[Zandro] Ang kalmadong awra ni Zandro kanina ay palabas lamang nito. Matagal na nitong hawak ang master list pero nagdesisyon ito at ang kanyang ama na itago muna ang bagay na ‘yon. Hindi gusto ng mag ama na mabahala ang mga malalaking personalidad at mataas na opisyal na nakalista dito. Gusto nilang mahuli ang lahat ng mga may kinalaman sa illegal na negosyo ni Jc at mapanagot sa batas ang mga ito. Hindi mangyayari ‘yon kung ilalantad agad nila ang tungkol sa hawak nila. Pero para malaman kung sino ang traydor ay naglabas siya ng pekeng dokumento— at tama nga ang binata. Kakagat ang kasabwat ni Jc Gusto lamang niyang malaman kung tama ang hinala niya at hindi nga siya nagkamali! Si SPO2 Madril ang kasabwat ni Jc. Naghinala na siya rito ng malaman niya na ito lang ang naglalabas-masok sa selda ni Jc bago ito nakapuslit ng gagamiting cellphone at nakatakas sa kulungan. Ayon din kay SPO3 ay nakita umano nito si Olga na nakikinig sa kanilang usapan na dadalhin na niya sa isla si Samant
[Zandro] Dumating ang grupo nila Zandro bago pa makarating sa pier ng Indonesia ang yateng sinasakyan ni Jc at ng mga tauhan nito. Bago nila pinasok ang yate ay siniguro nilang hindi makakapagbigay ng babala ang mga tauhan ni Jc sa labas at sa iba pang yate kung saan sakay ang maraming tauhan ni Jc. Natuklasan nila ang plano ni Jc dahil nagsalita na si SPO2 Madril. Ayon sa babaeng pulis ay nagbabalak na dumaong sa Indonesia si Jc at dito sasakay ng chopper papunta ng Australia. Nahuli na ang mga tauhan ni Jc, habang ito ay walang kamalay-malay na ini-isa-isa na nila ang mga tauhan nito. Sa dami ng mga yate ay hindi agad nila nahanap si Samantha dahil kahit isa sa mga tauhan ay walang naglakas loob na magsalita. Duguan, d*******g, at naabutan niyang sinasaktan ni Jc si Sam, dahil doon ay tila nagdilim ang paligid niya. All he wanted to do right this moment is to kill this bastard! He immediately punched Jc’s face repeatedly. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na gumanti sa kany
[Samantha] Araw-araw ay dumadaan sila sa grocery store para mamili ng mga ingredients sa pagluluto. Ganito ang routine nila araw-araw. Kapag susunduin siya nito sa apartment niya ay mas maaga. Para makapagluto pa siya at sabay silang mag almusal. Pagkahatid naman nito sa pag uwi niya ay nagluluto din silang dalawa para sabay na magdinner. Habang nakasunod siya kay Zandro na abala sa pagpili ng mga ingredients sa lulutuin ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Daig pa nito ang babae habang namimili. Talagang sinusuri nito ang mga gulay at prutas kung talagang fresh, maging sa karne ay gano’n din ito. Katulad ng palaging nangyayari ay nakatulala ang mga kababaihan at halos tumulo ang laway habang nakatingin kay Zandro. Bakas ang paghanga sa mukha ng mga ito na para sa nobyo niya. Sino ba ang hindi? Kahit sino ay mapapahanga talaga at tutulo ang laway sa binata. Semi-kalbo ang gupit nito na may guhit sa gilid papunta sa kilay. Matangos ang ilong, perpekto ang prominenteng panga. H
[Samantha] Pagkatapos niyang magpabango ay nagsuot na siya ng flat sandal. Bago lumabas ay dinala niya ang sling bag niya. Ngayong araw ay dadalo siya sa kasal ng isang co-teacher niya. Abala si Zandro sa bago nitong misyon kaya hindi siya nito maihahatid. Habang sakay ng elevator ay inayos niya ang buhok— natigilan siya ng mapansin ang kasabay niya sa elevator na balot na balot. Naka-jacket ito ng itim, mask, pantalon, at sumbrero. Ang init naman nang panahon pero balot na balot ito. Muli niyang itinuon ang ginagawa sa pag ayos ng buhok. Nang palabas na siya ng elevator ay nakipag unahan pa ang lalaki kaya muntik na siyang matumba. Para hindi pagpawisan ay taxi ang sinakyan niya papunta ng simbahan. Habang nagpapalitan ng wedding vows ang dalawa ay marami ang umiyak. Maging siya ay hindi maiwasan ang maluha lalo na't ang ganda ng pangako ng dalawa sa isa't isa. Eh siya kaya? Kailan kaya siya papakasalan ni Zandro? Napailing na lang siya sa naisip niya. Kasal agad ang nasa
