[Samantha] Marahan niyang hinilot ang batok habang nakatingin sa pagkain na nasa harapan niya. Inabot sa kanya ito ni Mila. Galing daw kay Troy. Tatlong araw na siyang pinapadalhan ng pinsan ni Mila ng pagkain. Tumatanggi siya at hindi ito tinatanggap. Ayaw niya kasi na magbigay ito ng dahilan para umasa sa kanya ang binata. “Sinabihan ko talaga si Troy na damihan dahil napapansin ko na palagi kang wala sa sarili at matamlay. Kailangan mo ng masustansyang pagkain para healthy ka palagi!” Ngiting-ngiti na umupo si Mila sa tabi niya. “Ang bait ng pinsan ko, noh? Kahit busy siya sa tungkulin niya ay hindi ka pa rin niya nakakalimutan. Saka talagang inaalala niya palagi ang kalusugan mo.” “Mila, ayaw kong umasa ang pinsan mo kaya tigilan mo na ang pagreto mo sa kanya.” Mukhang mabait naman si Troy. Pero wala talaga sa plano niya ang pumasok sa isang relasyon. Lalo na sa isang pulis. “Samantha, please. Give him a chance. Alam mo, minsan lang magkagusto si Troy sa isang babae. At la
[Samantha] Nagpatuloy sa panliligaw sa kanya si Troy. Wala siyang makitang mali sa ugali nito. Pati ang buong pamilya nito ay mabuti rin. Ang mama niya ay mukhang masaya din sa kanya. Mukhang ngayon pa lang ito naniniwala na naka-move on na siya kay Zandro. “Anak, ihatid mo nga ito do’n sa kabilang bahay.” Kumunot ang noo niya ng makitang mga bagong punda, unan, at kumot ito. “May bagong nangungupahan, ma?” Mayro’n kasing tatlong bahay ang kapatid ng mama niya. Ang tatlong ‘yon ay pinapaupahan sa mga dayo sa murang halaga para may pansamantalang matutuluyuan ang mga ito. “Oo, anak. Mukhang artista nga e, ang gwapo kasi.” Bulong pa nito. Napailing na lang siya at mahinang natawa. Mukhang gwapo nga talaga ang nangungupahan dahil pinuri ito ng kanyang ina. Hindi kasi ito ang tipo na pupuri ng isang tao ng basta-basta. Nang malapit na siya bahay-paupahan ay nakita niya ang paglabas ng isang lalaki rito. Muntik ng malaglag ang panga niya ng makilala ito— si Zandro! Mabilis an
[Samantha] Tumaas ang kilay niya ng makita na tumatawa ang mama niya habang kausap si Zandro. Kung noon na sila pa ay baka matuwa pa siya dahil mukhang magaan ang loob dito ng ina niya. Hindi katulad kay Jc hindi nito nagustuhan. Pero ngayon ay wala siyang makapang tuwa sa dibdib. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng tumuloy rito si Zandro. Sa loob ng dalawang buwan ay wala itong ginawa kundi magpalakas sa mama niya at kausapin siya. Pero syempre ay hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon. Asa! Hindi na siya madaling mabola ngayon, noh! "Anak!" Natigil siya sa panonood at agad na nagtungo sa kusina para puntahan ang mama niya. "Mamili ka sa talipapa," Ani ng mama niya sabay abot ng listahan sa kanya. "Bilhin mo lahat 'yan. Napilay si Pablo sa pagbabasketball kaya hindi siya makakapamalengke." Tukoy nito sa pinsan niya. "Ang tita mo ay hindi pwede iwan ang tito mo kaya ikaw na muna ang mamili. Birthday ng tito mo kaya maghahanda tayo." Hindi pwedeng iwan ng tita
[Samantha] Mas lalong nalukot ang mukha niya sa narinig. Mukhang hindi nito napansin na may ibang tao rito bukod sa binata. Tumikhim siya. "Ako gusto ko ng tubig. Bibigyan mo ba ako?" Tumingin lang sa kanya si Jennilyn at binigyan siya ng tingin na 'Wag kang magulo dahil naglalandi pa ako' look. "No." Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa ng marinig ang maikling sagot ni Zandro rito. Mas lalong iniliyad ni Jennilyn ang dibdib. "Eh ano ang gusto mo?" Tanong pa nito. Napangiwi siya. At nagawa pa talaga nitong magpabebe ng boses? Napailing-iling na lang siya. Nang tumingin siya kay Zandro ay nagkasalubong ang mata nilang dalawa. 'I want you' Muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan dahil kahit hindi bumubuka ang bibig ng binata ay parang 'yon ang nababasa niya sa tingin nito. Tila naririnig pa niya ang sinasabi nito sa utak niya! "Jennilyn!" Tawag niya sa kaibigan. Humawak siya sa dibdib, "A-Ako kailangan ko ng tubig!" Nataranta naman ito ng mapansin na namumul
