang
[Samantha] "Ma'am, ayos ka lang ba?" Saka lamang siya natauhan nang marinig ang boses ni Lourdes. Nitong nakalipas na dalawang araw ay wala siya sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na nagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Zandro. 'Dala lang siguro 'yon nang kalasingan niya' Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa isip niya. Pero sino ang niloloko niya? Aminin man niya, o hindi, hanggang ngayon ay naaalala niya ang bawat detalye nang nangyari. Mahina siyang bumuga nang hangin bago nakangiting tumango kay Lourdes. "Ayos lang ako." Aniya rito. Narito sila ngayon sa farm. Namimitas sila ng mga gulay. Tumagal sila nang halos apat na oras sa pamimitas. Dahil sa kaiisip sa binata ay hindi man lang siya nakaramdam ng pagod at gutom. Kung hindi pa sinabi sa kanya ni Lourdes na tanghalian na ay hindi pa siya makakaramdam ng gutom. Nang dumating sina Zandro kasama si Sonny ay agad siyang tumayo para lumayo. Sa totoo lang ay nahihiya siya sa nangyari, hindi lamang sa
[Samantha] "Ma'am, ang blooming mo lalo ngayon. Mas lalo kang gumanda." Humawak siya sa pisngi na ngayon ay namumula na dahil sa papuri ni Lourdes sa kanya. May panunuksong tumingin ito sa kanya. "Halatang masaya ka ngayon, ma'am. Hindi pilit ang ngiti mo hindi katulad noong una." Dagdag pa ng babae. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Tama si Lourdes. Masaya nga siya ngayon--- at syempre dahil iyon kay Zandro. Sa nakalipas na dalawang buwan niya rito sa isla ay tuluyan na siyang nahulog kay Zandro. Hindi na niya kaya pang kontrolin ang puso niya. Kaya ngayon ay hindi lang katawan niya ang naghahanap sa binata- maging ang puso rin niya. Magkahawak kamay silang dalawa na nagtungo ni Zandro sa cabin. Natigilan siya nang makita ang pagdilim ng mukha ng binata habang nakatingin sa unahan nila. Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito ay nakita niya ang isang lalaki. Pumilig ang ulo niya. Pamilyar ang mukha nang lalaki, pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nak
[Samantha] Totoo pala na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay tama ang pagkakakilala mo. Isa 'yon sa napatunayan niya ngayon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na isang lider ng sindikato si Jc, hindi lang lider, kundi isa rin itong napakasamang tao. Pinahid niya ang luha sa pisngi habang nakatingin sa karagagan. Narito siya ngayon sa tabi ng dagat, gusto niyang mapag isa. Hindi niya lubos akalain na ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ay siyang magdadala sana sa kanya sa kapahamakan. Gano'n ba siya kamangmang para hindi mapansin 'yon? Mahal lang ba talaga niya ito kaya nabulag siya? O talagang magaling lang ito magtago? Kung gano'n ito ang tinutukoy ng mga taong nagtangkang dumukot sa kanya. Hindi si Zandro ang binalak na kidnapin siya kundi si Jc mismo! Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa kamay at saka impit na umiyak. Mabuti na lang pala at ginawa ni Zandro ang lahat upang iligtas siya sa kamay ni Jc. Paano kung naikasal siya rito at nagtagumpay ito? Oo
[Samantha] Nanlaki ang mata niya ng makita si Jc na kararating lang. May bahid ng dugo ang kamay at damit nito. Ang dating matamis na ngiti na nakapaskil sa labi nito sa tuwing magkikita sila ay wala na--- napalitan ito ng nakakatakot na ngisi na kahit sino ay matatakot. Tinakpan niya ang bibig gamit ang dalawang palad. Takot na takot siya na makagawa ng ingay. 'Zandro, please... tulungan mo ako!' Piping usal ng utak niya. "Tuluyan niyo ang mga 'yan." Rinig niyang utos ni Jc sa mga kasama. "Hanapin niyo si Samantha at dalhin sa akin. Huwag niyo siyang sasaktan kundi ay papatayin ko kayo. Ano pa ang hinihintay niyo?! Hanapin niyo ang nobya ko at dalhin sa akin!" Utos ng binata na agad na sinunod ng mga tauhan nito. Marahan niyang hinubad ang suot na tsinelas para mas magaan ang pagtakbo niya at hindi makagawa ng ingay. Kahit nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot ay nagawa niyang magtago sa likod ng mga drum na naroon na mayro'ng nakapatong na mga lambat. "Boss, hindi