[Zandro] Galit na galit sinuntok ni Zandro sa mukha ang mga pulis na inutusan niyang puntahan ang nobya. Galing pa siya sa isang misyon. Pero ng mabasa niya ang tungkol sa report ng kasamahan nilang pulis na hindi kasama si Basilyo sa mga tauhan ni Jc na namatay at nakulong ay agad siyang nakaramdam ng kaba. Nakilala niya si Basilyo ng pumasok siya sa organisasyon ni Jc. Malupit ito at ganid sa lahat. Alam niyang gagawa ito ng paraan para makakuha ng malaking pera kay Jc. Handa nitong gawin kahit ano basta may kinalaman sa pera. “Pasensya na, Lieutenant.” Pinahid ni Spo3 Sulinap ang labi na dumudugo. Naiintindihan nito ang nararamdaman ng kaharap na binata. Kundi sila nahuli ng dating ay baka nailigtas pa ng mga ito ang dalaga. “Damn!” Malakas na sigaw ni Zandro na pinipigilan ang sarili na huwag umiyak. Huling misyon na niya ang ginagawa niya ngayon. Pagkatapos nito ay handa na siyang lumagay sa tahimik kasama si Samantha. Nakahanda na ang lahat, ang lugar kung saan siya magpo-
[Samantha] Ngumisi si Basilyo sa kanya. “It showtime!” Ani nito bago siya kinaladkad palabas ng kwarto habang nakahawak sa kanyang buhok. Gustuhin man niyang magreklamo ay nanahimik na lang siya at nagtiis. Matatapos din ang paghihirap niya dahil nariyan na si Zandro para iligtas siya. “Let her go assh0le!” Naggagalawan ang panga na sigaw ni Zandro ng makita siyang hawak sa ulo ni Basilyo. Humalakhak si Basilyo na parang isang biro ang sinabi ni Zandro. “Sa tingin mo ay makakaligtas pa ngayon sa lugar ‘to?” Umawang ang labi niya ng makita ang isang hubad na babae sa isang gilid na sa tingin niya ay labing anim na taon pa lang. Hindi niya mapigilan ang maluha ng makitang hubad ito at puro pasa ang katawan. “T-Tulong po…. T-Tulungan niyo po ako.” Umiiyak na pagmamakaawa ng dalagita. Halatang wala na itong lakas para tumayo pa, tanging mahinang pag ungòl na lang ang tangi nitong nagawa. “Mga walang hiya kayo! Ano ang ginawa niyo sa kanya!” Galit na galit siya. Sa sobrang galit niya
[Samantha] “Samantha, totoo ba ang balita na nagdi-date kayo ni Peter?” Natigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop at nilingon ang kapwa niya guro na si Mila. “Saan mo naman nalaman ang balitang ‘yan?” Kunot ang noo na tanong niya. “May nakakita kasi sa inyo na magkasama sa isang Coffe Shop.” Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng nagdududang tingin. “So, kayo na nga?” Umiling siya bago muling ibinalik ang mata sa ginagawa. “No, we’re just friends. Napadaan lang ‘yong tao ‘date’ agad?” Ang bilis talaga kumalat ng tsismis. Minsan parang gusto niya ng maniwala na may pakpak talaga ang balita. “So, may pag asa na si Troy?” Toto-ngiti na tanong nito. Pinsan nito si Troy. Nakilala niya ang binata ng imbitahan siya ni Mila na dumalo sa birthday celebration nito sa bahay nito. Hindi na lang siya nagsalita at mahinang napatawa na lang. kinuha niya ang tumbler at saka uminom ng lemon juice ng magsalita ito. “Bagay na bagay kayo nang pinsan ko, Samantha. Teacher ka, pulis naman
[Samantha] “MAGNANAKAW!!!” Napahinto siya pagpili ng gulay— maging ang mga tao sa paligid ay gano’n din. Handa na sanang saklolohan ng mga kalalakihan ang matandang babae ng magsalita muling sumigaw ito. “Magnanakaw ng puso! Jusko, ang gwapo mo namang binata ka! Dayo ka ba sa lugar namin? Binata, pamilyar ka, parang nakita na kita hindi ko lang matukoy kung saan.” Napapakamot sa ulo na dugtong ng matanda. Akala nila ay nangangailangan ito ng tulong— ‘yon pala ay nakakita lang ng gwapo. “Si manang Lolits talaga, oh! Ang tanda na, pero kapag nakakakita ng gwapo ay naglalaway pa!” Palatak nang isang tindera. “Miss, ito lang ang bibilhin mo?” Tanong ng tindera. Napatitig siya sa matangkad na lalaking nakatalikod sa pwesto niya. Nakasuot ito nang kulay itim na jacket na may hoodie, loose pants, at crocs na tsinelas. Mga 6’2 ang height, malapad ang likod, bakas ang matipunong braso. Parang si Z— “Miss, aba, wag mo naman durugin ang kamatis na tinda ko,” Reklamo ng tindera