♥️
[Samantha] Masamang tiningnan niya si Pablo. Nang makita nito ang masama niyang tingin ay nagmamadali itong tumakbo palayo. “Hoy! Walanghiya ka!” Akmang hahabulin na niya ito pero mabilis pa sa kabayong nakalayo ito. Ang sabi ng mama niya ay may pilay ito? Pero bakit mukhang mas malakas pa ito sa kalabaw at mas mabilis pa sa kabayo?! Tinamad lang ba ‘to kanina? Mas lalong napabusangot ang mukha niya. Kailan pa naging tamad ang pinsan niya? Aba, sa sobrang sipag nga nito ay kulang na lang lahat ng trabaho ay akuin na nito. Dahil rito ay nakasama niya nang matagal si Zandro! Bwisít kang Pablo ka. Sasakalin niya talaga ang pinsan niya kapag nahuli niya ito. Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkirot ng isa niyang kamay. Nang tingnan niya ito ay tama nga siya— namamaga na ito ngayon. Mabuti na lang at maraming kapitbahay ang tumulong sa mama niya para magluto. Kung walang tumulong rito ay tiyak na mahihirapan ito, lalo na’t hindi niya ito magagawang tulungan dahil sa kamay niya. Ab
[Samantha] Paano na lang kapag nahuli sila ng mama niya na nag uusap dito sa kwarto? Eh di mag iisip pa ito ng hindi maganda. Saka ayaw niyang ipaalam dito na ex niya si Zandro. Sigurado na maraming magiging tanong ito tungkol sa dahilan ng paghihiwalayan nilang dalawa. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari— Ang maungkat ang tungkol sa kasalanan na nagawa ni Zandro sa kanya. Nagpalinga-linga ang mama niya. “Parang naririnig kong may kausap ka kanina. Akala ko tuloy ay kausap mo si Zandro.” Agad na pinahid niya ang pawis sa noo gamit ang kamay na may sugat lang. Napangiwi siya ng kumirot na naman ang kamay niya. “A-Ano naman ang gagawin ni Zandro sa kwarto ko.” Aniya na kunwari ay natatawa. “Inutusan ko kasi siya na hatiran ka ng pagkain. Busy kasi ako kanina dahil kausap ko si Troy. Nang utusan ko si Pablo ay ayaw naman. Baka hindi daw siya makalabas ng buhay dito sa kwarto ko.” Aba, mabuti at naisipin ng pinsan niya ‘yon. Talagang malilintikan talaga ito sa kanya kapag lumapit it
[Samantha] “Ano ba, Zandro!” Kanina pa niya hinihila ang kamay na nilalagay nito sa bewang nito. Aba, hinatid-sundo lang siya ‘gusto pa atang may bayad na yakap mula sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwag bukas kay Mila ang mga sinabi ng binata kanina. Tiyak na magtataka ‘yon at mag iisip na baka mayro’ng namamagitan sa kanila. Dahil hindi tinitigilan ng binata ang kababalik sa kamay niya sa bewang nito ay pinagbigyan na niya— Paano kasi ay bumibitaw ito sa scooter. Ayaw naman niyang madisgrasya sila. Di naging kasalanan pa niya. Nag init ang pisngi niya ng madama ang mainit na likod nito sa dibdib niya. ‘My god! Biglang uminit bigla!’ Napaikot-mata na lang siya ng marinig ang pagkanta ni Zandro. Mukhang natutuwa ito dahil magkadikit ang katawan nila. Habang papalapit sila sa kanilang bahay ay natanaw niya ang mama niya at ang tito niya. Mabilis na inalis niya ang pagkakapulupot ng mga kamay sa bewang ng binata. Mabuti na lang at busy sa pag uusap ang dalawang matanda
[Samantha] Malungkot siyang umiling. “Gustuhin ko man, Troy, pero hindi ko kaya. Ayokong lokohin ang sarili ko at paniwalain na kaya kitang mahalin. Hindi pa talaga ito ang tamang panahon para buksan ang puso ko sa iba… hindi ko pa talaga kaya.” Mas mainam na ang ganito kaysa ang paasahin niya ito. “Siya pa rin ba?” Bigla ay nag iba ang timpla ng mukha ni Troy. Napakadilim ng mukha nito at tila naging mabangis na hayòp kaya bahagya siyang napaatras. “I’m sorry.” Hingi ng paumanhin ni Troy bago bumuga ng hangin. “I was talking about your ex. Nabanggit kasi sa akin ng mama mo na may ex kang manloloko at muntik kang gawan ng masama noon. Kung ako sa’yo ay kalimutan mo na sila, Samantha. You deserve to be happy… at magiging masaya ka lang sa akin.” Sobrang kaba ang nararamdaman ng dibdib niya ngayon. Hindi dahil sa kilig, o tuwa sa sinabi nito— Kundi dahil sa sinabi nito tungkol sa mga ex niya! Kailanman ay hindi niya sinabi sa mama niya ang tungkol sa ginawa ni Jc at Zandro sa kanya
