Share

36. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

"Ma'am, ayos ka lang ba?"

Saka lamang siya natauhan nang marinig ang boses ni Lourdes. Nitong nakalipas na dalawang araw ay wala siya sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na nagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Zandro.

'Dala lang siguro 'yon nang kalasingan niya' Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa isip niya. Pero sino ang niloloko niya? Aminin man niya, o hindi, hanggang ngayon ay naaalala niya ang bawat detalye nang nangyari.

Mahina siyang bumuga nang hangin bago nakangiting tumango kay Lourdes. "Ayos lang ako." Aniya rito. Narito sila ngayon sa farm. Namimitas sila ng mga gulay. Tumagal sila nang halos apat na oras sa pamimitas. Dahil sa kaiisip sa binata ay hindi man lang siya nakaramdam ng pagod at gutom. Kung hindi pa sinabi sa kanya ni Lourdes na tanghalian na ay hindi pa siya makakaramdam ng gutom.

Nang dumating sina Zandro kasama si Sonny ay agad siyang tumayo para lumayo. Sa totoo lang ay nahihiya siya sa nangyari, hindi lamang sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status