[Samantha] Masamang tiningnan niya si Pablo. Nang makita nito ang masama niyang tingin ay nagmamadali itong tumakbo palayo. “Hoy! Walanghiya ka!” Akmang hahabulin na niya ito pero mabilis pa sa kabayong nakalayo ito. Ang sabi ng mama niya ay may pilay ito? Pero bakit mukhang mas malakas pa ito sa kalabaw at mas mabilis pa sa kabayo?! Tinamad lang ba ‘to kanina? Mas lalong napabusangot ang mukha niya. Kailan pa naging tamad ang pinsan niya? Aba, sa sobrang sipag nga nito ay kulang na lang lahat ng trabaho ay akuin na nito. Dahil rito ay nakasama niya nang matagal si Zandro! Bwisít kang Pablo ka. Sasakalin niya talaga ang pinsan niya kapag nahuli niya ito. Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkirot ng isa niyang kamay. Nang tingnan niya ito ay tama nga siya— namamaga na ito ngayon. Mabuti na lang at maraming kapitbahay ang tumulong sa mama niya para magluto. Kung walang tumulong rito ay tiyak na mahihirapan ito, lalo na’t hindi niya ito magagawang tulungan dahil sa kamay niya. Ab
[Samantha] Paano na lang kapag nahuli sila ng mama niya na nag uusap dito sa kwarto? Eh di mag iisip pa ito ng hindi maganda. Saka ayaw niyang ipaalam dito na ex niya si Zandro. Sigurado na maraming magiging tanong ito tungkol sa dahilan ng paghihiwalayan nilang dalawa. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari— Ang maungkat ang tungkol sa kasalanan na nagawa ni Zandro sa kanya. Nagpalinga-linga ang mama niya. “Parang naririnig kong may kausap ka kanina. Akala ko tuloy ay kausap mo si Zandro.” Agad na pinahid niya ang pawis sa noo gamit ang kamay na may sugat lang. Napangiwi siya ng kumirot na naman ang kamay niya. “A-Ano naman ang gagawin ni Zandro sa kwarto ko.” Aniya na kunwari ay natatawa. “Inutusan ko kasi siya na hatiran ka ng pagkain. Busy kasi ako kanina dahil kausap ko si Troy. Nang utusan ko si Pablo ay ayaw naman. Baka hindi daw siya makalabas ng buhay dito sa kwarto ko.” Aba, mabuti at naisipin ng pinsan niya ‘yon. Talagang malilintikan talaga ito sa kanya kapag lumapit it
[Samantha] “Ano ba, Zandro!” Kanina pa niya hinihila ang kamay na nilalagay nito sa bewang nito. Aba, hinatid-sundo lang siya ‘gusto pa atang may bayad na yakap mula sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwag bukas kay Mila ang mga sinabi ng binata kanina. Tiyak na magtataka ‘yon at mag iisip na baka mayro’ng namamagitan sa kanila. Dahil hindi tinitigilan ng binata ang kababalik sa kamay niya sa bewang nito ay pinagbigyan na niya— Paano kasi ay bumibitaw ito sa scooter. Ayaw naman niyang madisgrasya sila. Di naging kasalanan pa niya. Nag init ang pisngi niya ng madama ang mainit na likod nito sa dibdib niya. ‘My god! Biglang uminit bigla!’ Napaikot-mata na lang siya ng marinig ang pagkanta ni Zandro. Mukhang natutuwa ito dahil magkadikit ang katawan nila. Habang papalapit sila sa kanilang bahay ay natanaw niya ang mama niya at ang tito niya. Mabilis na inalis niya ang pagkakapulupot ng mga kamay sa bewang ng binata. Mabuti na lang at busy sa pag uusap ang dalawang matanda
[Samantha] Malungkot siyang umiling. “Gustuhin ko man, Troy, pero hindi ko kaya. Ayokong lokohin ang sarili ko at paniwalain na kaya kitang mahalin. Hindi pa talaga ito ang tamang panahon para buksan ang puso ko sa iba… hindi ko pa talaga kaya.” Mas mainam na ang ganito kaysa ang paasahin niya ito. “Siya pa rin ba?” Bigla ay nag iba ang timpla ng mukha ni Troy. Napakadilim ng mukha nito at tila naging mabangis na hayòp kaya bahagya siyang napaatras. “I’m sorry.” Hingi ng paumanhin ni Troy bago bumuga ng hangin. “I was talking about your ex. Nabanggit kasi sa akin ng mama mo na may ex kang manloloko at muntik kang gawan ng masama noon. Kung ako sa’yo ay kalimutan mo na sila, Samantha. You deserve to be happy… at magiging masaya ka lang sa akin.” Sobrang kaba ang nararamdaman ng dibdib niya ngayon. Hindi dahil sa kilig, o tuwa sa sinabi nito— Kundi dahil sa sinabi nito tungkol sa mga ex niya! Kailanman ay hindi niya sinabi sa mama niya ang tungkol sa ginawa ni Jc at Zandro sa kanya