[Samantha] Habang kumakain sila ay ramdam niya ang paninitig ni Zandro sa kanya. Nang pandilatan niya ito ng mata ay kinindatan lang siya nito. Mukhang sa kanilang dalawa ay siya lang ‘tong natatakot na baka makita ng mama niya ang titigan nilang dalawa. “Siya nga pala, anak, aalis ako at baka tatlong araw akong mawala. Pupunta ka sa karating bayan para bisitahin ang kaibigan namin ni tito mo na may sakit.” Nakangiting bumalimg ang mama niya kay Zando. “Zandro, ikaw na muna ang bahala sa anak ko, ha? Wag mong pababayaan ang anak ko… alam mo naman ang pwede ko sayong magawa di’ba?” Muntik na niyang maibuga ang laman ng bibig. Ngayon lang niya narinig na nagbanta ang mama niya sa isang lalaki. Napangiti na lang siya. Habang nag iimpake ang iilang gamit ang mama niya ay nagbilin lang ito sa kanya na huwag lumabas ng mag isa, at wag magpagutom. Binilin pa siya nito kay Zandro bagi umalis na ikinaikot na lang ng mata niya. Nang makaalis ang mama niya ay nagkulong siya sa kwarto pagka
[Samantha] “A-Ano?” Hindi makapaniwalang bulalas niya. “H-Hiwalay na tayo kaya wag mo akong—“ “Hindi ako pumayag na maghiwalay tayo, Sam. I let you go and leave me because I want your mind and heart to cure from pain I’d cause you. Alam ko na masasaktan ka hangga’t nakikita mo ako habang hindi pa naghihilom ang sugat sa ginawa ko. Ginawa ko rin ang misyon na kailangan kong gawin para hindi na tayo magugulo pa ng kahit sino.” Misyon? Naguguluhan siya. Ano ang ibig nitong sabihin. “Magsimula tayong muli, Sam.” Nakikiusap ang mga mata nito. Hindi niya magawang magsalita. Gulat pa rin siya sa nalaman niya. Hindi niya akalain na siya ang babaeng tinutukoy nito na nobya. Napasinghap siya ng naramdaman ang paglapat ng mainit na bagay sa labi niya— Sakop ng tila uhaw na uhaw na labi ni Zandro ang labi niyang bahagya pang nakaawang. Hindi niya ito itinulak, bagkus ay tinugon niya ang halik nito ng may kasamang pananabik. Hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili dahil maski ang utak ni
[Samantha] “Ano ang ibig sabihin nito?!” Dumagundong ang malakas na boses ng kanyang ina na ikinagulat nila pareho ni Zandro. Ilang beses siyang napalunok ng marahas ng mapagtanto na wala silang saplot sa ilalim ng kumot. “M-Ma, a-ano kasi…” Oh god! Ang sabi ng mama niya ay tatlong araw mawawala. Bakit narito na ito ngayon?! Hindi niya alam kung paano ‘to ipapaliwanag sa mama niya. Nang tumingin siya kay Zandro ay hindi man lang niya ito nakitaan ng pagkataranta. Nakangiti pa ang loko! “Handa akong panagutan si Samantha, mama.” Muntik ng malaglag ang panga niya sa sinabi ni Zandro. Samantalang ang mama naman niya ay tila nakahinga ng maluwag. “Aray naman, ma!” Reklamo niya ng hampasin siya sa braso ng stick ng mama niya. “Pagkatapos niyong magbihis ay lumabas kayong dalawa.” Seryosong wika nito bago sila iniwan. Masama niyang tiningnan si Zandro. “Anong pananagutan ang sinasabi mo d’yan kay mama? Nababaliw ka na ba?” “What do you want me to say? You want me to say ‘It’s
[Samantha] “Bye, darling! I missed you already!” Natampal niya ang noo ng makitang napatingin ang lahat ng mga estudyante at kapwa niya guro sa kanila dahil sa malakas na pagsigaw ni Zandro. Tiyak na madadagdagan na naman ang tsismis tungkol sa kanya. “I missed you so much, babe. Wag kang mag alala dahil ginagawa ko ang lahat ng utos mo.” Natigil siya sa paghakbang nang marinig ang boses ni Mila. Nang sumilip siya ay nakita niyang may kausap ito sa phone. Kung gano’n ay may nobyo na ito? Kung gano’n ay bakit nito ginugulo si Zandro? “Basta tumupad ka rin sa usapan natin na ibibigay mo sa amin ang pinangako mo. Mahal kita pero kailangan namin ‘yon ni Troy. Kaya kami pumayag sa gusto mo ay dahil do’n kaya wag mo kaming gagagühin.” Iyon ang narinig niya bago siya tuluyang nakalayo rito. Pagdating sa classroom niya ay napansin niya ang mga bulaklak na nakapatong sa desk niya. Galing lahat kay Troy. Pagkahapon ay nagsi-uwian na ang lahat ng mga estudyante. Natigil siya sa paghah